Share

Kabanata 3

Sam/Clyde's Pov

Tinulungan ako ni Silvia na tumayo ng bumaba ako sa kama, ngayong araw na ako makakaalis dito sa hospital.

Kasama niya palagi ang mga tauhan niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit nandito na naman sila ngayon, dinala ng isang lalaki ang bagahe na kung saan nandon ang mga damit na ginamit ko.

Pagkalabas namin sa kwarto ay pinalibutan kami ng kaniyang mga tauhan sa di mawaring dahilan, they protecting us ngunit ng makalabas na kami ay don kolang napagtanto kung bakit nakapalibot sila.

Merong nga paparazzi ang nag-aabang saamin. Ang iba naman ay may dalang Mic at camera kaya panay tulay ng mga tauhan ni Silvia sa kanila.

"Mrs Kill, totoo po ba na balak patayin ang asawa mo?"

"Dahil po ba sa mga kaaway niyo kaya sinaksak ang asawa niyo?"

"Muntik na raw mamatay si Mrs Clyde Kill, ano po ang totoong nangyari?"

"Anong balak niyong gawin Mrs Kill sa pagtangkang patayin ng asawa niyo?"

Rinig kong mga tanong nila, hindi ko alam kung pano nila nalaman. Ganito ba kasikat si Silvia kaya maraming nakaalam or sadyang sa public place nangyari nong araw na sinaksak si Clyde.

Hindi siya sumagot sa mga katanungan ng mga paparazzi kundi dumiretso lang siya sa paglalakad at walang kahit isa siyang pinansin.

I was so shock dahil sobrang ganda ng mga sasakyan, hindi lang isa kundi lima.

Binuksan ng lalaki ang pinto ng Van at doon ako inalalayan ni Silvia na umupo habang siya naman ay sa kabila pumasok ngunit sa tabu korin naman.

Umalis na kami at iniwan ang mga taong nagtatanong tungkol sa nangyari saakin. Habang nasa byahe kami ay namangha talaga ako dahil sobrang ganda na ng mga building.

Hindi ito kagaya noon na iilan lang na sasakyan ang dumadaan sa kalsada at mga building, pero ngayon ay sobrang dami na mga building at sobrang taas pa nito. Aabot ata ng twenty plus na floor.

Makaraan ng ilang minuto naming byahe ay dahab dahan na ang pagtakbo ng Van hanggang sa huminto na ito sa isang napaka laki at ganda na bahay.

Hindi na siguro ito bahay dahil sa sobrang laki, kung sa time namin ang tawag dito Mansion. Ewan ko lang sa kanila kung ano ito.

Biglang bumukas ang gintong tarangkahan kahit na wala namang tao na nagbukas nito, isa isang pumasok sa mga sasakyan hanggang sa nakalapit na kami sa Mansion na kung saan ay straight talaga sa pintuan.

Binuksan ng lalaki ang pinto ko kaya lumabas ako ngunit pinigilan niya ako kaya umupo ulit ako, yun pala ay si Silvia ang nag-abot ng kamay saakin at inalalayan akong bumaba.

Sobrang dami naman ng kasambahay ang nagsilinya sa parehong tabi.

"Welcome back Mrs Kill," Bati ng mga ito.

Hindi ko alam kung sino saaming dalawa ang binati nila pero parang kami atang dalawa.

Hinawakan niya ang braso ko at pumasok na kami, nv nasa loob na kami ay namangha tuloy ako sa sobrang kinis at liwanag sa loob.

Sobrang yaman talaga nila, siguro ang bahay namin pang fifty times siguro dahil hindi naman masyadong kalakihan non.

Pero sabi ni mama, kahit maliit ang bahay namin ay masaya naman kami. Meron daw kasing mayayaman na kahit sobrang laki ag marami ang kanilang pera, wala naman daw silang happiness kase ang habol lang ng mga tao sa kanila ay pera.

"Welcome back Hon." Bulong nito saakin.

She pull me by my waist at binigyan ng mumunting halik ang leeg ko.

Nakit ko na dahan-dahang lumabas ng tahimik ang mga tauhan nitong lalaki habang ang mga kasambahay naman ay isa-isang nagsipasok.

Siguro gagawin na nila ang kanilang trabaho, biglang pumasok sa isipan ang isang imahe.

Palagi palang malambing si Silvia kay Clyde kaya pala palagi niya akong inaalalayan at hindi man lang ako pinayagan kanina na bumaba hanggat hindi siya ang mag-aalalay saakin.

I'm still 14 ng namatay ako dahil kay Blue while si Clyde naman ay 19. Magkalapit lang ang edad namin pero wala akong alam sa iba pa dahil limitado lang na alaala ang binigay niya.

Habang patuloy lang siya sa pagbibigay ng mumunting halik sa leeg ko ay siyang mahinang pag tulak ko sa kaniya.

Mas malakas na ang nagawa kong pagtulak sa kaniya ng biglang sumigaw ang anak niya.

"Mama!"

Silvia rolled her eyes bago ako binigyan ng huling halik sa labi before she let me go.

Tumakbo papapunta saamin si Cidny habang may dala itong laruan na barbie, I really love kids kaya itinulak kopa si Silvia at kinarga si Cidny.

"Kamusta kana?" Tanong ko sa kaniya.

Kinaway kaway pa niya ang laruan sa harap ko kaya napangiti ako ng malawak.

"I'm okay, Mama. Mommy don't want me to visit you that's why I didn't see you for day's." Sagot naman ng bata.

Nilingonan ko si Silvia at she rolled her eyes again, napaka m*****a niya. Pati bata ba naman pinapatulan.

"How's rude, naglalaro kaba?Gusto mo samahan na kita?" Tanong ko.

Dali dali naman siyang tao at sobra pangang natuwa sa alok ko.

"Okay, mauna ka muna. Susunod nalang ako." Sabi ko at ibinaba siya.

Umalis na ito at nagmamadali pa sa sobrang excited, ng mawala na sa paningin namin si Cidny ay muli akong lumingon sa kaniya.

"You never carry Cidny until now." Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses.

Kahit na medyo may pagka m*****a niya ay meron din naman siyang kabaitan na natitira. Bigla kong naalala ang memorya ni Clyde.

Hindi niya pala kinakarga si Cidny since birth at never niyang kinausap ang bata, palagi din siyang rude kay Silvia pero mabait siya sa kaniyang mga kaibigan.

Why can't she love her back, sa 6 years nilang pagsasama ay hindi man lang siya nagkagusto kay Silvia?

Silvia is Beautiful, Hot, napaka attractive, at higit sa lahat ay maasikaso.

Mas nakakaawa pala si Silvia na kahit pinilit lang si Clyde na pakasalan siya ngunit hindi naman minahal si Silvia. I can feel it na mahal na mahal niya si Clyde.

"Wag kang mag-alala, simula ngayon aalagaan kona ang anak natin. Mauna na ako" sabi ko at umalis na.

Naaawa din naman ako sa bata kahit na wala akong alam sa pag-aalaga pero may experience naman ako noong kay Jena na time.

Umalis na ako dahil gusto pa akong kalaro ng bata, tumungo na ako doon pero naalala ko ang misyon ko.

Kailangan kopa palang hanapin sina Blue para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ko, siguro kailangan ko munang puntahan ang University na kung nila ako nilibing.

Pero paano ko naman yun magagawa?

Alam kong hindi maniniwala si Silvia kapag sinabi ko sa kaniya na ako si Sam, siguro kailangan kong gawin ang misyon ko ng mag-isa.

Pero pagkatapos naman non, kapag mabigyan kona ng hustisya at mapakulong ko na sila, meron pa akong isang misyon na I need to find out.

Hayss, hindi basta basta ang gagawin ko.

****************

It's already night at ako lang mag-isa sa kwarto, umalis kase sila kanina dahil may lakad sila kasama ang parent's niya na si Mr Constantine at Mrs Judie pati narin si Cidny.

Iniwan nila ako dito kase kakalabas kolang kaya sila lang mona raw.

Ilang araw din ako sa Hospital at hindi ako makaligo doon ng maayos kaya naisipan kong maligo muna, binuksan ko ang cabinet at bumungad saakin ang sobrang daming tinipong towel at bathrobe.

Towel lang ang kinuha ko at tumungo na sa banyo, sobrang laki ng banyo na parang kaseng laki narin ng kusina namin.

Hinubad kona lahat ng damit ko kaya syempre wala na akong damit, nagsimula konang basain ang katawan ko gamit ang shower at scrub my skin using the sponge.

Pagkatapos sa sponge ay sabon na naman ay shampoo, pagkatapos ay nag-toothbrush at tinakpan ang katawan ko sa towel.

Paglabas ko ay tumungo kaagad ako sa isang cabinet doon bumungad saakin ang napakaraming sexy na damit, sa kanang bahagi saakin habang sa kaniya naman ay sa kaliwa.

Halos pajama naman nito tyala wala ring lamok sa loob kaya kumuka nalang ako sa kaniya na damit. I took white polo,panty at cycling. Hindi na ako mag-babra kase gabi na naman at kakakain kolang kanina.

Pagkatapos kong isuot yun ay sinampay ko sa banyo ang towel.

Tumungo na naman ako sa table na kung saan ay may malaking salamin at naglagay ng skin care sa mukha, hindi ko alam kung ano ito kase bago ito pero binasa kolang ang product kaya nalaman ko na ito yun.

Bumukas ang pinto, isang kasambahay nila at may sinabi ito.

"Ma'am, nandito napo sina Sir at Ma'am Kill." Sabi nito.

Kailangan paba talaga akong pagsabihan kung dumating na sila? Pwede naman siya na pumunta dito eh wala naman akong pupuntahan na ibang lugar.

"Okay, bababa ako ngayon. Tatapusin kolanh ito." Sagot ko.

"Noted po ma'am" Sabi naman nito at sinara ang pinto at umalis na.

Kaagad kung tinapos ang paglalagay ko ng skincare at itinapon ang cotton sa basurahan na kung saan ay nasa tabi lang ng table.

I arranged the product kung saan ko sila kinuha kanina ay doon ko rin binalik.

Umalis na ako sa kwarto at bumaba na, hindi ko sila nakita sa baba.

"Nasa dining hall po sila Ma'am." Sabi ng isang kasambahay.

Hindi naman kalakihan ang boobs ko pero ramdam ko na parang medyo halata ang nipples ko, walang naman siguro ditong manyakis so okay lang.

Ng makarating ako sa dining hall ay si Cidny kaagad ang nakapansin sakin.

"Ma......" Sigaw nito ngunit natigilan siya.

Hindi ko alam kung bakit ngunit napunta kaagad saakin ang attention nila, imbis na lalapit sana si Cidny saakin ngunit hindi na.

They look at me on disbelief or whatever it is.

"Mama?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status