Share

CHAPTER FOUR: GOING AGAINST THE RULE

Jeni

MAGAAN lang ang halik na pinagkaloob sa akin ni Thirdy pero matindi ang naging epekto noon sa sistema ko. Making me quickly touch his face and pushed him away from me.

“Labag iyan sa rules ko!” I am a bit hysteric, remembering a cruel memory I had experienced. "I never let any men I fucked kiss me on my lips."

Medyo kumunot ang noo ni Thirdy at mukhang binabasa niya ang nasa isip ko. “That's not what I see in your eyes, Jeni.” Our long conversation made me transparent, making it easily for him to read me. Dapat hindi ko hinayaan na mangyari ito. I let my guard down. “I like going against the rules sometimes.”

Abogado siya pero hindi marunong sumunod sa rules?

Akto akong kikilos palayo sa kanya ngunit bigla niya hinawakan ang baba ko at pihitin ang aking mukha paharap sa kanya. Pagsinghap lamang ang nagawa ko ng halikan niya ako ulit sa labi ngunit sa kakaibang paraan na ngayon. Mas malalim, mariin at tila nakakawala ng lakas na lumaban pa. I tried to pull away but he didn't let me until he gave me mercy.

Nang ilayo niya ang mukha sa akin, hindi nakatakas ang ngiti na nakita ko sa kanyang labi. Huminga ako ng malalim at magagalit na sana ngunit hindi ko nagawa nang yakapin niya ako.

“Don't run, Jeni. Lalo ako nacu-curious sa 'yo kapag lumalayo ka sa akin.” Marahan niya hinagod ang aking buhok at pinatakan ng magaan rin na halik ang sentido ko. “I will see you again. . . soon.”

“In your dreams!” Ismid ko saka tinulak siya palayo sa akin. Lumakad na ako paalis dahil baka hilahin na naman niya ako.

"I'll be glad to dream of you. I hope I can meet you there too!"

Asa! Wala na akong pakialam kung hindi ko nakuha ang gusto ko ngayong gabi. I can give myself an orgasm I need without his help. Ano ba ang akala niya sa akin hindi marunong magpaligaya ng sarili?

Nakakainis talaga ang lalaking iyon. To think that I will be seeing his face tomorrow at work again. Hindi ako madasalin lalo't ganito ang klase ng trababo na meron pero mukhang iyon lang ang masasandalan ko ngayon. How dare he go against my simple rules?

I hate him so much!

THREE DAYS have passed and the way Thirdy kissed me is still on my head. Ilang gabi na rin ako nanaginip na nagtatalik kami. Ito talaga ang matinding epekto ng pagkatigang ko ng ilang araw na. Hindi ako napasok sa bar at sinabi ko na nag-aayos ako sa papasukan ko na law school na totoo naman. Hindi na ako kuntento sa laruan lang ngayon simula ng guluhin ni Thirdy ang mundo ko.

Malalim akong huminga saka tinusok-tusok iyong pasta sa aking plato.

“Kung tao iyang pasta, nakasuhan ka na, Jeni,” sita ni Miss Angel sa akin. “May problema ka ba?”

Hinayon ko ang tingin sa kanya saka umiling. Miss Angel's position is higher than me even if she's friendly. Pero sa akin lang naman siya ganito. Gayumpaman, ayoko na sabihin sa kanya ang bumabagabag sa isip at sistema ko.

“Si Atty. Thirdy hindi ko na nakikita,” sambit ko.

“Ah, sabi ni Atty. Clarence nag-e-enjoy daw ngayon sa pagbabantay sa isa pa nilang kapatid sa De Luna Empire.” Umayos ng upo si Miss Angel at seryosong tumingin sa akin. "Ipapaalala ko lang na prohibited sa kumpanya ang office romance, Jeni. Atty. Clarence is bothered by the way Atty. Thirdy favored you the past days."

"Alam ko po at naiintindihan ko," I say. Gusto ko lang magpakitang gilas pero hindi ang akitin ang anak ng amo ko. I need schorlaship so my savings will fall under the other expenses I might faced when studying. Maraming nagsabi na mahal ang libro sa law school at hindi ako puwede na lagi manghiram sa library. I have to buy my own books for me to excel. 

"Mabuti naman pero pinaalis pa rin siya ni Atty. Clarence noong isang araw." 

Kaya naman pala si Atty. Clarence na ang may hawak ng kaso ng self defense kuno na malapit na matapos. The inconsistencies were proven in our latest research, which led us to find other evidence that pinned the plaintiff instead of the defendant.

Buti pa si Thirdy nakabakasyon. Ako heto at siya pa rin ang iniisip. Simula ng halikan niya ako lalong nayanig ang mundo ko na simple lang dati. Mabuti nga at nakapagtrabaho pa rin ako sa research kahit para akong wala sa sarili. Iyong isang trabaho ko lang talaga ang naapektuhan ngayon kaya iniiwasan ko magawi sa bar.

Isang text ang pumukaw sa akin at galing iyon kay Czarina na nasa loob na pala ng law firm. Dali-dali ako nagpaalam kay Miss Angel at nagpasalamat sa libre niya saka hinanap ang kaibigan ko. Luminga-linga ako habang naglalakad dahil ayaw magreply ng lokong kong kaibigan. Until I found her upstairs talking to Thirdy!

Shit!

Mabilis ako umakyat at walang ano-ano'y hinila siya palayo kay Atty. Thirdy.

“Pasensya na po kayo, Atty. Sige po aalis na kami ng kaibigan ko,” I said, pulling Czarina away.

“Si ano iyon 'di ba? Iyong galante mong kliyente?” wika pa niya habang hila-hila ko siya sa baba.

“Manahimik ka nga. Alam mo na hindi alam dito ang sikreto kong buhay.”

“Hindi ka niya kilala?” Manghang-mangha si Czarina matapos ko siya bitawan nang makarating na kami sa garden nitong law firm. “Paano nangyari iyon?”

“I'm wearing a mask, remember?” Pagpapaalala ko sa kanya. Napapalatak naman siya pagkarinig sa sinabi ko. “Dala mo na ba ang gamit ko?”

“Oo. Ang hirap niyan itago ha. Hindi ka na ba babalik sa bar? Pang ilang lipat mo na iyan,” aniya sa akin.

“Baka mag-focus ako sa pag-aaral pero sa-sideline pa rin naman ako bukod dito sa trabaho ko.”

“Desidido ka talaga na umangat. Nakaka-inspire ka naman at parang gusto ko tuloy gumaya pero hindi pagiging lawyer siyempre. Flight attendant gano'n.”

“Gawin mo kung kailan mo gusto, Cha,” makahulugan ko na sabi sa kanya. Nag high five kami saka tumawa. Maya-maya pa ay nagpaalam na sa akin si Czarina at bumalik na rin ako sa trabaho ko pagkalagay ng mga gamit ko sa aking locker. Nang isinara ko na ang pinto, napasigaw ako ng makita si Thirdy na nakasandal sa katabing locker cabinet ng akin. “Atty?”

“Did I startled you?” Mukha bang hindi? Tumalon na nga ang puso ko palabas ng dibdib ko! “Sumama ka sa akin,”

"Atty?"

“May pupuntahan tayo na crime scene. Bagong kaso ito," he said, walking away, leaving me half puzzled.

Kasasabi lang ni Miss Angel na wala siya rito kaya hihinga na sana ako kaso bigla naman sumulpot ngayon. Napapaisip ako kung hindi ba talaga niya nahahalata na ako din iyong nagtatago sa kanya ngayon?

Sabi ni Czarina, panay ang tanong ni Cale tungkol sa akin dahil kinukulit daw ito ni Thirdy. Dahil kakampi ko ang may saltik ko na kaibigan, hindi niya ako nilaglag. I am true to my words. Hanggang dalawang beses ko lang puwede kitain ang kliyente lalo na kapag lumabag sa rules ko. I will do anything just to be out of his sight.

I will do anything.

SA ISANG opisina kami nagpunta ni Thirdy na malapit lang sa law firm. Puwede nga lakarin pero gumamit pa rin kami ng sasakyan dalawa. Hindi ko pa natatanong bakit ako ang sinama niya sa field work ngayon. Tila nawalan ako ng lakas ng loob, naputulan ng dila dahil sa nangyari tatlong araw na ang lumipas.

Iyong halik na ninakaw niya sa akin!

Bakit ba hindi ko malimutan iyon? Nakakainis naman at hindi na talaga tama ito. Ngayon lang may nagtangka na labagin ang rules at ngayon lang rin ako natuliro ng ganito. He's ruining my peace even my good night sleep. Ano ba ang dapat kong gawin ngayon?

Malalim akong napabuntong-hininga.

“That's deep,” he says. Pero ibang deep ang nasa isipan ko ngayon. Kailangan ko na talaga solusyunan itong nangyayari sa akin. Hindi puwede na ganito ako lagi. I have to do something to ease this away. “Do you have problem?”

Iyong tanong na naman na iyon. Gusto ko na sagutin na oo may problema ako at kailangan ko na mag-orgasm para mawala na. “Wala naman, Atty,” tugon ko. “Bakit pala tayo nagpunta rito?”

"I need to re-check the crime scene to find unlisted evidence I may use to pin the defendant."

“Bakit ako ang kasama mo Atty at hindi iyong crime scene investigator natin?”

"It's because you're keen on details and noticed even the smallest thing which can help me win this case."

Iyon lang ba talaga? Parang ayoko maniwala pero baka dala lang rin ito ng biglaang pagpapahinga ko. Hindi na ako sanay simula nang ma-engaged sa trabahong 'di ko sukat akalain na hahanap-hanapin ng katawan ko.

Luminga ako sa paligid at sinubukan na doon ibaling ang aking atensyon. Habang nasa sasakyan kami kanina, sabi ni Thirdy kakaiba iyong kaso na hawak niya. It's like the crime scene was staged to pinned the husband for the crime he didn't do. Ganito rin iyong nangyari sa unang kaso na si Atty. Clarence naman ang may hawak.

“Wala naman akong makitang odd sa lugar na ito,” I say which caught Thirdy's attention.

"Why would a husband cheat on his wife?"

Tumingin ako kay Thirdy pagkarinig sa tanong niya bago sumagot. “Lack of intimacy, communication and friendship gone away.”

Nagitla ako nang makitang lumalapit sa akin si Thirdy. Bigla akong nataranta at hindi malaman ang gagawin ng mga oras na ito. Pinagdikit ko ng maigi ang aking mga hita at walang ano-ano'y pinikit ang aking mga mata. I silently waited until a soft poked on my forehead erased everything I am thinking.

“What's wrong with you?” tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at doon nasabi ko sa aking isipan na merong mali sa akin. Isang mali na dahilan kaya ako nagkakaganito ngayon. And he is the reason of it. . . the rule breaker.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status