공유

CHAPTER TWENTY-FOUR: PROTECT YOU

Jeni

“THE COUCH is free of charge, Jeni. You can sit there and feel at home.”

Napatingin ako kay Thirdy matapos niya sabihin iyon. Alam ko naman na libre ang maupo na siyang ginawa ko naman pagkahubad sa aking sapatos. Mabuti na lang at malamig na dito sa penthouse dahil grabe ang init sa labas. Naglakad pa ako kanina na may bitbit na makapal na librong nabili ko para i-review.

Iyon lang talaga ang balak ko ngayon kaso itong si Czarina kung ano-ano ang sinabi sa akin. Heto tuloy at napasugod ako sa penthouse ni Thirdy.

In all fairness naman sa pagiging tsismosa ng isang iyon, reliable rin talaga. Tama ang dinig niya na narito nga si Thirdy ngayon. Pero kukumpirmahin ko ba kung may family dinner nga sila? Ano ba ang pakialam ko doon? Ano ba kami talaga?

“Have eaten already?” Napalunok ako. “May family dinner kami kanina at pinadala ito ni Mama. Gusto mo bang initin ko para makakain ka na?”

“H-hindi pa ako nagugutom. Kumain kami ng street food kanina ni Czarina bago ako nagpunta rito.”
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status