Share

KABANATA 5

“SIGURADO po ba kayo na ayos na kayong tatlo dito? May isa pa naman pong kwarto doon,” 

Nakangiting tumango ang mama ni Devina kay Travis ng magtanong itong muli habang nasa hamba ng pinto at papalabas na sana ng kanilang kwarto. 

“Hijo, ayos na ayos. Maraming salamat sa tulong mo, baka sa kalsada kami pulutan kung wala ka.”

“Walang ano man po tita, magsabi lang po kayo saakin kung may kailangan kayo.” 

Isinara na ni Travis ang pinto ng kanilang kwarto kung kaya napatingin ang mama ni Devina sa kaniya. 

“Anong tingin ‘yan?” natatawa niyang tanong sa kaniyang ina at kay Adeline na nakaupo sa isang single sofa na nasa gitna. 

“Anong meron sa inyo ni kuya Travis ate? Ikaw ah! Akala ko pa naman si sir Valentine ang gusto mo?” 

Napataas ang kilay ni Devina ng marinig ang sinabi ng kapatid lalo na ng mabanggit ang pangalan ng ama ng kaniyang anak. 

“Si Valentine? Never akong nagkagusto doon at hinding-hindi talaga. After what he did to me and my child? No, thanks.” Naupo ang mama niya sa kaniyang tabi at hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa kaniyang hita. 

“Pero gaya ng sabi mo Devina, siniraan ka ni Kristin. Paano kung nalason lang nila ang utak niya?” 

“Kahit pa ma. Lumuhod ako sa kaniya at nagmaka-awa, ginawa ko ‘yun sa harapan ng magulang niya na walang ibang ginawa kundi ang husgahan ako’t sinabing ipalaglag ang bata.” 

Napasinghap sila sa sinabi ni Devina at napatayo si Adeline na kaagad tumabi sa kaniyang ate. 

“Sinabi nila sa’yo ‘yun ate? Sabagay, ano pa bang aasahan natin sa mayayaman?” tumango si Devina bilang pagsangayon sa kaniyang kapatid.

“’Wag na nating isipin ‘yun. Ang mahalaga ay kumpleto na tayo ngayon, tanging si papa nalang ang kulang. Gagawa ako ng paraan para makalabas agad si papa, ‘wag kayong mag-alala mama, Adeline. Gagawa ako ng paraan.” 

Ipinatong ng mag-ina ang kanilang ulo sa balikat ni Devina habang magkakahawak ang kanilang mga kamay. 

“Pero ‘wag kang masyadong papasok sa gulo anak. ‘Wag mong kalimutan na buntis ka, ‘wag mo ‘din kalimutan na nandito lang kami palagi ni Adeline.” Tumango si Devina dahil sa sinabi ng kaniyang ina habang nakangiti. 

“Pero ano munang tingin mo kay kuya Travis? Pasado na ba sa standart mo ate?” natawa si Devina dahil hindi pa ‘rin talaga nito tinitigilan ang topic na iyon. 

“Ikaw talaga, pero pwede na.” 

“Yieee! Si ate dalaga na!” 

Natawa sila dahil doon at nagpasya nang mag-ayos ng gamit upang makatulog na. 

***

DEVINA

MAAGA akong umalis nang magising kami sa umaga. Kailangan kong puntahan ang sinabi saakin na lugar ni papa. 

“Pumunta ka sa lugar na ito at sabihin mo ang pangalan ko Devina, sila nalang ang alam kong makakatulong satin.” 

Mabuti nalang at pumayag si mama, sabi ko ay sandali lang ako. Sana nga lang sandali lang ako para makabalik ako agad at hindi sila mag-alala saakin. 

Pagkarating ko sa isang subdivision mabuti nalang ay maaaring pumasok ang outsider’s kung hindi sayang lang ang pamasahe ko. Kinuha naman ang pangalan ko ang at dahilan kung bat ako nandoon. Pagkababa ko sa sinakyan kong taxi ay nagbayad na ako, malapit lang naman sa may labasan kaya hindi ko na pinahintay pa ang taxi. 

“Sino po ang kailangan nila?” ngumiti ako sa lalaking guard ng tanungin niya ako. 

“Nanjan po ba ang may-ari ng bahay? Sabi po kasi ng papa ko ay pumunta ako dito.” 

“Sino ba ang papa mo hija? At anong kailangan mo kina Mr and Mrs Stephens?” 

Natigilan ako ng banggitin nito ang apilyido ng may-ari ng bahay. S-Stephens? Ibig sabihin magulang ni papa ang mga nakatira dito?! Kaya niya ba sinabi na makakatulong sila saamin?! Napatingin ako sa malawak na bahay na hindi makapaniwala. 

“Miss?” natauhan ako ng magsalita muli ang guard. 

“A-Ah, si Devino Stephens po. Ako po si Devina, ang anak niya po. Kung maaari lang po ay sabihin niyo po sana sa kanila nanandito ako.”

“Si sir Devino ba kamo?! Ang tagal na niyang nawala hija, mabuti naman at bumalik na si sir ang tagal na siyang inaantay nila ma’am. Sige hija, maupo ka muna dito at maghintay. Pasensya ka na kung di kita pwedeng papasukin ah? Bawal kasi,” 

Ngumiti lang ako kay manong guard at umiling. At least magandang start na ito. Kaya naman pala ang kisig ni papa at ang gwapo dahil anak mayaman siya! Pero bakit siya umalis? Dahil kaya kay mama? 

Ibig sabihin hindi ‘din tanggap ng magulang niya si mama? Tama ba na pumunta ako dito? Napabuntong hininga nalamang ako. Kung hindi ko gagawin ito ay walang ibang makakatulong saamin. Naghintay ako ng ilang sandali doon at maya-maya ay bumalik itong muli.

“Naku, hija. Umalis pala sila ma’am kanina pa. Naitawag na naman namin sa kaniya ang balita kahit na patay ang phone niya. Siguradong maririnig niya ang voicemail.” 

“Sige po manong, maghihintay nalang po ako dito. Salamat po.” 

NGUNIT lumipas na ang maghapon at wala pa ‘rin ang inaantay kong magulang ni papa. Pinapauwi na nga ako nila manong guard pero hindi ako susuko, kailangan kong maghintay dito hanggang sa dumating sila. Kahit abutin pa ako ng madaling araw ayos lang ‘yun. 

Lumipas pa ang ilang oras at nagugutom na ako, sa kamalas-malasan pa ay biglang umulan. Wala akong ibang masisilungan dito. Napayakap nalang ako sa sarili ko at hinayaan na mabasa ng ulan. Tiis lang Devina. 

“Hija! Eto ang payong, baka magkasakit ka sa ulan!” napatingin ako kay manong guard ng abutan niya ako ng payong kung kaya sobrang laki ng pasaalamat ko sa kaniya. 

“Sa tingin ko hija ay bumalik ka nalamang bukas. Sigurado ako na nandito sila, bukas ka nalang bumalik at gabi na’t naulan pa.” napabuntong hininga ako sa sinabi saakin ni manong guard. Tama siya, babalik nalang ako bukas tutal may bukas pa naman. 

“Sige po manong, basta ‘wag niyo pog kalimutan na banggitin ulit sa kanila ang pagdating ko.” tumango naman siya saakin at nagpaalam na ako dala ang payong na ibinigay niya. 

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa kulungan ni papa. Sasabihin ko sa kaniya ang nalaman ko at tatanungin kung bakit hindi niya manlang sinabi saamin ni Adeline ang totoo. Ngunit kabababa ko palang ng taxi at papasok sa loob ng biglang may humablot saakin dahilan upang mabitawan ko ang aking payong. 

Sisigaw na sana ako at hihingi ng tulong ngunit nakita ko ang isang babaeng police na nakasign na ‘wag maingay saakin. 

“Devina ‘wag kang maingay! Inaantay talaga kita na bumisita!” naalala ko siya. Siya ang pulis na palaging naghahatid kay papa sa tuwing bibisita ako. 

“Devina ‘wag ka sanang mabibigla pero wala na ang papa mo. Pinatay siya sa loob Devina, pinabugbog. Walang laban ang papa mo at hindi na nakayanan pa na dalhin sa ospital dahil na ‘rin ayaw siyang pansinin ng nakakataas.” 

Kusang tumulo ang luha ko sa aking narinig at umiling sa kaniya. “N-Nagbibiro lang ho kayo diba po?” umiling siya sa sinabi ko at mayroong ibinigay saakin na USB. 

“Panoorin mo ‘yan Devina. ‘Yan nalang ang maitutulong ko sa inyo ni Travis, kapag nalaman nilang ginawa ko ito ay siguradong pati ako ipaapatumba nila!” nabigla ako sa sinabi niya. 

Anong kinalaman ni Travis dito? Ibig sabihin alam niya ang tungkol sa kaso ni papa? 

“Umalis ka na Devina! Hindi ka nila dapat makita dito!” itinulak na niya ako paalis doon kung kaya wala akong nagawa kundi ang magpaulan at tumakbo. 

May advantage ‘din pala ang ulan dahil natatakpan nito ang luha sa aking mga mata. Pumara ako agad ng taxi at nagpahatid sa condo ni Travis. Ang dami kong kailangang malaman pero ang luha sa mga mata ko ay hindi matigil sa pagtulo. 

“Hija, ayos ka lang ba?” hindi na naiwasang tanong ng driver. 

“W-Wala na po ang papa ko. Iniwan na niya ako, sumakabilang buhay na!” nabigla siya sa sinabi ko at humingi ng tawad. Hinayaan niya lang akong umiyak habang hawak ko sa aking kamay ang USB na ibinigay ng babaeng pulis. 

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang tumunog ang aking cellphone kung kaya kinuha ko iyon at sinagot. 

“H-Hello?” matamlay kong sagot. 

“A-Ate Devina!” napaupo ako ng deretsyo ng marinig ko ang umiiyak na boses ni Adeline. 

“A-Adeline anong nangyayari, bakit ka umiiyak?!” 

“A-Ate nasaan ka ba na? Nandito ang magulang ni kuya Travis at pinapaalis na tayo!” 

MABILIS akong bumaba ng taxi ng makarating sa building ng condo ni Travis. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako dahil sa para akong basang sisiw. Napabahing pa ako sa elevator pero hinayaan ko nalang ‘yun. 

Pagkabukas ng elevator ay lalabas na sana ako ngunit napahinto ako ng makasalubong ko si Valentine na papasok doon. 

“D-Devina?” gulat na tawag niya saakin. Bakit siya nandito? “Bakit basang basa ka?” dugtong pa niya na tila nag-aalala. 

Pero napatingin ako sa likuran niya ng makitang mayroong mga staff doon. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Valentine. Siya lang ang may alam na tinutulungan kami ni Travis! Malamang na siya ang nagsumbong sa magulang nito!

“W-Wala akong kasalanan Devina, h-hindi—” umiling ako sa sinabi niya at tinulak siya paalis sa daan. 

Habang tumatakbo ako kusa nang tumutulo ang luha ko. Hinawi ko ang mga staff na mukang nag-aantay sa labas ng condo unit ni Travis at sa pintuan palang ay parang napako na ang paa ko sa aking nakita. Itinatapon na ang gamit namin sa may sala habang mayroong isang lalaki na mukang kasing edad ng daddy ni Valentine. 

“Get out of here! Ang lakas ng loob niyo na magpatulong sa anak ko?! Mga hampas lupa kayo!” Natauhan ako dahil sa sigaw ng matandang lalaki na nakasuot pa ng kaniyang business suit. 

“S-Sandali po!” natigilan sila at napatingin sa gawi ko. Agad akong lumapit kay mama na nakasalampak na ngayon sa sahig at mukang itinulak ito habang si Adeline naman ay umiiyak na nasa likuran ni mama. 

“A-Ate...” 

“M-Ma, ayos ka lang po ba? Anong nangyari?” tanong ko dito at pilit na inaalalayan ito na tumayo. 

“Ikaw si Devina! Ang kapal naman ng muka mong gamitin ang anak ko para huthutan ng pera! Talagang dinala mo pa dito ang hampas lupa mong pamilya!” Napalingon ako sa daddy ni Travis at umiling sa kaniya. 

“M-Mawalang galang na ho, pero hindi ko hinuhuthutan ng pera ang inyong anak. Nagmamagandang loob lamang—” 

“Devina!” 

Napahinto ako sa pagsasalita ng mayroong sumigaw ng pangalan ko at paglingon ko doon ay nakita ko ang isang lalaking hindi familiar sakin. Lumapit siya sa gawi namin at tinignan ako nito sa kakaibang paraan pagkatapos ay humarang saakin upang harapin ang daddy ni Travis. 

“Good evening tito, naparito ako para sabihin sa inyo na ang aking kaibigan ay nabilog lamang ang ulo ni Devina. Ngunit si Devina ay mabait na tao at utusan, pinalayas kasi siya sa mga Valderama at nagkataon na nakita niya si Travis.” 

Napanganga ako sa aking narinig at susuwayin na sana ang lalaking ang lakas ng loob na sabihing pinaikot ko ang ulo ni Travis! Ngunit naunahan ako ng galit ng daddy ni Travis. 

“Gold digger! Talagang kumapit pa sa anak ko ang isang anak sa labas na katulad mo?! Napakawalang hiya niyo! Umalis na kayo dito! Kunin niyo ang gamit niyan at palayasin sila!” 

“Anong tinitingin-tingin niyo?! Kumilos na kayo!” nagsimula nang humakbang papunta ang daddy ni Travis sa kwarto na tinutuluyan namin kung kaya hindi ako nagdalawang isip na iharap saakin ang lalaking nasa harapan ko. 

“Ang kapal ng muka mong siraan ako?! Hindi ko ‘yun ginawa kay—” 

“At ano, sasabihin mo na tinulungan ka niya?! Mas lalo mong ipapahamak ang kaibigan ko Devina! Hindi pa ba sapat ang gulo na nagawa mo sa pamilya nila ngayon?!” 

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa paligid. Nakita ko ang isang babae na umiiyak sa isang tabi habang yakap ni Travis. Si Travis ay nakatingin saakin at nababasa ko ang nasa isip niya na tila himihingi ng tawad. 

“A-Anak, tama siya. Siguro ay dapat na tayong umalis, hindi ko kaya na makasira ng ibang pamilya anak.” Dahil sa sinabi ni Mama ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. 

Biglang lumapit saakin ang babae na yakap ni Travis at hinawakan ako nito sa aking magkabilang kamay. Tulad ko ay malamig iyon at nakikita ko ang pagkapuro sa kaniyang mga mata, mabait na tao hindi katulad ng ibang nakilala kong mayaman. 

“D-Devina nakikiusap ako sa’yo , umalis na kayo dahil mapapahamak ang anak ko! Naikwento na saakin ni Travis ang lahat at ako na ang himihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa ng Valderama at mga Montoya sa’yo. K-kunin mo ‘to at gamitin para sa iyong anak,” Napatingin ako sa kamay ko ng mayroon siyang inilagay na sobre doon. “Hindi ka titigilan ng asawa ko kung patuloy kang lalaban sa kaniya. Nakikiusap ako sa’yo , alang-ala sa sanggol na nasa sinapupunan mo.” Napatingin ako muli sa babae at maslalong napaiyak. 

Hindi ko akalain na mayroon palang mabuting mayamang tao. Sa nakikita ko ay ang mga asawa ng mayayamang tao’y sunod-sunuran sa kanilang asawa katulad nalang ng mommy ni Valentine. Ngunit bakit nila hinayaan ang ganito? 

“D-Devina, I am sorry. Hindi ko akalain na aabot sa ganito, kahit anong tulong ang gusto kong gawin sa’yo ay wala akong magawa.” Umiling ako kay Travis ng sabihin niya iyon at ngumiti ng mapait sa kaniya. 

“T-Travis, ako dapat ang humingi ng tawad.” Humarap ako sa mama niya at muling inabot ang sobre sa kaniya. “Maraming salamat po pero hindi ko ito tatanggapin. Malaki na ang naitulong niyo saakin at malaki ‘din ang pasasalamat ko at nakilala ko kayo. Kayo ang patunay na hindi lahat ng mayayaman ay masasamang tao.” 

“Gets out of here!” napalayo ang mag-ina saakin ng lumabas na ang daddy ni Travis. 

“M-Mr.Ruiz, aalis na ho kami!” yumuko ako upang pulutin ang mga gamit ko. 

“Dapat lang! Bilisan mo jan! Ayoko ng makita ang pagmumuka niyo! Mga hampas lupa kayo!” 

Tinulungan ako ni mama at Adeline na ayusin ang gamit namin habang pakiramdam ko ay mas lalong bumaba ang dignidad namin lalo na napapalibutan ako ng mayayamang tao. 

“Faster!” Nagulat ako ng muli nanamang kunin ng daddy ni Travis ang gamit namin at itinapon iyon palabas ng pinto. “Ayoko nang makita pa ang pagmumuka niyo sa pag-aari ko!” pikit mata akong tumayo at tinulungan si mama upang sundan ang gamit namin na lumipad sa labas ng condo. 

Gusto kong magwala, gusto kong sigawan siya at sabihin na hindi kami hampas lupa! Sadyang nakaka-angat lang sila at sa pagkaka-alam ko ay mayroong pantay na karapatan ang bawat tao sa mundo. 

“While you Travis! I will sent you to the US to learn your lesson! How could you let an illegitimate daughter and a maids on our property?!” 

Natigilan ako sa paglalakad at napalingon sa kinalalagyan nila Travis habang nanlalaki ang mata. Itatapon siya sa ibang bansa ng dahil saakin! 

“Devina, wala ka ng magagawa.” Ngunit humarang saakin ang lalaking nagsasabing kaibigan ni Travis at tinulak na ako nito palabas. 

“Vincent! Do not help them! I will tell your father if you do!” natigilan kaming dalawa sa sinigaw ng daddy ni Travis. Ibig sabihin siya si Vincent? Nag-aalalang napatingin ako sa kaniya ngunit ngumiti lang ito saakin. 

“She’s pregnant tito, at least I can send them outside. Masyado nang nawala ang dignidad nila kaya please po, kahit ito nalang.” 

Hindi nakasagot ang daddy ni Travis sa sinabi ni Vincent kaya nagpasalamat ito at muli na akong tinulak palabas. Tahimik kaming tinulungan ni Vincent na ayusin ang aming gamit maging ang ilang staff na naroroon, namumukaan ko ang iba na siyang naglilinis sa condo ni Travis. 

Tulad ng sabi ni Vincent ay tinulungan niya kami na magbuhat ng aming bag at naglakad papunta sa elevator. Ngunit napahinto kami ng makita ko si Valentine na nakatayo sa may dulo papuntang elevator. Ramdam ko ang tingin nila saakin ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad at walang emosyong nakatingin ng deretsyo kay Valentine. 

“Are you happy now seeing me fall?” deretsyo kong sabi sa harapan niya. “Ito naman ang gusto niyo ni Kristin diba? Ang paglaruan ako. Mark my word Valentine, kahit kailan ay hinding-hindi na kita kikilalanin at kakalimutan ko na may isang Valentine Montoya ang minsang nakilala ko sa tanang buhay ko.” 

***

TULALA akong nasa loob ng kotse ni Vincent. Hindi niya lang kami basta tinulungan papuntang lobby kundi binigyan din niya kami ng ride papalayo sa lugar na iyon. Kapit ko ang kamay ni mama at Adeline na tila nakatulog na sa magkabilang balikat ko. 

Napatingin ako sa rearview mirror dahil napapansin ko na kanina pa patingin tingin si Vincent. 

“Kung labag sa loob mo na tulungan kami sana ay hindi mo na kami pinasakay sa kotse mo.” Walang buhay na sabi ko na ikinagulat niya. 

“H-Huh? Hindi ah! Bukal sa loob ko! At isa pa baka bugbugin ako ni Valen—I mean promise gusto ko talagang tulungan kayo.” Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya. Ang sabi ko ay dalhin nalang niya kami sa pinakang malapit na terminal papunta sa probinsiya. 

Bigla kong naalala ang USB na ibinigay saakin ng babaeng pulis. “Vincent, mayroon ka bang laptop dito? Pwede ko bang mahiram?” napatingin siya saakin na halatang nagtataka pero itinuro nalang niya saakin kung kaya inayos ko ng higa si mama at Adeline. Alam kong pagod sila kaya hindi ito magigising. 

Napatakip ako ng aking bibig upang pigilan ang aking paghikbi ng makita ko ang CCTV video na nakapaloob sa USB. Kitang-kita ko kung paano nila bugbugin ng walang kamuwang-muwang si papa! Sino? Ang mga pulis! ‘Yung pulis na kumuha saakin at pilit akong pinapaamin sa kasalanang hindi ginawa ng papa ko! 

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at mayroong humablot ng laptop saakin kung kaya napapikit nalang ako at pilit na pinipigilan ang hikbi ko. 

“N-Naikwento na saakin ni Travis ang tungkol dito. Wala kayong kasalanan hindi ba?” tumango ako sa sinabi ni Vincent still pinipilit na hindi humikbi. “’Wag kang mag-alala! Gagamitin ko ito para mapalaya ang papa mo,” napadilat ako dahil sa aking narinig. 

“W-Wala ka ng magagawa Vincent dahil wala na si papa.” Nagulat siya sa sinabi ko at muling napatingin sa laptop na mukang finast forward ang video. 

“I-I... I cannot believe it...” 

“Y-You must believe it. Ang apilyido ko... Kinasusuklaman ko. B-Bakit kinailangan na ako pa ang mapunta sa kalagayan na ito?” nahihirapan kong sabi at maya-maya’y inayos ko ang aking sarili at tumingin ng deretsyo kay Vincent na nakikita ko ang awa sa mga mata. 

“Wag mo akong kaawaan Vincent. Ako ang patunay na kaming mahihirap ay kayang kontrolin ng mga mayayamang tulad niyo. Sana ay katulad ka ‘rin ni Travis na taliwas sa ganitong pamamalakad ng iyong magulang.” Hindi siya nakasagot sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako. 

“Mayroon sana akong huling hiling sa’yo Vincent. Hanapin mo ang katawan ni papa at ilibing ng maayos. Pinapangako ko sa’yo na babalik ako. At sa pagbabalik ko na iyon ay sisingilin ko lahat ng taong sumira at tumapak sa pagkatao ko.” 

***

“MARAMING salamat po,” 

Napabuntong hininga ako nang umalis ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Mabait naman siya, nag-offer pa nga ito na wag mahiya at magsabi sa kaniya kung may kailangan kami, ngunit ang ikinabubuntong hininga ko ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin kila mama at Adeline ang nangyari kay papa. 

Napahigpit ang kapit ko sa USB na nasa aking bulsa at nagpasya na pumasok na sa loob. “Ate! Maganda ang bahay at malayo sa mga matatapobreng mayamang nakilala natin! Sana maging maayos na ang pagtira natin dito.” Napangiti ako sa sinabi ni Adeline at sakto na dumating si mama mula sa nag-iisang kwarto na meron kami. 

“Nailagay ko na ang gamit doon, mabuti nalang at may ilan-ilan nang gamit dito. Mabait si Marie ipinagamit saatin ito.” 

“Mabit po talaga si ate Marie.” Lumapit saakin si mama at inakay ako na maupo sa sofa na naroroon.

“May bumabagabag sa’yo anak. Dahil ba ito kay Travis? Kahit ako ay nag-aalala sa kaniya, sobra sobra na ang naitulong niya saakin napahamak pa siya.” 

“Oo nga po ate, ang akala ko kayo talaga ang magkakatuluyan!” gulat na napatingin ako kay Adeline dahil sa sinabi niya at tumawa lang ito saakin. 

“Adeline talaga, nakikita mo naman ang galit ng daddy niya saakin kaya malabong mangyari ‘yun.” 

“Kung hindi nagalit ibig sabihin may pag-asa? Yieee!” tinusok-tusok ni Adeline ang tagiliran ko kaya natawa ako dahil malakas ang kiliti ko doon. 

“Adeline, ikaw talaga. Hayaan mo ang ate mo na mag decide, tutal magkaka-anak na siya. Bibihira lang ang lalaking a-ako ng responsibilidad para maging ama ng bata.” Natigilan kami sa sinabi ni mama at napaisip ako. 

Tama. Bibihira lang ang katulad ni papa. 

“M-Ma, Adeline, may sasabihin ako sa inyo.” Napatingin sila saakin na nagtataka. Napalunok ako at hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o hindi na pero sa tuwing naaalala ko na umaasa din sila na makakalabas si papa ay naiiyak na ako. 

“W-Wala na po si papa, mama. N-Namatay siya sa pagkakabugbog sa loob ng presinto.” 

Mahabang katahimikan ang pumalibot saaming tatlo. 

“S-Si ate naman ang panget mag joke!” natatawang sabi ni Adeline ngunit tinignan ko lang siya ng seryoso at bigla na itong umiyak. 

“P-Papa!” agad kong niyakap si Adeline dahil doon at si mama ay napapailing nalang habang tulala sa isang tabi kung kaya maging siya ay hinila ko upang yakapin. 

“S-Sabihin mong nagbibiro ka lang anak...” utal na sabi ni mama. 

“M-Ma, sana nga nagbibiro nalang ako. H-Hindi ko din kaya na wala si papa!” nagsimula na itong umiyak saaking balikat kung kaya tatlo na kaming umiiyak ngayon sa bagong bahay na inuupahan namin. 

“P-Pinapangako ko mama, magbabayad ang may gawa nito kay papa! Hindi ko sila mapapatawad!” 

***

(EIGHT MONTHS AFTER)

WALONG buwan. Walong buwan na ang lumipas at sa walong buwan na iyon ay marami nang nangyari. Si mama ay naipagamot na namin at sa wakas ay cancer free na ito. Abot-abot ang kaba ko ng nasa loob siya ng ER at inooperahan. Halos doon na kami matulog ni Adeline sa chapel na nasa ospital dahil sa sobrang pagdarasal. 

Sa awa ng Diyos at successful ang pag-opera kay mama at limang buwan na siyang malakas at masayahin. Si Adeline naman ay pinagpatuloy ko sa pag-aaral upang kahit papaano ay hindi siya mahuli sa klase. 

Sa nakalipas na walang buwan habang unti-unti na naming natatanggap na wala na si papa ay unti-unti na ‘rin kami nakakabangon at ngayon ay mayroon na kaming negosyo na grocery. Ginamit ko ang ibang pera upang makapagsimula ng negosyo at maayos na ito ngayong nahahandle ni mama. 

Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang siya ‘ring paglaki ng hindi pangkaraniwan ng aking tiyan. Minsan nakakalimutan ko na nayroon nga palang tao sa aking tiyan dahil sa pagtatrabaho. Pinipigilan ako nila mama at Adeline ngunit ako’y mapilit. 

Magsusumikap ako at magpapalago ng negosyo upang wala ng mang-aapi saamin. Malapit na ‘rin ang kabuwanan ko, sabi ni Dra ay maaaring ano mang araw ay pumutok na ang panubigan ko kaya nakahanda na ang mga gamit ko na dadalhin sa ospital. 

“Babalik ‘din kami agad. Kailangan kasi na makita ng personal ang mga stocks at baka mag-eexpire na ang dalhin saatin.” Tumango ako sa sinabi ni mama habang nakangiti at pinagbuksan sila ng pintuan sa kotse. 

Kahit papaano ay nakapundar na kami ng kotse dahil narin lumago ang aming negosyo na wala pang ibang grocery sa aming bayan. Kasama ni mama si Adeline tutal ay sabado naman ngayon at wala ng pasok. 

“Ate kapag manganganak ka na pigilan mo muna ah? Wala pa kami!” natawa ako sa sinabi ni Adeline. Akala niya ata’y ganon kadali ang sinasabi niya. 

“Ikaw talaga Adeline, kapang manganganak na ang isang babae katakot-takot na sakit ang mararamdaman niya.” 

“Nanakot pa nga ma,” natawa sila sa sinabi ko at pumasok na sa loob. Second hand lang ang binili kong sasakyan kung kaya hindi iyon kamahalan pero alagang-ala ko ito. ‘Yun ang unang napundar namin sa aming negosyo. 

Kumaway na ako sa kanila ng paandarin na ito ni mama at nakatanaw lang ako sa papalayong sasakyan. 

“Ma’am Devina, kailangan niyo daw po itong pirmahan. Para daw po ito sa stocks ng soft drinks,” ngumiti ako sa isang trabahador na lumapit saakin at binasa iyon saglit. Nang masuguro kong ayos naman ay pumirma ako. 

“Siguro naman hindi ito titulo ng grocery, hindi ba?” natawa siya sa sinabi ko at umiling. “Si ma’am talaga palaging mapagbiro. Pero walang halong biro ma’am, lalo ka pong gumaganda kada araw na lumilipas. Kailan po ba ang anak niyo?” 

“Hahaha oo na, sige na. May meryenda kayo doon, pero sa tanong mo ay maaaring mamaya, di natin masabi.” 

“Yes!” napailing ako dahil doon. Papasok na sana kami sa loob ngunit napatingin ako sa papadaan na kotse. 

Mukang mamahalin ito at bagong bago pa. Mabilis lang ang daan nito sa harapan ko pero bakit parang kamuka ni Kristin ang driver? Napailing ako dahil doon. Imposible! Walang ibang nakaka-alam na nandito kami nila mama at Adeline kahit si Vincent na naghatid saamin sa terminal.

Ilang buwan na din kaming walang nababalitaan sa mga ito kaya malamang ay guni-guni ko lamang ‘yun. 

LUMIPAS ang dalawang oras at hindi talaga ako mapakali. Feeling ko ay mayroong hindi tama. Kinuha ko ang aking cellphone at tatawagan na sana sila mama upang kumustahin kung nakarating na ba sila. At this time dapat ay naroroon na sila pero dipa nila ako tinatawagan. 

Nag ring ang phone ni Adeline at ang tagal bago nito sagutin, mukang busy pa sila. 

“Ang tagal mo namang sagutin Adeline. Nasaan si mama? Narating na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ko ngunit natigilan ako ng iba ang sumagot doon. 

“Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? Na-aksidente po ang iyong mama at kapatid. Kasalukuyang nasa OR ang dalawa at kritikal ang lagay dahil sa malakas na pagkakabunggo sa isang truck.” 

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
grabe ka nmsn author wag mo kming masyadong galitin sa pagbabasa subrang subra ng hirap ni devina
goodnovel comment avatar
Michelle Ibayan
ganda kwento,, nakakaawa si Devina
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
anuman nag nagjng rason ni valentin,sna nanindigan sya ,kaso duwag din ang g**o...kasura lamang ai
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status