Share

KABANATA 4

NIWAN na kakaluhod si Devina sa lupa nang umalis si Kristin. Luhaan at hindi alam ang gagawin. 

“Devina…” 

Kusa siyang napahinto sa pag-iyak dahil sa narinig at napalingon sa kaniyang likuran. Nakita niya doon si Travis at nilapitan siya nito’t tinulungan na tumayo. 

“T-Travis… Anong ginagawa mo dito?” hindi nito sinagot ang tanong niya dahil tinulungan siya nitong makatayo. 

“’Wag mo nang hintayin si Val, dahil hindi na ‘yun babalik dito.” Napakunot ang noo ni Devina sa kaniyang narinig at napailing kasabay ng pag-alis ng kaniyang braso na hawak ng lalaki. 

“H-Hindi ako naniniwala… Dito ang usapan namin ni Valentine… At anong sinasabi mo na hindi na babalik? G-Galing na ba siya dito?” tumango sa kaniya si Travis na ikinatigil niya. 

“Oo, Devina. Galing na siya dito at kitang-kita ko kung paano mamuo ang galit sa kaniya’t luhaan na umalis.” 

***

DEVINA

“I-IMPOSSIBLE ‘yang sinasabi mo Travis! Hindi ko ‘yan magagawa!” 

Frustrated kong sabi at napatayo sa aking kinauupuan pero naging maagap siya’t inalalayan niya akong bumalik sa pagkaka-upo. 

“Devina, kumalma ka lang please. May bata sa sinapupunan mo, baka madamay siya sa stress mo.” 

Napabalik ako sa aking pagkakaupo at napasabunot sa aking buhok. Sabi niya saakin ay mayroon ‘daw nakita na larawan si Valentine na kasama ako ng ibang lalaki. Na hindi siya ang ama ng aking anak at kaya hindi ako dumating sa tamang oras dahil niloloko ko lang siya. 

“Impossible talaga Travis! Darating ako kung hindi lang mayroong pumigil saakin at nakatulog ako sa tabi ng daan! H-Hindi ko ‘yun magagawa kay Valentine! Siya nalang ang pag-asa ko para mabuhay ang anak ko.” 

Suno-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng iyon o kung saang lupalop ng mundo nakuha ni Kristin ang picture ko na ipinakita niya kay Valentine. Sino pa ba ang maaaring gumawa? Si Kristine ang nadatnan ko sa hintayan namin kaya may kutob na talaga ako na siya ang may kasalanan! 

Ang bwesit na babaeng ‘yun! Hindi talaga siya titigil hangga’t hindi niya nasisira ang buhay ko!

“Devina, I know. Naniniwala ako sa’yo okay? Nakita ko ang lahat. Mabuti nalang talaga at sinundan ko sila tito at Kristin. Si Val sana ang kakausapin ko kaso narinig ko ang usapan nila. Devina, makinig ka saakin.” Napatingin ako kay Travis.

“Hindi mo kilala ang daddy ni Valentine, lahat gagawin ‘nun para maging malinis lang ang pangalan nila. Kahit anong makakasira ay pilit na ilalayo nila ito.” Natawa ako ng mapakla. 

Hanggang dito ba naman ganoon pa ‘rin ang magiging kapalaran ko? Kahit pala sinong mayayaman ay ganoon ang ugali hindi ba? 

“Bakit ka tumatawa?” napatingin ako kay Travis dahil sa nagtataka niyang tanong. 

“Bakit? Dahil Totoo pala na kayong mayayaman ay walang ibang gusto kundi ang pera, ang sarili niyong fame…” hindi siya nakasagot saakin. “Tama ako diba?” tuluyan na siyang napaiwas ng tingin saakin. 

I knew it. Alam ko ‘din naman na mayaman ‘tong si Travis, hindi ko na kailangang itanong pa dahil deretsyong plantya palang ng damit niya ay alam ko na. 

“Maniniwala ka ba saakin kung sasabihin ko sa’yo na anak ako sa labas ni Christopher Valderama? Na isa talaga akong Valderama.” 

“W-What?” 

Napangiti ako ng mapait at nilaro ang tubig na nasa baso sa aking harapan. 

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganon nalang ako pigilan ni Kristin? Kung bakit ako ang kasama ni Valentine ng gabing iyon? Dahil inutos saakin ‘yun ni daddy. I have no choice, kailangan ko ng pera para pangpagamot ng mama ko.” 

Muli nanaman bumuhos ang luha ko at naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likuran na tila pinapakalma ako. 

“A-Ang buong akala ko’y isa ka lang simpleng maid Devina. Hindi ko akalain na anak ka pala sa labas ng mga Valderama.” 

Tumingin ako sa kaniya at nakikita ko ang pagtataka doon na may kasamang pagkagulat. 

“’Yun ang sekreto ko Travis. Ikaw? Ano ang sekreto mo?” 

***

“AGAINST ako sa pamamalakad ng dad ko sa kumpanya namin. Pati na ‘rin kung paano kami mamuhay. Tama ka, karamihan ng mayayamang tulad namin ni Val, ay walang ibang gusto kundi ang malinis na pangalan na siyang tinitingila ng lahat. Pero ibahin mo ako Devina, gusto kong ako na mismo ang pumutol ‘nun sa reign ko.” 

Nakatulala ako ngayon sa kwarto kung saan ako pansamantalang pinatuloy ni Travis. Naalala ko nanaman ang sinabi niyang sekreto saakin. Unang kita ko palang sa kaniya ay alam ko ng mabait siya, pero hindi ko inaakala na nasa ugali niya ang pagsuway sa magulang. 

Sabagay, tinutulungan nga niya ako. Hindi pa ba pagsuway ‘yun? Nandito kami ngayon sa condo niya. Sabi niya ay hindi naman ‘daw iyon gaanong nagagamit at kapag naisipan niya lang kaya maaari akong tumuloy dito. Naisip ko agad si mama at Adeline, pwede ko silang dalhin dito. Kapag ayos na ang lahat ay aalis nalang kami. 

Pero bago ‘yun kailangan ko munang makausap si Valentine. Hindi ako papayag na maniwala siya kay Kristin. Hindi ako papayag na maniwala sila sa kasinungalingan nito. Wala akong pakialam sa magiging reaction ng daddy niya basta ipaglalaban ko siya. 

Siya ang ama ng mga anak ko. Malaki ang responsibilidad niya lalo na wala akong sapat na pera pangtustos sa bata. Kaya ng magpaalam si Travis na aalis ‘daw muna ay kinuha ko iyong pagkakataon upang umalis din. Kailangan kong puntahan si Valentine at makausap. 

Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang bahay niya dahil kilala silang negosyante. Hinarang ako ng guard at tinanong kung anong kailangan ko, sa puntong iyon ay na-concoius tuloy ako sa suot ko na damit. Naka jeans lang ako at isang t-shirt. Para kasing minamata ako ng guard na akala mo’y sila ang may-ari ng malaking bahay na iyon. 

“Miss, pumasok ka na ‘daw.” 

Ngumiti nalang ako sa babaeng guard na ‘yun at kahit na naiirita ako sa kaniya ay hinayaan ko nalang. Hindi ko maiwasan na mamangha sa ganda ng bahay nila Valentine, kung maganda na ang hardin sa bahay namin mas maganda dito! May fountain pa sa pinakang gitna niyon at nakita ko ang arko kung saan doon nakasulat ang ‘Hardin Montoya’ 

Tingin ko mahilig sa halaman ang mommy ni Valentine. Maya-maya pa ay nakita ko sa isang garden table at chair ang magulang ni Valentine. 

“Miss.” 

Natauhan ako ng tawagin ako ng nag-aassist saakin na maid at tumango dito’t sumunod. Na-iintimidate kasi ako sa mag-asawa. Una ko lang silang nakita noon sa bahay nang nagtatalo sila ni daddy. Kalmado lang sila, parang ngayon. 

“H-Hello po Mr and Mrs Montoya. Alam ko po maaring pamilyar ang muka ko sa inyo. Ako po si Devina—” 

“Devina Valderama. I know you, anak ka sa labas ni Mr.Valderama. Bakit ka nandito? Dahil sasabihin mo na anak ng anak kong si Valentine ang batang nasa sinapupunan mo?” 

Hindi ako agad naka-react sa sinabi ng daddy ni Valentine. Parang mas lalong nanlamig ang kamay ko at gusto ko nalang ay lamunin ako ng lupa ngayon. 

“What?! Anong sinasabi mo honey?” napatayo ang mommy ni Valentine pero sinenyasan lang siya ng daddy ni Valentine at parang maamong aso itong bumalik sa pagkakaupo niya. 

Tumingin siya saakin na nagtataka. “S-Sir, totoo po. A-Anak po talaga ito ni V-Valentine… H-Hindi ko alam kung saan nakuha ni Kristin ang pekeng litrato ko pero hindi ako ‘yun!” naiiyak na ako. Feeling ko ay sobrang baba ko na dahil nasa harapan ako ngayon ng mayayamang tao na pamilya ni Valentine. Tapos kung tignan pa nila ako ay para akong may nakakahawang sakit. 

“Really? Do you think I would believe that? Isa ka lang anak sa labas Devina, paano ako maniniwala sa isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang pera ng kaniyang ama.” Napanga-nga ako sa sinabi ni Mr.Montoya. Hindi ko akalain na magagawa niyang sabihin ang mga bagay na ‘yun. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko? Pare-pareho lang silang mayayaman! 

Kinalma ko ang sarili ko at tumingin pa ‘rin ng deretsyo dito. “Mawalang galang na ho, Mr.Montoya pero nandito ako para kausapin si Valentine. Nasaan po ba siya? Valentine! Valentine!” nagulat ako ng mayroong humablot sa braso ko. 

Si Mr.Montoya! At ang higpit ng kapit niya saakin! 

“Umalis ka na dito babae! Anong kailangan mo pera?! Kung totoo ngang anak ni Valentine ang sinapupunan mo ipalaglag mo ‘yan! Hinding-hindi namin matatanggap ang anak ng isang katulong at anak sa labas!” 

“H-Honey—” 

“Shut up honey! Bumalik ka doon sa upuan!” 

Nakita ko kung paano muling tahimik na sumunod ang asawa niya sa kaniya. Ganon lang ‘yun? Susunod lang siya sa asawa niya at hindi ipaglalaban ang gusto niya? Natawa ako dahil doon. Hanggang ang tawa ko ay lumakas na at may kasamang luha. 

“Your insane!” bitaw na sabi niya saakin kaya tinitigan ko ng deretsyo sa mata si Mr.Montoya. 

“Yes, I am insane! I am insane for letting myself to introduce to you my child! Anong kasalanan ng anak ko?! Anong kasalanan ng anak ko sa katayuan ko sa buhay?! Alam niyo ho ba kung bakit ako naging anak sa labas ni daddy?! Dahil ni-rvpe ang mama ko! Ni-rvpe ng isang Christopher Valderama ang isang KATULONG na katulad ni mama!” 

Hinihingal ako matapos kong sabihin ‘yun. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha, kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko ay hindi ko magawa. 

“Rvpe?” natatawa niyang sabi pero hindi ko na napigilan ang sarili ko’t sinampal siya. 

“Honey!” 

“What the hell is going on here?!” narinig ko ang boses ni Valentine pero hindi muna ako lumingon dito at nagsalita ng deretsyo sa muka ni Mr.Montoya. 

“Do not ever make fun of rvpe victim! Hindi niyo alam kung gaano kadumi ang tingin namin sa sarili namin at tumayo sa harapan niyo’t magpanggap na walang kababuyang ginawa saamin ang mga tulad niyo!” 

“Devina why did you slap my father?!” kinalma ko ang sarili ko at lumingon kay Valentine. Magsasalita na sana ako ngunit hindi ko iyon naituloy ng makita ko ang seryoso nitong muka habang nanlilisik ang matang nakatingin saakin. 

Nilakasan ko nalang ang loob ko at hindi pinansin iyon. “B-Bakit hindi mo ako inintay Valentine? ‘Wag mong sabihing naniniwala ka sa half-sister ko? Are you for real?” natatawa kong sabi ngunit luha naman ang lumalabas sa mga mata ko. 

“I already knew na truth Devina. Hindi nagsisinungaling ang ebidensya.” 

“Ebidensya?! Ebidensya na isa lamang edited!” tumakbo ako papunta sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang kamay. 

“V-Valentine, nangako ka saakin. Nangako ka saakin na tatanggapin mo ang bata. S-Sabi mo ay ilalayo mo siya sa magulong pamilya mo at pamilya ko.” 

Bigla nalang niyang iwinaglit ang kamay ko kung kaya napatingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. 

“Sinabi ko ‘yun noong akala ko’y anak ko ‘yan! Pero hindi! Isa kang manloloko Devina!” umiling ako sa kaniya. 

“N-Nagsasabi ako ng totoo…” lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang kaniyang binti. “V-Val… P-Please, maniwala ka saakin. Wala na akong ibang lalapitan! Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang bata!” 

“Guard! Palabasin niyo na ‘yan at ‘wag na ‘wag ng papapasukin dito!” napatingin ako sa daddy ni Valentine ng sabihin niya iyon kaya muli akong tumingin kay Valentine na nakatingin lang saakin at mas lumuhod pa. 

“Valentine nakiki-usap ako! Tulungan mo ako! H-Hindi ako titigilan ni Kristin!” mayroong humawak sa magkabila kong braso kung kaya wala kaong nagawa kundi ang tumayo. 

“B-Bitawan niyo ako! Valentine! Valentine!” sumisigaw pa ako kahit na papalayo na ako sa kanila. Hanggang sa hindi ko na sila matanaw pa at wala na akong ibang magawa kundi ang umiyak. 

***

“DEVINA! Saan ka nanggaling?! Kanina pa kita iniintay!” 

Napatingin ako sa kaing harapan at nakita ko ang nag-aalalang si Travis. Kapapasok ko lang kasi sa loob ng condo niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagbasak hanggang sa napahagulgol na ako kung kaya agad niya akong niyakap. 

“Shhh… Anong nangyari? Saan ka ba nanggaling? Nag-alala ako sa’yo,” tanoong niya habang hinahagod ang aking likuran. Hindi ako sumagot sa tanong niya, gusto ko nalang munang umiyak at ilabas lahat ng sakit na naramdaman ko. 

Feeling ko ay hindi ko kakayanin. Paano na kami? Tinalikuran na ako ni Valentine, siguradong hindi ako titigilan ni Kristin. Si papa ay nakakulong pa ‘rin sa kulungan, tapos si grandpa ay nasa ospital pa ‘rin. 

NAGISING ako at madilim na sa bintana. Naalala ko ang nangyari, umiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni Travis at hindi sinasagot ang mga tanong niya. Mabuti nalang at hindi na niya ako kinulit ng oras na ‘yun. Siguro ay nakatulugan ko ang pag-iyak. 

Nakaramdam ako ng pagkulo ng aking tiyan kung kaya bumaba na ako sa higaan. Pagbukas ko palang ng pinto ay naaamoy ko na ang mabangong lutuin. 

“Devina! Mabuti at gising ka na, sakto katatapos ko lang magluto.” Ngumiti ako sa kaniya at ipinagtulak pa niya ako ng upuan para makaupo ako ng maayos. 

“Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya eto nalang alam kong lutuin ang ginawa ko.” 

Inihain niya sa harapan ko ang pininyahang manok at kanin. “A-Ako na Travis, kaya ko naman.” Pigil ko sa kaniya ng sandukan niya ako ngunit umiling siya saakin. 

“Nope, sa ngayon ako muna ang magiging maid saating dalawa. Mag relax ka lang okay?” wala akong nagawa kundi ang ngumiti nalang ‘din dahil sa sinabi niya. 

Nang tikman ko na ang niluto niya ay nakita kong inaantay niya ang rection ko kaya hindi ko maiwasan na mailang. Pero nang malasahan ko ang luto niya ay nanlaki ang aking mata dahil sa sarap. 

“Wow! Ang sarap naman nito Travis! Hindi ko alam na magaling ka pala magluto!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuloy-tuloy sa pagsubo ng pagkain na nasa harapan ko. 

“I am glad that you liked it. Hinay-hinay lang, hindi ka mauubusan.” Natatawa niyang sabi ngunit hindi ko nalang siya pinansin dahil kapag kakain galit-galit muna. 

Nang matapos akong kumain ay hindi ko maiwasan na mapadighay ng malakas. 

“Opss! Sorry, hehe ang sarap kasi ng luto mo.” Natatawang napailing siya saakin pero nagulat ako ng lumapit siya saakin at iangat niya ang kaniyang kamay papunta sa may labi ko. 

“May kanin,” nakangiti niyang sabi at feeling ko ay umakyat ang dugo ko sa aking muka kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. 

“Natutuwa ako na nagustuhan mo. Ito ang unang beses na ipinatikim ko bukod kay mom ang pagkain na niluluto ko. May pagkamalihim ‘din kasi ako,” kindat niyang sabi kaya napangiti ako. Ibig sabihin gusto niya talaga ang pagluluto, malamang hindi niya lang magawa dahil gusto sa business nila. 

“Travis, nabanggit mo saakin na taliwas ka sa daddy mo hindi ba? B-Bakit si Valentine hindi ganon?” 

Napatingin siya saakin dahil sa sinabi kong iyon at maya-maya ay rumehistro ang gulat sa kaniyang muka. 

“Nanggaling ka sa mga Montoya?” napayuko ako sa sinabi niya at nagulat ng bigla niya akong lapitan at i-check kung may sugat ba ako. 

“May ginawa ba sila sa’yo? Pinahirapan ka ba nila?!” 

“Travis, okay lang ako. Na-damage lang ang emosyon ko dahil sa mga sinabi nila lalo na si Valentine. Nagmaka-awa ako sa kaniya Travis. Hindi ko magagawang mangloko, anak niya talaga ang nasa sinapupunan ko.” 

Tumango siya sa sinabi ko at hinawakan ang aking balikat. Naiiyak nanaman ako, siguro dahil na ‘rin buntis ako kaya masyado akong iyakin. 

“Naniniwala ako sa’yo Devina, kahit na saglit palang tayong nagkakasama ay alam ko ng mabait ka na tao. ‘Wag kang mag-alala, ako ng bahalang kumausap kay Val.” Napangiti ako sa sinabi niya at nagpasalamat dito. 

Matapos naming kumain ay nag request ako sa kaniya na samahan ako sa presinto. Alam niya ‘din pala na walang kasalanan si papa nangyaring pagbaril ni Kristin kay grandpa. Kinuwento ko sa kaniya ang buong pangyayari at gulat na gulat siya ng malamang pinagsamantalahan ako. 

Umiyak ako pero kinontrol ko ang sarili ko dahil gusto kong makita si papa. Pagkadating namin sa presinto ay ipinahintay ko na siya sa labas, baka may makakita pa na magkasama kami mahirap na lalo na’t may mata dito si daddy. 

“P-Papa,” 

Napatayo ako ng makita si papa at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. Umiyak ako sa balikat niya’t hinagod naman niya ang aking likuran. 

“Devina anak, bakit ka umiiyak? Hindi ba sabi ko sa’yo makakalaya ‘din ako?” humiwalay ako sakaniya at pinunasan ang luha ko pagkatapos ay tumango. 

“Alam ko papa, may mahalaga akong sasabihin sa’yo.” Inaya ko siyang umupo dito sa visiting area na table namin. 

“P-Pa, buntis ako. N-Nagbunga ang gabi na nangyari saamin ni Valentine… S-Sabi niya saakin pananagutan niya ang bata pero sinira ni Kristin ang reputasyon ko sa kaniya ngayon tuloy ayaw na niyang panindigan ang bata’t sinasabi na hindi niya ito anak. 

P-Pa, hindi ko na kaya. Sobrang bigat na, hindi ko alam kung paano ko ito palalakihin. Kung anong muka ang ihaharap ko sa kanila at sasabihin na anak siya ng isang anak sa labas at katulong. I-ipalaglag ko nalang kaya ito?” 

“Devina anong sinasabi mo?” medyo tumaas ang boses ni papa kung kaya natigilan ako. “Noong nagbunga ang paggagahasa ng daddy mo sa mama mo ipinalaglag ka ba niya?” 

“Devina, walang kasalanan ang anak sa kasalanan ng magulang. Paano mo nagagawnag mag-isip ng ganiyang bata sa isang blessing na sanggol. Oo, hindi mo inaasahan ang pagdating niya pero kailangan mo ‘yang panindigan. Ginusto mo ang nangyari hindi ba? Ikaw ang nag desisyon na may mangyari sa inyo kaya bakit ka pa magmamaka-awa kay Valentine? Ikaw ang babae Devina, desisyon mo, panindigan mo.” 

Hindi ko na napigilan muli ang aking luha at napatakip sa kaing muka. Tama si papa, ako ang may kagustuhan ng lahat ng ito para magkapera. Bakit nga ba hinahabol ko si Valentine sa kasalanan ako naman dapat ang magsisi? At paano ko nagawang isiping ipalaglag ang anak ko? Sa ganoon ay parang wala na akong pinagkaiba sa mga mayayaman na kilala ko. 

Naramdaman ko ang pagahwak ni papa sa kamay ko at inalis ito sa kaing muka. “Anak, kahit anong mangyari ay nandito lang ako. Hindi man kita makakasama araw-araw pero isipin mong nasa tabi mo lang ako, okay?” tumango ako sa sinabi niya at tumayo upang yakapin siya. 

***

“SIGURADO ka ba sa gusto mo Devina?” 

Tumango ako sa tanong ni Travis. Alam kong nakakahiya ang request ko na ito sa kaniya pero kakapalan ko na ang muka ko lalo na at hindi ako mapakaling naiwan sa bahay na ‘yun si mama at Devine. 

“Pasensya ka na talaga Travis, wala na akong ibang maaasahan kundi ikaw lang.” ngumiti siya saakin at umiling. 

“Ano ka ba, diba gaya ng sabi mo tutulungan ko kayo para hindi kayo mahuli ng anak mo?” 

Nakaramdam ng panlalambot ang puso ko dahil sa sobrang bait ng taong nasa harapan ko ngayon. Lord, maraming salamat po at pinakilala mo saakin si Travis. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na wala siya ngayon sa tabi ko. 

TUMUPAD si Travis sa gusto ko at iyon ay ang sunduin na si mama at Devine sa bahay ng mga Valderama. Baka kung ano pang pagpapahirap ang gawin nila kay mama may sakit pa naman ito. Mabuti nalang at naitabi ng maayos ang pera na ibinigay ni daddy kaya magagamit ko pa ito sa pagpapagamot ng mama. 

Bumaba ako ng kotse ni Travis at ganon ‘din siya. Nandito kami sa may bandang dulo ng bahay kung saan nandito ang daan ng mga maid na katulad namin. 

“Sigurado ka ba na may lalabas ng ganitong oras?” tanong niya sa aking tabi at tumango lang ako. Nakatanaw kami ngayon dito sa may ibaba upang hindi kami makita ng mga bantay sa may main gate. 

“Si Ursula!” masaya kong sab isa pabulong na paraan ng makita ko ito na lumabas mula sa likurang pintuan. Mukang magtatapon ng basura! Sakto nandito kami at ginagawang pangharang ‘yun. 

“Ay pusa ka!” 

“Ursula! ‘Wag kang maingay!” nanlaki ang matang napatingin saakin ito ng makilala ako. 

“Devina ikaw ba ‘yan?!” binitawan niya ang basurang dala niya at agad siyang lumuhod upang yakapin ako. “Na-miss kita Devina! Kumusta ka na?! Malaki na ba ang tiyan mo?! Lumabas na ba si baby?!” napabutukan ko siya dahil doon. 

“Hindi pa lumilipas ang isang linggo ng huli nating kita,” napakamot siya sa ulo niya habang nakanguso. 

“Sungit. Uy! May kasama ka palang gwapo—ay siya ‘yung nagligtas sa’yo! Teka, akala ko ba kayo ni sir Valentine nag magtatanan eh bat kasama mo ‘tong gwapong ‘to?” 

Hindi ko maiwasan na pamulahan ng muka dahil sa mga sinasabi ni Ursula. Kung makapagsalita siya parang wala si Travis sa tabi namin. Kainis! 

“Ursula ang bibig mo pwede ba?! Hindi natuloy ang saamin ni Valentine dahil siniraan ako ni Kristin sa kaniya! Ayaw na niyang tanggapin si baby.” 

“Sabi ko na nga ba eh! Kaya ang laki ng ngisi niya saamin! Ang bruha na ‘yun kakalbuhin ko!” tatayo na sana siya kaya nanlaki ang mata ko’t pinigilan siyang umalis. 

“Ursula umayos ka nga! Nandito kami para sunduin si mama at Devine, nasaan ba sila?” 

“Hindi mo naman sinabi agad, nasa loob sila. Tama lang na sunduin mo na sila Devina. Mas naging bruha ang mga bruha! Halika sunod ka saakin, tatakpan kita para dika mahalata.” 

Napatingin ako kay Travis at tumango ito saakin. “Iintayin kita, mag-iingat ka.” Ngumiti lang ako sa kaniya at tumayo na. Katulad ng sabi ni Ursula ay tinakpan niya ako na ngunit napahinto siya sa paglalakad at napatayo ako ng deretsyo ng may magsalita. 

“Ate Ursula, tawag ka na doon.” Pero nakahinga ako ng marinig ko ang boses ni Adeline. Naglakad si Ursula kaya sumunod ako. 

“Ate Devina?” napahinto ako ng lampasan namin si Adeline. Nag sign ako sa kaniya ng wag maingay at nagtatalon ito ng tahimik. Tinuro ko sa kaniya ang kwarto kung kaya na gets naman niay at nagpunta na kami doon. 

Nakita ko si mama na papahiga palang sa higaan. Si nanag Ita kasi ay busy pa sila sa paglilinis ng dining. 

“M-Ma,” napatingin siya saakin at nanlaki ang mata ng makita ako. Tumakbo ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit. 

“D-Devina anak! Bakit ka nandito?” 

“M-Ma nandito ako para sunduin kayo ni Adeline. Mag empake na kayo,” alam kong nasabi ko na kay mama na susunduin ko sila kung kaya hindi nagdalawang isip ang dalawa na mag empake. Masaya ako na kahit papaano ay medyo okay na si Adeline, sana lang ay mawala na sa kaniya ang nangyari saamin sa park. 

“Dalian niyo na jan, mamaya magsasara na ng gate!” sabi ni Ursula ng pumasok ito sa loob. Nasabihan na din niya si nanang Ita at inaantay kami na lumabas. Nalaman ko ‘din kasi na sila nalang ang lumang tauhan na naroroon dahil nagpalit ‘daw ng mga tauhan ang Valderama. 

“Okay na ate Devina,” napatango ako sa sinabi ni Devine kung kaya inakay ko na si mama upang makalabas kami. 

***

“ANONG ginawa mo dito Travis?” 

Natigilan si Travis ng marinig niya ang boses ni Valentine na nakasilip na ngayon sa may basurahan. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumayo nalang. 

“Ikaw anong ginagawa mo dito?” binato niya ‘din ng tanong ang kaibigan kaya napakunot ang noo nito. 

“Mukang may hinihintay ka?” sabi ni Valentine at napatingin sa bukas na pinto sa likuran ng bahay kung saan doon dumadaan ang mga maid. 

“Meron nga, iniintay ko di Devina. Paano mo nagawang iwan sa ere si Devina, Valentine? May anak kayo,” 

Napalagatok ng dila ni Valentine dahil sa kaniyang narinig. “At kilala mo na siya ngayon Travis? Wala akong naaalala na sinamahan kita na kilalanin siya. Tama nga si Kristin, wala ibang gusto si Devina kundi ang pera.” Napakuyom ng kamao si Travis dahil sa narinig niya. 

Gusto niyang suntukin si Valentine ngunit ayaw niyang gumawa ng gulo doon. Baka sitahin pa sila ng mga guard at magtanong kung anong ginagawa niya doon. 

“Valentine, anak mo ang binibitawan mo. Kung ayaw mo kay Devina, kahit manlang sa bata ay maawa ka. Kapag tuluyang natauhan si Devina sa’yo ay baka hindi na niya ipakilala sa’yo ang mga bata.” 

“Hindi ko sila anak! Niloloko lang ako ni Devina!” natigilan si Travis dahil sa narinig. Hindi niya inaakala na magiging ganoon ang kaibigan. 

“Nasaan na ‘yung Valentine na adik kay Devina? Na handang kalabanin ang ama para lang dito? Valentine, baka nakakalimutan mo na ako na ang may hawak ngayon kay Devina. Walang sinasabi si Devina na gusto ka niya o mahal ka niya, dahil lang sa bata kaya gusto ka niyang makasama. Handa akong paghirapang masungkit ang puso niya kung hahayaan mo siya ng ganito.” 

Bigla nalamang siyang kinuwelyuhan ni Valentine ngunit hindi siya nagpakita ng kahit na anong takot sa lalaki. 

“Subukan mo Travis, kakalimutan ko na kaibigan kita.” 

“Try me, Valentine.” 

“Anong ginagawa mo?!” natigilan sila ng sumigaw sa pabulong na paraan si Devina. Nakita niya kasi niya ang ayos ng dalawa. Agad siyang pumagitna sa dalawa at pinaghiwalay ang mga ito. 

“So, si Travis na pala ngayon ang biktima mo?” napatingin si Devina kay Valentine at nagtatakang tumingin dito. “Sabagay, hindi na ako magtataka kung magkaka-anak ka ‘din kay Travis.” Mabilis na dumapo ang kamay ni Devina kay Valentine. 

“Wala kang Karapatan para pagbintangan ako Valentine! Hindi mo alam kung ano ang totoong mga nangyayari—ay mali! Alam mo pala pero nagbibingibingihan ka! Buti pa si Travis handa niyang gawin ang mga pangako mo na napako saakin,” 

Napasinghap ang mama niya maging sina nanang Ita na kasama nila dahil sa narinig. 

“Tara na! Sayang lang ang oras natin sa lalaking ‘yan!” 

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
buti nga sayo g,,, go
goodnovel comment avatar
M-Jhen D'One
Ganda ng story
goodnovel comment avatar
LJ Lyra
umpisa palang maganda na, naawa Ako KY devina grabe Ang sacrifice
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status