Home / Romance / Her Prince Charming In Disguised / CHAPTER 3 - Prince Charming

Share

CHAPTER 3 - Prince Charming

Author: Charis Ash
last update Last Updated: 2023-11-22 11:30:00

"At kasalanan ko pa ngayon? Basta tandaan mo ang sinabi ko, pag nagkataon, wag mong mo akong sisihin , dahil binalaan na kita." pangaral pa sakin ni Aling Bing. Nagpasalamat din naman ako sa pangaral at pagpapa alala niya sakin at least may hint ako diba?.... Marinong naman akong gumalang at makinig, hindi naman ako bastos para ipagwalang bahala lamang ito.

"Pero umamin karin naman?" natatawang singit ni Remy. "Malay mo nagbibiro lang ito si Tiyang,hindi lang halata. Diba po Tiyang? Pero kidding aside tama naman talaga kung hindi ka naman makakatulong at makakagulo ka lang sa pangarap ni Candy wag mo ng ituloy ang binabalak mo. Maraming alalahanin sa buhay ang babaing iyon. Kaya huwag munang idagdag ang sarili mo sa mga pasanin niya.

So, Candy pala ang pangalan niya.

"Ay ewan ko sa inyong mga kabataan kayo, ikaw Remy asikasuhin mo ang Customer, makakapag antay si Caloy tumatambay lang naman yan dito. Hindi natin ikakayaman ang pag iistema sa kanya."

" Pasensya kana Caloy ah, may trabaho pa akong kailangang asikasuhin."

Oh andito na pala ang hinahanap mong Prinsesa."

"Frenny, kumusta ang lakad andito na naman ang prince charming mo, kanina kapa nyan hinahanap." kabababa lang ni Candy sa

"Prince charming ka jan, magtigil ka nga Remy. FYI lang ah, lilinawin ko lang first requirements ng magiging prince charming ay Rich capital R I C H --- rich as in mayaman ung gagawin akong Cinderella ng buhay nya, Pak ganon. Diba bongga ? Pero mas angat pag complete package basta alam nio na yon, plus mahal ko at mahal ako.? Pero wala pa sa isip ko na darating sya agad, kasi marami pa akong inaasikaso. Kaya erase erase muna, ok. Kaya kung ikaw lalaki ay wala sa nabanggit wag ka nang magtanggka. Dahil sinasabi ko sayo ngaun palang RED FLAG ka na agad."

"Candy andiyan kana pala, parine ka muna anak at pakitulungan mo ako dine."

"Andyan na po Tiyang"

"Pasenya kana don, malamang pagod lang un at gutom kaya hinahangin ang utak." si Remy. "Nananaginip na naman ng gising."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Caloy's Pov

"Candy pala ang pangalan niya. Bagay na bagay sa mala manika niyang mukha, siguradong matamis din ang mga labi niya gaya ng kanyang pangalan."

Nandito ako ngayon sa silid ko, naghahanda ng matulog ngunit nagmumuni muni muna hanggang sa dalawin ng antok.

"Oh prinsesa ko, pinatitibok mo ng hindi normal ang puso ko, sa tuwing nasisilayan kita. Ngayon ko lang ito naramdaman kahit sa Ex ko ay hindi kailan man naging ganito kabilis at kalakas ang heart beat ko.

"Prince charming ka jan, magtigil ka nga Remy. FYI lang ah, lilinawin ko lang first requirements ng magiging prince charming ay Rich capital R I C H --- rich as in mayaman ung gagawin akong Cinderella ng buhay nya, Pak ganon. Diba bongga ? Pero mas angat pag complete package basta alam nio na yon, plus mahal ko at mahal ako.? Pero wala pa sa isip ko na darating sya agad, kasi marami pa akong inaasikaso. Kaya erase erase muna, ok. Kaya kung ikaw ay wala sa nabanggit wag ka nang magtanggka. Dahil sinasabi ko sayo RED FLAG ka na agad."

Parang naririnig ko pa ang mga sinabi niya kanina. Paulit ulit na umaalingaw ngaw sa utak ko. Promise itatatak ko ito sa isip at gagawing motivation habang ikaw naman prinsesa ko ang inspiration ko para magtagumpay sa mga mithiin ko sa buhay at kasama ka sa mga mithiing iyon.

Balang araw gagawin kitang Cinderella ng Palasyo ko. Ako lang ang magiging Prince Charming mo na kokompleto sa Ideal man na gusto mo, a totally complete package,walang perpektong tao pero sisikapin kong maging lahat lahat sa buhay mo at wala ka ng maidadahilan para maghanap pa ng iba. Patutunayan kong kadarapat dapat ako sayo when right time comes hindi mo na ako matatanggihan.

Nakatulugan ko na ang isiping ito.

.

.

.

.

.

Candy's Pov

Araw ng pagkuha ko ng requirements para makapaghanap ng trabaho pagkanakompleto ko na. Kailangan ko ng trabaho sa umaga o kahit sa panggabi kahit alin don. Sa remaining or free time ko naman ay isisingit ko ang online business na naiisip ko.

Maluwag na sila ni tiyong sakin dahil hindi na nila ako binigyan ng saktong oras ng trabaho sa convenience store libre pa halos lahat simula sa tirahan pagkain, basic needs toiletries, baon sa paggagala ko este sa pagkuha ng work requirements at iba pa.

Salamat sa Panginoong Diyos nakagraduate ako ng high school with flying colors at pati narin ang pagkagraduate sa college as cumlaude.

Mabuti nalang nong time na nag-aaral pa ko nakapasa ako sa CH*D SCHOLARSHIP libre na ang allowance at mga project ko kunti nalang ang idadagdag ko kahit paano ay nakabawas sa bigat ng alalahanin, sobrang laking tulong. Bukod pa don Free Tuition ang University na pinapasukan ko. Kaya nagkapag-ipon na rin ako ng kahit kaunti para sa bubuksan kong negosyo if ever. Very much thankful talaga ako sa Lord hindi niya kami pinababayaan, palagi akong maniniwala na God will always provide all our needs. Ngayon panibagong pakikibaka na naman sa buhay. Paghahanap ng trabaho at pagnenegosyo naman ang aatupagin ko. Mag iisip din ako ng paraan para magkaka extra income para may maipadala sa pamilya ko sa probinsya, habang wala pang work. May pinagkakakitaan naman si tatay at nanay kahit paano mayroong kaming sariling lupa na siyang sinasaka namin at kinukunan ng ikinabubuhay kaya lang tumataas na ang gastusin naming limang magkakapatid. At siguradong hindi yon sapat para pang arw araw ng gastusin lalo pat nag-aaral lahat ng kapatid ko. Bukod pa doon alam naman nating mababa ang value ng gulay sa mga probinsya tapos sa mga palengke dito sa siyudad ay sobrang mamahal nasaan ang hustisya don?

Kaya hanggat maaari wala dapat munang vacancy ang love life sa buhay ni Candylyn Mendez rendahan muna natin ang ating puso iwasan muna ang kalandian.

Love PLease Do not Enter to my life. Ban ka muna sa ngayon.

Prince Charming iahon mo naman ako sa kahirapang kinasadlakan ko at at mahagian mo naman ang ng yamang taglay mo. Kasi naman baka uugod ugod na ako bago matupad ang mga pangarap ko pagkawalang prince charming na sasagip sa beauty ko.

Nais kong mabago man lang ang buhay namin. Dahil sa angkan ni papa ako palang ang nakapagtapos ng kolehiyo, ayaw kong tumigil lang don, kailangang mapagtapos ko pa ng pag aaral ang mga kapatid ko ako lang ang inaasahan nila.

Sana pumatok at tumagal ang naiisip kong negosyo. Balak kong i online promotion muna ang business na naiisip ko then pag naging in demand saka ako maghahanap pwesto na malapit sa school at daanan ng tao para marami ang maging target market.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Prince Charming In Disguised    CHAPTER 16 -

    Kahit panay rejection ang napapala ko sa prinsesa ko. Masaya parin akong laging siyang kasama, sa tagal ko ng pumupunta sa printing shop niya I gain my effort.Why? hinahayaan na niya akong nasa shop niya lang kahit pa mula umaga hanggang hapon. Kaya ang siste through cellphone ko nalang ginagawa ang ibang transaction sa negosyo. Nagrereport nalang ako sa mga importanteng meetings at kapag may kaiangan permahang mga documents sa office. Hindi na ako pinipilit na umalis at iwanan siya kaya hanggat maaari sinasamantala ko din ang pagtambay. Malay natin masungkit ko na ang matamis niyang oo para tuluyan ng maging akin ang pihikan niyang puso. Hindi naman sa pagmamayabamg perk malakas kong na se sense na may pag - asa ako sa honey my love so sweet ko. Sa tagal ko ng kasa-kasama siya, kahit hindi kami close lalo akong humanga sa kanya sa bawat araw na nagdaraan. Nalaman kong sobra siyang mapagmahal sa pamilya. Napaka - family oriented nito. Sobrang matipid sa sarili halos hindi bumibili

  • Her Prince Charming In Disguised     CHAPTER 15 - Crying Out Loud

    Mabilis na lumipas ang mga oras, araw, linggo at buwan. So far so good naman ang takbo ng printing shop ni Candy, kumikita na at nakakapag ipon.Tuloy pa rin ang pagiging part timer niya bilang isang virtual assistant at graphic designer online. Regular siyang nakapagpapadala ng perang panggastos ng magulang at mga kapatid sa probinsya. Nasa ikatlong taon narin kasi sa kolehiyo ang kapatid niyang babae na sumunod sa kanya sa kursong Tourism na pangarap ang makapaglakbay sa iba't ibang panig ng mundo.Graduating naman sa grade 12 ang lalaking sumunod dito at ang dalawang sumunod naman ay nasa grade 8 at grade 6. Walang katapusang gastusin ang nakaatang sa balikat ni Candy pero hindi niya iniinda ang lahat ng problema dahil masaya siyang nakakatulong sa kanyang pamilya. Si Caloy naman, ayon walang sawa parin sa kabubuntot sa kanya. Panay parin ang pahaging nito na nakasanayan niya nalang din na para bang normal nalang na lagi lang itong nasa paligid at pakalat kalat sa paningin niya.

  • Her Prince Charming In Disguised    Chapter 14 - Contender

    Naalala ko pa noon na ganito yong singsing na nilalaro namin sa probinsya noong maliliit pa kami ang pinagkaiba nga lang ay yari sa dahon ng niyog ang ginagawa naming singsing dati.Naalala ko pa nga ang mga kalokohan namin ng kabataan ko pa, kaya napangiti ako. Na napawi lang at napalitan ng pagngiwi ng tumikhim si Caloy at nakangiting nakatingin sakin."Eherm, mukhang maganda yata ang timpla ng mood natin ngayon ah, mahal kong prinsesa, hmmmm.?" tudyo niya pa sa akin."Tumayo ka nga dyan. Akalain palang ng makakakita sa atin inaapi kita." panay panay pa ang tanaw ko sa labas ng shop baka may mga tao ng nakakapanood sa amin nakakahiya.Madalas naman walang nagagawi kapag masyado pang maaga pero maganda parin kapag alerto mahirap ng maging headline ng mga marites sa tabi - tabi nakakahiya kadalaga kong tao."Sus, ano naman masama sa ginagawa mo, dalaga ka naman at binata din naman ang kasama mo kaya okay lang yan. " Dinig kong sabi ng bahagi ng utak ko."Tssss, palagi mo nalang iniis

  • Her Prince Charming In Disguised    CHAPTER 13 - Paper Ring

    "Good morning honey my love so sweet ko.""Ay tit* mong malaki." gulat na gulat ako ng may biglang magsalita habang ako'y abala sa pag - sasalansan ng mga gamit sa loob ng shop. Masyado pang maaga kaya nakakagulat talaga na may customer na agad. Ang bastos pa naman ng bunganga ko kapag nagugulat nakaka - eskandalo, nakakahiya."Oy wag kang maingay. Bakit mo nga pala alam, kaw ha ngayon ko lang nalaman, pinagnanasaan mo pala ako." mas nagulat ako nang malamang si Caloy pala ang dumating sa shop. Pulang pula naman ang pisngi ko ng mapagtanto ang mga kataga na nasabi ko kanina, ang halay kaya sobrang nakakahiya talaga ang bunganga ko. Akala pa tuloy yata ng lalaking ito kanya ang tinutukoy. Anong palagay niya sa akin nasilipan na siya? Ni hindi ko naman gawain ang ganon mga bagay."Tseee... Anong alam, alam ang sinasabi mo dyan. At anong pinagnanasahan kapal ng mukha mo asyumerong palaka ka." hinihingal paring sabi ko habang sapo parin ang dibdib dahil hindi parin nakakabawi sa pagkagul

  • Her Prince Charming In Disguised    CHAPTER 12 - Regrets

    "Ayan, bagay ." papuri sa ko kay Caloy paglabas niya ng restroom at ng mapalitan na niya ang kanyang nabasang polo shirt. dito sa comfortroom sa loob ng isang mall kung saan kami pumasok para makapagpalit siya."Akala ko pa naman sasabihin mong bagay tayo." pahaging niya pa sa akin."Hindi ganon yon. I mean bagay naman pala sayo ang damit. Gwapo kana ulit." pagpapaliwanag ko sa kanya."Bakit pumangit ba ako?" tugon niya."Ewan ko sayo puro ka kalokohan. " pang- iirap ko naman sa kanya.."Tssss, lagi mo nalang akong iniirapan, ang sarap mo tuloy halikan."Saan na tayo pupunta nito?" pagdaka'y tanong ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang pasaring niya. Pero sa toto lang natatakot na ako sa sarili ko imbis na mabastusan ako sa mga sinasabi niya at magalit kabaligtaran ang nararamdaman ko. kanina pa ako kinikilig sa mga simpleng banat niya." Fu*k kanina pa ako iniirapan nito, ngayon naman panay dila sa pang-ibabang labi niya at kinakahat-kagat pa talaga. She turning me on in her simple gest

  • Her Prince Charming In Disguised    CHAPTER 11 -

    Ang gandang pagmasdan ng prinsesa ko habang kumakain. Sobrang simple lang niya walang arte sa katawan, ni hindi man lang nag abalang mag make-up hindi gaya ng maraming babaeng lumalapit sakin na halatang yaman lang namin ang habol, ang mga nguso nangangapal sa red lipstick at parang mga sinapak na clown ang mukha. Gusto ko sana na sa mamahaling Restaurant kami kumain ngunit todo tanggi ito kahit sinabi ko ng okay lang na sky's the limit ang gastusin namin ngayon dahil napag - ipunan ko ko naman ang araw na ito at may sapat akong pera para i pamper siya. Minsan lang itong mangyari baka hindi na maulit kaya kailangang itodo ko na. Iyon nga lang Todo tanggi talaga siya, magsasayang lang daw kami ng pera sa mamahaling kainan kong pareho lang naman ang lasa ng pagkaing inihahain. Wala daw siyang balak agawan ng pangbudget ang pamilya kong naiwan sa bahay. Alam naman daw niya kung gaano kahirap ang kumita ng pera kaya kailangang sinupin at pahalagahan ito, which is tama naman lahat. Kaya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status