Share

KABANATA 3

HR03

Isang araw pa lang ang pagkaalis ni Nanay Tesang pero ramdam ko na ang lungkot. Kaunting panahon ko lang siyang nakasama pero malaki ang pasasalamat ko sa kanya na tinggap niya ako bilang kasambahay ng pamilyang Circassian.

Bumuntong hininga ako kasabay ng pagwalis ko sa malapad na barukan ng mansion. Maaga akong nagising para gawin ang gawaing ito, ramdam ko kasi na hindi ko kaagad matatapos ito kapag hindi ko inagahan. Sa laki ba naman nito parang buong bahay na namin sa probinsiya ang nalinisan ko.

Magdidilig pa ako sa mga malalaking mga pananim at isusunod ko ang swimming pool dahil may mga dahon na naman doon. Hindi naman nagagamit iyon pero pinaalalahanan ako kanina ni Celene na kailangan ko iyong linisan dahil sa paparating na party nila Sir Yusuf.

Gagawin ko na lang ang inuutos ni Celene sa akin dahil baka may magawa pa akong kaunting mali ay papaalisin pa ako dito nang biglaan. Wala na akong mapuntahan dito sa lungsod, ayaw ko ring umuwi ng walang dala kila Nanay.

Kasama ko naman si Beca na nasa kabilang banda para matapos kami agad ang buong bakuran na ‘to. Patuloy lang ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang pagtawag ni Celene ng pangalan ko.

“Ano ‘yun Celene?” tanong ko sa kanya.

Tinuloy ko pa rin ang pagwawalis dahil malapit ko na ring matapos ang isang sulok dito sa bakuran.

Pinaypay niya ako gamit ang kanyang kamay kaya kumunot ang noo ko, “Pinapatawag ka ni Sir Yusuf, kailangan mo raw sumama sa kanya sa kompanya.”

“Paano ito?” muli kong tanong, nilahad pa ang walis na hinahawakan ko.

Hindi ko pa tapos ay medyo malawak-lawak pa ang tatapusin ko. Sabi niya sa akin kahapon tapusin ko ang bakuran at swimming pool. Ngayon paano ko matatapos ito kung ipapatawag niya ako at isasama sa kompanya niya?

Papagalitan niya pa ako kapag hindi ko natapos ang lahat ng ito, magiging kasalanan ko pa ang lahat.

“Si Karin na diyan, pumunta ka na doon at baka magalit na naman ang hari.” Sabay tulak niya sa akin.

Wala na akong nagawa pa kundi iwan ang ginagawa ko. Binigay ko kay Karin ang mga materyales na ginagamit ko at nagtungo sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa loob ng mansiyon ay kaagad kong hinanap si Sir Yusuf, ngunit walang sumasagot.

Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa itaas at nagtungo sa kanyang silid. Pinindot ko ang isa button doon para malaman niyang nandito ako. Napaka-high tect ng buong bahay dito, lalo na doon sa kusina. May mga bagay doon na hindi ko alam kong paano gamitin.

Ngunit sa tulong ni Celene at ibang kasambahay ay nagkakaroon na ako ng mga kaalaman sa ibang mga equipment na doon ko lang nakikita sa loob ng kusina nila Sir Yusuf.

Ilang sigundo akong tumayo doon ngunit wala akong narinig kay Sir Yusuf kaya muli kong pinindot ang boton doon. Sa pagkakataong ito ay binuksan na niya ang pintuan, nakapagbihis na rin siya dahilan siguro kaya hindi niya nabuksan kanina.

“A-Ah Sir, s-sabi ni Celene pinapatawag n-niyo daw ako.” nauutal kong saad dahil nalalanghap ko ang amoy mula sa silid ni Sir Yusuf na nagbibigay kaba sa akin.

Kakaiba iyon at napakasarap sa ilong. Bawal pumasok sa loob ng silid niya kahit sa opisina niya. Sabi pa sa akin ni Celene napakaswerte ko raw dahil nakapasok ako sa loob ng opisina niya dito sa bahay. Ayaw na ayaw kasi iyon ni Sir Yusuf, matindi daw ang trust issue niya sa mga tao.

Umuwang ang bibig ko nang makita si Sir Yusuf, kakaiba siya kapag nasa pormal na kasuotan. Yumuko na lamang ako para hindi ako mas lalong kabahan sa kanyang prensensya.

“Change your clothes and wait for me down stairs.” Puno ng awtoridad niyang sabi sa akin na ikinatango ko naman at nagmadali sa pagbaba.

Hindi ko na pinahaba pa ang kanyang sasabihin at kaagad na akong bumababa mula doon. Pagkapasok ko sa maids quarter sinalubong ako ni Celene, pinabilisan niya ako sa pagbihis at baka mainip si Sir Yusuf.

Matapos kong makapagbihis ay tinignan ang mukha ko sa salamin. Isang kulay kremang palda ang sinuot ko na hanggang sa ilalim ng aking tuhod at ganon din ang kulay ng aking damit sa pang-itaas. Maglilinis lang naman ako doon at baka uuwi din ako pagkatapos.

Lumabas ako ng silid at pumunta sa sala. Nandoon na si Sir Yusuf at iniinom ang kanyang kape. Animo’y hari na nakaupo sa trono si Sir Yusuf sa mahabang lamesa dito sa hapag nila. Nang makita ako ay kaagad na binaba ang baso at tumingin sa akin.

“Get ready,” aniya at tumango ulit ako.

Nauna siyang lumabas sa akin at nakasunod naman ako sa likuran niya. Tinawag niya si Manong Bert para sa pagmamaneho, tumakbo naman si Manong Bert. Nauna siyang pumasok, akmang papasok na rin ako nang bigla niya akong pinigilan.

“Doon ka sa harapan.”

Tumango ako at doon umupo sa unahan.

Sinimulan ni Manong Bert na buhayin ang sasakyan at kaagad na pinaharurot ang sasakyan. Tahimik lang akong nakaupo dito sa unahan ng sasakyan habang si Sir Yusuf naman ay naririnig kong may katawagan. Hindi ko na inabala pang pakinggan at tinuon ang aking mata sa labas ng binatana.

Ganda ng kalikasan ang palagi kong nakikita doon sa probinsya ngunit hindi maipagkakaila na maganda din ang tanawin dito sa lungsod. Kung minsan lang kami noon lumuwas ng lungsod dahil medyo malayo at bawal kaming tatlo lang na magkakapatid ang lumuwas.

Kailangan ay kasama si Nanay o ‘di kaya si Tatay. Si Tatay iyong palaging nagdadala sa amin dito dahil kabisado niya ang lungsod ngunit simula noong namatay siya, hindi na kami nakatapak pa dito.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay nandito na kami sa harap ng isang malaking building. May nakaukit na Circassian Empire sa itaas ng building, ito na ang kompanya ni Sir Yusuf.

Wala sa sarili akong bumaba nang bumaba si Sir Yusuf pagkarating namin sa malawak na parking area ng lugar. Seninyasan akong sumunod sa kanya kaya nagmadali ako sa paglakad para mahabol siya.

“You already eaten your breakfast?”

Nagulat ako sa tanong na iyon mula kay Sir Yusuf pagkapasok namin sa loob ng elevator.

“Hindi pa po baka pagkauwi ko na lang.” tipid na sagot ko.

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil bumukas na ang elevator. Nauna siyang lumabas at sumunod ulit ako sa kanya. Ito ata ang pinakamataas na floor sa buong building, wala akong ideya kung hangga’t anong floor ito pero sigurado akong ito ang pinakahuli.

“You may now start to clean,” sabi niya at tinuro pa ang mga gamit na nandito na rin, “Pagkatapos mong maglinis, linisan mo rin ang bodega na kung saan naroroon ang mga gamit.” Dugtong pa niya.

“Okay po,”

Nagsimula akong naglinis habang si Sir Yusuf ay abala sa kanyang ginagawa. Nagsimula ako sa mataas niyang shelf, hindi ko pa maabot kahit na may upuan na akong pinapatungan ngunit pinilit ko talaga hanggang sa luminis ang itaas.

Wala akong ideya kong ilang minuto na ako sa paglilinis pero ramdam ko na ang pagod ko. Nasa kabilang side na ako, napakawalak din kasi ng buong opisina dito sa kompanya niya. Mas malaki pa ito keysa doon sa bahay niya.

Nasa bandang sahig na ako sa pagwalis ng may biglang pumasok sa loob ng opisina ni Yusuf. Isang lalaki ang pumasok, nagkatinginan kaming dalawa ngunit kaagad kong binawi ang tingin ko nang makita ang ngisi sa kanyang labi. Yumuko ako at nagpatuloy sa aking ginagawa.

“You have a new pretty cleaner, Yusuf. Linggo-linggo iba-iba ah.” Dinig kong ani ng lalaki.

“Shut up, Manuel, I have a lot of things to do.”

Tumawa ang lalaking nagngangalang Manuel, “You already done all your papers, Yusuf. They already approved, kaya nga may party sa bahay mo diba? Dapat nagpapahinga ka na doon sa bahay mo, sunod-sunod trabaho mo.”

“Shut the fuck up, marami akong ginagawa!” tumaas ang boses ni Sir Yusuf at may inis na rin sa boses niya.

“Okay,” dinig kong sabi ng lalaki.

Naglakad ito at nakita ko ang paa niya. Dahan-dahan akong tumingala at muling nagtama ang aming mata.

“You have a mop, pretty lady. Huwag mong isa-isahin baka mapagod ka.” Suhestiyon niya pa sa akin.

“Alam ko po pero hindi po malilinisan ng mabuti ang sulok kapag mop po kaagad ang gagamitin ko. Mas mainam po na gamitin ko po ang kamay ko para matanggal talaga ang dumi.” Paliwanag ko sa kanya.

Ngumisi siya at muling bumalik sa gawi ni Sir Yusuf, “Can I hire her as a cleaner of my office, Yusuf?” tanong niya sa lalaki na busy’ng nagbabasa ng mga papeles.

Hindi nakasagot si Sir Yusuf kaya bumalik si Sir Manuel sa gawi ko.

“Can I hire you as my cleaner too? Hindi kasi ganyan ang cleaner ko, may nakikita pa rin akong dumi sa opisina ko. If you are free after this or I mean tomorrow, you can clean my office. Kung gusto mo lang naman. I can pay, magbabayad ako sa gagawin mo.” Sunod-sunod na aniya.

Napangiti ako, pakiramdam ko kasi napakagandang oportunidad kapag tinggap ko ang alok niya sa akin. Mas magdadagdagan ang pero na mapapadala ko kapag nagkatanong ako ang maglilinis ng opisina niya.

“Ayos lang po!”

“No!”

Napakagat ako ng bibig at napatingin kay Sir Yusuf na nakatingin din pala sa amin. Nagkasalubong ang mga mata namin na kaagad ko namang iniwas dahil sa tindi ng diin sa kanyang titig. Dahil siguro iyon sa sinagot ko.

“Damn, Yusuf. She already said, yes. Huwag ka namang ganyan, Yusuf. Alam mo naman ang mga gusto ko—“

“Leave, Manuel.” Pinutol ni Sir Yusuf ang sasabihin niya.

“But Yu—“

“I said, leave this fucking room!” dumadagongdong na sigaw ni Sir Yusuf na kinagulat naming dalawa ni Manuel.

Walang nagawa ang lalaki at napabuntong hininga na lang sa sigaw ni Yusuf. Bago siya umalis ay suminyas siya sa akin na nasa baba lang daw siya, kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung ano ang ibig niyang iparating.

“Don’t you dare to accept his offer or I will fired you right now.” wika ni Sir Yusuf na nagpakaba sa aking puso.

Agad akong umiling at binawi ang sagot ko kanina sa offer ni Manuel, “Hindi po, h-hindi ko p-po tatanggapin.” Kinakabahan kong sagot.

“If you accept someone’s offer, you already fired, Zeynep.” Aniya pa.

“Opo,” sagot ko sa mahinang boses.

Ayos lang naman siguro na ito lang ang kunin kong trabaho. Makakaya naman nitong tustusan ang pamilya ko. Nakakatakot kasi baka bigla akong mawalan ng trabaho. Mataas at maganda din naman ang sahod kay Sir Yusuf…baka hindi ko an talaga kailangan ng isa pang trabaho…

Matapos kong malinasan ang buong silid ay ramdam ko ang pagod sa katawan ko. Pagkatapos ng silid, ang buong bodega naman na grabe ang kalat. May kasama ako sa paglilinis, ayon sa kanya hindi daw ito nalilinisan simula noong nakaraang linggo dahil nagalit at umalis ng bansa si Sir Yusuf.

Hindi nila malinisan dahil baka bigla silang mawalan ng trabaho dahil hindi iyon inuutos ng hari sa kanila. Mabilis lang natapos ang pag-aayos ng bodega dahil apat kaming cleaner ang naglinis.

Nagpaalam ako sa kanila at bumalik sa loob ng opisina ni Sir Yusuf. Nanlaki ang mata ko at umuwang ang bibig ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ni Sir Yusuf. Nagmadali ako sa pagsira no’n at kaagad na minura ang sarili sa katangahang ginawa na hindi pagkatok.

Shit! Hindi ko inaasahang na makikita ko si Sir Yusuf at ang isang babae. Nasa kandungan ni Sir Yusuf ang babae o ang girlfriend niya. Mukhang may gagawin sana silang milagro.

Tangina mo, Zeynep.

Ilang linggo din sila hindi nagkita tapos tatapusin ko lang ang moment nila?! Oh Lord, sana hindi ako masesante sa katangahang ginawa ko ngayong araw.

Wala pang ilang sigundo ay lumabas ang babae sa silid ni Sir Yusuf. Doon ko lang naaninag ang buo niyang mukha. Maganda siya, kulay pula ang kanyang labi dahil sa lipstick, matangos ang kanyang ilong, at mukha talaga siyang city girl.

“Sorry po sa istorbo,” hingi ko ng patawad, nakayuko pa ako dahil mukhang galit siya sa akin.

“The next you must knock, you dumb!” madiin na ingles niya.

“Sorry po—“

“Zeynep!”

Natigil ako sa pagsasalita dahil sa sigaw ni Sir Yusuf ng aking pangalan. Napatingin ako sa babae at bigla niya akong inirapan sa hindi ko alam na dahilan. Tinalikuran niya ako, pumasok naman ako sa loob ng silid.

“Sorry po kanina, sa susunod hindi ko po kakalimutang kumatok.” Agad kong wika pagkapasok ko sa loob ng silid.

“You must,” aniya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya pa ako tinggal sa trabaho na ito.

“Umuwi ka na sa bahay, tapos na ang trabaho mo dito. Tell Celene to clean the place, the party is approaching.” Paalala niya sa akin bago ako tuluyang lumabas ng silid.  

Good thing, wala akong natanggap na mura at insulto ngayong araw sa paglilinis ko dito sa loob ng opisina niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status