Share

KABANATA 4

HR04

“Zey, nakita mo ba secretary ni Sir Yusef?” pagkarating ko tanong ni Celene sa akin, nag-aabang din ang ibang kasambahay sa sasabihin ko. Si Beca at Fiona ay lumapit pa talaga sa akin.

Kumunot ang noo ko, “Lalaki ba?” tanong ko sa kanila.

Baka kasi si Manuel iyong tinutukoy nila na secretary ni Sir Yusuf pero parang hindi din naman dahil inalok pa nga niya ako ng trabaho sa opisina niya. Kung secretary lang siya, hindi ganun ang inaasta niya.

At mukhang close na close din sila ni Sir Yusuf dahil nagbibiro pa ito kanina sa harap niya. Komportable pa sila kung mag-usap na dalawa.

“Hindi, babae!” sabay ni Celene, Beca at Fiona.

Tumawa pa ang tatlo at nag-apir sa kanilang pagkasabay-sabay.

“May nakita akong babae kanina, nasa kandungan ni Sir pero hindi ko alam kung secretary niya iyon o hindi. Pormado kasi ang babae at maganda siya, mukhang hindi lang siya secretary baka girlfriend ni Sir Yusuf.” Paliwanag ko.

Umiling si Beca. Natawa si Fiona. Kumunot naman ang noo ni Celene. Si Karin naman ay hindi alam kong ano ang pinag-uusapan namin dahil busy siya sa kanyang ginagawa.

“Walang girlfriend si Sir Yusuf, Zeynep!” agap ni Beca.

“Hindi nagjojowa si Sir Yusuf!” sunod na wika ni Fiona.

“Ha?” hindi ko alam kong ano ang ibig nilang sabihin.

Paanong hindi iyon girlfriend ni Sir Yusuf? Naglalambingan silang dalawa eh, nasa kandungan siya ni Sir Yusuf at mukha talaga siyang magkarelasyon. Paanong hindi sila?

Sweet silang dalawa.

“Hindi nagjojowa si Sir Yusuf, Zey. Sanay na kaming may mga babaeng nahuhumaling diyan kay Sir, daming baliw kay Sir Zeynep kung alam mo lang. Maraming pumupuntang babae dito sa mansion tapos ang ibang mga baliw na babae sasabihing may anak sila o nabuntis sila ni Sir.” Kwento ni Zeynep.

“Talaga? Gano’n?” hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

“Oo, kung alam mo lang matatawa ka na lang minsa. Pero kasi iyong si Sir, masyadong mapusok din kaya ginagambala siya ng babae niya.” si Beca.

Sabay na natawa si Beca, Fiona, at Celene sa sinabing iyon. Umiling-iling naman ako sa kanila, hindi ko pa kilala si Sir Yusuf pero kita nga sa kanya na may pagkapusok nga siya. Nakakalaglag panty din ang mukha niya, hindi mapagkakaila na madami siyang babae.

***

Sa mga sumunod na araw ay naging busy kami dahil sa paparating na party ni Sir Yusuf. Sinasamahan ko si Celene kung saan siya napupunta dahil iyon ang utos ni Sir Yusuf. Madaming binili si Celene na kailangan sa party, doon ko nakita na pinagkakatiwalaan talaga ni Sir Yusuf si Celene.

Kasalukuyan kami ngayon ay nandito sa grocery store ng isang sikat na mall dito sa lungsod para bilhin ang mga nakasulat sa listahang binigay ni Sir Yusuf.

“Alak lahat ng nasa listahan?” nagulat ako nang makita ang listahan.

Hindi ako pamilyar sa ibang pangalan pero may nakikita ako na nainom na namin noon ni Celene noong nasa probinsya pa lamang kami. Hindi naman ako pala-inom sadyang pinilit lang ako ni Celene noon kaya napainom ako.

“Oo, ito ang highlight nila eh. Ito ang main na pagkain kung baga.” Paliwanag niya.

“Napakadami naman niyan,”

“Madami siguro ang pupunta plus, remember may babae doon.” Paalala niya pa.

Tumango-tango ako. Sabagay, madami nga talaga ang dadalo at madami kaming lilinisin kinabukasan. Panibagong hamon na naman ito sa akin, nitong mga araw maluwag-luwag na ang trabaho ko dahil hindi na ganoon ka init ang ulo sa akin ni Sir Yusuf sa akin. Hindi kagaya noong mga unang araw ko dito na halos isumpa na niya ako.

“Pwede bang kumuha ka doon ng Black label? Para mabilis tayo dito.” Tinuro pa ni Celene ang isang pang alcohol section.

Ngumiti ako at pumunta doon. Kumuha ako ng black label na tinutukoy niya. Sunod-sunod ang pagkuha ko ng mga alak hanggang sa nakuha na namin lahat. Pagkatapos naming mamili ng alak ay umuwi din kaming dalawa, medyo madami at mabigat kaya kailangan namin nang tulong ng iba.

“Zey, pinapatawag ka ni Sir Yusuf.” Pagtawag sa akin ni Beca.

Huminto ako sa aking ginagawa at tinungo si Sir Yusuf na nasa kanyang opisina dito sa loob ng mansion. Pinindot ko ang isa button at kaagad ko namang narinig ang kanyang boses. Dahan-dahan kong binuksan iyon at pumasok sa loob.

“Sir?” tanong ko.

“Nabili niyo na ba lahat ni Celene ang mga pinabili ko sa inyo?” tanong niya habang ang mata ay nakatingin sa kanyang laptop na nasa harapan.

Tumango ako kahit alam kong hindi niya naman iyon nakikita, “Opo, Sir. Nasa baba na po lahat.” Sagot ko.

Umangat ang tingin at napatingin sa akin.

“After this party, I have a very important business meeting and I want you to be with me.”

Umuwang ang bibig ko at nagulat sa kanyang sinabi, “P-Po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“You are going with me, I heard from Celene that you are great in cooking. One of my investor is very picky when it comes to food and I want you to cook him in that days. Hindi ko pa man natitikman ang luto pero madaming bilib sa ‘yo dito sa bahay.” Mahabang paliwanag niya na ikinakaba ko.

“P-Po?” iyon lang ang lumalabas sa bibig ko.

Tumaas ang kilay niya at maging ang gilid ng bibig. Ramdam ko na pinaglalaruan lang ako ni Sir Yusuf, gusto niya talagang magkaroon ako ng pagkakamali para may rason siyang paalisin ako dito sa bahay niya.

Pero bakit naman niya gagawin iyon sa akin?

Wala naman akong ginawa sa kanya.

Alam kong magandan oportunidad iyon sa akin pero hindi maalis sa akin na hindi mangamba. Paano kapag nagkamali ako? Paano kung hindi masarap ang luto ko?

Sa akin babagsak ang sisi. Sisihin niya ako na hindi natanggap ang kompanya niya, mawawalan siya ng investor at higit sa lahat mawawalan ako ng trabaho.

Pero bakit niya ginagawa ito sa akin? Maayos naman na siya nitong mga nakaraang araw, ni hindi na niya ako pinagsasalitaan ng masama. Ni hindi nga ako kinakausap, pwera na lang kung may kailangan siya sa akin eh.

“Sir, ayaw ko po.” Buong tapang kong ani.

Ayaw kong mawalan ako ng trabaho dahil sa isang pagkakamali ko. Madaming nasasarapan sa luto ko pero hindi ako sigurado sa kakayahan ko. Isa pa siguro naman nasa hotel sila para gawin iyong meeting nila. Paniguradong may mga chef doon na eksperto talaga sa pagluluto.

“Why you don’t want this job, Zeynep?”

Kumuha ako ng malalim na hininga bago sumagot, “Kasi ayaw kong mawalan ng trabaho, Sir.” Mahinang sagot ko.

“But I’m offering you a job Zeynep, wala naman akong sinasabi na tatanggalin kita sa trabaho mo.” Malumanay na aniya.

“Pero ramdam ko pong pinaglalaruan n’yo ako. Unang-unang pagtapak ko pa lang dito sa bahay niyo, ramdam ko pong ayaw na ayaw niyo sa aki—“

“Paano mo nasabi na ayaw ko sa ‘yo?” muling tumaas ang isa n’yang kilay.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagsisisi kaagad ako sa mga binitawan kong mga salita. Ramdam ko ang kalabog ng aking puso dahil sa takot sa kanya. Hinahamon pa ako ngayon.

“Kasi palagi niyo akong pinapagalitan,” muli kong kinagat ang aking bibig, “Iniinsulto at minumura noong unang punta ko dito. Pero ayos lang naman, sino ba naman ako.” sabay tawa ko para matakpan ang kabang nararamdaman ko.

Kita kong binasa ni Sir Yusuf ang kanyang pang-ibabang bibig gamit ang kanyang dila bago kinuha ang vape sa gilid. Nagpakawala siya ng usok habang tinitignan ako. Madilim ang kanyang titig at parang hindi nagustuhan ang aking sinagot sa kanyang tanong.

Totoo naman kasi, nagsabi lang naman ako ng totoo. Totoo namang ayaw niya sa akin noong unang punta ko dito. Nagkasugat pa nga ako sa noo dahil paghawi niya ng mangkok dahil sa galit niya sa akin.

“P-Pero sir, a-ayos lang talaga. Galit po b-ba kayo?” napanguwi ako.

“So, you wanted me to insult you? To cussed at you? To make your life difficult here in my house?”

Agaran akong umiling at napapikit ako. Agad ko rin iyong binawi at dahan-dahan akong tumango. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang tanong. Pakiramdam ko kasi wala akong choice, nasa kanya ang desisyon sa lahat.

Muli niyang inulit ang kanyang tanong ngunit sa pagkakataong ito ay umiling ako. Wala naman sa akin kung pagsalitaan niya ako ng masama. Ang importante lang ay hindi niya ako tanggalin sa trabaho.

“Okay, if you don’t want me to insult you, cussed at you. Gawin mo lang ng pinag-uutos ko. And I want you to come with me this Friday for the business meeting. Is that alright, Zeynep?”

Wala na akong nagawa kundi ang tumango sa kanyang tanong. As long as wala naman siyang ginagawang masama sa akin ay pagbibigyan ko ang mga gusto niya alang-alang sa pamilya ko.

***

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay bumaba ako. Sinalubong ako ng mga tsismis girls kung bakit na naman daw ako pinatawag ni Sir Yusuf. Kinuwento ko sa kanila ang lahat, sinabi ko ang tungkol sa business meeting na pupuntahan namin ni Sir Yusuf sa Friday.

“Gagi?! Talaga?!” gulantang na reaksyon ni Celene pagkatapos kong magkwento.

“Oo, sabi niya kasi mapili daw ang isang investors niya kaya dadalhin niya ako.”

“Baka si Mister Reni iyon, Celene. Iyong tinapon lahat ng pagkain sa harap natin noon nakaraang taon. Iyon supladong matandang lalaki, ayaw na ayaw sa pasta na ginawa mo Celene.” Kwento ni Beca.

“Ganoon siya ka mapili? Tinapon niya ang pagkain? Sayang naman,” kuryosong tanong ni Karin.

Tumango si Beca at muling nagsalita. “Oo beh. Kahit iyon special dish ni Nanay Tesang ayaw ng matandang pangit na ‘yon.”

“Bigla akong kinabahan,” wala sa sarili kong bulong.

“Naku! Naku! Naku! Zeynep, sa tingin ko masasarapan siya sa luto mo. Masarap kaya ang luto mo friend. Dati naghihire pa iyang si Sir ng chef para sa matandang iyon. Pero ramdam ko, kayang kaya mong kunin ang kiliti ng matandang iyon. Masarap kang magluto.” Si Celene.

“Oo, masarap kang magluto Zey!” ani Karin.

Kahit alam kong pinapalakas nila ang loob ko ay kinakabahan pa rin ako.

“Nakatikim na ba si Sir ng luto ko? Iba iyong niluluto mo ang kinakain niya Celene?” tanong ko. Curious ako kung natikman na ba ni Sir ang luto ko.

Hindi ko pa kasi siya nakikitang kinain niya ang niluluto ko dito sa loob ng bahay niya. Kapag kumakain din siya ay ayaw niyang nandoon kami sa hapag para tignan siya.

Kibit-balikat si Celene, “Hindi ko alam, hindi pa ata.” Aniya.

Napakagat ako ng labi. Mukhang kailangan ko talaga ng lakas ng loob ngayon. Pagkatapos naming mag-usap ay hiniram ko ang cellphone ni Celene at tinatawagan sina Nanay na nasa probinsya. Isang ring lang at kaagad na tinaggap ni Alyn ang tawag ko.

“Ate? Kumusta na, Ate?” bungad sa akin ni Alyn.

“Ayos lang, kayo?” tanong ko pabalik.

“Ate, pwede bang magtanong kung kailan ka magpapadala? Si Nanay kasi—“ naputol ang sasabihin ni Alyn nang bigla kong marinig ang boses ni Nanay.

“Si Zeynep ba iyan, Alyn?”

“Opo, Nay—Ate gusto ka daw kausapin ni Nanay.”

“Bigay mo sa kanya, Alyn.”

Bigla tuloy akong napa-isip kung ano sana ang sasabihin ni Alyn noong pinutol ni Nana yang kanyang sasabihin.

“Nay, si Zeynep ‘to.” Ani ko matapos kong marinig ang sunod-sunod niyang pagtawag ng pangalan ko.

“Zeynep, miss ka na namin. Ayos ka lang ba d’yan anak? Maayos ba ang turing sa ‘yo ng amo mo? Bakit ngayon ka lang napatawag ha, Zeynep?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.

“Sorry po, medyo busy kasi dito sa mansion nila. Napakalaki po kasi kaya maraming gawain, ayos lang naman ang amo ko.” kinagat ko ang pang-ibabang labi, “Mabait naman siya…”

“Ay naku, mabuti naman kung ganoon. Naku, huwag mo kaming isipin dito, anak. Ayos na ayos lang kami dito.” Ani nanay, may kakaiba akong naramdaman sa kanyang boses dahil kumirot ang puso ko.

“Kapag may kailangan kayo, tawag lang kayo dito Nanay ha.” Malambing kong wika.

Hikbi ang narinig ko sa kabilang linya at pagkatapos no’n ay namatay ang tawag. May kumawalang luha din sa aking mata, hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Ramdam ko sa boses ni Nanay na gusto na niya akong makita ngunit hindi ko pa talaga kayang umuwi hangga’t wala akong dala sa kanila.

Sa ngayon, titiisin ko muna ang pangungulila ko sa kanila. Ramdam ko balang araw, lahat ng paghihirap namin ngayon ay mapapalitan ng magandang kinabukasan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status