Share

Chapter 11

Auteur: PROSERFINA
last update Dernière mise à jour: 2023-05-08 21:56:36

SERGIO

Kinabukasan ay hindi muna ako nagpunta sa opisina. Dumerecho ako sa bahay ni Hugo upang alamin ang totoo. Ayoko man maniwala kay Catalina hindi naman mapanatag ang loob ko. Lalo na nang maalala ko kung ano ang naging pagkikita naming muli ni Katherine. Ibang-iba na siya kaysa dati. Bukod sa mas simple manamit si Katherine noon ay ni minsan hindi ko naramdaman na ginusto kong may mangyari sa amin. Kahit kami lang dalawa ang magkasama noon sa bahay at sa apartment niya never kong naisip na galawin siya. Ngunit nang bumalik ako. Ibang Katherine ang humarap sa akin.

Mas maganda, mas kaakit-akit at mas nakakabaliw to the point na isang araw ko lang siyang hindi makita gustong-gusto ko na siyang puntahan sa tirahan niya. Kaya nang gabing yun na magkasama kami hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili na angkinin siya. Akala ko galit pa rin siya sa akin ngunit nagpaubaya siya sa nangyari sa pagitan naming dalawa. At hindi na ako papayag na may mamagitan ulit sa amin kahit ang mga
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Her Twin's Revenge   Chapter 35

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW…“Sergio, dahan-dahan lang baka bumanga tayo!” Paalala ni Karina sa kanya dahil pasikot-sikot na sila sa gubat at paliit na rin ng paliit ang nadadaanan ng kanilang kotse. “Kailangan natin siyang mahabol, dahil kung hindi baka lalo lamang tayong mahirapan na mahuli si Bernadette.” Sagot ni Sergio sa kanya habang nakatuon ang attensyon sa harapan at dadaanan nila. Habang si Bernadette ay hindi na rin alam ang gagawin para makalayo sa dalawa. “Bakit ka tumatakbo, Bernadette? Yung mga nagpahirap sa'yo ang nakasunod sayo diba dapat harapin mo na sila?” Bulong ng isip ni Bernadette. “Kapag tumigil ka mahuhuli ka nila at mabubulok ka sa kulungan! Paano kung p@tayin ka rin nila kagaya ng ginawa mo sa mga mahal nila sa buhay?! Paano ka pa maghihigante?!” Bulong ng kabilang isip ni Bernadette. Napatingin siya sa upuan at nakita niya ang isang c@liber 45 at kaagad niya itong kinuha. Ngunit nagulat siya nang sa mababaw na bangin na pala tumalon ang sasakyan niya

  • Her Twin's Revenge   Chapter 34

    THIRD POINT OF VIEW…“Gising na ba siya?” Bungad na tanong ni Bernadette nang bumaba siya ground floor ng pinagtataguan nilang lumang bodega. Tumayo ang mga nag-iinuman na mga tauhan nito at tinigil ang ginagawa nila. “Madam, kakagising lang po. Gusto niyo po bugbug!n namin ulit?” Ngising aso na sabi ng isa niyang tauhan. “T0nt0! Kaya ko nga tinatanong para makausap ko na ang paki-alamerong police na yun! Teka? Diba sinabi ko na sayong ayoko nang tauhan na mabigote? Gusto mo ako mismo ang magtangal ng bigote mo?!” Singh@l nito. Napatakbo sa takot ang lalaki na ikinatawa naman ng iba pa. “Akin na ang susi,tama na yang pag-iinuman ninyo at magbantay kayo sa labas dahil may parating akong bisita.” Utos pa niya sa mga ito at kaagad naman nagpulasan at umakyat ang mga ito. Dala niya ang susi nang bumaba siya sa makipot at nilulumot na hagdan ng dating p!g sl@ughteR house. Ilang sandali pa ay bumungad na sa kanya ang kanyang bihag. “Kumusta? Mabuti naman at gising ka na.” Nakangiting s

  • Her Twin's Revenge   Chapter 33

    SERGIODinig ko mula sa kinatatayuan ko ang naging masaklap na pagkikita ni Ash at ni Francis. Sasamahan ko sana siya sa loob ngunit binilinan niya akong siya na lamang ang lalapit sa ataul nito. Kung nandito si Karina siguradong mahahabag din siya sa kanyang kaibigan. Pero ayokong isa-alang-alang ang kaligtasan niya para damayan si Ash dahil alam kung kakayanin ito ni Ash. “Ano na ang development ng case ni Francis at nang iba pa? May pagkakakilanlan na ba sa mga um4mbush sa kanila?” Usisa ko sa Police Inspector na mula sa kanilang departamento at may hawak ng imbistigasyon.“Hanggang ngayon wala pa ring kumukuha ng mga bangkay sa m0rgue kaya wala pa rin kaming idea kung sino ang mga lalaking yun na lumusob sa kanila.” Sagot niya sa akin. Hindi maari ito, kahit ang mga kasamahan nila sa station ay ayoko nang pagkatiwalaan. May pakiramdam akong nasa loob lamang ng police station na yun ang nagkanulo sa kanila para magpunta sa liblib na lugar na yun at abangan ng mga kalaban.Tinawaga

  • Her Twin's Revenge   Chapter 32

    KARINADalawang linggo na ang nakalipas mula nang mailipat kami sa isang safe house. Naka-leave din si Ash sa kanyang duty kaya magkasama kami dito sa isang pribadong isla. Naghilom na ang mga sugat namin ngunit bakas pa rin ang mga pas0 namin sa balat pero unti-unti din naman itong gumagaling dahil na rin sa Cream na pinapahid namin upang mawala ang peklat. Kinailangan ko din magpagupit ng mas maiksi dahil na-apektuhan ang buhok ko sa pagkasunog. Samantala, wala pa rin kaming balita kay Bernadette. Kaya sa tingin ko mas kailangan namin na mag-ingat ngayon. Araw-araw naman umuuwi si Sergio samantalang si Francis naman ay tuwing sabado at linggo lamang pumupunta dito dahil tinutukan niya ang kaso at ang paghahanap kay Bernadette. “Kape?” Alok ni Ash sa akin at inabutan niya ako ng isang tasa ng kape. Nandito kami sa may veranda at pinapanuod namin ang malakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. “Next week babalik na ako sa Maynila. Kailangan kong tulungan si Francis sa imbestigas

  • Her Twin's Revenge   Chapter 31

    SERGIONaglalagablab na apoy mula sa kamalig ang bumungad sa amin. Mabilis akong bumaba at tumakbo patungo doon. Umaasang aabutan pa namin sila ng buhay ngunit sa laki ng apoy malabo na kaming makapasok.“Karina! Karina!” malakas na sigaw ko habang pinapanuod ang pagkatupok ng apoy nito. Pinigilan kami ni Francis na makalapit dahil gusto na naming pasukin ang loob nito. Kung hindi dahil sa unknown number na tumawag sa phone ko kanina at sa taong nag-send ng pictures at address kung nasaan sila hindi namin sila mahahanap.“Karina!”“Ashley!”Napaluhod na lamang ako sa damuhan. Wala akong nagawa, hindi ko siya nailigtas. Nahuli kami ng dating. Natakasan na kami ni Bernadette at Marla nakuha pa nila si Karina at Ash. Walang ibang dapat sisihin nito kundi ako! Wala akong silbi!“Aahhh! Karina!”Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na galit at paghihinagpis. Kung naging mabilis lang sana ang kilos ko. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana nauwi sa kamatayan nila ang paghihigant

  • Her Twin's Revenge   Chapter 30

    KARINA “Saan niyo ba talaga kami dadalhin?” angil ko sa lalaking nagpapangap lang pala na pulis. May mga iilan ding silang pulis na kakampi kaya may dala silang police mobile upang hindi namin mahalata. Katabi ko ngayon si Ash at pareho kaming nakaposas. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi na ako lumaban dahil tagilid kami sa kanila. Masyado silang marami at pinagbantaan pa ako na kung kikilos ako ay papatayin nila si Ash kaya hinayaan kong bihagin nila kami. “Huwag kang maingay diyan!” singhal niya sa akin. Nag-alala na ako sa maaring mangyari. Dapat sa mga oras na ito ay nahuli na nila si Bernadette at Marla. Ngunit malakas ang kutob ko na sila ang may kinalaman nang pagpapadukot sa amin. Sigurado din akong sa mga oras na ito ay alam na si Sergio na hindi kami nakarating sa farm ni Francis. Sana lamang ay maging ligtas pa rin siya. Hindi ko alam kung ano pa ang plano nilang gawin sa amin ngunit umaasa ako na magkikita pa kaming muli. Napalingon ako sa tabi ko nang gumalaw si Ash.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status