"SERIOUSLY, Miles magsasama na kayo sa iisang bahay ni Zandy na iniregalo ng pamilya niya?" gulat na tanong ni Miles sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang sinabi ni papa sa amin bago ako pumasok ng trabaho.
Kasalukuyan kaming palabas ng gusali para kumain ng lunch sa labas na naging routine na namin para kahit pa paano makalabas kami sa loob ng silid na iyon na puro trabaho ang nakikita namin.
Malungkot at frustrated akong tumango sa kaniya. "I don't know what to do, Andrea ayaw kong makasama ang Zandy na iyon sa iisang bubong. Hindi rin naman kami magkakasundo. I'm ok with this set up, 'yong kasal lang kami sa papel at patuloy na mabubuhay sa sari-sarili naming buhay. Hindi ba't gusto lang naman nilang mawala daw 'yong sumpa sa akin kaya pinilit nila ako magpakasal?" katuwiran ko.
Napangiti si Andrea. "May magagawa ka pa ba, Miles? Unang-una, pumayag ka sa kasal na gusto nila at ibig sabihin niyon, pumapayag ka sa gusto
"SEE? Pareho lang tayong naiipit sa sitwasyon so don't act like you're the only victim, Miles. Hindi ko rin gusto ang kasal na ito pero dahil ito ang mas mabuting choice, ito ang pinili ko," paliwanag niya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zandy. Ano'ng ibig niyang sabihin na ang pagpapakasal sa akin ang mabuting choice? Umiling ako. "No, Zandy my choice ka pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka tumangging pakasalan ako," giit ko. Saglit na napapikit si Zandy. "I don't want to argue with you this time," aniya. Naramdaman kong lumiko ang sasakyan pakanan. Pasimpleng umirap ako dahil sa inis kay Zandy. Hindi ko maintindihan ang baklang ito kung bakit hindi ko maunawaan ang takbo ng isip niya. Hindi ko makuha ang punto niya sa mga sinasabi dahil ang alam ko may choice siya na hindi ako pakasalan noon pa man. Humalukipkip ako at hindi na lang umimik dahil nagmumukha lang akong bungangera sa harap niya.
"HOY! Ok ka lang? Kanina ka pang tulala riyan? Simula nang bumalik ka galing sa kung saang lugar kasama ang Zandy na iyon, para kang na-engkanto. Ano bang nangyari?" Napakurap ako at dahan-dahang humarap kay Andrea. Kanina pa akong hindi umiimik dahil hindi maalis sa isip ko ang ginawa ni Zandy sa akin sa bahay na iyon kung saan daw kami titira. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero kinabahan ako at nanghina ang tuhod ko nang naramdaman kong malapit na ang mukha niya sa akin. Akala ko nga'y mahihimatay uli ako at sana nga nangyari na lang iyon. flashback... "Huwag mo akong hahamunin, Miles dahil kaya kong gawin ang inaakala mong hindi ko kaya." Hindi ko mabakasan ng pagbibiro sa boses niya. "I can kiss you if I wanted too, Miles. Hindi ako ang inaakala mo. Hindi mo pa ako kilala." Napalunok ako nang makita nang malapitan ang makinis na mukha ni Zandy. Hindi ako makagalaw at wala rin akong
HALOS HINDI ako makatulog nang nagdaang gabi kakaisip sa pwedeng mangyari sa oras na lumipat na kami ng bahay ni Zandy. Iniisip ko pa lang ang mangyayari, sigurado akong sasakit lang ang ulo naming pareho dahil alam kong hindi kami magkakasundo. Mahihirapan kaming pakisamahan ang isa't isa. Hindi ko rin alam kung kaya ko ba siyang pakisamahan.Ngumuso ako at humibi nang matapos kong ikwento kay Andrea ang pag-uusap namin ni Mama at Tita Mandy tungkol sa paglipat namin ni Zandy. "Wala na nga akong nagawa, Andrea kung 'di pumayag sa gusto nila. I hate him. Ayaw ko siyang makasama sa iisang bahay dahil sa tuwing nakikita ko ang lalaki—bakla o kung ano man siya, naaalala ko lang ang ginawa niya at ni Roven sa akin," reklamo ko habang hindi maipinta ang mukha ko.Kasalukuyan kaming nasa labas ng building kung saan kami nagtatrabaho para kumain. Oras ng lunch at nasa isang restaurant kami ni Andrea. Kanina ko pang hindi magalaw ang pagkain k
"HONEY, I'm here."Para akong biglang nag-init kahit ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi. How dare him to call me Honey sa harap ng mga katrabaho ko. Nahihibang na ba siya?Hindi ko na sana papansin si Zandy at aakto na lang na walang narinig nang bigla na lang tumili si Melissa habang nagtatanong naman si Ate Shai at Chad kung sino raw ang lalaking iyon.Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang, humarap kay Zandy. Aba't ang loku, nakangiti pa! Ano na namang naisip niya para tawagin akong Honey?"OMG! Miles, is he your husband?" tanong ni Melissa na parang nakakita ng artista habang sapo ang dalawang pisngi at bakas ang kilig sa mukha. Lumingon pa siya sa akin at pinaghahampas ang braso ko."Aw! Melissa, masakit," reklamo ko at inilayo ang braso ko sa kaniya. "Kilig na kilig? Sige, sa'yo na.""So, totoo he's your husband?" pagkompirma ni Ate Shai
NAPILI NAMING kumain sa malapit na resto, kung saan may bandang umaawit sa entablado. Maraming tao sa lugar at open iyon kung kaya naman ramdam ko ang ihip ng malamig na hangin sa katawan ko."Sigurado ka ba, Zandy na ok lang sa 'yo ang lugar na ito? You're rich man at hindi ka bagay sa lugar na ito," tanong uli ni Andrea kay Zandy nang makaupo kami sa bakanteng table.Ngumiti si Zandy at saglit na yumuko. "Don't treat me like a rich man tonight. At saka, gusto ko ring maranasan 'yong ganito, 'yong simpleng buhay. Isipin niyo na lang na we're on the same ground," seryoso ani Zandy.Tahimik lang ako habang pasimpleng umiirap sa mga sinasabi ni Zandy na ang hirap paniwalaan. Bakit ba kung umakto siya sa taong malalapit sa akin, animo'y mabait siya at walang ginawa sa akin. Naiinis ako at nagagalit sa pagpapakitang tao niya."Teka ka nga, Chad um-order ka na nga ng food at drinks para masimulan na
PAKIRAMDAM KO'Y umiikot na ang paligid dahil sa nararamdaman kong hilo dulot ng alak na ininom ko. Hindi ko namalayang naparami na pala ang nainom kong alak dahil sa masayang kwentuhan at tawanan. "Paano ba 'yan, uuwi na kami. Salamat, Zandy for the drinks and food for us tonight," narinig kong paalam ni Chad na parang hindi naman ata nalasing. "Ihahatid ko pa 'tong si Melissa sa kanila dahil mukhang hindi na kayang umuwi," dagdag pa nito. Kahit nahihilo ako, naiintindihan ko pa naman ang mga sinasabi nila pero sigurado akong kinaumagahan, makalilimutan ko rin ang mga nangyari. "Si-shinong h-hindi kayang umuwi, huh? Hindi ako lashing, Chad, kaya kong umuwi mag-isha," ani naman ni Melissa na halos pikit na at hindi maintindihan ang sinasabi habang inaalalayan ni Chad. Sinusundot pa nito ang pisngi ni Chad kaya iniiwas nito ang mukha sa daliri ni Melissa. "Salamat, Zandy and congrats ulit sa in
NAPANGIWI AKO nang imulat ko ang mga mata ko dahil sa kirot na nagmula sa ulo ko. Pakiramdam ko rin, nanunuyo ang lalamun ko at bahagyang masakit iyon. Dahan-dahan akong gumalaw at muling napapikit ng masilaw ako ng sikat ng araw na tumagos sa bintana ng silid ko.Napasandal ako sa headboard at nasapo ang ulo ko. Nanghihina ang katawan ko at walang ganang gumalaw. "Ano bang nangyari?" nagtataka kong tanong. Inalala ko ang mga kaganapan sa nagdaang gabi pero napakunot ang noo ko dahil sa hindi ko maalala ang lahat. Ni hindi ko na natandaan kung paano nakauwi. Mabilis kong tiningnan ang suot ko na may kaba dahil baka kung ano'ng nangyari sa akin. Nang makita kong iyon pa rin ang suot ko, nakahinga ako ng maluwag. "Paano ako nakauwi?" tanong ko pa sa sarili ko.Ang huling naalala ko, lumabas kami ng Resto na iyon kasama sila ate Shai, pero umalis din sila at kami ang natira ni Zandy. Hanggang doon na lang at wala na akong ibang maalala. Napangi
PATINGIN-TINGIN ako sa wristwatch na suot ko. Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa silid ko at nagdadalawang isip kung sisipot ba ako sa date na inihanda nila para sa amin ni Zandy. Alas-sais na ng hapon at ang sabi ni Mama alas-otso raw ang oras ng date namin sa isang kilalang restaurant.Napapikit ako ng mariin habang nakahiga sa kama ko. Muling bumalik sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina sa mall. Nagmulat ako at tumambad sa paningin ko ang puting kisame."Roven," banggit ko sa pangalan niya. Bakit hanggang ngayon may sakit pa rin akong nararamdaman? Pero alam ko ring sa kabila ng sakit, may pananabik at galak na lumitaw sa puso ko. Isang taon na mahigit simula nang huli kong makita si Roven at kanina, nang makita ko siya, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magagalit ba ako o magagalak dahil nakita ko siya.Ipinilig ko ang ulo ko ng ilang sunod. Muli na namang nagugulo ang isip ko dahil kay Roven. Wala na dapat a