HINDI KO magawang tumingin kay Zandy habang lulan kami ng sasakyan niya patungo sa restaurant kung saan kami magde-date daw. Pilit kong inalala sa isip ko ang ginawa ko nang nagdaang gabi at lahat iyon muling bumalik sa isip ko. Hindi ko na alam kung paano ako haharap kay Zandy. Tama siya, para nga akong baliw nang nagdaang gabi.
Nahihiya ako sa sarili ko, maging kay Zandy dahil sa pinagagawa at pinagsasabi ko. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pag-inom ko ng marami. Naalala kong ako nga pala ang nanghamon kay Zandy na halikan ako, inilapit ko pa ang nguso ko sa kaniya dahil iniisip kong hindi naman niya iyon kayang gawin. Nakalimutan ko atang ginawa na niya iyon nang ikasal kami.
Mayamaya pa'y huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking restaurant. Napaka-elegante niyon mula sa labas at hindi maitatangging halos mayaman lamang ang kumakain doon. Glass wall iyon na may kakaibang mga ilaw sa taas na nakasabit. Hindi rin tipikal ang lamesa't
HINDI MAALIS sa isip ko ang naging pagtatalo namin ni Zandy nang nagdaang gabi. Hindi pa rin mawala ang inis at galit ko sa kaniya."Miles, mukhang masyado kang tahimik?" narinig kong sabi ni Melissa na nakalapit na pala sa akin. "'Yong article mo, oh, kinakausapa ka, hindi mo pinapansin," pagbibiro pa nito."Oo nga, kanina pa kitang nakitang ganiyan. Ano'ng nangyari? Nag-away ba kayo ng asawa mo?" tanong naman ni Andrea na pinaandar ang swivel chair palapit sa akin.Seryoso ko silang tiningnan. "Wala, may naisip lang ako," dahilan ko. "Sige na, bumalik na kayo sa trabaho ni'yo," pagtataboy ko sa kanila, saka muling humarap sa monitor ko."Gusto mo inom uli tayo mamaya?" pang-aakit ni Melissa.Hinarap ko siya at kinunutan ng ulo. Hindi na uli ako iinom dahil naaalala ko lang ang nangyari nang gabing iyon. Baka sa susunod na malasing ako, mas higit pa sa halik ang mangyari. "No th
"MASYADO kang tahimik, Miles," pukaw ni Melissa sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng department. Sabay-sabay kaming lumabas nila Melissa, Andrea at Chad habang naiwan naman si ate Shai. "Siyanga pala, Miles bakit ka pinatawag ni Sir Troy?" usisa naman ni Andrea. "Umusok na naman ba tainga niya sa magulo mong articles?" natatawa namang tanong ni Chad nang maalala nito ang nangyari noon na halos mabingi ako sa galit ni Sir Troy dahil sa magulong construction ng articles ko na daig pa ng high school journalist ang pagkakagawa. That was the time na sariwa pa ang sugat na ginawa ni Roven sa akin. Binalingan ko sila at sumimangot. "He gave me a new project," pag-amin ko. "I hate this project at kung pwede ko lang ipasa ito sa iba, gagawin ko," malungkot kong sabi. Nagkatinginan ang tatlo sa naging reaction ko. "Oh? Ano'ng problema sa new project bakit parang sobrang bigat naman ng problema
HINDI PA rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Tita Mandy sa akin tungkol kay Zandy hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Ginugulo niyon ang utak ko sa kasalukuyang pagkakakilala ko kay Zandy. Introvert daw ito pero bakit ganoon niya ako tratuhin?Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ba na iniwan si Zandy ng girlfriend nito para sa ibang lalaki. O baka naman iyon ang naging dahilan para maging bakla siya, dahil sa matinding pagkabigo niyo sa babae. Kung ano-ano nang tumatakbo sa isip ko tungkol kay Zandy at bakit ko nga ba iniisip ang lalaking iyon? Galit nga pala ako sa kaniya.Bumaba ako ng sasakyan kasunod si Tita Mandy at tumambad sa akin ang isang malaking bahay. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang bahay nila Zandy. Napakaliwanag ng paligid dahil sa ilaw na nagkalat sa labas, napakataas ng gate na pinasukan namin kanina na ngayon ko lang nakita. Kulay cream ang kabuuan ng bahay na halos tinga
NAMAYANI ANG nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan ni Zandy habang lulan kani niyon pauwi. Wala naman kasi siyang ibang choice kung 'di ang ihatid ako pauwi dahil naiwan ko ang sasakyan ko sa opisina dahil sa biglaang pag-imbita sa akin ni Tita Mandy.Bigla akong nanibago sa Zandy na kasama ko na gustong-gusto na palagi akong inaasar at nagagalit sa kaniya. Napakatatimik niya at hindi ako sanay na ganito siya. Higit lalo akong nacu-curious sa kung ano'ng nasa isip niya at sa totoong pagkatao niya. Katulad ko, alam kong may hinaing din siya sa buhay at gusto kong malaman iyon sa hindi ko alam na dahilan."Do you really think na matatapos din ang marriage nating dalawa?" basag ko sa katahimikang namayani na parang nakakabingi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kong magsimula ng conversation sa kaniya. "I mean, if we keep on treating each other like this, sa tingin mo ganoon sila kadaling bibitaw sa atin?" sabi ko sa
NAKITA KO ang lungkot sa mukha ni Papa at Mama habang nakatingin sa akin, bitbit ang maleta na naglalaman ng mga gamit ko at ang back pack na nakasabit sa likod ko. Ito na kasi ang araw na lilipat kami sa bahay na binili ng mga Zaavedra para sa amin ni Zandy. Kahit mabigat ang loob ko, wala na akong magagawa.Bumaling ang mga ito kay Zandy na bakas doon ang lungkot. "Zandy, please take care our daughter, ok? This would be the first time na malalayo sa amin si Miles at hindi siya sanay na wala kami para mag-alaga sa kaniya," simula ni Mama na bakas agad ang pangungulila sa boses nito.Kanina pang nandito si Zandy para sunduin ako at alam kong napipilitan lang din siya sa gagawin. Nandoon pa rin ang kakaibang emosyon sa mukha niya. Hindi ko rin madalas makita ang ngiti sa mga labi niya, at kung sumilay man iyon, mababakasan iyon ng lungkot.Kumunot ang noo ko. "'Ma, para namang sinasabi ninyong hanggang ngayon alagai
HINDI KO alam kung bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Parang no'ng nakaraan lang ni halos hindi tumutol si Zandy sa lahat ng gusto ng mga magulang namin tapos suddenly he want them to disappoint. Ano bang nasa isip niya? Lalo lamang ako naku-curious sa kung ano'ng gusto niyang mangyari sa amin? Parang biglang nag-iba ang Zandy na kasama ko o baka naman nagsawa na siya sa paulit-ulit naming pagtatalo at sa pang-aasar niya sa akin. Marahil din napuno na siya at napagod sa mga pangsusumbat ko sa kaniya. Huminto ang sasakyan sa tapat ng kulay berdeng bahay na may malalaking puno sa labas ng bakod niyon na nagbibigay lilim sa malawak na bakuran ng bahay. Napaka-enivironmental friendly niyon. Nararamdaman ko rin ang sariwang hangin na yumayakap sa akin. "Wala ka bang balak bumaba?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Zandy. Bumaling ako sa kaniya na nakatayo sa harap ng pinto ng driver's seat.
HINDI KO talaga inakalang marunong magluto si Zandy kaya nagulat ako nang makita ko siya sa harap ng stove at nagluluto ng mabangong putahi na lalong nagpakalam sa sikmura ko."Just wait the food on the table," sabi niya na abala sa pagluluto.Hindi agad ako gumalaw. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa niya ang paghalo sa niluluto niya. Naamoy ko na agad ang masarap niyong samyu. Parang Kare-Kare ata iyon dahil sa amoy niyon.Kung pagmamasdan si Zandy, mukha siyang lalaking-lalaki at hindi pagkakamalang bakla at kung hindi ko nga lang siya kilala, baka na-attract na ako sa kaniya lalo pa't marunong siya magluto."Bakit hindi mo ako ginising? Sa tingin mo ba hindi ako marunong magluto? I know how to Cook too, Zandy," pagyayabang ko pa kahit sa totoo lang hindi ako masyadong exposed sa kusina para magluto."I want you to take a rest," simpleng sagot niya. Nakita kong pinat
HINDI KO alam pero bakit parang nadismaya ako nang hindi ko makita si Zandy sa labas ng opisina? Parang hinahanap ko siya roon o baka hindi lang ako sanay na walang Zandy na nang-aasar sa akin. Bumuntong-hininga ako at bahagyang pumikit. Bakit ko ba iniisip si Zandy? Hindi ko na siya dapat pang isipin. Mas mabuti na nga ito na wala siya para asarin ako at ipaalala sa akin ang nakaraan ko. "Oh? Hindi ka susunduin ng asawa mo?" tanong ni Ate Shai nang bumaling ito sa akin. "I have my own car naman, Ate Shai kaya hindi na niya ako kailangan sunduin. And besides he's busy," dahilan ko, saka ngumiti kahit alam kong hindi iyon umabot sa tainga ko. "Bakit? Are you looking for your husband, Miles?" makahulugan namang tanong ni Andrea. "Of course not, Andrea kaya ko namang umuwi mag-isa. I've been going home alone since my first day of working here. Sanay na ako," giit ko. Kumibit-balikat lang si Andrea pero makahulugan ang mga tingin niya sa akin. Hindi ko hinahanap si Zandy, sadyang nag