Mini Me, Instant Daddy!

Mini Me, Instant Daddy!

last updateLast Updated : 2026-05-29
By:  Black_inkOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
178views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa araw na sana ay handa nang magpropose ni Primo kay Brenna. Ngunit nang araw ring iyon ay ang araw pala na makikipaghiwalay nito sa kanya. Nagawang magsinungaling ni Brenna kay Primo. Napaniwala niyang itong hindi niya totoong minahal ang lalaki bagay na kinasuklam sa kanya ni Primo. Bilang kabayaran ni Brenna, bago siya nito pakawalan sa roof top ay inangkin niya muna ang katawan nito. Hindi niya alam na nagbunga ng kambal. Mas ginusto pa ni Brenna ang kamuhian siya ni Primo habang siya ay nakakulong sa bilanguan sa kasalanang hindi siya ang may gawa. Isa na siyang kriminal at hindi na nababagay sa lalaki. Makalipas ang limang taon. Lumaya na si Brenna, ang akala niyang pagsisimulang muli ay umpisa pa lang pala ng paghihiganti ni Primo. "You're the man in the old photo of my Mom, are you my Daddy? You look like me!" May pag-asa pa bang mabuo muli ang tiwalang nasira, maitatama pa kaya ang kasinungalinan alang-alang sa batang tanging hangad ay buo sila.

View More

Chapter 1

Prologue

“Relax, dude… maaga pa,” natatawang sabi ni Dexter sabay tapik sa balikat ko.

Hawak ko ang maliit na pulang kahon. Ilang beses ko na ‘tong pinagmasdan. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi niya magustuhan?

Hayst. Bahala na.

“Sir, paakyat na po si Ms. Brenna,” sabi ng isa sa mga tauhan ko sa entrance.

Nandito kami sa rooftop kasama ang mga ulupong kong kaibigan. Kapag pumalpak ‘to ngayon, damay-damay kaming mawawalan ng love life.

“Okay,” sagot ko, humihinga nang malalim.

“Dude, aalis na kami ha? Naka-ready na ang hidden camera. Manonood na lang kami sa suite mo kung gaano ka-corny mamaya,” pang-aasar ni Dexter.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago.”

“Tar*ndado ka talaga, Dex. Kita mong kinakabahan na si Primo, gusto mo bang isumbong ka sa mommy niya?” singit ni Kevin.

Sabay silang nagtawanan. Mga hayop.

Si Calix naman, tinanguan lang ako. Pero may nakakalokong ngisi.

“Magsilayas na nga kayo rito! Baka hindi ko kayo imbitahan sa kasal ko, mga gunggong!” taboy ko sa kanila.

Huminga ako nang malalim para bawasan ang kaba.

Tiningnan ko ang paligid. Bulaklak, ilaw, dinner setup. Lahat ayos na. Si Brenna na lang ang kulang.

Bumukas ang pinto. Iniluwa siya roon. Sabog ang mahaba niyang buhok na tinangay ng malakas na hangin na mas lolong bumagay sa kagandahan niya.

Shit. Sobrang ganda ng babaeng papakasalan ko.

Naglakad siya palapit sa akin. Bakas ang gulat at pagkalito sa maamo niyang mukha habang luminga-linga. “Primo, ano ‘to?” tanong niya.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ko pabalik. Malamig ang kamay niya. Pinisil ko iyon para pakalmahin siya.

“Hmm… ang ganda dito,” sabi niya.

Nakahinga ako nang maluwag. “Beautiful as you.”

Natawa ako nang bahagya nang yumuko ito. Alam kong nahihiya siya kapag gano’n.

“Maupo ka muna—”

“Hindi na. Hindi rin naman ako magtatagal.”

Natigilan ako. Ang kaba ko, dumoble.

“Brenna, anong problema? Kadarating mo lang, bakit hindi ka puwedeng magtagal?” nag-aalalang tanong ko rito subalit hindi siya makatingin sa mata ko. Ang kaba, napalitan ng takot. May mali.

“Primo—”

“Yes, say it. Ano man ‘yan, pag-uusapan natin.”

Lumapit ako, pero umatras siya.

“Look at me. Sabihin mo kung ano ang bumabagabag sa’yo.”

“Maghiwalay na tayo, Lewis!” Parang nabingi ako.

“Tapusin na natin ‘to. Hindi na ako masaya. I’m sorry.”

Tila tumigil ang mundo ko.

“B-brenna, nagbibiro ka lang, ‘di ba? Inabangan ka ba nina Dexter bago ka pumasok dito? Mamaya lang talaga ang mga ‘yon sa akin," pilit na binaliwala ang sinabi niya.

Hindi ko matanggap.

Dahan-dahan akong lumuhod sa harap niya. Binuksan ko ang kahon.

“Brenna, I'm here. Whatever it is, you have me. Marry me, babe.”

Kita ko kung paano niya pinunasan ang luha niya.

Pero pati ako, hindi ko na rin mapigil ang emosyon ko. Umaasa ako na hindi siya bibitaw.

“Bingi ka ba?! Nandito ako para sabihing ayoko na! Hindi para pakasalan ka!” galit niyang sigaw.

Parang ibang tao ang kaharap ko.

Hindi ito si Brenna na minahal ko.

O baka… hindi ko lang talaga siya kilala?

“Itong lahat?” turo niya sa table, sa mga bulaklak, sa pinaghirapan namin ni Dexter. “Wala ka talagang taste!”

Nagtatagis ang mga bagang ko. Isinara ko ang kahon. Ibinulsa at tumayo.

“Anong gusto mo pala? Sana sinabi mo para may idea ako. Tama ba?”

Nagkibit-balikat lang siya. Walang pakialam.

“Wala nang magbabago. Makikipaghiwalay pa rin ako sa’yo. Nothing will change, Prim.”

“Damn it, Brenna! Anong problema, mahal mo 'ko 'di ba?!” sigaw ko. Bigyan niya ako ng rason. Kahit isa lang.

“Hindi. I don't really love you. Iyan ang totoo. Bago ka, may mahal akong iba, akala ko nakalimutan ko na siya, pero–"

“Putangina! That’s bullshit!”

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.

All this time, niloloko lang pala niya ako?

“Ang galing mo, Brenna. Kuhang-kuha mo ‘ko.”

Hinawakan ko ang braso niya. “I don't deserve this!"

Nataranta ang mga tauhan ko. Nagtinginan sila.

“Umalis na kayo,” utos ko, na malamig ang boses.

Inangkin ko ang labi niya nang mapusok, mapagparusa! Nanlaban siya, nasasaktan ako. Gano'n niya ba ako ka-ayaw upang ipagtulakan? Pinadama ko ang galit ko sa kanya hanggang sa kapusin kami pareho ng hininga. Napansin kong

may dugo sa gilid ng labi niya. Hindi ko sinasadya. Sa galit, nasugatan ko siya.

“Primo, tama na, please…” pagmamakaawa niya.

Pero blangko na ako. Nilamon na ng galit ang pagmamahal ko sa kanya.

“Pakiusap,uuwi na 'ko," pagsusumamo niya. Nagmamadali ba siyang puntahan ang lalaki niya? Hindi puwede!

Ni-lock ko ang pintong roof top.

Mula sa labas, dinig ko ang katok at sigaw ng mga kaibigan ko.

Pero wala akong pakialam.

“A-anong gagawin mo, Primo?" Ngumisi lang ako.

“Makauwi ka. Pero hindi ka aalis nang hindi natin tinatapos ‘to.”

Dito sa roof top, sa gabing ito,

ang bawat iyak niya… ay paniningil ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status