"KUMUSTA si Zandy?" usisa agad ni Andrea nang makabalik ako sa opisina. Kakalabas ko lang ng hospital at naisipan kong bumalik dito. Tinawagan ko na rin sila Tita Mandy para papuntahin sa hospital. Hindi ko na lang sila hinintay na dumating doon.
Dumeretso ako sa upuan ko at parang lantang gulay na umupo roon. "He's fine now, sabi ng doctor wala naman daw serious injury," malungkot kong sagot.
"Grabi ang asawa mo, Miles napaka-sweet naman. Kailan kaya ako makatatagpo ng ganoong lalaki, 'yong ililigtas ako sa kapahamakan," sabi naman ni Melissa na nakalapit na sa akin at halatang kinikilig sa nalamang ginawa ni Zandy.
"Inililigtas din naman kita, ah? Kay sir Troy kapag late ka?" sabat naman ni Chad.
Nagulat naman si Andrea at Melissa sa sinabi ni Chad. "Eh, ano ngayon? You're not my type, Chad," prangkang sabi ni Melissa.
"Ouch! Grabi ka naman kay Chad, Melissa," natatawang
PAGKATAPOS ng trabaho, hindi na ako dumeretso sa bahay para umuwi. Nagpasiya akong dumaan sa hospital para bisitahin si Zandy doon at kamustahin ang kalagayan niya.Kanina pang tumatakbo ang isip ko kay Zandy, halos hindi nga ako makapag-focus sa trabaho dahil sa kakaisip ko sa kalagayan niya at kung paano ako makababawi sa pagligtas niya sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis ang pag-aalala ko sa kaniya.Bago ako pumasok ng hospital, nagpasiya akong bumili ng pagkain sa labas para kay Zandy. Bumili lang ako ng porage at biscuit para sa kaniya. Sigurado naman kasing kumain na siya dahil nandoon naman si Tita Mandy at Tito Andrew para alagan siya. Nag-text kasi si Tita Mandy na nandoon na raw sila.Nang makarating ako sa tapat ng silid na ikuupa ni Zandy, hindi agad ako pumasok dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa ginawa niya at sa huling naging pag-uusap namin. Huminga ako nang malalim para ku
"HINDI na ako kakain, Miles." Muli siyang umayos ng pagkakahiga at tumalikod sa akin."Ok, fine! Kumain ka na, Zandy susubuan na kita," napilitan kong sabi dahil sa konsesnsiya sa puso ko. Ako na nga ang dahilan kung bakit siya naaksidente tapos 'di ko pa siya tutulungan sa pagkain? Parang ang sama ko namang tao kung ganoon.Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Walang emosyon ang mukha. "Wala akong ganang kumain," sabay sabi niya.Kumunot ang noo ko. "Gutom ka, 'di ba? Gusto mo bang lalong magkasakit at nang 'di ka na makalabas dito sa hospital?" inis kong sabi dahil sa katigasan ng ulo niya."Are you concerned, Miles?" seryosong tanong niya.Natigilan ako sa naging tanong niya. Bakit nga ba nag-aaalala ako ng ganito sa kaniya? "Oo. I mean, nag-aalala ako kasi kasalanan—""How many times do I need to tell you na hindi mo kasalanan ang nangyari. It's an a
KINAUMAGAHAN, agad akong dumeretso sa opisina ni Sir Troy dahil pinatawag niya ako. Halos hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi kakaisip ko kay Zandy at sa kakaibang pinakikita niya sa akin. Hindi rin ako sanay na ganito siya. Nakakapanibago at nakararamdam ako ng pagkailang.Kumatok muna ako sa pinto ng silid ni Sir Troy at binuksan iyon nang bigyan niya ako ng pahintulot."Good morning, Sir," bati ko na seryoso ang mukha."Good morning, Miles, maupo ka," balik naman niya na hindi ako nilingon dahil abala sa papel na binabasa. Mamaya pa'y inalis niya ang salamin at inayos ang mga papel na nasa harap, saka humarap sa akin. "By the way, how's Zandy? Is he fine?" tanong pa niya.Tumango ako at bahagyang yumuko. "Yes, he's fine now. Lalabas na rin po siya sa hospital mamaya," sabi ko. Iyon kasi ang sinabi ni Tita Mandy sa text, pwede na raw lumabas si Zandy sa hospital at sa bahay na lang magpagaling.
DAHAN-DAHANG umupo si Zandy sa sofa nang makarating kami roon. Napapangiwi pa siya dahil marahil sa sakit ng likod niya dulot ng pagbagsak ng lightning materials doon."Gusto mo bang kumuha tayo ng personal nurse na pwedeng mag-alaga sa iyo?" tanong ni Tita Mandy nang makaupo ito. Marahil naaawa ito sa sitwasyon ng anak."Personal nurse? 'Ma, hindi pa ako balda para alagan ng iba. I can take care myself," protesta agad ni Zandy."Tama po si Zandy, Mama, isa pa po nandito naman po ako to take care of Zandy," sabi ko na nahiya sa mga huling sinabi.Lumawak ang ngiti ni Tita Mandy sa narinig mula sa akin. "Are you willing to take care of my son, hija? I mean, you have your work hindi ba abala iyon?"Ngumiti ako. "Hindi naman po, Mama, saka ako naman po ang dahilan kung bakit naging ganiyan si Zandy. Responsible po akong alagaan siya," litanya ko na totoo sa aking sarili. Gusto ko ta
KINAUMAGAHAN, hindi ko alam pero kusang nagmulat nang maaga ang mga mata ko kahit halos hindi ako nakatulog nang nagdaang kagabi, dahil sa kakaisip ko sa nangyayari sa pagitan namin ni Zandy na hindi ko inasahan.Matapos kong ayusin ang sarili ko, nagpasiya akong bumaba ng silid ko. Naalala kong wala nga pa lang magluluto dahil masakit pa ang likod ni Zandy. Maaga pa naman. Dumeretso ako sa kusina. Uminom muna ako ng tubig at luminga sa kitchen."Ano'ng lulutuin ko?" tanong ko. Lumapit ako sa refrigerator at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang iba't ibang frozen food doon. Ngumuso ako habang nag-iisip kung ano'ng dapat kong lutuin para sa amin ni Zandy. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako marunong magluto kaya lang kailangan kong gawin iyon. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang si Zandy ng walang pagkain. Ako na nga ang dahilan kung bakit siya napahamak, hindi ko pa siya ipagluluto. Minsan lang naman.Bumuntong-hininga
AGAD akong sinalubong ni Melissa at Andrea nang makapasok ako sa opisina. Dumeretso ako sa table ko at inilapag doon ang mga gamit ko."Kumusta si Zandy?" usisa ni Andrea."Is he fine? Hindi ba nabali ang likod niya?" segunda naman ni Melissa. Ramdam ko ang pag-aalala nila kay Zandy."He's fine. Mabilis naman siyang maka-recover," sagot ko sa kanila. "Don't worry about him, he's strong at hindi iyon ang magiging dahilan para mamatay siya," sabi ko pa."Grabi ka naman sa mamatay na term? Tinatanong lang naman namin kung ok siya, 'di ba?" gulat na sabi ni Melissa. Napakunot pa ang noo."I mean, hindi naman seryoso ang injury niya so he's fine at nakakalakad naman siya. Hindi pa siya baldado," paglilinaw ko."Ah! Mabuti naman kung ganoon. Eh, bakit pumasok ka pa? Akala namin hindi ka papasok para alagaan ang asawa mo, eh?" sambit ni Andrea at makahulugan pang ng
"MILES wait," sabi ni Roven.Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at matalim ang mga matang humarap sa kaniya. "I don't have time to talk with the stranger," diretso kong sabi sa kaniya. Nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdi ko dahil sa nakaraan na pilit kong kinalilimutan pero pilit ipinapaalala ni Roven sa tuwing nakikita't naiisip ko siya. Hindi ko pa rin siya kayang pakitunguhan na parang walang nangyari."Miles, please give me a chance to talk to you." Nangungusap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ibang-iba na siya sa kilala kong Roven. Mukhang successful na siya dahil sa suot niyang business suit na lalong nagpalakas sa dating niya. Mas gumawapo rin siya kaysa noon. Hindi rin maikakailang mukhang hindi na siya siya ganoon ka-stress dahil sa dami ng responsibilidad niya sa pamilya niya.Kilala ko so Roven, marami siyang ambisyon sa buhay noon kaya nagsisikap siya dahil may pamilyang umaasa sa kaniya
HANGGANG sa makauwi ako ng bahay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Roven kanina na naging dahila nang panghihina ng katawan ko. Nawalan ako ng ganang magtrabaho sa buong araw. Gusto ko na lang humiga at matulog. Napapagod na ang katawan ko maging ang puso ko sa sakit na paulit-ulit bumabalik sa akin. Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Dire-diretso lang ako paakyat sa hagdan. Gustong-gusto ko nang humiga at ipahinga ang katawan ko. Ang sarili ko. Ang gulo na ng isip ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman para kay Roven at sa pagbabalik niya. Pero alam kong may lugar pa rin ito sa puso ko na kahit ano'ng pilit kong alisin, hindi ko magawa-gawa. "Nandiyan ka na pala, Miles. Have you eat dinner?" Napalingon ako kay Zandy na saktong kalalabas ng silid niya. Saglit akong napatingin sa kaniya. Naalala ko bigla ang kalagayan niya na dahil sa akin. Saglit akong pumikit. Naiinis ako kas