LOGIN"Aba, malayo pa ang semana santa, ba't nandito na si hudas?" bungad agad ni Bini hindi pa man nakapapasok ng gate.
Naabutan kasi niya ang dating live-in partner ng kapatid niya at ama ng kambal niyang pamangkin. "A-ate Bini naman," nahihiyang sagot ni William. "Ate? Hindi kita kapatid!" pambabara niya rito. Dire-diretso siyang pumasok sa gate. Saglit niyang sinulyapan ang pangalawang kapatid na si Bituin bago binalikan ng masamang tingin ang hilaw niyang bayaw. "Ano na namang masamang polusyon ang nagdala sa iyo rito?" pagtataray ni Bini habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang. "Binibisita ko lang po si Bitu-" "Ang ibig kong sabihin, 'yong mga bata!" nadulas na tugon nito at hindi alam kung paano sasalubungin ang tingin niya. Napangiti si Bini dahil sa inis. Nayayamot siyang kumamot sa batok bago muling binato ng tingin si William. "Nabisita mo na? O, alis na!" pagtataboy niya rito. "Ate," awat sa kaniya ni Bituin at humawak pa sa braso niya. "Ano?" pikon niyang sagot. "Sige, Bituin. Mauna na ako, pakisabi na lang sa mga bata," mahinahong sambit ni William. "Hoy, Bituin! Huwag mong sabihing nagpaloko ka naman sa basketball player na iyon!" sermon ni Bini sa kapatid habang papasok ng bahay. Hindi sumagot ang 24-anyos niyang kapatid. Sa halip ay nagdiretso ito sa sala kung saan nagkalat ang mga larauan ng mga anak nito. "Tita!" Patakbong salubong sa kaniya ng anim na taon niyang mga pamangkin na si Estelle at Estrella. Yumakap ang mga ito sa bewang niya. Muling binato niya ng tingin ang ina ng mga ito na si Bituin, nakasimangot at mukhang masama ang loob. "Hoy, Bituin! Kinakausap kita." "Bakit ba?" singhal nito kasabay nang padabog na pagharap sa kaniya. "Aba, sinasabihan lang kita. Baka naman mabola-bola ka no'ng ex mo na iyon ay bumigay ka na naman agad!" "Tandaan mo-" "Oo na ate!" galit na putol ni Bituin sa nakatatandang kapatid at tumalikod. Sinundan ni Bini ang kapatid hanggang sa kusina. Hindi siya makapapayag na babastusin lang siya nito. At kailangan ma-warningan niya ang kapatid sa muling paglapit ng William na iyon. "Bituin, huwag mo nga akong tinatalikuran!" "Ano bang gusto mo?" Mangiyak-iyak na tanong nito nang humarap sa kaniya habang nasa tapat sila ng mesa. "Anong gusto ko? Huwag mo ng kausapin 'yung William na iyon" "Alam mong hindi pwede iyan, may mga anak kami!" Napataas ang sulok ng labi ni Bini at ibinaling ang tingin sa malayo taliwas sa mukha ng kapatid. Bumuga muna siya ng hangin bago muling tiningan sa mga mata si Bituin. "Anak? Anak na pinabayaan ng William na iyan!" Natigilan si Bituin at napakurap. Kinuha niya ang sandaling iyon para sermonan ito at ipaalala ang lahat ng ginawa ng ama ng mga anak nito. "Ano? Pagkatapos mong mag-debut at halos hindi ka na makatapos ng college ay isinuko mo na agad-agad ang Bataan mo sa kaniya." "Anong nangyari matapos kang mabuntis?" "Pinanindigan ka ba?" "Hindi naman, hindi ba?" "Tapos ngayon nandito ka at gagamiting rason ang mga anak mo?" halos hindi humihingang linya ni Bini habang lumalabas ang ugat ng kaniyang mga mata. Nakita niya kung paano tumulo ang luha ng kapatid niyang dalaga kasabay nang pagtungo. Natigilan siya at napakurap, parang sumobra naman yata ang mga sinabi niya. "A-alam ko naman iyon e," mahinang usal nito at itinaas ang mukha dahil doon ay malinaw niyang nakita ang ilang masasagang luha sa pisngi nito. "Nag-failed ako, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, hindi ko man lang naibalik ang sakripisyo ninyo ni Mama. Lalo ka na, hindi ako naging mabuting kapatid." "Hinayaan kong manalo ang puso ko kaysa sa tamang sinasabi ng isip ko na sa oras na gawin namin ni William ang bagay na iyon, ay pwedeng akong mabuntis," umiiyak na pahayag ni Bituin. Ngumiti ito ng malungkot na nakadurog ng husto sa puso ni Bini. Nang malaman na buntis si Bituin noong 2nd year college ito ay parang nalaglag siya mula sa mataas na tore, ganoong kasakit ang naramdaman niya. Malaki at marami siyang pangarap kay Bituin. Hindi siya nagkulang sa pagpapaala rito tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Mahigpit ang bilin niya na bawal muna ang ganitong bagay pero isinikreto ito sa kaniya ng kapatid. "Alam kong kung hindi dahil kay Mama ay baka pinalayas mo na ako," Humahagulgol na patuloy ni Bituin. "Masama ba akong kapatid kung lagi ko lang iniisip ang makabubuti para sa iyo, para sa inyo ni Blessima?" mahinahon at nangingilid na luha niyang tanong. Sunod-sunod na pinilig ni Bituin ang ulo. At inabot ang kaniyang dalawang kamay. Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. "Ako ang masamang kapatid." "Hindi ko sinasabi sa iyo 'to para ipamukha lahat nang mga ginawa mo. Gusto ko lang ipaalala ang pagkakamali mo noon." "Pagkakamali mong piliin ang magmahal ng lalakeng hindi ka kayang respetuhin, pinabayaan ka. At hindi lamang ikaw, pati iyang mga anak mo." "Alam ko, ate. Pero gusto ko ng buong pamilya. Gusto kong magkaroon ng tatay ang kambal ko," seryosong pakiusap nito. "Ilang beses na ba siyang bumalik at umalis?" Nagpunas ng luha si Bituin. Maingat niyang itinaas ang magandang mukha ng kapatid at sinalubong ang tingin nito. "Hindi siya magbabago. Uuwi at aalis siya rito. Ang ibig sabihin lang no'n ay hindi pa siya handa sa mga responsibilidad." "Sorry, ate. Lagi na lang sakit ng ulo ang ibinibigay ko sa inyo ni Mama," humagulgol na yumakap ito sa kaniya. Napapikit si Bini kasabay nang mga ilang luha. Sa tuwing umiiyak ang kapatid niya ay gusto niyang durugin sa kamay niya ang binatang si William. Noon pa man ay malapit na silang magkakapatid na babae. Ang tatay nila ay isang sundalo, natatalaga sa ibang lugar kaya natatalaga rin sa iba't-ibang babae. Nang minsang sinundan nila ito ng kaniyang ina sa isang probinsiya ay na sopresa sila dahil may pamilya na pala ito. At sa bawat kampo na nadedestino ay nagkakaroon ito ng babae. At noong araw na iyon ay umusbong ang hindi niya maipaliwanag na galit sa mga lalake. May pagkakataon pang bumalik ito sa mama niya kaya nagbunga pa ng dalawang kapatid ang pagsasama ng mga ito at iyon si Bituin at Blessima. Pero wala din nangyari sa comeback ng magulang niya. Matapos kasing mangbababe nito ay hindi pa nasiyahan at nananakit pa ng pisikal."Ano? Tell me," patuloy na panunudyo ni Seya kay Bini."Dj Bini, relax," Hinawakan siya ni Chum sa braso nang mapansin ang pagbabaga niya sa galit.Napapikit siya ng mariin, minabuting kontrolin ang emosyon. Kung papatulan niya ang letseng ka-trabaho niya ay nakahihiya lamang sa kanilang mga kasamahan. Lalo na sa kanilang Station Manager.Nakangiti na iminulat ni Bini ang mga mata. Diretsong tinitigan si Seya, na nakatikwas ang isang kilay at nakangisi."Seya, that was six years ago, and here you are. Ako nga na ate naka-move on na, mukhang ikaw, issue pa rin iyon. Alam mo, young girls are closer to make mistakes at napatunayan iyon ng kapatid ko.""At hindi ko hahayaang may magdagdagan pa sa mga batang babae iyon," mahabang paliwanag niya habang nakangiti.Tila natameme naman si Seya. Taas-noong lumakad si Bini, inihagis pa niya ang buhok sa hangin bago tuluyang lagpasan ang ka-trabaho."Magandang gabi para sa magagandang babae!"Sumigaw siya ng buong lakas nang magbukas ang kaniyang
"Bini, dito ka na sumakay!" alok ng isang tricycle driver nang dumaan siya sa kanto.Nagbingi-bingihan si Bini at tumanaw ng jeep sa kalsada. Matapos ang usapan nilang mag-ina ay agad siyang umalis ng bahay. Ayaw na niyang makipagtalo rito baka hindi lang sila magkaintindihan."Bini," Lumapit si Mark, ang kaklase niya noong highschool at ka-baranggay."Hatid na kita," malambing na alok nito nang magsalubong ang tingin nila."Hindi na kailangan. Kaya ko, hindi naman ako tanga," muling tumanaw si Bini sa mga parating na sasakyan.Narinig niya ang tila pambubuyo at panunukso ng kapwa driver ni Mark sa kanila. Pinilit niyang sumeryoso, sa tuwing pumapasok siya sa trabaho ay lagi na lang ganito ang senario.Katulad niya, single rin si Mark, kasing-tanda at kalapit bahay niya lang kaya madalas silang gawing loveteam."Bini, ihatid na kita sa trabaho."Mabilis siyang luminga rito habang pinipigilan ang pagbaha ng inis sa mukha. Sandali pa niyang tinapunan ng masamang tingin ang grupo ng mata
"O, Bini, Bituin!"Agad silang nagkalas sa pagkakayakap mag-ate at nagpunas ng mga luha. Nagtataka ang anyo ng kanilang ina na si Susan habang palapit sa mesa at dala ang eco-bag na punong-puno ng pinamili sa palengke."O, anong mayroon? At bakit kayo umiiyak?""Hindi po, wala!" pagsisinungaling ni Bini at pasimpleng pinunasan ang luha. Ganoon na rin si Bituin na nakaharap sa gilid.Tiningan sila nang makuhulugan ng ina. Kahit tila binabasa ang kanilang mga hitsura. Naglakad siya at kunyaring hinalungkat ang mga binili nito."Kadadating mo lang ba?" usisa ni Susan habang nakaharap na sa mesa at naghahanda ng maghiwa ng mga gulay."Opo. Si Blessi nga pala?" tanong niya sa ina, tinutukoy niya ang kapatid na bunso."Ate!" masayang bati ni Blessima.Luminga siya sa pinto ng kusina at nang makita ang kapatid ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya."Mama!" masiglang-masiglang bati nito at lumapit kay Susan."Anong basura na naman 'yang dala mo?" asik ni Bini habang sinusundan ng masamang
"Aba, malayo pa ang semana santa, ba't nandito na si hudas?" bungad agad ni Bini hindi pa man nakapapasok ng gate.Naabutan kasi niya ang dating live-in partner ng kapatid niya at ama ng kambal niyang pamangkin."A-ate Bini naman," nahihiyang sagot ni William."Ate? Hindi kita kapatid!" pambabara niya rito.Dire-diretso siyang pumasok sa gate. Saglit niyang sinulyapan ang pangalawang kapatid na si Bituin bago binalikan ng masamang tingin ang hilaw niyang bayaw."Ano na namang masamang polusyon ang nagdala sa iyo rito?" pagtataray ni Bini habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang."Binibisita ko lang po si Bitu-""Ang ibig kong sabihin, 'yong mga bata!" nadulas na tugon nito at hindi alam kung paano sasalubungin ang tingin niya.Napangiti si Bini dahil sa inis. Nayayamot siyang kumamot sa batok bago muling binato ng tingin si William."Nabisita mo na? O, alis na!" pagtataboy niya rito."Ate," awat sa kaniya ni Bituin at humawak pa sa braso niya."Ano?" pikon niyang sagot."Sige, Bi
Dahil umaga na natatapos ang trabaho niya, sa iba naman ay nagsisimula pa lang. Karamihan ay nagmamadali pumasok sa trabaho, at may iba't-ibang klase ng estudyante. Abalang-abala rin ang ilang daan na punong-puno ng pribado at pampublikong sasakyan. Habang naglalakad naman sa gilid ng daan si Bini para maghintay ng pampasaherong jeep pauwi.Saglit na sinilip niya ang suot na relo. Ilang minuto na rin siyang naghihintay matapos ang bangayan nila ni Seya.Mabilis siyang naglakad nang maaninag ang isang kulay asul na jeep na madalas niyang sakyan. Agad siyang kumilos palapit doon. Nakipagpatintero siya sa mga taxi at kotse para lang maabutan ang jeep na patuloy na umaandar."Sandali!" sigaw ni Bini habang nagmamadaling tumawid.Awtomatikong inapakan ni Adamson ang preno matapos may walang-ingat na tumawid. Napamura siya dahil sa labis na pagkabigla.Lumingon si Bini na matalas ang mga mata sa isang itim na pick up truck na ilang pulgada na lang ang layo sa kaniya. Dahil tinted ay hindi n
"Okay, Dj Bini. Let's get to our final speech," saad ni Chum at tinapunan siya ng tingin.Tumango si Bini sa intern para sabay na bitawan ang pinakamahalagang parte ng kaniyang show. Kung saan magbibigay na siya ng payo para sa problema nito."Ang payong kababaihan," may tono pa nila iyong sinambit."Listen, caller," seryosong panimula niya."Kahit kailan hindi mahal ang magmahal. Hindi iyan ipinipilit o nanghihingi ng kapalit. Libreng ibinibigay iyan at buong puso namang tinatanggap."Tanging ang malamig at manipis niyang boses ang namamayani sa ere. Tahimik ang lahat, si Chum at ganoon na rin ang ilang kasamahan niyang nasa labas ng booth."Kailangan mong mamili ng lalake, and I don't know kung mayroon pa. O 'yung ibang mga babae na makakilala ng lalake na, magbibigay ng totoong pagmamahal.""Mayroon pa iyan, Dj Bini!" sagot naman ni Chum.Inirapan niya ito, napag-usapan na nila ng management ang pagtatanggol ni Chum sa mga lalake, para raw hindi bias at babae lang ang kinakampihan.







