Home / Romance / Her life at 33 / KABANATA 4: MEET ADAMSON LEDESMA

Share

KABANATA 4: MEET ADAMSON LEDESMA

Author: KokoyIsMyLife
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-14 19:04:43

Dahil umaga na natatapos ang trabaho niya, sa iba naman ay nagsisimula pa lang. Karamihan ay nagmamadali pumasok sa trabaho, at may iba't-ibang klase ng estudyante. Abalang-abala rin ang ilang daan na punong-puno ng pribado at pampublikong sasakyan. Habang naglalakad naman sa gilid ng daan si Bini para maghintay ng pampasaherong jeep pauwi.

Saglit na sinilip niya ang suot na relo. Ilang minuto na rin siyang naghihintay matapos ang bangayan nila ni Seya.

Mabilis siyang naglakad nang maaninag ang isang kulay asul na jeep na madalas niyang sakyan. Agad siyang kumilos palapit doon. Nakipagpatintero siya sa mga taxi at kotse para lang maabutan ang jeep na patuloy na umaandar.

"Sandali!" sigaw ni Bini habang nagmamadaling tumawid.

Awtomatikong inapakan ni Adamson ang preno matapos may walang-ingat na tumawid. Napamura siya dahil sa labis na pagkabigla.

Lumingon si Bini na matalas ang mga mata sa isang itim na pick up truck na ilang pulgada na lang ang layo sa kaniya. Dahil tinted ay hindi niya makita kung sino ang driver nito.

"Mayabang," matigas niyang usal habang nakatitig sa sasakyan.

"Siya pa galit?" kausap ni Adamson sa sarili habang pinagmamasdan ang babaeng nakatayo, suot ang lagpas tuhod na paldang itim, at nakatack-in ang simpleng nude blouse.

Kitang-kita niya ang matalim na tingin nito sa kaniya. Kung hindi tinted ito ay baka bumuwal na lang siya dahil sa nakamamatay na tingin ng babae.

Sa bwisit ni Adamson ay binusinahan niya ito.

"Aba, talagang bumubusina ka pa, ha?" asik ni Bini.

"Hoy Ale, sasakay ka ba?!" sigaw ng naiinip na driver ng jeep kay Bini.

Buong pangigigil na binusinahan muli ng binata ang babae. Napukaw naman ang atensyon ng mga tao na nasa atubiling kalsada. Mabilis na napamasid si Bini sa paligid matapos pagtinginan ng mga tao.

Muli niyang binalikan ng tingin ang pick-up truck at bago sumakay sa jeep ay nag-dirty finger siya sa driver na hindi niya nakikita.

"Is she crazy?" nayayamot na tanong ni Adamson nang makitang nag-iwan pa ng dirty finger ang pedestrian.

Mabilis na sumakay si Bini, ipinagsiksikan niya ang sarili sa punong-punong upuan. Muli niyang tinanaw ang sasakyan habang palayo ang jeep.

Inihampas ni Adamson ang p***o ng kaniyang truck matapos igarahe. Nakakunotnoo siyang naglakad papasok ng bahay.

"Good morning, Sir!" bati ng kanilang kasambahay.

"Is it Adamson?" nauulinigan niyang tanong ng kaniyang ina mula sa dining area.

Nagdiretso ang binata roon, naabutan niya ang kaniyang mommy na si Harriet Ledesma. Lumapit siya rito at ginawaran ng halik sa pisngi.

"Have a sit, son. Sabayan mo na ako mag-breakfast," Tumayo ito at iginaya siya sa isang silya.

Dahil nagugutom ay hindi na niya tinanggihan ang alok nito. Agad siyang nilagyan ng ina sa plato ng pagkain.

"I checked you in your room last night."

"Sorry, mom. Natulog na ako sa condo ni Malcom," sagot ni Adamson matapos lumunok.

"Baka naman pinababayaan mo ang sarili mo, ha?" nag-aalang aniya ni Harriet sa kaisa-isang anak.

Hinawakan niya ang kamay ng ina na hinahaplos ang kaniyang braso. Nginitian niya ito, ever since he was a little, his mother has been very caring. And that hasn't changed now that he is a grown up man.

"I'm good, don't worry. Kailangan naming manalo sa bidding."

Ilang araw na nilang inaasikaso ng bestfriend at Legal council niyang si Malcolm ang isa sa pinakamalaking project ng kanilang Construction Company.

"You will win that bidding. I believe you," matamis na ngiti ang natanggap niya mula kay Harriet.

Simula nang mawala ang daddy niya na si Alejandro Ledesma ay siya na ang nag-take over ng kumpanya nila. He gave and still giving his best to stay on the top. Ayaw niyang masayang ang sakripisyo ng ama para sa isa sa pinaka-sucessful na kumpanya rito sa Pilipinas.

"Thank you, mom."

Ipinagpatuloy ni Adamson at Harriet ang pagkain nang natigilan ang binata. Naalala niya ang kagabing pinakikinggan nilang radio show sa High vibe radio station na pagmamay-ari ng ina.

"Mom, do you still get in touch with your radio station?" panimula niya at ibinaba ang kutsara at tinidor.

"Yeah. I do," kaswal na tugon ng ina.

His mom is a former radio disc jockey. Originally, pagmamay-ari iyon ng kaniyang ama. Sa station na rin iyon nag-umpisa ang lovestory ng dalawa. Pansamatala kasing naging Station manager si Alejandro roon at doon nagkamabutihan ang kaniyang ina na si Harriet.

"Have you heard about the midnight show?"

Napalatak si Adamson nang makalimutan ang tawag sa midnight show na napakinggan nilang magkaibigan kagabi.

"I forgot. Ano nga ba'ng show iyon?" tanong ng binata sa sarili at itinuon ang mga mata sa plato.

Sa sobrang inis niya yata ay nakalimutan na niya ang tawag sa show na iyon, ganoon na rin ang Dj na manhater.

"Are you taking about, the midnight show of Dj Bini?"

"Yeah!" malakas niyang pagsang-ayon kasabay nang paghampas sa ere.

"Yeah, I really love that show."

"You love it, mom?" takang ulit ni Adamson.

Nakangiting sumandal si Harriet sa silya. Mukhang proud na proud pa ito sa tinutukoy nitong show ganoon na rin sa babaeng dj ng radio station.

Mukhang magkabaligtad ang nararamdaman nila ng ina. Para kasi mabawasan ang antok nila ni Malcolm kagabi ay nakinig sila ng radio habang pauwi. Dahil nga pagmamay-ari nila ang radio station ay doon nila napiling makinig.

"You're kidding!" hindi makapaniwala at natatawang aniya ni Adamson.

"Why?"

"She spreads hatred."

"She didn't," pagtatanggol naman ng kaniya ina.

"Yes she is, mom. First time kong makinig ng show niya and it sucks!" naiinis na sambit ni Adamson.

"No. Of course not."

"Look, mom, why we don't just turn down that station?"

Nalaglag ang panga ni Harriet sa sinabi ng binata. Nakatulala lamang siya rito hanggang sa muling magsalita si Adamson.

"Mom, did you hear me?" untag nito sa pananahimik ng ginang.

"Y-yes."

Bumuga ng hangin si Adamson at ginagap ang kamay ng kaniyang ina. Diretso niya itong tinitigan sa mga mata.

"That building has so much potential to be a commercial establishment. Maganda 'yong place, we can offer that to Mr. Guillermo. That is a perfect space for his upcoming business."

"No, we can't do that. You knew that, the radio station means so much to me, right? And there's no reason to just turn it down."

Tumayo si Harriet at tila may kinuha sa bag. Inabot sa kaniya ang isang folder. Kahit may pagtataka ay kinuha niya iyon.

"Open it, mataas ang rating ng station ng High Vibe."

Saglit na sinilip ni Adamson ang loob. Bago muling nag-angat ng paningin habang sinasara ang folder.

"They weren't in the top spot, mom." giit niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Her life at 33   KABANATA 8:

    "Ano? Tell me," patuloy na panunudyo ni Seya kay Bini."Dj Bini, relax," Hinawakan siya ni Chum sa braso nang mapansin ang pagbabaga niya sa galit.Napapikit siya ng mariin, minabuting kontrolin ang emosyon. Kung papatulan niya ang letseng ka-trabaho niya ay nakahihiya lamang sa kanilang mga kasamahan. Lalo na sa kanilang Station Manager.Nakangiti na iminulat ni Bini ang mga mata. Diretsong tinitigan si Seya, na nakatikwas ang isang kilay at nakangisi."Seya, that was six years ago, and here you are. Ako nga na ate naka-move on na, mukhang ikaw, issue pa rin iyon. Alam mo, young girls are closer to make mistakes at napatunayan iyon ng kapatid ko.""At hindi ko hahayaang may magdagdagan pa sa mga batang babae iyon," mahabang paliwanag niya habang nakangiti.Tila natameme naman si Seya. Taas-noong lumakad si Bini, inihagis pa niya ang buhok sa hangin bago tuluyang lagpasan ang ka-trabaho."Magandang gabi para sa magagandang babae!"Sumigaw siya ng buong lakas nang magbukas ang kaniyang

  • Her life at 33   KABANATA 7:

    "Bini, dito ka na sumakay!" alok ng isang tricycle driver nang dumaan siya sa kanto.Nagbingi-bingihan si Bini at tumanaw ng jeep sa kalsada. Matapos ang usapan nilang mag-ina ay agad siyang umalis ng bahay. Ayaw na niyang makipagtalo rito baka hindi lang sila magkaintindihan."Bini," Lumapit si Mark, ang kaklase niya noong highschool at ka-baranggay."Hatid na kita," malambing na alok nito nang magsalubong ang tingin nila."Hindi na kailangan. Kaya ko, hindi naman ako tanga," muling tumanaw si Bini sa mga parating na sasakyan.Narinig niya ang tila pambubuyo at panunukso ng kapwa driver ni Mark sa kanila. Pinilit niyang sumeryoso, sa tuwing pumapasok siya sa trabaho ay lagi na lang ganito ang senario.Katulad niya, single rin si Mark, kasing-tanda at kalapit bahay niya lang kaya madalas silang gawing loveteam."Bini, ihatid na kita sa trabaho."Mabilis siyang luminga rito habang pinipigilan ang pagbaha ng inis sa mukha. Sandali pa niyang tinapunan ng masamang tingin ang grupo ng mata

  • Her life at 33   KABANATA 6:

    "O, Bini, Bituin!"Agad silang nagkalas sa pagkakayakap mag-ate at nagpunas ng mga luha. Nagtataka ang anyo ng kanilang ina na si Susan habang palapit sa mesa at dala ang eco-bag na punong-puno ng pinamili sa palengke."O, anong mayroon? At bakit kayo umiiyak?""Hindi po, wala!" pagsisinungaling ni Bini at pasimpleng pinunasan ang luha. Ganoon na rin si Bituin na nakaharap sa gilid.Tiningan sila nang makuhulugan ng ina. Kahit tila binabasa ang kanilang mga hitsura. Naglakad siya at kunyaring hinalungkat ang mga binili nito."Kadadating mo lang ba?" usisa ni Susan habang nakaharap na sa mesa at naghahanda ng maghiwa ng mga gulay."Opo. Si Blessi nga pala?" tanong niya sa ina, tinutukoy niya ang kapatid na bunso."Ate!" masayang bati ni Blessima.Luminga siya sa pinto ng kusina at nang makita ang kapatid ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya."Mama!" masiglang-masiglang bati nito at lumapit kay Susan."Anong basura na naman 'yang dala mo?" asik ni Bini habang sinusundan ng masamang

  • Her life at 33   KABANATA 5: BINI'S HUGOT

    "Aba, malayo pa ang semana santa, ba't nandito na si hudas?" bungad agad ni Bini hindi pa man nakapapasok ng gate.Naabutan kasi niya ang dating live-in partner ng kapatid niya at ama ng kambal niyang pamangkin."A-ate Bini naman," nahihiyang sagot ni William."Ate? Hindi kita kapatid!" pambabara niya rito.Dire-diretso siyang pumasok sa gate. Saglit niyang sinulyapan ang pangalawang kapatid na si Bituin bago binalikan ng masamang tingin ang hilaw niyang bayaw."Ano na namang masamang polusyon ang nagdala sa iyo rito?" pagtataray ni Bini habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang."Binibisita ko lang po si Bitu-""Ang ibig kong sabihin, 'yong mga bata!" nadulas na tugon nito at hindi alam kung paano sasalubungin ang tingin niya.Napangiti si Bini dahil sa inis. Nayayamot siyang kumamot sa batok bago muling binato ng tingin si William."Nabisita mo na? O, alis na!" pagtataboy niya rito."Ate," awat sa kaniya ni Bituin at humawak pa sa braso niya."Ano?" pikon niyang sagot."Sige, Bi

  • Her life at 33   KABANATA 4: MEET ADAMSON LEDESMA

    Dahil umaga na natatapos ang trabaho niya, sa iba naman ay nagsisimula pa lang. Karamihan ay nagmamadali pumasok sa trabaho, at may iba't-ibang klase ng estudyante. Abalang-abala rin ang ilang daan na punong-puno ng pribado at pampublikong sasakyan. Habang naglalakad naman sa gilid ng daan si Bini para maghintay ng pampasaherong jeep pauwi.Saglit na sinilip niya ang suot na relo. Ilang minuto na rin siyang naghihintay matapos ang bangayan nila ni Seya.Mabilis siyang naglakad nang maaninag ang isang kulay asul na jeep na madalas niyang sakyan. Agad siyang kumilos palapit doon. Nakipagpatintero siya sa mga taxi at kotse para lang maabutan ang jeep na patuloy na umaandar."Sandali!" sigaw ni Bini habang nagmamadaling tumawid.Awtomatikong inapakan ni Adamson ang preno matapos may walang-ingat na tumawid. Napamura siya dahil sa labis na pagkabigla.Lumingon si Bini na matalas ang mga mata sa isang itim na pick up truck na ilang pulgada na lang ang layo sa kaniya. Dahil tinted ay hindi n

  • Her life at 33   KABANATA 3: INGGIT

    "Okay, Dj Bini. Let's get to our final speech," saad ni Chum at tinapunan siya ng tingin.Tumango si Bini sa intern para sabay na bitawan ang pinakamahalagang parte ng kaniyang show. Kung saan magbibigay na siya ng payo para sa problema nito."Ang payong kababaihan," may tono pa nila iyong sinambit."Listen, caller," seryosong panimula niya."Kahit kailan hindi mahal ang magmahal. Hindi iyan ipinipilit o nanghihingi ng kapalit. Libreng ibinibigay iyan at buong puso namang tinatanggap."Tanging ang malamig at manipis niyang boses ang namamayani sa ere. Tahimik ang lahat, si Chum at ganoon na rin ang ilang kasamahan niyang nasa labas ng booth."Kailangan mong mamili ng lalake, and I don't know kung mayroon pa. O 'yung ibang mga babae na makakilala ng lalake na, magbibigay ng totoong pagmamahal.""Mayroon pa iyan, Dj Bini!" sagot naman ni Chum.Inirapan niya ito, napag-usapan na nila ng management ang pagtatanggol ni Chum sa mga lalake, para raw hindi bias at babae lang ang kinakampihan.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status