Share

Chapter 11 Grabbing chances

Nanlaki ang mata ni Andrew nang makita kung anong sasakyan nila, napatulala na lang siya habang inaayos ng dalaga ang paglagay sa backpack nito sa likuran ng big bike, nagulat pa siya ng iabot na ni Lucy ang isang parang sumbrero na helmet mula sa compartment nito para sa kanya.

"Uhm, Lucy. Can't we just take my car?"

Hindi niya gustong ipahalata sa dalaga ang takot at pagaalinlangan dahil sigurado niyang gulo nanaman iyon. Subalit hindi niya mapigilan magsalita dahil natatakot siyang sumakay dito dahil hindi siya sigurado kung kaya siya nitong iangkas.

"No can do! Alam mo ba na mas madaling nakawin ang motorcycle kaysa sa kotse. And besides, your car is park in front of the bar, pinakiusap ko na iyon kay manong Fredo, so no need to worry about it."

Napalunok na lang si Andrew nang sumakay na doon ang dalaga, hindi niya matanggal sa isip ang takot sa posibilidad na maaari silang maaksidente.

"Why, hindi mo ba kayang umangkas?" Makulit na ngisi ni Lucy sa kanya.

Hindi niya gustong mag mukhang mahina at duwag sa paningin nito kaya naman kahit kinakabahan pa rin ay sumampa na siya kaagad sa motor.

Noon niya lang napag isip-isip kung gaano siya kasuwerte ng mga oras na iyon, hindi niya akalain na malalagay siya sa ganoong sitwasyon.

Bigla niya na lang naramdaman ang mabilisan pag-iinit ng kanyang katawan dahil sa tila sa pagkakapatong sa likod nito, kung kaya matinding pagpipigil ang ginagawa niya ng mga oras na iyon upang hindi magising ang kanyang katawang lupa.

Ayaw kasing mawala sa isip ni Andrew ang mga bagay na nais niyang gawin kay Lucy dahil sa hitsura ng posisyon nila. Dikit na dikit na kasi ang harapan niya sa likuran nito, medyo nakadapa pa ang pwesto ng dalaga sa harapan niya, kaya naman kung ano anong mahahalay na bagay ang ayaw magpatahimik sa kanyang utak.

Ilang sandali lamang ang kinailangan upang maging lutang na lutang ang kanyang isipan, tuluyan na siyang nagalala nang magsimula ng gumising ang kanyang pagkalalake mula sa pagkakahimbing nito, pilit niya na lang iniaayos ang pagkakaupo subalit dumudulas pa rin siya palapit sa likuran ng dalaga.

"Shit!" singhal niya nang magsimula na din umayos si Lucy sa motor.

Hindi sinasadyang ng dalaga na maikiskis ang pwetan nito sa harapan niya kaya wala na siyang nagawa nang tuluyan ng magising ang kanyang pagkalalake.

Napalunok na lang siya nang mabatid na tumigil si Lucy sa pag galaw sa sarili at napatuwid ito bigla ng upo.

"Andrew, that better not be what I think it is!" Madiin na sambit ni Lucy.

Halata ni Andrew ang pagkailang at inis sa boses nito ng mga oras na iyon.

"I'm sorry!" wala na siyang ibang magawa kung hindi ang humingi ng paumanhin.

"Can't you do something about that!"

Hindi niya maaninag ang hitsura ng dalaga dahil sa suot nitong helmet, pero alam niyang naiirita na ito.

"I have no control over it!!" pilit tawa niyang sambit.

Sinusubukan niya na lang na gawin biro ang mga nangyayari para hindi mapahiya sa kasalukuyan na sitwasyon nila. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito bago magpalinga-linga ng ulo.

"Kumapit ka na!" Walang ganang saad ni Lucy.

Napangiti na siya sa sinabi nito at dali-dali naman sumunod sa nais ng dalaga.

"Nakakapit na ako," saad niya nang hindi pa rin nito pinapaandar ang motor.

Liningon siya ni Lucy sabay tingin sa kung saan siya nakahawak, napapalo na lang ito sa helmet nang makitang nakawak siya sa likuran ng big bike.

"Mabilis ako magpatakbo, makakabitiw ka kapag ganyan ang kapit mo!" sita ni Lucy.

Napaisip si Andrew ng ilang sandali, dalawa na lang kasi ang maaari niyang kapitan. Ang balikat nito at ang baywang.

Ganoon na lang tuloy ang tila pagkakapos niya ng hininga sa kaalaman na mahahawakan ito doon, hindi niya mapigilang mapangisi sa pagkakataon na iyon.

"Ano bang iniisip mo? I swear, if you're thinking dirty thoughts right now, your family jewels will be in big trouble!" singhal ni Lucy.

Napalunok na lang siya ng malalim sa banta nito sabay tingin sa naturang parteng tinutukoy ng dalaga.

"No, of course not!" nadama niya na ang dahan-dahang pagtakas ng dugo sa kanyang mukha kasunod ng pagpatak ng malamig na pawis sa noo.

Narinig niya na lang paghinga ni Lucy ng malalim at ikinagulat na lang niya ang sunod nitong ginawa. Kinuha ng dalaga ang mga kamay niya, pagkatapos ay ito na mismo ang nagpapulupot noon sa baywang nito.

"I'll allow this just once, try touching anywhere else and you'll regret it!" Duro nito ng daliri sa kanyang mukha.

Naintindihan niya ang sinabi nito pero hindi iyon rumehistro sa kanyang isipan, naging parang tuod lang siya habang nilalasap ang pagkakahawak sa baywang ng dalaga.

"Hey! Are you listening?" Biglang batok ni Lucy sa kanya nang hindi siya sumagot.

"Yes mam!" natatawang niyang sagot dito, hindi niya mapigilan ang sobrang galak pero minabuti niya na lang itong itago.

Pinilit niya muling umayos ng upo, sa pagkakataong ito ay nagawa niya ng mailayo ng kaunti ang nagwawala niyang ari dahil na din sa pagpatong ng dibdib niya sa likod nito, pero hindi niya naman mapigilan amoy-amuyin ang dalaga nang maidikit na ang mukha sa leeg nito.

Para siyang nahahati sa katotohanan at sa panaginip ng mga oras na iyon dahil sa dinadanas, nawala lang siya sa pagmumuni-muni nang simulan ng paandarin ni Lucy ang motor, hindi niya naiwasang mapakapit ng mas mahigpit dahil sa biglaang pagharurot ng kanilang sinasakyan.

*****

Nakahinga ng maluwag si Lucy nang sabihin ng doktor na hindi malala ang tama ni Andrew, niresetahan na lang siya nito ng ilang gamot para sa pamamaga ng mga pasa ng binata sa mukha.

Pansin na pansin naman na kumikirot ang parteng iyon dahil na rin sa napapangiwi nitong hitsura habang tinitingnan ng doktor kanina, nakadama na lang tuloy siya ng konsensya dahil dito.

"Uhm, Andrew. Next time naman kaunting lamig ng ulo, hindi iyong bigla ka na lang nanunugod." Malumanay niyang saad nang maalala niya na ito ang nagsimula ng away kanina.

Kasalukuyan na silang naglalakad papalabas ng naturang hospital.

"What! And just let those guys humiliate you, binastos ka nila! I can't just stand there and do nothing! " Nanginginig nitong sambit na napapakuyom pa ng mga palad.

Kita ni Lucy ang pamumula ng binata sa galit nang maalala ang mga nangyari. Napangiti siya ng tipid dahil na din sa sinabi nito, kung tutuusin paubos na din ang pasensya niya sa mga lalaking iyon, naunahan lang siya ng binata, kung kaya’t hindi niya maipagkakaila ang galak sa naging pagtatanggol nito.

"Thanks, I really appreciate it," saad na lang niya.

Nakita niya kung paano mabilis na nag-iba ang hitsura ni Andrew, naging maaliwalas ito kasabay ang paglabas ng nakakaloko nitong ngiti. Nabatid niya tuloy ang pagbakat ng malalalim na biloy nito sa pisngi.

"Does this mean were okay?" masayang sambit ni Andrew.

Nababasa niya sa mukha ng binata ang pagbabakasakali nitong muli, hindi niya tuloy napigilan ang sarili na mapatawa ng bahagya nang masilayan nanaman kung paano ito mag puppy dog eyes.

Nakakasiguro siya na napakadami ng babae ang nahulog sa estilo nitong ganoon, kaya naman kahit na may kung anong kilig ang nadadama niya para dito ay pilit niya na lang iyong isinasantabi.

"Don't push your luck! I still haven't forgiven you." Hindi nawala ang ngiti ni Lucy kahit sinasabi ang bagay na iyon.

"About that, I'm really sorry. I shouldnt have said those things." Parang maamong tupa ang hitsura ni Andrew ng mga sandaling iyon.

Kita niya din ang malungkot at seryosong mga mata nito na tutok na tutok sa kanya, kung kaya nginisian niya na lang ito upang kahit papaano ay mapagaan ang loob nito.

Hindi niya man gustong aminin sa sarili ay ramdam niya ang sinseridad ng pag hingi nito ng paumanhin.

"C'mon, I'm taking you back," buong giliw na hila na lang niya sa kamay ng binata papunta sa lugar kung saan niya iniwan ang motor ng kapatid.

Ipinagsawalang bahala niya na lang ang kung anong kaguluhan sa kanyang pakiramdam at minabuting ihatid na muna ito pabalik.

Mabilis naman ang pagningning ng mata ni Andrew sa kanyang sinabi at nauna pa nga ito sa paglalakad sa kanya patungo sa parking.

Dahil sa insidenteng iyon ay nabawasan ng kaunti ang galit ni Lucy kay Andrew, hindi niya akalain na kahit papaano ay may naitatago din palang pagkamaginoo ang binata.

Ilang linggo ang lumipas matapos ng insidenteng iyon, kahit papaano ay naging maayos na muli ang pakikitungo ni Lucy kay Andrew. Iyon nga lang, binalaan niya pa din ito nang magbanggit ulit ng pagnanais na panliligaw sa kanya.

Nanghihinayang kasi siya sa pagkakaibigan nito at ng kanyang kapatid, alam niya kung gaano kalapit ang kakambal niya sa barkda nito at ayaw niyang makasira doon. Batid niya kasi ang naging epekto ng ginawa nito sa pagkakaibigan nila.

Wala naman naging tugon ang binata sa kanyang pakiusap, bagkos ay nanatili lang itong nakangiti at tahimik habang kinakausap niya.

Nagpasalamat na lang siya dahil hindi ito bumalik sa pagiging sobrang makulit, maliban na lamang sa palagi nitong biglang lumilitaw para ihatid sundo siya sa klase.

Kaya naman laking pasalamat niya ng mga oras na iyon dahil sa bahagyang katahimikan mula sa mahigpit na panunuyo ng binata.

"Lucy!"

Napatingin siya sa tumatawag pakapasok sa pribadong silid sa eskwelahan, napangiti siya nang makita ang masayang kaibigan na si Lhean na tumatakbo papunta sa kanya habang kumakaway, ganoon na lang din ang ginawa niya, bahagya siyang nasorpresa nang mabatid ang hatak-hatak nito na estudyanteng lalake na halatang mas bata sa kanila.

"Oh! Sino iyan kasama mo?" tanong na lang ni Lucy nang makalapit na ito.

Iniharap ni Lhean ang binatilyo sa kanya, batid niya ang pagiging mahiyain nito dahil hindi nito magawang makatingin ng tuwid sa kanya.

"Iyan kasi, ang tagal mo ng hindi pumupunta dito sa club natin, kaya hindi mo na kilala iyong mga bagong members." Ngising pamamaywang ni Lhean.

Napadikit na lang si Lucy ng palad na tila nagdarasal sa harap nito. "Sorry, busy kasi ako this past months, alam mo naman."

"Shush! Enough with the excuses,” Angat nito ng kamay sa kanya para tumigil. “Anyway Lucy, this is Andy. He is our newest member and is also one of the most active right now," taas noong saad ni Lhean, kita ang pagmamalaki ng kaibigan habang ipinapakilala ang kasama.

"Hello, I hope hindi ka masyadong pinapahirapan ni miss president natin," magiliw na kinawayan na lang ni Lucy ang binatilyo.

Nakita niya naman na napangiti ito sa kanya, kahit pa sabihin na hindi pa rin nito magawang makatingin ng tuwid.

"Hey! Never ako nagpahirap ng members ah!" maktol na sambit ni Lhean sabay nandila pa.

Napatawa na lang silang lahat sa pagdedepensa nito at tila batang pag-aasal habang nakikipagtalo.

"So what's with the sudden meeting?" mapaglarong tinapik niya na lang si Andy dahil halatang naiilang pa rin ito sa kanya.

"Well, Andy here invited us to his birthday next month, and I was thinking if we can do a special performance with him," masayang saad ni Lhean sabay inakbayan nito ang naturang binatilyo.

"Matagal na kaya tayong walang practice," maktol niya sa kaibigan, hindi niya kasi gustong nagperperform ng walang paghahanda.

"Duh, I know. Kaya nga nagpatawag ako ng meeting!" Ngiwing napairap naman si Lhean sa kanya.

Halata ang panunuya ng kaibigan sa kanya kung kaya nginusuan niya na lang ito sabay halukipkip.

"At ano naman ang pwede natin iperform sa party niya, aber? Sigurado ko naman na hindi na mga bata ang aattend doon," muli niyang pagsalungat.

Hindi siya pabor sa ideya ng kaibigan lalo na at party ng isang binatilyo ang pupuntahan nila. Nakasisiguro kasi siya sa mga posibleng dumalo sa naturang pagdiriwang. Natatantsa niyang nasa puwang ng kanilang mga edad ang pupunta doon.

"A sing and dance performance will do. Besides I've got an Idea," ngising sabi ni Lhean na iwinawagayway pa ang isang daliri.

Napataas na lang tuloy siya ng kilay dito, bigla siyang nakadama ng kung anong pag-aalala dahil sa mukha ng kaibigan, sigurado niyang may naiisip nanaman itong kakaiba at takaw pansin.

*****

"Andrew!"

Napalingon na lang siya sa boses ng tumawag sa kanya, medyo nakaramdam siya ng kaunting pangamba nang makita si Luke pala ang papalapit.

Hindi niya gustong makipag away muli sa kaibigan, lalo na at maayos na muli ang pakikitungo sa kanya ng kapatid nito.

"Hey dude! What’s up? " pinilit niyang wag magpakita ng kahit anong pag aalinlangan o pagkailang sa kaibigan.

"I heard what you did for my sister! I owe you one," seryosong saad ni Luke.

Nakadama si Andrew ng ginhawa at tuwa nang makitang nakangiti ito sa kanya, kaya hindi niya maitago ang sariling guhit sa mukha.

"No problem dude!" hindi niya maikakaila na masaya siya sa maayos na muling pakikipag usap sa kaibigan."We good man?" hindi niya mapigilang tanungin dahil na din sa kanyang pag-aalinlangan.

"Yeah man, we're good," masaya nitong tugon.

Naghawak pa sila ng kamay sabay hatak upang makayakap sa isa't isa.

"Yeah! Nice naman, mukhang nagkabati na kayo ah!" bigla na lang bungad ni Jordan sa kanila.

"So, it seems the only problem we have right now is the one between you and Vincent," biglang singit ni Raymond kay Luke.

Halata naman niya na napasimangot ito dahil sa sinabi ng kabarkada nila. Napalinga na lamang siya sa problema ng dalawang kaibigan.

"C'mon man! Ano ba kasing pinag-aawayan niyo ni Vince?" pagmamaktol ni Jordan dito.

"Yeah man, wala kayong sinasabi sa amin. Is this about Celina?" alam niya naman kasi ang tama ng mga kaibigan niya sa matalik na kaibigan ni Lucy.

Iyon nga lang si Raymond at Jordan ay nagpaubaya na, habang si Vincent at Luke naman ay walang habas na nag-aagawan pa rin hanggang ngayon para sa atensyon nito. Hindi niya lubos akalain na magkakaaway pa ang dalawa ng dahil lang sa isang babae.

Kung tutuusin mas malapit pa si Luke kay Vincent kaysa sa kanya, kaya hindi niya maisip ang dahilan ng hindi pag kakaunawaan ng dalawa.

"I'm not the one with the problem! " halata ang pagkainis sa boses ni Luke dahil sa sinabi ni Raymond.

"Parang hindi ka naman nasanay kay Vince!" halatang pinipilit pa din ni Raymond na ipaintindi dito ang sitwasyon.

"Tsaka mukha naman seryoso siya doon kay Celina," suporta naman ni Jordan sa sinabi ng kaibigan.

"Tsk, kung alam niyo lang!" maktol nito sa dawalang nagsesermon.

Napahinga na lang siya ng malalim, mukhang mas lumalala na ang alitan ng dalawa. Bigla na lang may pumasok sa isip niya habang pinagmamasdan ang mga ito.

"You know Luke! I think you just need to think things over. Tell you what, remember that model you were so crazy about?" saad niya, napangisi pa siya nang makitang nakuha niya ang atensyon nito."I'll invite her to my birthday party, so why not try to assess things with her, you know, check your options and try to see if she'll be able to distract you from Celina. Malay mo diba!" pang-eenganyo niya dito habang pinagtataas baba pa ang kanyang kilay.

Kita naman ang biglaan paglapad na ngiti sa mukha nito dahil sa kanyang mga sinabi. Kabisado niya na ang kanyang mga kaibigan, alam niyang si Luke ang mas madaling gawan ng paraan kaysa sa napakaseryosong si Vincent, maliban doon ay may nais din siyang hilingin dito.

"Are you sure she'll come?" Pagtataas ni Luke ng isang kilay.

Mukhang hindi pa ito kumbensido sa sinabi niya, pero bigla niyang naisip na huwag bitiwan ang pagkakataong ito. Napapatawa na lang tuloy ang dalawa pa nilang kaibigan.

"Wanna bet? " agaran niyang saad dito, halata ang galak nito sa sinabi niya.

"You're on! " balik ni Luke.

"Call! Anong gusto mong ipusta ko? " mabilisan niyang pagsisimula sa kanilang kasunduan.

"One month kong gagamitin iyong condo mo! "

Wala ng isip-isip at mabilis ang naing pag sagot ni Luke kaya naman bahagya siyang nagtaka sa nais nito.

"Seryoso ka, iyon lang? Hindi ba may sarili ka naman?" hindi niya maialis ang kuryosidad sa nais nito.

"I have my reasons dude, don't ask. Ikaw, ano gusto mo ipusta?" Winagayway na lang nito ang kamay.

Halatang may kung ano itong binabalak kung kaya naman napangisi na lang siya nang biglang mapaisip ng kung ano-ano.

"Invite your sister to my party," matapang niya balik dito.

Kita niya ang biglaan pagkunot ng mukha nito, batid niyang hindi nito iyon gusto kaya nag isip agad siya ng idadahilan.

"That's fowl man, below the belt na iyan! " naiirita nitong sagot.

"Dude, I swear. My intentions are clean. I just wanna make it up to your sister, remember may atraso pa ako sa kanya, I just want to apologize and besides I'll have a cottage for the both of you, magkatabi pa kung gusto mo!" pinilit niyang maging maingat sa mga salitang bibitiwan, alam niyang isang pagkakamali lang ay gulo nanaman iyon sa pagitan nilang dalawa.

"Bakit paghihiwalayin mo kami ng cottage? " halata ang pagiging mapanuri nito ng mga oras na iyon.

Subalit mayroon na siyang nakahandang paliwanag para doon.

"Are you sure you wanna be in the same cottage with your sister during my party?" Makulit niyang ngisi dito.

Halata naman na napaisip si Luke bigla at nakuha ang punto ni Andrew.

"Sige call! But I swear man, don't try anything stupid!" duro nito habang ngiting nagbabanta.

"Trust me man! Cross my heart and hope to die," biro niya pa habang ginagawa ang pagguguhit ng krus sa puso at pagtaas ng kanang kamay niya tanda ng kanyang pangako.

Nagkamay sila bilang pagsasarado at tanda ng kanilang kasunduan, matapos noon ay binalingan niya ang dalawa pang barkada.

"Raymond, Jordan, witnesses kayo sa deal namin!" saad niya sa mga ito.

"No prob man!" pagsang ayon ni Raymond.

"Nakarecord na dito!" sunod naman ni Jordan dito.

Pinilit niyang itago ang galak na nadarama pero ang totoo ay gusto niya ng magtatalon sa tuwa. Sigurado niya na ang pagkapanalo niya sa pagkakataong iyon, lalo na at kakilala ng pinsan niya ang modelong iyon. Kaya ang tangi niya na lang problema ay kung paano makukuha ang matamis na oo ng kakambal nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status