Share

Chapter 10 Rescue

Mabilis niyang pinakaripas ang kanyang sasakyan pabalik sa bar upang muling hanapin si Lucy, hindi siya mapakali sa kung bakit nandoon ang dalaga.

Mas nababahala pa siya dahil hindi niya ito nagawan masilip sa cubicle kanina, kaya naman naroon ang kung anong pagkataranta at pag-aalala sa kanya kung ano ang suot nito ngayon, lalo pa at dagsa ang kalalakihan doon ngayon.

Todo ayos pa siya bago bumaba sa kanyang sasakyan, gusto niyang siguraduhin na mapapansin siya nito sa oras na magkita sila, gusto niyang ipakita sa dalaga na hindi siya apektado sa ginawa nitong pagtanggi sa kanya.

Tulad kanina ay kompyansang-kompyansa siyang pumasok sa loob ng bar, nakita niyang nandoon pa rin ang mga barkada niya.

May kasayaw na si Jordanhabang si Raymond naman ay may kausap sa lamesa nila, hinayaan niya na muna ang mga ito at pinalibot ang kanyang paningin para hanapin si Lucy, subalit hindi niya ito magawang makita.

Nagtungo na lang siya sa counter bar para umorder ng inumin, naisip niya marahil ay umalis na si Lucy sa lugar na iyon, kaya naman kahit papaano ay nakadama siya ng galak.

"Miss, Jack Daniel’s on the rocks," order niya.

Dahil wala siyang kasiguraduhan na talagang wala na doon ang dalaga ay nanaili ang kanyang mga mata sa pagpapaikot sa paligid upang siguraduhin ito.

Ilang sandali lamang ay naibigay na ang kanyang order, matapos masiguradong wala ang hinahanap niya sa mga nagsasayawan ay tsaka lang siya napanatag.

Agaran siyang umayos ng upo sa may bar para mainom ang alak, hinayaan niya na din na lumutang ang kanyang isipan sa tugtog ng musika habang pinagmamasdan ang yelo sa kanyang inumin.

"Dalawang Bloody Mary for table nine please," dinig niyang sambit ng isa sa mga waitress na lumapit doon.

Noon niya lang napuna kung paano matuon ang tingin ng ilan sa mga nakaupong kasama sa bartender na gumagawa ng mga inumin. Nalaman niya lang ang dahilan noon nang makita kung paano nito ihagis at saluhin ang ilang mga bote ng alak para ihanda ang naturang order.

Napangisi na lamang si Andrew nang mapatingin sa kaakit-akit na likuran ng babaeng bartender na nagpapagiling-giling sa pagsabay sa musika doon.

Inisang lagok niya ang alak na hawak para maubos na at makauwi, pero para itong tinik na bumara sa kanyang lalamunan nang humarap ang babaeng bartender para isalin sa mga baso ang ginawang inumin. Parang natuon dito lahat ng liwanag sa lugar dahil parang kumislap pa ang kapaligiran nito.

Pilit niyang pinigilan ang pagbuo upang hindi mapansin at maging katawa-tawa roon.

"Order up! table nine," tawag ni Lucy matapos patunugin ang bell para makuha ang atensyon ng isang waitress.

"Lucy!" gulat niyang sambit nang mapalapit ito sa kanyang kinaroroonan.

Halos naluluha pa siya at hindi makahinga ng maayos dahil pagsadsad ng naturang inumin sa kanyang lalamunan.

"Yes sir!" ngiting saad ng dalaga.

Halatang hindi siya nito nakilala dahil abala itong nagpupunas ng counter table. Napataas tuloy ito ng isang kilay nang magtama ang kanilang mga mata.

Dama ni Andrew ang biglaan pagkabalisa at pagbilis ng tibok ng kanyang puso habang nakatitig sila sa isat-isa, hindi niya na alam kung anong hitsura niya ngayon, pero sigurado niyang tinakasan nanaman siya ng kompyansa dahil sa tila panghihina at panlilii mula sa tingin ng dalaga.

"Lu...Lu...cy! Nandito ka pala!" hindi niya maintindihan kung bakit nababaluktot ang kanyang dila ng mga sandaling iyon, pero pinilit niya pa din mag asal natural.

Nakita niya kung paano siya nito ngisian, may kung ano sa mga labi nito na siyang bigla nanaman gumising sa init ng kanyang katawan na kanina lang ay napawi na.

"Hey Andrew, looking for a round two?" halata ang mapaglarong panunuya sa boses ng dalaga.

"What do you mean?" Hindi niya nakuha kung ano ang ibig nitong sabihin kaya naman napakunot na lang siya ng noo.

Halata naman na muntik na itong mapahalakhak sa nadinig, pero pilit lamang nitong pinigilan ang sarili dahil sa mga taong nakapaligid doon.

May kung anong takot na ang bumabalot sa kanya ng mga oras na iyon, iyong tipong nadadama mo lamang kapag alam mong wala kang maisasagot sa test o kaya naman ay alam mong pagagalitan ka ng mga magulang mo.

Yumuko si Lucy upang mas mapalapit kay Andrew, mas lalong namilog tuloy ang dibdib nito dahil sa pagkakaipit mula sa masikip na kasuotan at posisyon sa mesa.

Hindi niya namalayan na mabilis na pala ang kanyang paghinga at pagtataas baba ng balikat. Dama niya ang kung anong pagwawala ng kanyang isip dahil sa pagkakalapit nila, ilang dipa na lang ang layo ng kanilang mga mukha at magkakadikit na ito.

Agaran rin ang paggising ng kanyang dugo dahil sa halimuyak ng dalaga, kaya todo-todong pagpipigil na ang ginagawa niya sa sarili.

Naglalaro na sa kanyang isipan kung paano niya lalasapin ang mapupula nitong labi at papaulanan ng halik ang bawat parte ng katawan nito, kaya’t halos mabaliw na siya ng mga oras na iyon.

"Next time, please have the decency to get a room! Hind iyong sa cr mo ginagawa." Mapang-asar na ngumisi si Lucy habang mas iniaangat ang isang kilay.

Agaran nanlamig ang pakiramdam ni Andrew dahil sa sinabi nito, na wari ba ay nilalagnat siya. Mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob nang pakatitigan siya nito nang matalim at puno ng panunuya.

"I...I don't know what you're talking about!" lakas loob pa din niyang pagtatanggol sa sarili.

"One margarita for table five please!" biglang saad ng isa sa mga waitress.

Hindi na sumagot si Lucy bagkos ay tumalikod na lamang ng nakangisi at halata ang pangungutya sa mukha. Agad nitong ginawa ang naturang order ng waitress ng hindi na bumabaling sa kanya.

Doon lang siya nakahinga ng maluwag, para bang nanumbalik ang kanyang lakas nang ilayo na nito ang tingin at atensyon sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang baso nang makitang mayroon pa iyon laman upang lagukin, napalunok na lang siya ng malalim nang parang hindi umubra ang kapangyarihan ng natitirang alak ng mga oras na iyon. Gusto niya pa sana umorder ng isa pa para pampalakas loob, subalit tila tumakas ang natitira niyang tapang nang makitang si Lucy lang ang naroon, kaya hinintay niya na lang iyong isa pa nitong kasamang bartender upang doon umorder.

Ilang oras din na naging abala si Lucy dahil sa dami ng tao, kaya naman hindi niya magawang makausap ito.

Gusto niyang bumawi sa pagkatanga ng sandaling sabihin nito ang tungkol sa nangyari kani-kanina lang, pakiramdam niya kailangan niyang madepensahan at mabawi ang sarili dito.

Nakailang baso na siya ng alak sa paghihintaya, kaya naman nadadama niya na ang epekto nito. Pero naroon na ang galak niya nang makitang kakaunti na lang ang mga tao sa loob ng bar.

Wala na din doon ang mga barkada niya dahil ganoon naman ang napagkasunduan nila, sigurado niya na may mga ikinakama na ang mga ito ng mga oras na iyon. Kung tutuusin wala na din siya dapat doon dahil sa ilang mga babaeng nagpapapansin sa kanya kanina, pero mas pinili niyang mag mukmok sa lugar upang bantayan si Lucy, hindi kasi maganda ang kanyang pakiramdam sa ilang mga lalaking kanina pa nagmamasid dito.

Nagdesisyun lang siyang lumabas nang makitang wala ng tao sa loob ng bar at nagliligpit na ang mga naroon, napagtanto niya din na kinakausap na lang ng manager sina Lucy kaya sa labas na lang siya naghintay.

Nanatili siya sa loob ng kanyang kotse, hindi siya nag-aalala dahil kabisado niya ang naturang bar at alam niyang isa lang ang daan palabas dito.

Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para makapag pahinga at pahupain ang epekto ng alak sa kanyang katawan, ilang oras din siyang naghintay doon kaya naman kahit papaano ay nahimasmasan na siya sa pagkalasing ngunit medyo inaantok na nga lang siya dahil sa pagod.

Nabuhayan lang siya ng diwa nang makitang nagsisimula ng maglabasan ang ilang mga nagtratrabaho doon. Kakaibang pagkasabik ang kanyang nadama nang maaaninag si Lucy na papalabas na din, nagpapaalam na ito sa mga kasamahan at patungo na sa kinaroroonan niya.

Mabilisan tiningnan ni Andrew ang sarili sa salamin ng kotse at huminga muna ng malalim bago lumabas, inihanda niya na ang pinakamtamis na ngiti para isalubong sa dalaga.

Nawala ang lahat ng iyon nang biglaan may lumapit kay Lucy na tatlong kalalakihan at hinarang ito sa paglalakad, mabilisan nag init ang kanyang ulo lalo pa nang makita niya kung paano kulitin ng mga ito ang dalaga.

"Dali na miss, trip ka kasi ng kaibigan namin."

Rinig niyang saad ng isa sa mga ito nang medyo makalapit na siya sa grupo, pansin niya na may tama na ang mga ito dahil sa paggewang at pamumula ng mga mukha.

"Sorry, I'm not really interested," walang mababakas ng takot sa boses ng dalaga bagkos ay mahinahon pa ito na nakayakap sa sarili.

"Please miss, pabirthday mo na sa kaibigan namin!" saad ng isa sabay biglang harang nang subukan ni Lucy na lagpasan ang mga ito.

Pero tila hindi naapektuhan ang alaga sa ginawa ng mga ito. "I’m sorry, I think you really need to find someone else. I really need to go now," nanatiling mahinahon ang boses nito habang kinakausap ang mga lalake.

Ngunit batid niya ang panaka-nakang tingin ni Lucy sa security guard na nakabantay sa malapit.

"Don't worry miss, kaya naman namin magbayad, name your price!" ngising saad ng isa pa sa mga lalake na pinagtaas baba pa ang kilay.

Tiim bagang na naikuyom ni Andrew ang kanyang palad sa inis, naroon na rin ang paglalim ng kanyang hinga habang bumibigat ang bawat apak sa paglapit. Nawala lang ang lahat ng iyon nang marinig niya ang malakas halakhak ni Lucy.

"Seriously. the answer is no." tuwid nitong sambit.

Napansin ni Andreew na medyo nagseryoso na ang mukha ng dalaga kahit pa nakangiti, batid niya din ang pagtalim ng mga mata nito at pagsasalubong ng kilay.

"Wag ka na umarte, kilala na namin mga katulad mo, magkano ba?" inis na maktol ng isa sa mga lalake.

Napatawa naman ang dalawang kasama nito, kaya doon nanumbalik ang galit at inis niya sa mga ito.

"Hindi ba kayo makaintindi ng hindi!" tiim bagang niyang saad nang makalapit na.

Sa puntong iyon ay handa niya ng sunggaban ang mga ito sa sobrang galit, subalit hindi niya magawa dahil na rin nandoon si Lucy.

"Tang ina, sino ka ba?" gigil na saad ng isa sa mga lalake nang harapin siya, binugahan pa siya ng usok ng hinihithit nitong sigarilyo.

Mas naaninag niya na ng maayos ang mga nakapalibot kay Lucy, dalawa dito ay mukhang presentable dahil sa naka white na long sleeves and tie habang ang nasa gitna at pinakamaliit na kasama ay naka jacket na cardigan.

"Andrew!" gulat na saad ni Lucy.

Nakadama siya ng kaunting paghinahon nang biglang madama ang kamay ng dalaga sa kanyang braso.

"Huwag mo na pansinin, halika na!" paghahatak nito sa kanya.

"Kaya naman pala ayaw eh, may nauna na sa atin.” napapalatak na tawa ng isang sa mga nakalongsleeves sa mga kasama nito.

Dodoblehin namin bayad niya sa iyo miss!" singit naman noon pinakamaliit.

Nanlisik ang mga mata ni Andrew nang biglang hinawakan nito sa palapulsuhan si Lucy, pero nagulat siya nang mabilis lang iyon na natanggal ng dalaga.

"What the fuck did you say!" hinarang niya na ang sarili at pumagitna na sa mga ito.

Hindi niya na nagugustuhan ang ginagawang pambabastos ng mga naturang lalake kay Lucy.

"Tang ina, kilala kita. Nakita kong nagbubulungan kayo kanina kay huwag kang magmalinis!” Duro ng isa pang nakalongsleeves sa kanya bago bumaling muli kay Lucy.“Magkano ba napag usapan ninyo at mas tataasan ko," maangas nitong tudyo.

Naroon na ang pakikipagtitigan ng tatlo ng matalim sa kanya, pero hindi siya natinag ng mga ito dahil hindi naman hamak na mas matangkad at malaki ang pangangatawan niya kumapara sa tatlo.

"Para walang away, sumama ka na lang rin sa amin, kami na magbabayad sa kanya," singit muli nang pinakamaliit.

Lalo lang nag-init ang ulo ni Andrew sa sinabi nito, parang literal na nagdilim ang kanyang paningin dahil doon lalo pa nang makita ang manyakis na tingin ng mga ito sa dalaga.

"Fuck you!" sigaw niya ng dumampi ang kamao niya sa mukha ng huling nagsalita.

"Andrew umilay ka!"

Narinig niya kaagad ang sinabi ni Lucy kaya naiwasan niya ang pagtama ng suntok ng kasamahan nito, pero dahil na din sa hindi pa lubusang nawawala ang tama niya ay nahirapan siyang ilagan ang kasunod na kasama nito.

Ininda niya na lang ang sakit at nakipagsabayan na lang ng suntok dito, wala siyang nagawa nang bigla na lang siyang dambahin ng isa pang lalake. Nawalan siya ng balanse at napasubsob na lang sa lupa. Subalit hindi siya tumigil sa paglaban, pilit siyang gumaganti ng suntok sa mga ito, nagawa niya pa ngang maitulak paalis sa kanya ang dumambang lalake kaya siya naman ang sumunggab at nagpaulan ng sapak, natigil lang siya nang may biglang humampas sa kanyang likod ng isang matigas na bagay na naging dahilan ng bahagyang pagkawala ng kanyang malay, napahawak na lang siya sa tinamaang bahagi nang mapasubsob na sa lupa.

"Andrew!"

Dinig niya ang sigaw ni Lucy, nakadama siya ng pag aalala kaya pinilit niyang bumangon ulit, subalit malakas ang pagkakapalo sa kanya na siyang bahagyang nagpaikot sa kanyang paningin. Halos hindi niya na makita ang mga nangyayari dahil nanlabo pa ang kanyang paningin.

"Damn it!" inis niyang sambit sa sarili ng nahirapan siyang tumayo.

Kung ano-anong masasamang pangitain ang pumapasok sa kanyang isipan ng mga oras na iyon dahil sa pag-aalala at mga naririnig na sigaw sa paligid, kaya kahit na kumikirot ang likod niya ay pinilit niyang bumangon.

Nakadama lang siya ng ginhawa nang maramdaman ang haplos ng mainit at malambot na mga kamay ni Lucy sa kanyang mukha.

"Shit Andrew, ayos ka lang?"

Parang boses ng anghel ang tinig ng dalaga sa kanyang tenga nang mga sandaling iyon, dahil na din sa bakas niya ang pag aalala sa boses nito.

Mas nakahinga pa siya ng maluwag nang makitang nakaluhod ito sa kanyang tabi at balisang-balisa ang mukha habang maingat siyang tinatapik.

"Napuruhan ba nila ako?" d***g niya sa dalaga habang hinahaplos nito ang ulunan niya at sinusuri kung may sugat.

"What! Why, what do you mean?" mas lalong naging balisa si Lucy sa sinabi niya, kita ang matinding pag-aalala sa mga namamasa ng mata nito.

"Cause I think I'm in heaven already," nanghihina niyang saad sa dalaga.

Mukhang hindi naman nito ikinatuwa ang sinabi niya dahil mabilisang kumunot ang noo nito sabay taas ng isang kilay.

"Asshole!" inis na sambit ni Lucy.

Isang malutong na batok ang inabot niya dito, napahawak na lang tuloy siya doon, hindi niya sigurado pero parang naaninag niya ang pagpigil ng ngiti nito sa mukha, kaya may kung anong sumiklab na kasiyahan sa kanya dahil doon.

Ilang saglit pa at nakabawi na siya ng lakas, inalalayan siya ni Lucy na tumayo, doon niya lang napansin na binabantayan ng ilang mga security iyong tatlong lalaking kalaban niya kanina. Nakadapa na ang mga ito sa aspalto at wala ng mga malay kaya naman naroon ang pagtataka sa kanya kung anong nangyari ng mga sandaling bagsak siya.

"Kuya Fredo, kayo na pong bahala sa mga iyan!" pagpapaalam ni Lucy habang inaakay siya.

Tumango naman ang naturang securit guard sa dalaga sabay ngiting-ngiti pang sumaludo dito.

"Where are we going?" taka niyang sambit sa dalaga, hindi niya malaman kung anong tumatakbo sa isip nito ng mga sandaling iyon.

"Ihahatid kita sa hospital para matingnan. Malakas iyong pakakapalo sa likod mo!"

Walang siyang kahit anong pag salungat sa sinabi ng dalaga, hinayaan niya lang ito na akayin siya dahil nilalasap niya pa ang pagkakadikit nila sa isa’t isa.

May kakaibang tuwa siyang nadadama habang nakaakbay dito, para bang nawala na lang bigla ang sakit na kanina lang ay nagpapahina sa kanya dahil sa pagkakalapit dito. Pilit niyang itinatago ang ngiti sa mukha para hindi na lang siya mahalata ng dilag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status