تسجيل الدخول"I’m leaving, Sebastian. I’m leaving everything." Sabi nila, Celestine is the luckiest girl alive. She was a nobody. Isang orphan na pumasok sa mundo ng mga elite. Gabi-gabi, magkatabi nga sila, pero ang puso ng asawa niya ay milyun-milyong kilometro ang layo. Nakikita niya ang pagmamahal sa mga mata nito, pero alam niyang hindi para sa kanya 'yun, kundi para sa babaeng binubulong nito sa kanyang pagtulog. Even after giving birth to their twins, she felt like a guest in her own home. Kaya nung naghain siya ng divorce, she didn't ask for a single centavo. He has the crown, the title, and the billions. Pero huli na nung na-realize ni Sebastian: He lost the only woman who loved the man, not the wealth.
عرض المزيدAlas-dos ng madaling araw. Sa gitna ng katahimikan, naging alarm clock ni Celestine ang iyak ng baby niya.
Puyat, pagod, at wala sa sarili, kinuha niya ang anak mula sa bisig ni Yaya Belen. Sanay na siyang kumilos kahit nakapikit habang tinatanggal ang top para mag-breastfeed. Akala niya, matatapos ang gabi nang payapa, pero biglang bumukas ang pinto.
Inakala niyang si Yaya Belen lang na dala ang isa pang kambal, but she was wrong. Isang pamilyar na bulto ang tumambad sa kanya.
Ang asawa niyang si Sebastian Riego.
Two hours ago was their 2nd wedding anniversary. Pero looking at his cold, indifferent face, he clearly didn't give a damn. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin; ang amoy lang ng mamahaling whiskey ang bumalot sa kwarto.
"Where’s my son?" maikli at malamig na tanong ni Sebastian.
"Nasa kabilang kwarto, pinapatulog ni Yaya Belen," sagot ni Celestine nang hindi tumitingala.
Habang naghuhubad ng tie si Sebastian, hindi niya maiwasang mapatingin sa asawa. Sa ilalim ng malamlam na ilaw, Celestine looked… ethereal. Kahit pagod, her skin looked like porcelain habang nagpapa-breastfeed.
Sebastian felt a sudden surge of something—irritation? Lust? He cursed himself internally. Ano ba, ang pervert mo, he thought before slamming the bathroom door.
Galit na naman? Seriously, ano na namang problema nito? Celestine sighed.
Biglang nag-vibrate ang phone niya. A text from Kristine.
"Lasing si Sebastian. Pagtimpla mo siya ng tea para hindi masakit ang ulo niya bukas. Just helping out."
Celestine’s blood ran cold. The audacity of this woman. Meaning, magkasama sila kanina habang anniversary nila. Parang sinasabi ni Kristine na, "Hey, I know your husband better than you do. You're just the maid."
Celestine didn't let it slide. Huminga siya nang malalim at nag-reply:
"Baka gusto mong ako na ang mag-adjust? Sabihin mo lang kung gusto mo nang maging 'Mrs. Riego', ibibigay ko na sa’yo 'yung korona."
Walang reply. Celestine felt a bitter victory. Kahit nanalo siya sa usapan, ang bigat pa rin sa dibdib. Imagine, wedding anniversary niyo pero ang asawa mo nakikipag-inuman sa ibang babae hanggang madaling araw.
Nang lumabas si Sebastian sa banyo, dala-dala niya ang lamig ng shower. Humiga siya sa tabi ni Celestine.
The bed shifted, and so did Celestine's heart.
Two years na silang kasal pero they were strangers sharing a bed. Utang na loob lang ang rason kung bakit sila nauwi sa isa't isa—dahil sa pagkakaibigan ng mga lolo nila noon sa giyera. It was a forced marriage, a setup. Celestine knew she was just a responsibility for him.
Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, aksidenteng nasagi ni Celestine ang binti ni Sebastian habang inaayos niya ang basang damit dahil sa gatas.
"Shit—" Sebastian groaned, sounding annoyed.
"Sorry, hindi ko sinasadya..." Celestine apologized quickly.
"Ang laki ng kama, Celestine. Kailangan ba talagang dikit ka sa akin?" pabalang na sabi ni Sebastian.
That was the last straw. Celestine’s exhaustion and heartbreak peaked. "Iniiwasan ko lang madaganan 'yung anak mo. Kung diring-diri ka sa akin, bakit hindi ka lumipat sa ibang kwarto? Maraming kwarto rito sa mansyon mo."
Sebastian sat up, his shadow looming over her. "Ano’ng karapatan mong palayasin ako? Do you think just because you gave me twins, stable na ang posisyon mo rito?"
Celestine looked at him—really looked at him and realized she was done chasing a ghost.
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin."
"Then what?" Sebastian challenged.
Celestine took a deep breath, her voice steady but full of pain.
"I’m leaving, Sebastian. I’m leaving everything. Let’s get a divorce.”
Kumuha muli si Sebastian ng isa pang hipon, binalatan ito nang mabilis, at inilagay sa maliit na plato sa harap ng asawa.Naging mailap ang tingin ni Celestine. Nakita niya ang pagbalat ni Sebastian para kay Kristine kanina, at sa totoo lang, nagulat siya. Alam ng lahat ang "history" nila, pero ibang usapan na ang magpakitang-gilas sa ibang babae sa harap mismo ng asawa nito.Siguro na-realize ni Sebastian na kailangan niyang isalba ang sarili niya, kaya bigla siyang bumawi. Pero malas lang... hindi iyon makakain ni Celestine."Thank you..." pilit ang ngiti ni Celestine. Kinuha niya ang binalatang hipon at ibinalik sa bowl ni Sebastian. "Hindi ko 'yan pwedeng kainin. May allergy si Isabelle. Kapag kumain ako niyan, lalabasan siya ng rashes."Napatigil si Sebastian. Biglang naging awkward ang paligid. Bilang ama, mahigit tatlong buwan na siyang novice dad, pero hindi man lang niya alam na may allergy ang anak niya. Doon mo makikita kung gaano siya kalayo sa mag-ina niya.Napansin ni Ad
"Naisip ko na ang lahat ng pwedeng gawin," sabi ni Sebastian, hindi tumitigil sa paglalakad pero nilingon si Celestine. "Ayaw ni Lolo na malaman natin 'to, kaya umarte ka na lang na wala kang alam. Huwag mong ipapakita 'yang malungkot na mukha mo kapag bumalik ka rito bukas."Tumango lang si Celestine. Sa totoo lang, hindi niya alam kung kaya niyang magpanggap nang ganoon kagaling."Dalas-dalasan mo ang pagbisita sa kanya habang may oras pa. Isama mo rin ang kambal para makapaglaro sila," payo pa ni Sebastian."Sige, dadalhin ko sina Zara at Isabelle bukas," pangako ni Celestine.Pagdating sa sasakyan, binuksan na ng driver at bodyguard na si Yi Hang ang pinto. "Good afternoon, Sir Sebastian. Ma’am Celestine."Huminto si Sebastian at tiningnan ang asawang kanina pa nakasunod sa kanya. "Sabay na tayong kumain?"Nagulat si Celestine. Ngayon lang yata ito nagyaya nang kusa. Pero nakikita niya ang lungkot sa mga mata ni Sebastian dahil kay Lolo Edmond, at dahil naranasan na niyang mawalan
Tahimik silang dalawa habang naglalakad, pero ang totoo, pareho silang binabagyo sa loob.Kanina pa pala nandoon si Sebastian. Noong una, curious lang siya kung bakit nakatayo si Celestine sa kanto, hanggang sa marinig niya ang boses nina Tita Mildred at Tita Gina. Nagulat siya nang biglang sumugod si Celestine na parang palaso—isang laban sa dalawa, palaban at diretsahan.Sanay si Sebastian na sa tuwing magkaharap sila, laging matipid o mataray ang asawa niya. Halos hindi na nga sila nagkikita nitong mga nakaraang araw dahil maaga siyang pumasok at late na umuwi. Pero hindi niya inasahan na kahit malamig ang trato nila sa isa't isa, handa pala itong sugurin ang kahit sino para ipagtanggol siya.Akala ko porcelain doll lang siya. Hindi ko alam na may ganito pala siyang tapang sa buto, isip ni Sebastian habang tinititigan ang asawa.Nang malapit na sila sa ward, hindi na nakatiis si Sebastian at bumasag sa katahimikan. "Alam mo ba na kung hindi ako dumating agad, baka nasampal ka na ng
Nagulat sina Tita Mildred at Tita Gina. Saglit silang napahiya pero agad ding nagsuot ng pekeng ngiti nang lumingon sila kay Celestine."Celestine, nandito ka pala... Nagdala ka ba ng pagkain para kay Lolo?" bati ni Tita Gina, sinusubukang ibahin ang usapan.Pero hindi siya pinansin ni Celestine. "Sebastian is doing everything for Lolo out of love. Hindi po para magpapogi o para mang-agaw ng mana."Huminga nang malalim si Tita Mildred, ibinalik ang pagiging matriarch at ngumiti nang pilit. "Hija, don't get us wrong. Nag-uusap lang kami ng Tita Gina mo about family matters.""Family matters? Ang paninirang-puri sa sariling kamag-anak sa likod niya is not family matters, Tita. Elders kayo, may weight ang mga salita niyo. Kapag narinig 'yan ng mga mas bata sa atin, baka maniwala sila at magkaroon din ng masamang loob kay Sebastian."Dahil sa diretsahang hirit ni Celestine, uminit ang ulo ni Tita Mildred. "Celestine, alam mong mas matanda kami sa'yo. Matuto kang rumespeto.""I will respec












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.