Share

Chapter 1

Author: Jade Go
last update Huling Na-update: 2024-02-28 04:20:01

Pagdilat ko’y sinalubong ako ng matinding pagsakit ng ulo. Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang alalahanin ang nangyari sa ‘kin.

Malamang ay galing na naman ako sa isang failed job interview. At pagkatapos ay naisipan kong maghanap ng part time job. Pero dahil sa gutom, pagod, at kawalan ng sapat na tulog—

Napadilat ako agad at dito nasilaw sa liwanag. Malakas ang kabog ng dibdib, sinubukan ko ulit tingnan kung nasaan ako. May puting kisame? Mukhang hindi pa naman ito langit kung ganuon. Pagsinghot ko’y nakaamoy ako ng panlinis o kakaibang kemikal. Nakarinig din ako ng tunog galing sa tabi ko kung saan may monitor na sa ospital ko lang madalas makita.

I’m in a hospital room, I guess?

Ilang segundo akong nakahinga nang maluwag bago nagtaka. Ano naman kasing ginagawa ko sa isang ospital? Bago ito masagot, napunta ang atensyon ko sa batang lalaking halos tumalon sa ibabaw ko.

“Mommy!” masayang sigaw niya habang nakatitig sa ‘kin.

Natigilan naman ako. Pinagmasdan ko nang mabuti ‘yung bata na siguro’y nasa three years old pa lang. May pagkakulot ang itim niyang buhok, matangos ang ilong at medyo singkit ang mga mata. Pagngiti niya’y may lubog sa magkabila niyang pisngi, sa ilalim lang ng mga mata, na parang cat whiskers.

Ang cute naman ng batang ‘to. Nasaan kaya ang nanay nito at hinayaan lang itong palaboy-laboy sa ospital?

Sinubukan kong bumangon para sana ihatid siya pero ‘yung lakas na dati’y mayroon ako ay parang biglang naglaho. Hindi naman ako madalas magkasakit kaya hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang panghihina ko ngayon. Parang hindi ko na kontrolado ang sariling katawan.

“Bata, anong pangalan mo?” tanong ko na lang tuloy. Inalalayan ko pa dahil baka mahulog sa upuang tinutuntungan. “May kasama ka? Baka hinahanap ka na ng mommy mo,” sabi ko pa sabay libot ng mga mata sa kwarto kung nasaan ako. Wala palang ibang tao rito bukod sa ‘min. Pero bakit parang may narinig akong mga boses kanina?

“Mommy!” tawag pa ulit sa ‘kin nung bata sabay yakap. Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Kailangan kong humanap ng ibang tutulong sa kanya.

Sa tabi ng kama kung saan ako nakahiga, may maliit na cabinet. Sinubukan ko itong abutin at buksan dahil baka nandito ang mga gamit ko. Gusto ko sanang makuha ang cellphone ko pero nahinto ako sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto.

Pumasok ang lalaking may hawig kay Henry Golding, sikat na aktor na sobrang crush ko ngayon dahil sa movie nito last year. Tuloy ay hindi ko napigilan ang pagtitig sa kanya.

This man has a commanding presence, probably because of his height, which I estimate to be over six feet. He’s not overly muscular but he has toned build. Kaya bagay at tama lang sa kanya ang fit ng suot niyang white polo at gray pants. Pwede rin siyang modelo ng brand nito.

Naglakad palapit sa kama ‘yung lalaki. Sino ba namang hindi mapapatitig sa artistahin niyang mukha?

I like how defined his jawline is as well as his deep and expressive brown eyes. Kahit mukha siyang masungit at pagod, there’s something about the way he looks at you that is worth melting for.

Bukod pa rito, may kakapalan din ang kanyang kilay na bagay lang sa tamang tangos ng kanyang ilong. Parang hinulma ang kanyang cheekbones na tingin ko’y mas magandang tingnan kapag nakangiti siya. Higit sa lahat, he has a neatly trimmed beard that complements his short dark hair with slight waves kaya kahit sa malayo ang linis at bango niyang tingnan.

"Your stare tells me you're still not back to your usual self," malamig na komento nung lalaki na nagpabalik sa ‘kin sa wisyo. Nag-iwas ako ng tingin; binukas-sara nang mabilis ang mga mata ko, kunwari’y napuwing. Nakaramdam ako ng hiya dahil napansin niya ang pagtitig ko.

“Ah sorry. Naalala ko lang ‘yung crush ko – este, ‘yung doktor! Baka kailangan akong tingnan. Kung anu-ano kasing naiisip ko,” dahilan ko bago tumawa nang mahina para itago ang pagkailang.

Nagsalubong naman ang kilay nung lalaki na para bang may mali akong nasabi. Dito humiwalay ‘yung batang nakayakap sa ‘kin at nagmadaling lumapit sa kanya.

“Daddy!” tawag nung bata at dito bumilog ang bibig ko. Mukhang sinusundo lang pala siya ng lalaking ito. Sayang at pamilyadong tao na pala...

Napailing ako dahil sa pagkadismaya. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi dapat kung anu-ano ang iniisip ko. Kailangan kong mas magsumikap makahanap ng trabaho. Lalo na’t marami akong kasabayang fresh graduates at matindi ang labanan sa corporate world.

Bumukas ulit ang pinto ng kwarto at akala ko doktor na ito nang may pumasok na magandang babae. Nagkatinginan pa kami sandali bago niya ibinaling ang tingin sa lalaki at anak nito. Mukhang ito naman pala ang mommy na tinutukoy nung bata. Nakumpirma ko ito nang pasamahin siya rito ng tatay niya.

Nang akala ko iiwan na nila akong mag-isa, nagulat ako nang manatili pa ‘yung lalaki sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng tensyon nang kaming dalawa na lang ang magkasama.

Paano ko ba siya mapapaalis ng hindi bastos? Nag-isip ako ng paraan pero naglaho nang lapitan pa ‘ko lalo nung lalaki. May kung anong nagkagulo siya tyan ko nang buksan niya ang ilang butones ng suot na polo. Paghinto sa tabi ng kama, nanigas ako nang hawakan niya ang kamay ko bago nagsalita, "I've been thinking about what you said. I'm sorry, but I can't do what you're asking for."

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang sinabi ko.

“Uhm… I’m sorry. Magkakilala ba tayo?” naglakas-loob akong magtanong. Dahan-dahan ko ring binawi ang kamay ko mula sa kanya.

Imbes na magpakilala ay napabuntong-hininga siya. Humawak siya sa gilid ng kama at bahagyang ibinaba ang sarili. Wala akong choice kung hindi tingnan siya nang malapitan. I could smell a mix of clean laundry and a hint of earthy perfume from him.

“I’m not playing this game with you, Ali,” may diin niyang saad; malalim ang tingin sa ‘kin. Akala yata niya ay nakikipagbiruan ako.

“Sorry pero hindi talaga kita kilala. Sino ka ba?” Kahit anong isip ko, bukod sa kamukha niyang artista, ay wala na akong ideya kung sino siya. Schoolmates ba kami? Recruiter ba siya? O baka naman may utang ako sa kanya!

Umigting ang panga nung lalaki bago kinain ang natitirang distansya sa pagitan ng mukha namin. Mabuti at agad kong naiiwas ang mukha ‘ko! Tinulak ko siya papalayo pero isiniksik pa niya ang mukha sa leeg ko at dito’y ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga.

Tuloy ay natigilan ako. Ano bang relasyon naming dalawa?

Lumayo lang siya sa ‘kin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sunud-sunod na pumasok ang doktor at ilang nurses sa kwarto para tingnan ako.

Sinusubukan ko pang iproseso ang lahat nang mahagip ng mga mata ko ang kalendaryo sa pader. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Paano nangyaring 2024 ang taon sa kalendaryo gayong 2019 ang huling tanda ko?!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angela Marin
hello Miss Jade ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 49

    Wala akong choice kundi panuorin ang pag-alis ni Mrs. Coldwell. Nalaglag ang panga ko nang bukod sa paglabas niya ng mansyon, ilang sandali lang ay narinig ko ang tunog ng car engine. Aba’t mukhang seryoso nga siya! Pero saan naman ang punta niya kung dito siya nakatira?Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Coldwell sa likuran ko. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan. Mas lalo ‘kong naramdaman ang presensya niya ngayong naiwan akong mag-isa. Parang babaliktad ang sikmura ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim.Inhale… exhale. You’re just here for your report, Ali. Pilit kong kinalma ang sarili bago muling hinarap si Mr. Coldwell. Paupo siya sa mahaba at kulay beige na sofa sa sala. Nakabaling pa rin ang tingin niya sa bintana pero tipid akong ngumiti nang maglakad palapit sa kanya. Inabot ko ang folder na may lamang printed copy ng report ko para ipaalala ang ipinunta ko.Pero parang sandaling tumigil ang oras. Paano’y nakatitig pa rin ang boss ko sa kawalan habang naghihintay akong k

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 48

    Pagsakay ko sa kotse ni Mrs. Coldwell, nag-apologize kaagad ako sa kanya dahil sa abala. Pero naging professional pa rin siya, malayong-malayo ang attitude ngayon kumpara noong engkwentro namin sa elevator kasama si Matteo.“So, are you excited?” basag ni Mrs. Coldwell sa katahimikan bago lumiko sa kalsada.“Po?” balik ko, binukas-sara ang mga mata, hindi sigurado kung saan dapat ma-excite.Papunta lang naman kami sa bahay nila para sa report na inutos ni Mr. Coldwell. Kung tutuusin pwede namang siya na ang magbigay nito. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit isinama pa niya ‘ko.Unti-unting nanlamig ang katawan ko. Balak ba niya kaming hulihin ng asawa niya? Napalunok ako, parang may bumara sa lalamunan.Tumawa si Mrs. Coldwell, mahina at medyo pa-demure. “The Halloween party! It’s already this weekend—the day after tomorrow. May costume ka na ba? Plus one? Don’t tell me you forgot, Ms. Del Rosario.”Bumilog ang bibig ko. Halloween party pala ang tinutukoy niya. Imposibleng

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 47

    Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 46

    Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 45

    Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 44

    “Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status