“Prank ba ‘to? Nasaan ‘yung mga camera?” magkasunod kong tanong na nagpahinto sa pag-uusap ng doktor at mga nurses. Napatingin silang lahat sa akin, bakas ang pagtataka sa mga mukha. Ngunit imbes na seryosohin ay tinawanan ko sila, “Naks! Grabe ‘yung effort. Para sa TV ba ‘to o social media?”
Nadepina ang lukot sa noo ng doktor, “Mrs—”
“Kung hindi ‘to prank. Don’t tell me na nag time travel ako at nakarating ng 2024?” pagputol ko rito. I could feel my frustrations building up. Kaya nga wala na ‘kong pake kahit nandito pa rin sa kwarto ‘yung lalaking kamukha ni Henry Golding. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakikiusyoso.
Kahit alam kong maaari nilang isiping nababaliw na ‘ko, itinuro ko ang ang kalendaryo sa pader. “Latest ba ‘yan? Kasi ang alam ko, nasa kalagitnaan pa lang ako ng 2019—” Napasinghap ako sabay takip ng bibig. “Baka nasa alternate universe ako!”
Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng paliwanag sa sitwasyon ko. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang dahan-dahang paglapit ng isang nurse. Kita ko ang hawak niyang syringe.
Tuloy ay nag-panic ako! Bago pa niya ito ma-injection sa ‘kin, basta ko na lang inalis ang karayom na nakabaon sa ibabaw ng kamay ko. Hindi ko kailangan ng dextrose solution ngayon; ang kailangan ko ay kalayaan!
Napasinghap ako sa sakit at hapdi; nakita ang pagdurugo ng kamay ko ngunit binalewala ito. Bago pa man ako malapitan ng mga nurses at doktor ay nagawa ko silang lusutan. Tumakbo ako, at malapit na sa pinto ng kwarto, nang biglang humarang sa harapan ko ‘yung lalaking kanina pa nanunuod sa ‘min.
Umatras ako para tingnan siya. May kakaibang kirot akong naramdaman sa dibdib nang magtagpo ang mga mata namin.
With furrowed brows, he took my arm and looked at the bleeding back of my hand. It was as though he was the one in pain. Hindi ako sigurado kung may alam ba siya sa mga nangyayari pero nagbakasakali ako, “Please hayaan mo na ‘kong umalis,” mangiyak-ngiyak kong pakiusap.
Ngunit lalo lang nagsalubong ang kanyang kilay. Sinubukan kong bawiin ang braso ko, ngunit humigpit ang hawak niya sa ‘kin. “You’re hurting yourself, Ali!” sigaw niya bago mabilis na pinigilan ang pagbuhos ng sariling emosyon. Paano’y namumula ang kanyang mga mata. Even the veins in his neck pulsed as though he was fighting a tough battle.
Natigilan na naman tuloy ako sa pagpupumiglas. Tila naging kahinaan ko siya sa mga sandaling ‘to. Hindi ko kasi maintindihan. Bakit ba ganito na lang niya ‘ko tingnan?
Magsasalita sana ako nang maramdaman ko ang parang kagat ng langgam sa balikat ko. Nakaramdam ako ng panghihina. Nanlabo ang paningin ko na para bang bigla akong inantok.
***
“What is the last thing that you remember, Mrs—Ms. Del Rosario?” tanong ni Dr. Ferrer nang balikan ako pagkatapos kong magkamalay. Mukhang pinakalma muna nila ‘ko para makausap nang maayos. Ngayon ay kaming dalawa na lang ang nasa kwarto.
Natahimik ako sandali habang sinusubukang balikan ang huling alaala ko, “Ang alam ko lang po… fresh graduate ako na naghahanap ng trabaho. Tapos parang paggising ko, nandito na ‘ko. Ano po ba talagang nangyari sa ‘kin, dok?”
May mga follow-up questions pa si Dr. Ferrer tungkol sa mga alaala ko. Kaya nabanggit ko sa kanyang dapat 2019 pa lang ngayon. Kasi iyon ang huling tanda ko.
“I understand your frustration, Ms. Del Rosario. You must be really confused right now,” panimula niya na lalong nagpakaba sa akin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “It sounds like you're experiencing dissociative amnesia.”
“Po? May amnesia ako?” paglilinaw ko dahil baka mali lang ako ng dinig. “A-Anong dissociative? Bakit—paano po ako nagkaroon ng ganun?” Hindi ko na malaman kung paano magsisimulang magtanong.
“Dissociative amnesia is a condition that involves significant memory loss that's often linked to psychological factors, such as trauma or extreme stress. In your case, it seems that your mind has blocked out the memories from the past five years. Kaya ang natatandaan mo lang ay taong 2019 kahit 2024 na ngayon."
Nalaglag ang panga ko – hindi ito prank at mas lalong hindi ako nag time travel. Kahit sinagot na ng doktor ang mga tanong ko ay hirap pa rin akong maniwala. Binalot ng takot ang buong pagkatao ko.
"You were brought in after fainting at home. It appears you've been under considerable stress for quite some time. Your overall condition suggests you haven't been taking care of yourself—skipping meals and lacking proper sleep,” dagdag pa ni Dr. Ferrer.
Wala naman akong masabi pabalik. Natulala ako dahil pinoproseso ko pa ang nalaman. Hindi ko alam kung malulungkot ba ‘ko, matatakot, o magiging hopeful. Hindi ko rin kasi sigurado kung paano ako babalik sa araw-araw na buhay kung burado ang limang-taong alaala ko.
Nagpaalam na si Dr. Ferrer dahil may kasunod pa siyang pasyente. Pinagpahinga muna niya ako dahil may mga tests pa raw na kailangang gawin sa ‘kin bago i-release. Binuksan na niya ang pinto nang may pahabol ako, “Mababalik pa po ba lahat ng mga alaala ko?”
“Posible naman. May therapy ang ospital na pwedeng makatulong sa ‘yo. But just be prepared for the possibility that not all of your memories would come back.”
Kinilabutan ako sa sagot ni Dr. Ferrer. Pinanuod ko ang paglabas niya at pasarado na ang pinto nang makita kong nag-aabang ‘yong lalaking nakiusyoso kanina.
Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang maiwang mag-isa. What happened over the past five years? Have I made progress in my career? Do I own a home or any property? Have I finally mastered driving safely? And most importantly... have I found someone who brings me genuine happiness?
Muling bumukas ang pinto at pumasok ‘yung lalaki kanina. Napasapo ako ng kamay sa noo.
“Look. I’m not crazy… I just don’t know you. Kakasabi lang ng doktor na may amnesia ako. Kaya kung sino ka man, magpakilala ka na lang dahil hindi talaga kita matandaan,” pag-amin ko dahil ayaw kong dumagdag pa siya sa isipin ko.
Nag-iwas siya ng tingin sandali, bago tumikhim at nagsalita, "I apologize, Ms. Del Rosario, for my earlier behavior. Allow me to properly introduce myself this time. I'm Leonardo Prescott Coldwell. You used to refer to me as Mr. Coldwell—"
“Sus. Para ka namang boss ko—”
“Yes, I am. I’m the CEO of Coldwell Corporation, where you work as my executive assistant.”
Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwalang boss ko siya at natupad ang isa sa mga pangarap ko nung 2019 – ang makapasok sa dream company ko!
May inabot naman siyang papel sa ‘kin. "Here's the resignation letter you submitted. I'll give you some time to reconsider,” malamig na saad ni Mr. Coldwell habang mapanukat ang tingin sa ‘kin.
Nagkaroon agad ng crack ang pangarap ko. “Ay joke lang ‘yan!” Mabilis kong binawi ‘yong papel, “I mean, I take it back, Mr. Coldwell. I'll report back to the office as soon as possible."
He continued to stare at me as though he was trying to understand what’s going on in my head when I myself don’t know. Kaya para bigyan siya ng assurance, pinunit ko na rin ‘yung letter sa harapan niya.
Ang tanga mo naman kasi Alina, bakit ka nag-resign?!
Wala akong choice kundi panuorin ang pag-alis ni Mrs. Coldwell. Nalaglag ang panga ko nang bukod sa paglabas niya ng mansyon, ilang sandali lang ay narinig ko ang tunog ng car engine. Aba’t mukhang seryoso nga siya! Pero saan naman ang punta niya kung dito siya nakatira?Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Coldwell sa likuran ko. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan. Mas lalo ‘kong naramdaman ang presensya niya ngayong naiwan akong mag-isa. Parang babaliktad ang sikmura ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim.Inhale… exhale. You’re just here for your report, Ali. Pilit kong kinalma ang sarili bago muling hinarap si Mr. Coldwell. Paupo siya sa mahaba at kulay beige na sofa sa sala. Nakabaling pa rin ang tingin niya sa bintana pero tipid akong ngumiti nang maglakad palapit sa kanya. Inabot ko ang folder na may lamang printed copy ng report ko para ipaalala ang ipinunta ko.Pero parang sandaling tumigil ang oras. Paano’y nakatitig pa rin ang boss ko sa kawalan habang naghihintay akong k
Pagsakay ko sa kotse ni Mrs. Coldwell, nag-apologize kaagad ako sa kanya dahil sa abala. Pero naging professional pa rin siya, malayong-malayo ang attitude ngayon kumpara noong engkwentro namin sa elevator kasama si Matteo.“So, are you excited?” basag ni Mrs. Coldwell sa katahimikan bago lumiko sa kalsada.“Po?” balik ko, binukas-sara ang mga mata, hindi sigurado kung saan dapat ma-excite.Papunta lang naman kami sa bahay nila para sa report na inutos ni Mr. Coldwell. Kung tutuusin pwede namang siya na ang magbigay nito. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit isinama pa niya ‘ko.Unti-unting nanlamig ang katawan ko. Balak ba niya kaming hulihin ng asawa niya? Napalunok ako, parang may bumara sa lalamunan.Tumawa si Mrs. Coldwell, mahina at medyo pa-demure. “The Halloween party! It’s already this weekend—the day after tomorrow. May costume ka na ba? Plus one? Don’t tell me you forgot, Ms. Del Rosario.”Bumilog ang bibig ko. Halloween party pala ang tinutukoy niya. Imposibleng
Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n