Share

Here Comes the CEO’s Wife
Here Comes the CEO’s Wife
Author: Jade Go

2019

Mr. Coldwell’s POV

"We expect you to attend this time, Prescott,” umalingawngaw sa opisina ko ang maawtoridad na boses ng aking mama.

Napilitan akong ibaba ang phone ko sa lamesa at pindutin ang speaker mode para makatapos ng trabaho. I still have a pile of documents awaiting my review and signature.

"If not, I will be forced to arrange more dates for you. How does a week sound? You can have one for breakfast, lunch, and dinner.” Natigilan ako sa pahabol ng mama. Inihilamos ko ang isang kamay sa mukha bago sumandal sa swivel chair at bumuntong-hininga. “Don't test my patience; I have a roster of potential matches waiting for you.”

Alam ni mama na ayaw ko ang ganitong setup dahil aksaya sa oras. Kaya nga itinataon nila sa company events ang pagpapakilala ng mga babaeng gustong ipareha sa ‘kin.

As the CEO of Coldwell Corporation, my bachelorhood is seen as a liability by shareholders and board members. Finding a suitable partner, settling down, and producing an heir are not just personal desires but strategic moves to maintain our family's legacy and ensure stability in the business.

Nang magsimula na naman ang mama sa mga pangaral niya, hinimas ko ang aking sentido para bawasan ang sakit ng ulo. Iniiwas ko muna ang tingin sa computer monitor at napunta ito sa glass wall.

There she was, the new hire who always stays behind. I used to be the last one in the office, but ever since she joined, it seems she has taken that spot, and I don't mind at all.

Tinapat ko sa bibig ang nakakuyom na palad habang nanunuod. Nakatayo siya sa harap ng printer. At marahil nabagot sa paghihintay, yumuko siya at sumilip sa tray. She let out a little jump when she finally got the paper in her hand. Pero nang tingnan ito ay napasibangot dahil blanko. Nagmadali siya pabalik sa kanyang lamesa na nasa kabilang dulo pa ng printer. Pagbalik sa printer ay naghintay siya ulit. Pero mukhang mali naman ang file. Tuloy ay binatukan niya ang sarili.

A small chuckle escaped my lips as I continued to watch her. "Is this amusing to you, Prescott?" tanong ng mama na nalimutan kong nasa kabilang linya pa.

"I'll wrap up my tasks and make my way to the party,” sabi ko na lang at dito tinapos ang tawag.

Pagkaligpit nang mabilis, lumabas na ako ng opisina. Dito ko napansing madilim na sa palapag namin dahil nakapatay ang karamihan sa mga ilaw.

Dahan-dahan akong naglakad habang sinusundan ng tingin ang paparating na empleyado. “Isa na lang talaga. Kundi tatambling na ‘ko.” Pagkausap niya sa sarili. I couldn’t help but let out a small smile. Sumeryoso lang ako nang mag-angat siya ng tingin sa ‘kin. “Bye po, Sir Yam—Coldwell!”

Hahakbang na ‘ko pero nahinto sa narinig. “What was that you just called me?"

Nanlaki naman ang mga mata niya; napatakip ng bibig dahil sa pagkakamali. “Ah ano po, Sir Coldwell?” pagkukunwari niya. Pipilitin ko pa sana siyang magpaliwanag pero tumunog ‘yung printer.

“Paper jam,” sabi ko at bumalik agad dito ang atensyon niya. “Finish up quickly,” sabi ko pa bago umalis.

Paglabas ng pinto, binati ako ng guard na nagbabantay sa palapag namin. "Let's make sure all the lights are on for any employees still working on this floor,” utos ko bago dumiretso sa elevator.

Habang naghihintay, naisip ko ‘yung paper jam ng printer. Kung simpleng pag-print ay hindi niya magawa, paano pa ang pag-ayos nito? Pagbukas ng elevator, imbes na sumakay ay pinili kong bumalik.

Malayo pa lang, dinig ko na ang pagkausap niya sa sarili. “Bakit ba ayaw mong makisama? Siguro kakampi ka nila ‘no? Kaninang umaga lang G na G ka ah!”

Pinagdikit ko ang labi ko. Akala ba niya madadaan sa pakiusap ang paper jam ng printer?

Tumikhim ako bago siya nilapitan. Naabutan kong nakaupo siya sa sahig, sinusubukang hilahin ang nakaipit na papel sa loob ng printer. Nang mapansin ako’y agad siyang tumayo. Sinukbit niya sa tainga ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha. Dahil may ink ang kamay, nalagyan din ang mukha niya nito. Muntik na ‘kong matawa pero itinago ko.

“That printer just got delivered today,” paalala ko at tumango lang siya. “This is for?”

“Investor agreement for MindTrace Research Group.”

Pinakita ko kung paano ang pag-ayos ng paper jam. And she did a small clap when she realized the printer was finally working. “Thank you, Sir Coldwell. Ingat po pauwi,” pagkasabi’y nagmadali siyang bumalik sa lamesa.

Imbes na umalis ay hinintay ko ang pagbalik niya sa printer. Kaya nagulat siya nang makita pa ‘ko. “I got this, Sir. Don’t worry, buo pa ‘to bukas,” biro niya.

"I can spare a few minutes,” sumandal ako sa pader at mataman siyang pinagmasdan. “Care to share what 'Yam' means?"

Mabilis na namula kanyang mukha. She's like an open book, her words painting a clear picture of her thoughts, while her expressive face adds another layer of honesty. It's refreshing, really, to encounter someone so genuine.

“Sige na nga po. Dahil tinulungan mo ‘ko, sasabihin ko ‘yung totoo. Pero ‘wag niyo pong sasabihin sa iba na ako ang nagsabi ah?” paniniguro niya. Seryoso akong tumango ng isa at nakinig. “Yam po, kasi…”

“What?” Lumapit ako dahil hindi ko narinig.

“Yummy ka raw po,” bulong niya na ikinagulat ko. “Pero mga kasama ko lang po ang nagsabi. Promise!”

"So… you never had the same thought?” balik ko na lalong nagpalaki ng mga mata niya. Napatingin siya sa paligid sa takot na may ibang nakarinig.

Magsasalita na siya nang tumunog ang phone ko. Saktong natapos ang pini-print niya kaya bumalik na siya sa kanyang lamesa.

Nailing na lang ako at aalis na sana nang balingan ko ulit ng tingin ang direksyon niya. “Ms. Del Rosario, would you like some coffee?” alok ko.

“Ay thank you po pero ‘di ako nagkakape kasi nakaka-poop.” Natigilan siya sandali bago nagsisi; isinubsob niya ang mukha sa keyboard. “Magagalit po ang boyfriend ko kasi magpa-palpitate na naman ako ng sobra,” habol niya.

A slow nod was all I could offer before I walked away. Pagpasok sa elevator, hindi ko na napigilan ang pagtawa. Tuloy ay nang mag-ring ang phone ko, nakangiti kong sinagot ang inaasahang tawag.

“I’m attending a company event tonight. Would you like to come?" pagbabakasakali ko.

Bago makarinig ng sagot ay bumukas ang elevator sa kaparehong palapag. Nakatayo sa harapan ko si Ms. Del Rosario, nakangiti habang nakatapat sa tainga ang cellphone, “Yes, I would love to. Pero pwede bang Alina na lang ang itawag mo sa ‘kin, Sir?”

“If your boyfriend won’t mind.”

“Hindi ka ba magagalit, Yam?” narinig ko sa kanya maging sa kabilang linya.

Makahulugan ang tingin sa isa’t isa, pareho kaming napangiti. Bago magsara ang elevator ay hinila ko na siya papasok. I leaned her against the wall. She wrapped her arms around my neck, and right then, our thirst met in a lingering kiss, sealing the day we've spent pretending to be strangers.

Yes, we decided to keep our love a secret, at least for now. It just felt right and simple. Little did we anticipate, pretending not to know each other was just the beginning of our story.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status