Share

HMD 2.2 After the Wedding

10:23 P.M. Verrano’s Hotel

"Mabuhay ang bagong kasal!" ani Ruben na ngayon ay galak na galak. He initiated a toast for her daughter and son-in-law. "Alagaan mo ang anak ko Daven. Masama akong maging kaaway," pagpapa-alala niya.

"Don't worry po. Aalagaan ko po ang anak niyo," mabilis na tugon ni Daven.

"Aasahan ko 'yan." Nang tumunog ang cell phone ni Ruben ay nagpaalam siya saglit sa mga bisita. He's preparing a grand gift for the newly wed kaya maya't-maya ay mayroong tumatawag sa kaniya.

Nagsimula nang lumabas ang mga tunay na kulay ng pamilya ni Elera nang umalis ang padre de pamilya.

“Mayaman ka ba Daven?” masungit na tanong ni Donya Edita, ang madrasta ni Elera.

“Hi-hindi po,” nag-aalangang sagot ni Daven.

“Anong trabaho mo?” tanong naman ni Bruno, ang stepbrother ni Elera.

“Secretary po ako ni Elera,” diretsang tugon ni Daven.

Kumunot ang noo ni Donya Edita at napainom bigla ng tubig. Buong akala niya ay bigatin at mapapakinabangan nila ang bagong salta sa angkan ng Luciano. Isa lang pala itong ordinaryong mamamayan!

"Elera, you ... you're such a disgrace to this family!" ani Donya Edita habang pinanlilisikan ng mga mata si Elera.

“Mahal kong kapatid sa labas, mag-aasawa ka na lang din naman, hindi ka pa pumili-pili! Hindi ka mapapakain ng guwapo lang! Dapat mapera! Nabuntis ka ba ng basurang ito kaya mo siya pinakasalan o sadyang nabulag ka lang ng pagmamahal?” ani Bruno.

Huminga nang malalim si Daven. Itinago niya sa kaniyang likuran ang kaniyang isang kamay at ikinuyom iyon. Hindi niya lubos maisip na maiinsulto siya ng isang pangit na nilalang sa mismong hotel na pag-aari ng kanilang pamilya.

“Kaya kong pakainin ang sarili ko, Bruno. Huwag mo akong itulad saýo na pala-asa at palamunin ng iyong asawang si Martha. Pasalamat pa nga ako at ang lalaking napangasawa ko ay maalam magbanat ng buto. Hindi gaya mong parang hari kung umasta, wala namang ibubuga. Pwede ba Bruno tumahimik ka na lang dahil hindi ko kailangan ang mga walang kwenta mong opinyon," masungit na wika ni Elera.

Napanganga si Daven sa sinabing iyon ng kaniyang asawa. He didn’t expect anything from her pero heto at pinagtatanggol siya nito sa harap ng kaniyang angkan.

“Mama, pagsabihan mo ‘yang si Elera! Baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko ‘yan! Napakayabang! Naging general manager lang sa PBC akala mo kung sinong umasta! Hoy, ipapaalala ko lang saýo na nakapasok ka sa bangkong iyon dahil kay mama! Baka gusto mong mawalan ng trabaho?” asik ni Bruno. Namumula ang kaniyang bilugan at matabang mukha dahil sa galit kay Elera.

“Honey, kumalma ka. Ang mga basura, hindi dapat binibigyang pansin.” Tiningnan nang masama ni Martha si Elera na ngayon ay nakangiting umiinom ng red wine.

“Bruno, Martha, itigil niyo na ‘yan! Nakakahiya sa mga kamag-anak natin! Ikaw naman Elera, piliin mo ang salitang bibitiwan mo! At ikaw Daven, ilugar mo ang sarili mo. Hindi porket naging asawa mo ang isang Luciano ay magbabago na ang tingin ng mga tao saýo. Isa ka pa ring hamak na hampaslupa!”

“Nagsalita ang kerida,” bulong ni Elera.

“Anong sabi mo Elera?” sigaw ni Donya Edita.

“Mama, tinawag ka po niyang kerida,” pagsusumbong ni Lucia, ang bunsong anak ni Donya Edita.

Sasabunutan na sana ni Donya Edita si Elera nang biglang dumating si Ruben. Nagbago bigla ang ihip ng hangin. Ang mga matatapang na tigre ay biglang naging maamong mga tupa.

“Darling, wala ba talagang pamilya itong son-in-law natin?” maarteng tanong ni Donya Edita habang ipinupulupot sa braso ni Ruben ang kaniyang mga kamay.

“Wala na raw eh. Hanga nga ako sa batang ‘yan. Maliit pa lang siya noong namatay ang kaniyang mga magulang pero look at him, he managed to enter the biggest bank in the country! Ibig sabihin, matalino talaga siya at madiskarte sa buhay.” Tumingin si Ruben sa kinaroroonan ni Bruno. “Tularan mo ang bayaw mo, Bruno! Ang laki-laki ng katawan mo, ayaw mong maghahanap ng trabaho. Ikaw ang lalaki sa pamilyang binuo mo pero umaasa ka lang sa asawa mo,” ani Ruben.

Ikinuyom ni Bruno ang kaniyang mga kamao. Ipinahiya na naman siya ng sarili niyang papa sa harap ng kanilang angkan. Noon pa man ay nagseselos na si Bruno kay Elera dahil ramdam niya kung gaano ito kamahal ng kaniyang papa.

Unang naging kasintahan ni Ruben si Elisa pero namatay ito at nakilala niya si Edita. Pinakasalan niya ito sa pag-aakalang mabuti itong tao. Hindi niya alam na nagbabalat-kayo lamang ito.

Nakita ni Bruno na ngumisi si Daven. “May nakakatawa ba, BAYAW?” aniya.

“Wala naman po KUYA BRUNO,” tugon ni Daven.

Pinigilan ni Elera ang kaniyang pagtawa at inaya si Daven na sumayaw. Natuwa siyang hindi pinatulan ng kaniyang asawa ang mga pinagsasabi ng kaniyang pamilya. 

Habang nagsasayaw ang dalawa ay hindi na napigilan ni Daven ang magtanong. “Ganiyan ba talaga kagaspang ang ugali nila?”

Tumango lang si Elera habang ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa balikat ni Daven.

“Sanay ka na? Hindi ka naman nila sinasaktan?”

“Hmmm, nasasaktan nila ako sa pamamagitan ng mga salita pero physically, hindi pa naman nila nagagawa. Siguro dahil takot sila kay papa. Another thing, hindi naman nila ako kayang kalabanin. Pinalaki ako ni mama na palaban at tinuruan niya rin ako kung paano dumepensa at umatake,” tugon ni Elera.

“Suwerte pa pala sila dahil hindi pa nila natitikman ang mga galawan mo ‘no?” natatawang sambit ni Daven. Tumawa lang din si Elera.

Nang makaalis si Ruben ay agad na sinugod ni Martha si Elera. Hahagipin pa lamang nito ang kaniyang buhok nang biglang hawakan ni Elera ang mga kamay nito.

“Don’t you dare touch my hair!” mahinang sabi ni Elera. Mas hinigpitan niya ang pagpisil sa mga kamay ni Martha nang pinanlisikan siya nito ng mata.

Nais sanang pumalakpak ni Daven kaso wala siya sa tamang lugar para gawin iyon. Kailangan niyang magpanggap na mahina at kaawa-awang nilalang.

Napapikit si Elera nang buhusan siya ni Donya Edita nang alak sa kaniyang mukha.

“Huwag mong saktan si Martha! Alam mo kung gaano kayaman ng kaniyang pamilya! Ang posisyon mo na lang sa PBC ang maipagmamalaki mo. Gusto mo bang mawala pa iyon saýo?” galit na galit na sambit ni Donya Edita.

Walang nagawa si Elera kung hindi ang pakawalan ang mga kamay ni Martha at punasan ang kaniyang mukha. Reception ng kaniyang kasal pero hindi pa rin siya napagbigyan ng mga ito.

“Mahirap talagang itago ang pagiging demonyo,” matapang na wika ni Elera.

“Aba at gusto mo talagang masaktan ha?” Sasampalin na sana ni Donya Edita si Elera nang biglang lumuhod si Daven sa kaniyang harapan. Lahat ng bisita, maging si Elera, ay nagulat sa ginawang iyon ni Daven.

“Katatapos lang po ng kasal namin. Pakiusap po, huwag niyong saktan ang aking asawa. Ako na po ang humihingi ng dispensa,” sabi ni Daven habang nakatungo. Maamo ang tingin ng marami sa kaniya pero buhay na buhay na ang lion sa loob ng kaniyang katauhan.

Tumawa nang malakas ang mga Luciano. They loved entertainment at sa ginawang iyon ni Daven, sobrang nasisiyahan sila.

Lumapit si Bruno sa kinaroroonan ni Daven at binuhusan ito ng alak. “You both deserved this kind of treatment. Sampid lang kayo sa aming pamilya! Isang anak ng dukha at isang ulilang walang direksyon ang buhay!”

Tumunghay si Daven at tiningnan si Bruno. Gusto niya itong bugbugin. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan hanggang sa magmakaawa ito sa kaniya. Sa halip na gawin niya ang mga inuutos ng isip niya ay ngumiti na lamang siya.

“Ano ba ang dapat naming gawin para tanggapin niyo kami?” tanong ni Daven.

“Tingnan niyo! Kasasalta pa lang sa ating pamilya pero nagawa nang magtanong ng gano’n!” Nagtawanan ang lahat maliban kay Elera na ngayon ay unti-unti nang nauubos ang pasensya. “Daven, kahit anong gawin mo, hindi mo kami maaabot. Kung ikaw ang pinakamayaman sa buong bansa, magiging mabait kami saýo. Baka nga sambahin ka pa namin pero Daven, imposibleng mangyari ýon. Kahit yata sa panaginip mo, hinding-hindi iyon mangyayari.”

“Daven!”

Napalingon si Daven nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Sumenyas ang kaniyang mga mata at nangusap na huwag siyang lalapitan.

“Kilala ka ng manager ng hotel na ito?” hindi makapaniwalang tanong ni Bruno. “Paano mo nakilala si Sir Gavin?”

Sa pagkakataong iyon, pati si Elera ay nagtaka. Kilala niya si Gavin at hindi iyon basta-basta nakikipag-usap o nakikipag-close sa kung sino lang.

“Daven, do you know him?” tanong ni Elera.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
Mabubuko ka na ata davin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status