Share

HMD 2.1 Marry My Daughter!

“GUMISING KAYO! ANONG KAGAGUHAN ITO? ELERA, BAKIT NANDITO KA SA KUWARTO NG LALAKING ITO? SINO SIYA? NOBYO MO?” galit-galitang sigaw ni Ruben Luciano, ang ama ni Elera. Ang totoo ay masaya siyang makita na may oras na sa pag-ibig ang kaniyang anak.

Pinasok ni Ruben ang apartment ni Elera dahil naulit ni Raven na lasing na lasing niya itong inihatid kagabi, pero hindi niya ito natagpuan doon. Nang makita niyang bukas ang pinto ng kabilang apartment ay agad siyang pumasok doon. Kumunot ang kaniyang noo nang makita niya ang mga nagkalat na damit sa may sala. Nagulat siya nang makita niyang nakahiga sa kama si Elera kasama ang lalaking hindi pa niya nakikita kailanman.

Nagulantang si Elera nang makita niyang wala siyang kasaplot-saplot sa kaniyang katawan. Marahan niyang nilingon ang kaniyang katabi. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang bumungad sa kaniya ang mukha ng bago niyang sekretaryo.

“DAVEN? A-anong ginagawa mo sa kuwarto ko?” windang na tanong ni Elera.

Kinusot ni Daven ang kaniyang mga mata at iniikot iyon sa silid.

“But this is my room,” Daven replied.

Halos gumuho ang mundo ni Elera nang mapansin niyang wala nga siya sa kaniyang silid. “How did this happen? Oh shit!” 

Napahawak si Elera sa kaniyang noo na ngayon ay kumikirot dahil sa hangover. Hinablot niya ang kumot nila ni Daven at dali-daling nagtatakbo sa sala para kuhanin ang kaniyang mga damit. Agad namang kinuha ni Daven ang kaniyang unan at itinakip sa kaniyang pagkalalaki.

“Mukhang hindi ka nobyo ng anak ko, iho. Anong trabaho mo? Mayaman ba kayo? Kaya mo bang buhayin si Elera?” sunod-sunod na tanong ni Ruben.

Nilunok ni Daven ang kaniyang sariling laway. He’s doomed. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Hindi niya alam ang isasagot sa ama ng babaeng hinahangaan niya. Tama, hinahangaan lang at hindi minamahal.

“Pakasalan mo ang anak ko! Hindi ako papayag na hindi mo siya paninindigan! Kinuha mo ang kaniyang pagkababae!” nanlilisik ang mga matang sambit ni Ruben.

Humahangos na lumapit si Elera sa kaniya habang inaayos ang kaniyang buhok. “Papa, hindi kami pwedeng magpakasal! Hindi namin mahal ang isa’t-isa!” aniya.

Tumingala si Ruben at napakamot sa kaniyang noo.

“Elera, hindi ka namin pinalaki ng mama mong ganiyan! Hindi libre ang iyong katawan! Sagrado ‘yan! Sa ayaw at sa gusto niyo ng lintik na Daven na ‘yan, ipakakasal ko kayo!” Nilingon ni Ruben si Daven.”Get dressed! We’re going to the city hall! NOW!”

Bumagsak ang balikat ni Daven. Hindi niya akalaing magdidilang-anghel sina Mila at Pietro. Hindi niya akalaing magkakaroon agad siya ng asawa.

“Papa, please. I don’t love him! Our marriage will turn into chaos! Please papa! Nagmamaka-awa ako saýo. He … He’s my secretary at work!” muling pagsusumamo ni Elera.

Alam ni Elera na magiging laman siya ng usap-usapan ng mga katrabaho niya dahil sa nangyari. Lalong lalala ang sitwasyon kung ikakasal pa siya kay Daven. Nagsimula na siyang umiyak at lumuhod sa harap ng kaniyang papa pero lahat ng kaniyang pagmamaka-awa ay napunta lang sa wala.

“My decision is final. Daven, pakakasalan mo ang anak ko o ipapapatay kita?” banta ni Ruben.

Hindi naman talaga nasisindak si Daven sa mga ganoong klaseng banta pero nagkunwari na lang siyang natatakot.

“Si-sige po. I will marry your daughter,” tugon ni Daven.

Tumaas ang mga kilay ni Elera habang pinandidilatan niya ng mata si Daven. “What the hell are you doing?” aniya.

“Good decision, Daven. Siguro naman, alam mong naka-jackpot ka sa anak ko. Bukod sa ganda, sexy at talinong mayroon siya, may kaya ang pamilya ng kaniyang stepmom. Magbihis ka na. Hihintayin ko kayong dalawa sa labas.” Sumisipol na lumabas ng silid si Ruben. He insisted the marriage dahil malakas ang kutob niyang magkakaroon na siya ng apo. Weird but his guts never disappoint him.

Naiwan sina Elera at Daven sa loob ng apartment. Pinahid ni Elera ang kaniyang mga luha at inayos ang kaniyang postura.

“Daven, kung anuman ang nangyari sa atin kagabi, lahat ‘yon ay isang malaking pagkakamali lamang. There’s no emotion involved, just wine. We may tie the knot later but remember this, you’re just my secretary at work and I’m still your boss. Huwag mong ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa kasal natin. Sana lang, hindi makialam ang magaling kong madrasta.” 

Nasaktan si Daven sa sinabing iyon ni Elera. Ikinakahiya ba siya nito? May magbabago ba kung sasabihin niyang siya ang may-ari ng bangkong pinagtatrabahuhan ni Elera? Nasaktan man ang kaniyang ego, tiniis niya iyon. Besides, he still needs to disguise himself. Hindi pa niya nahuhuli kung sino ang magnanakaw sa loob ng kaniyang kompanya. Hindi pa rin niya alam kung sino ang babaeng pumatay kay Don Aniello.

“I’ll do it. I will keep my mouth shut,” mahinang turan ni Daven.

“Good. Magaling na ‘yong nagkakaintindihan tayo. We … we can be friends,” nahihiyang wika ni Elera. She likes him pero alam niyang hanggang doon na lang ‘yon. She’s too busy with her private life. Wala pa siyang oras para sa buhay pag-ibig.

Tatalikod na sana si Elera kay Daven nang bigla siyang hinapit nito sa kaniyang bewang.

“Malay mo, we can be more than friends din pala,” nakangiting sambit ni Daven habang malagkit na tinitingnan si Elera sa kaniyang magandang mga mata.

Ilang minutong natulala si Elera habang nakatitig sa mukha ng binata. She could feel something … something magical. Inalog niya ang kaniyang ulo. Kumawala siya sa pagkakahawak ni Daven at naglakad na papunta sa labas kung saan naghihintay ang kaniyang papa. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya napangiti sa sandaling iyon.

“Elera, what’s happening to you? Keep your focus. Huwag ka munang lumandi! Marami ka pang tutugisin,” kastigo niya sa kaniyang sarili.

Sinalubong na ni Ruben ang kaniyang anak.

“Ang tagal niyo naman! Nakausap ko na si mayor! Ready na ang lahat. Natawagan ko na rin ang iyong mama at mga kapatid. Nasaan na si Daven?” ani Ruben.

“Nagbibihis pa po papa,” mahinang sagot ni Elera.

“Sabihin mo sa kaniya, tawagan na niya ang kaniyang pamilya! Gusto ko nang makilala ang aking mga magiging balae!” galak na galak na sabi ni Ruben. Matagal na niyang nais magkaroon ng nobyo si Elera dahil NBSB pa ito. Hindi niya akalaing asawa na pala agad ang ipakikilala nito sa kaniya.

Nakasimangot na sumakay sa loob ng sasakyan ng kaniyang papa si Elera.

“Ilang minuto pa, bubusinahan ko na ang lalaking iyon,” ani Ruben.

Habang nagbibihis si Daven ay isang email notification ang kaniyang natanggap. Binasa niya ang kaniyang labi. “So si Shadow ang isa sa mga traydor?” aniya. 

Dalas-dalas siyang tumakbo palabas ng apartment nang marinig niya ang busina ng isang sasakyan. For sure, inip na ang kaniyang magiging father-in-law.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status