Share

Chapter 20

May namumulang bukol sa inner thigh ni Celino Mondragon at tulad nga ng inasahan niya, may traces ng poisonous needle sa katawan nito. Pero maliit na porsiyento lang 'yon at nasa early stages pa lang ang sintomas kaya hindi ito naging tulad ng asawa ni Jobert na inaagnas nang buhay. Sigurado siyang kakalason pa lang ng matanda, mga tatlumpung minuto bago siya pumasok sa loob ng silid. Pinakain niya ito ng pill na siyang nagpagaling sa mga tao ni Jobert.

Binihisan niya ang matanda saka nilibot ang tingin sa paligid. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at lumapit sa kurtina na mula kisame hanggang sahig ang haba. Hinawi niya 'yon at hinayaang pumasok sa loob ng kuwarto ang sinag ng araw.

"Uhh," ani ng matandang nakapikit.

Pinagmasdan ni Jenica ang unti-unting pagkakamalay ng matanda. Tuluyan nang nawala ang amoy ng hallucinogenic herb kaya bumalik na ang ulirat nito.

"Uhh! Mmm!"

Mabilis na nagtalukbong ang matanda para iwasan ang liwanag ng araw. Tumayo si Jenica at lumapit sa kama.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status