Share

Kabanata 20

KABANATA 20

Shuen's POV

"Uminom ka muna ng tubig," sabi ni Atasha habang inaabot sa akin ang isang baso ng tubig, na mabilis ko namang ininom. "Oh My God! Hindi pa rin ako makapaniwala!" bulalas niya habang umuupo sa tabi ko.

Nagpapasalamat ako na nakita niya ako kanina sa tabi ng highway habang siya ay pauwi. Balak ko sanang tawagan siya, ngunit naiwan ko ang aking telepono sa bahay nila Diovanni. Wala rin akong sapat na pera para sa taxi, kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang lumakad na lang.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kanina, kaya lubos akong nagpapasalamat sa Diyos na hindi Niya ako pinabayaan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ang nangyayari. Hindi ako makapaniwala na napunta ako sa ganitong sitwasyon. Bago ko nakilala si Diovanni, maayos ang takbo ng buhay ko.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Atasha sa aking tabi. Matapos ko kasing ikuwento sa kanya ang lahat ng nangyari, tila hindi rin siya makapaniwala. Akala niya kasi, ang babaeng nakit
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status