LOGIN"Thank you po, Sir..." Dinala ni Sir Arjon ang aking bag sa clinic. Nakakahiya tuloy. Baka mamaya kung ano pa ang isipin ng mga katrabaho ko. Pagpasok ko bukas, tiyak na bobombahin nila ako ng mga katanungan tungkol kay Sir Arjon. "Welcome, malakas ka sa akin, e," natatawang sagot niya. Hindi na din siya nagtagal dahil hinihintay daw siya ng kaniyang nobya sa lobby. Aalis daw sila. Si Mr. Hottie ay tahimik namang nakaupo sa gilid ko. Kanina pa ito nag iisip. Ewan ko sa kaniya kung paano niya naisip na buntis ako. Hindi naman ako nagsisinungaling. Nagkaroon ako nang nakaraang buwan pagkatapos ng nangyari sa amin. Bumaba ako ng bed upang gumamit ng banyo. Doon pa lang siya gumalaw upang alalayan ako. "Ayos na ako," sabi ko naman. "Hindi ka na talaga pumasok. Kaloka ka!" "Nag aalala ako sayo, e," sagot naman niya pero binalewala ko na lang. Treat ko nalang siya sa Monday. Nakakahiya dahil naabala na siya. Hindi ko naman sinabing huwag na siyang pumasok, e. Pero kung hindi din dah
May pinadalang lunch si Mr. Hottie. Galing ito sa isang italian restaurant. Iniisip siguro niya na nagsawa na ako sa mango sticky rice kaya hindi na niya ako binilhan. Ako na lang ang bibili mamayang uwian. In fairness nasarapan ako sa pagkain. Maganda ang mood ko pagkatapos ng lunch time. Nakapag focus na rin ako sa aking trabaho. Hindi ako naktuhan na nag out. Hinintay ko muna ang mga katrabaho ko na maka alis. At tama nga lang ang desisyon ko dahil nasa Thai restaurant si Mr. Hottie. Naghihintay siya sa akin. "Paano mo nalamang pupunta ako ngayon dito?" nakangisi kong tanong. Kumunot naman ang noo niya. "I didn't know. I was actually waiting for someone here." "Ano?" Nakakahiya! Tama na ang pagiging asyumera, Verlyn. Humalakhak siya. "I was just kidding." inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi. "Ang bango mo," sabi niya sabay singhot sa aking leeg. Pati siya ay sininghot ko din. Ang bango niya. Ang sarap niyang lapain. Tumigil lang kami sa pagsinghot sa isat isa nang lum
Nakangiti akong lumapit sa secretary sa labas ng office ng aming CEO. "Hello po," bati ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin. Tingin ko ay nasa late thirty's na ang babae. Baka matagal na siyang nag wowork dito. "Bago ka?"tanong niya. Mukhang plano pa niyang makipagkuwentuhan sa akin. "Ah, opo. Mag three weeks pa lang po." tumango tango siya at ngumiti. "May kailangan po akong papirmahan kay Sir. Hindi ba siya busy?" "Hindi naman," sagot naman nito. Tumunog ang elevator kaya napatingin kami ng sekretarya doon. Hindi ko alam kung ano ang nakakagulat, dahil ganoon ang reaksyon ni Sir Arjon nang makita niya ako. Napatingin pa ako sa likod ko, dahil baka may nakikita na pala siyang hindi ko nakikita. "Verlyn, anong ginagawa mo dito?" Para namang isang kasalanan ang pagpunta ko dito. Iyong tono kasi niya..Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon ang pagkakasabi niya. "Ah, may papapirmahan po ako kay Sir." Tumango siya. "Busy iyon, e. May kausap." Akala ko hindi busy? Napansin ko n
Nag unat ako ng katawan dahil nakaramdam ako ng pangangalay. Two hours din kasi akong nakatutuk sa monitor. Walang pahipahinga dahil madami akong kailangang tapusin na work.Sakto ding coffee break na kaya tumayo na ako para makapagbanyo. Paglabas ko ng office, tinawag ako ni ate guard na naka post malapit sa may elevator."Verlyn Tuazon!" Ang lakas pa ng boses niya kaya nagulat ako. Akala ko tuloy may nagawa akong kasalanan."Bakit po, ate?" Nagtatakang tanong ko habang palapit sa kaniya.Inangat naman niya ang paper bag na mayroong naka print na pangalan ng Thai restaurant na kinakainan namin ni Mr. Hottie. Pagkakita ko rito, alam ko na agad.Nagpadala siya ng mango sticky rice?Nagmamadali namang akong lumapit sa kaniya sa tuwa. Pansamantala kong nakalimutan na ihing ihi pala ako."Ang dami nating dinner, ah.." tukso pa ni ate."Huh? Alam niyo po ba kung kanino galing?" maang ko namang tanong. Kapag siya ang nag iwan nito sa guard sa baba, yari talaga siya sa akin."Hindi, e. Dinel
"Nagmamadali ako," sabi ko sabay irap sa lalakeng sumabay sa aking maglakad. Nakikipaghabulan ako sa oras kaya ang bawat hakbang ko ay sobrang bilis din. "Ang sungit mo naman. Ang aga pa, ah." Umirap ako. "Anong maaga pa late na nga ako, oh. At bakit hindi ka pa magmadali diyan? Malalate ka na din!" "Hinihintay talaga kita. Isang linggo na tayong hindi nagkikita." One week na akong nagtatago sa kaniya. Ayaw ko nang makita pa kami sa umaga ta hapon. Minsan nag oovertime ako tapos nagbu-book ako ng grab ahead of time. Kapag oras na ng out ko, nakaabang na din siya sa akin sa labas ng kompanya. "Bye na! Hindi ako puwedeng malate. May incentive pa man din sa mga perfect attendance." Pagpasok ko sa opisina, naging instant celebrity na naman ako. "May bigay ulit ang admirers mo!" Talaga naman! Sino ba tong mga admirer na to? Isang linggo na, ah. May isang stem ng rose ulit. May isang malaking bouquet, bukod pa doon mayroon ding mga pagkain at chocolates. Nilagay ko ang m
Kung kahapon ay maaga ako, ngayong araw naman ay saktuhan akong nag in sa biometrics. Kakaririn ko ang pag iwas sa lalakeng iyon simula ngayong araw. Nagfocus ako sa task at sinigurado ko ding pulido ang aking trabaho. Hindi nanaman ako nakapagbaon ngayong araw. Wala din akong gaanong matipuhan sa mga pagkain sa canteen kaya kumain na lang ako ng banana chips, juice naman ang aking panulak. "Hindi ka kakain ng kanin?" tanong ng mga kasama ko. "Hindi. Hindi ko gusto ang mga ulam, e. Saka hindi pa naman ako gaanong gutom." Sinisikmura lang ako. Malapit na siguro akong magkaroon kaya ganito. After ng lunch break, bumalik na ako sa aking cubicle para lang matigilan dahil sa isang pulang rosas na nakapatong sa aking table. "Huh? Kanino galing ito? Wala ding nakalagay na note kaya paano ko malalaman kung kanino galing ito? Wala din naman akong nakakausap na iba dito bukod sa katabi kong mga office mates na pusong babae at isang straight na babae. "Uy, kanino galing iyan?" "H







