author-banner
She
She
Author

Nobela ni She

A Love To Remember

A Love To Remember

Julia vowed never to love like her mother. Naghintay lang ito sa pagbabalik ng kanyang Ama hanggang sa mamatay ito. Pipiliin nya ang lalaking sya lang ang mamahalin at kayang ipaglaban ang pag ibig sa kanya. Nawala lahat ang pangako niya sa sarili sa pagdating ni Robbie sa buhay niya. Pero manhid ito sa pag ibig na inaalay niya at sumusugat sa puso niya ang katotohanang iyon. Ngunit kailangan niya iyong tanggapin. Mahal na mahal niya si Robbie, pero katawan lang niya ang gusto nito.
Basahin
Chapter: Chapter 35
Isang hapon matapos ang klase, nakaupo si Mika sa ilalim ng malaking puno sa loob ng campus habang hawak ang kanilang script. Katabi niya si Aaron na tahimik ding nagbabasa.“Ready ka na ba sa opening lines mo?” tanong ni Aaron habang nakangiti.Bahagyang natawa si Mika.“Ready naman pero kinakabahan pa rin ako,” sagot niya.“Bakit? Ikaw pa?” biro ni Aaron. “Student council president ka na, host ka pa. Sanay ka na sa harap ng maraming tao.”dagdag pa nito.Napailing si Mika.“Iba kasi ‘pag ganito. Parang mas personal,” paliwanag niya.Tumango si Aaron na tila naiintindihan ang ibig niyang sabihin.“Kung kinakabahan ka, isipin mo na lang na nagkukuwento ka lang sa mga kaibigan mo,” sabi niya.Napangiti si Mika.“Salamat,” sabi niya.Nagpatuloy sila sa pag practice ng script. Paminsan minsan ay napapatawa sila kapag nagkakamali sa linya o kapag nagbibiro si Aaron para gumaan ang kanilang pakiramdam. Makalipas ang ilang sandali, biglang nagsalita si Aaron.“Pwede ba akong pumunta sa bahay
Huling Na-update: 2026-03-12
Chapter: Chapter 34
Lumipas pa ang ilang linggo matapos ang gabing iyon. Unti unting naging bahagi na ng araw araw na buhay ni Mika ang pagiging abala sa student council. Minsan ay maaga siyang umaalis ng bahay, dala ang mga papeles at notebook na puno ng plano para sa mga proyekto ng eskwela.Isang Sabado ng umaga, tahimik ang bahay nina Robbie at Julia. Si Lia ay nasa sala, abalang nagkukulay ng drawing habang nanonood ng cartoons. Sa kusina naman, nagkakape si Robbie habang nagbabasa ng balita sa kanyang cellphone.“Nasaan si Ate Mika?” tanong ni Lia habang hindi inaalis ang tingin sa papel.“Maaga siyang umalis, may meeting daw,” sagot ni Julia habang naglalagay ng tinapay sa plato.Napailing si Robbie.“Sabado na Sabado may meeting pa rin?” bulong niya.Napangiti si Julia.“President siya ng student council. Marami talagang ginagawa.” pagpapaliwanag nito.Makalipas ang ilang oras, bumukas ang pinto ng bahay.“Ma! Pa! Nandito na ako!” masiglang sigaw ni Mika.Lumabas agad si Lia mula sa sala at niyak
Huling Na-update: 2026-03-11
Chapter: Chapter 33
Lumipas pa ang ilang buwan matapos mahalal si Mika bilang student council president. Mas naging abala ang kanyang mga araw. Madalas na siyang may meeting sa eskwela at kung minsan ay gabi na nakakauwi.Isang hapon, habang nagluluto si Julia sa kusina, napansin niyang tahimik na naman si Mika habang nakaupo sa mesa.“Anak, pagod ka ba?” tanong niya.Umiling si Mika ngunit halatang may iniisip.“Ma pwede bang magkwento?” mahina niyang sabi.Ngumiti si Julia. “Syempre naman.”Huminga nang malalim si Mika bago nagsalita.“May isang kaklase kasi ako si Aaron. Madalas kaming mag usap dahil sa mga project sa student council.” paliwanag niya.Hindi agad nagsalita si Julia. Nakikinig lang siya.“Minsan parang masaya ako kapag kausap ko siya. Pero minsan naman naiirita ako,” dagdag ni Mika.Napangiti si Julia.“Normal lang iyon,” sabi niya. “Kapag may taong mahalaga sa’yo, halo halo talaga ang nararamdaman mo.” dagdag pa niya.Napakunot ang noo ni Mika.“Ma ibig bang sabihin nun crush ko siya?”
Huling Na-update: 2026-03-08
Chapter: Chapter 32
Lumipas pa ang ilang taon. Mas naging maingay ang bahay nina Robbie at Julia. Hindi na lamang halakhak ng isang bata ang naririnig kundi dalawa na. Ang panganay nilang si Mika ay nagsisimula nang magdalaga mas madalas na nasa harap ng salamin, inaayos ang buhok, at minsan ay mas tahimik kaysa dati. Samantalang ang bunso nilang si Lia ay kabaligtaran masigla, makulit, at palaging may tanong tungkol sa lahat ng bagay.Isang hapon, habang naghahanda si Julia ng meryenda sa kusina, napansin niyang tahimik si Mika sa mesa, hawak ang cellphone ngunit hindi naman talaga nagbabasa.“Anak, okay ka lang?” tanong niya.Hindi agad sumagot si Mika. Ilang sandali pa, saka ito nagsalita.“Ma pwede bang magtanong?”tanong nito sa ina.“Syempre.”sagot ng ina nito.Nagkibit balikat ang dalagita bago marahang nagsalita.“Normal ba na minsan nagagalit ka sa taong mahal mo?”tanong niya.Napahinto si Julia sa paghihiwa ng tinapay. Napangiti siya nang bahagya.“Bakit mo natanong?”tanong niyaUmiling si Mika.
Huling Na-update: 2026-03-05
Chapter: Chapter 31
Lumipas ang ilang buwan matapos tuluyang makabalik si Robbie sa kanilang tahanan. Unti unting bumalik sa dati ang ritmo ng kanilang buhay mga umagang sabay nagkakape, paghahatid sa anak nila sa eskwela, at mga gabing sabay na naghuhugas ng pinggan habang nagkukuwentuhan.Ngunit isang umaga, habang nag aayos si Julia ng mga papeles sa mesa, napahinto siya. Ilang araw na niyang napapansin ang kakaibang pagod sa sarili. Hindi iyon simpleng puyat. May kakaibang hilo. May mga sandaling bigla siyang napapaupo.“Okay ka lang?” tanong ni Robbie nang makita siyang napahawak sa upuan.Ngumiti siya. “Pagod lang siguro.”Pero hindi kumbinsido si Robbie.Kinabukasan, habang nasa trabaho ang asawa, dumaan si Julia sa isang klinika. Hindi niya alam kung ano ang inaasahan niya takot ba o pag asa?Ilang minuto ang lumipas na tila isang oras sa kabagalan.Lumabas ang nurse na may dalang maliit na papel.“Congratulations po.”saad nito sa kanya.Parang tumigil ang mundo ni Julia.Pag uwi niya ng bahay, t
Huling Na-update: 2026-03-04
Chapter: Chapter 30
Isang gabi, habang tahimik na natutulog ang kanilang anak, nakaupo sina Robbie at Julia sa sala. Mahina ang ilaw. Tanging tunog ng orasan at mahinang pag-ugong ng electric fan ang maririnig. May iniisip si Robbie at napansin iyon ni Julia.“Pagod ka pa rin?” marahan niyang tanong habang inaabot ang kamay ng asawa.Hindi agad sumagot si Robbie. Ilang segundo siyang nakatingin sa kawalan bago bumuntong hininga.“May posibilidad na ma assign ako sa ibang branch,” saad niya. “Temporary lang daw. Mga tatlo hanggang anim na buwan.” dugtong niya pa.Parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ni Julia.“Saan?” maingat niyang tanong.“Sa Cebu.” sagot ni Robbie.Biglang natahimik si Julia pagkasabi niyon ni Robbie. Hindi galit ang naramdaman ni Julia. Hindi rin agad lungkot. Kundi takot. Takot na baka muling lumayo ang pagitan nila hindi dahil sa ibang tao, kundi dahil sa distansya at oras.“Gusto mo ba?” tanong niya.“Para sa career ko, oo. Malaking opportunity ito. Promotion din,” amin
Huling Na-update: 2026-03-03
Its My turn To mess Around, Darling

Its My turn To mess Around, Darling

Sa umpisa palang ay alam na ni Samantha na Hindi siya mahal ni Bren. Magkaibigan lang sila nito. best of friends. Pumayag siyang magpakasal kay Bren dahil sa mamanahin ng binata. Totoong kasal pero huwad na pagsasama. Ang di sinasadya'y may namagitan sa kanilang dalawa. Hanggang sa mabuntis siya. Nang isilang niya si Lovely, buong akala niya'y matututunan na siyang mahalin ni Bren. Dahil all those years ay naging mabuti naman siyang asawa dito. Pero sinuklian ni Bren ng pagtataksil ang kanyang pagtitiis. Ang kanyang pag ibig. Nagrebelde ang puso ni Samantha. Panahon na para makaganti siya sa manhid na asawa. At maging unfaithful wife.
Basahin
Chapter: Chapter 17
Lumipas pa ang ilang buwan matapos ang gabing iyon. Mas naging masigla ang kanilang tahanan habang unti unting lumalaki ang bunsong anak nina Bren at Samantha.Ang dati’y tahimik na bahay ay napalitan ng halakhakan, iyakan ng sanggol, at minsan ay sigawan ng magkapatid na nag aagawan ng laruan.Isang umaga, habang naghahanda si Samantha ng almusal sa kusina, narinig niya ang mahihinang yabag papunta roon.“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Bren habang inaantok pang nagkakamot ng ulo.“Almusal,” sagot ni Samantha. “May pasok ang ate ngayon, di ba?” tanong niya.Sumandal si Bren sa mesa at ngumiti.“Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, ikaw ang inaalagaan ko.”saad niya.Napailing si Samantha habang naglalagay ng itlog sa plato.“Hanggang ngayon naman,” biro niya.Sa sala, abala ang kanilang panganay sa pag aayos ng kanyang bag. Maya maya pa’y narinig nila ang mahinang iyak ng sanggol mula sa silid.“Ako na,” sabi ni Bren.Pagpasok niya sa silid, nakita niyang gising na ang maliit na b
Huling Na-update: 2026-03-12
Chapter: Chapter 16
Lumipas ang ilang buwan matapos isilang ang kanilang bunsong anak. Unti unting natutunan nina Bren at Samantha ang bagong ritmo ng kanilang buhay bilang pamilyang may dalawang anak.Sa umaga, madalas na si Bren ang unang nagigising. Tahimik siyang bumabangon upang hindi magising ang sanggol na katabi ni Samantha. Titimpla siya ng kape, saka sisilip sa silid ng kanilang panganay na anak.Isang umaga, nadatnan niyang gising na ito at nakaupo sa kama.“Ate ka na talaga ngayon,” nakangiting sabi ni Bren.“Titingnan ko si baby,” masiglang sagot ng bata habang bumababa sa kama. Magkahawak silang naglakad papunta sa silid nina Samantha. Mahimbing pang natutulog ang mag ina. Ang maliit na sanggol ay marahang gumagalaw sa duyan.Dahan dahang lumapit ang bata.“Ang liit niya pa,” bulong nito.“Oo,” sagot ni Bren. “Pero balang araw, hahabulin ka rin niyan sa bahay.”Napangiti ang bata. “Tuturuan ko siya mag drawing.”Sa likod nila, nagmulat ng mata si Samantha at napangiti sa eksenang iyon.“Goo
Huling Na-update: 2026-03-05
Chapter: Chapter 15
Lumipas ang mga linggo matapos nilang malaman ang pagdating ng panibagong biyaya. Unti unting nagbago ang ritmo ng kanilang araw araw. Mas maaga nang umuuwi si Bren. Mas madalas nang may yakap at halik si Samantha bago pa man magsimula ang umaga. Ngunit tulad ng dati, hindi naging puro saya ang lahat.Isang hapon, habang nasa check-up si Samantha, tahimik si Bren sa gilid ng clinic. Hawak niya ang bag ng asawa, tila ba doon niya inilalagay ang lahat ng kaba.“Nerbyoso ka?” tanong ni Samantha, napapansin ang hindi mapakaling paggalaw nito.“Konti,” amin ni Bren. “Mas alam ko na ngayon kung gaano kahalaga ang bawat sandali. Ayokong may makaligtaan.”saad niya.Hinawakan ni Samantha ang kamay niya. “Hindi mo kailangang maging perpekto. Kailangan lang kitang nandito.”sabi niya sa asawa.At nang marinig nila ang unang tibok ng puso ng sanggol, parang sabay na natunaw ang lahat ng takot sa loob ni Bren. Napapikit siya, hindi napigilan ang pagluha.“Ang lakas,” bulong niya.“Mana sa’yo,” biro
Huling Na-update: 2026-03-03
Chapter: Chapter 14
Kinagabihan, matapos ang masayang hapunan na sabay sabay nilang pinagsaluhan, nagkaroon ng kakaibang init ang loob ng kanilang tahanan. Hindi dahil sa ilaw o sa lutong pagkain kundi dahil sa presensyang buo at payapa.Habang naghuhugas ng pinggan si Samantha, napansin niyang nakatayo si Bren sa may pintuan ng kusina, tahimik lang siyang pinagmamasdan.“Ano’ng tinitingnan mo?” nakangiting tanong niya.“Kayo,” sagot ni Bren. “Ikaw… at ang buhay na muntik ko nang masayang.”dagdag pa niya.Tumigil sandali si Samantha. Hindi iyon sinabi nang mabigat, kundi puno ng katapatan. Lumapit si Bren at marahang kinuha ang baso sa kamay niya.“Ako na dito,” sabi nito. “Magpahinga ka muna.” masuyong saad niya sa asawa.Ngumiti si Samantha at hinayaan siyang tumulong. Sa simpleng tagpong iyon walang drama, walang luha, naroon ang pagbabago. Dati, puno ng pride ang kanilang mga sagot. Ngayon, puno ng pag unawa.Pagkatapos nilang mag ayos, pumunta sila sa sala kung saan nakatulog ang kanilang anak sa so
Huling Na-update: 2026-03-02
Chapter: Chapter 13
Pagkatapos nilang magkausap, naglakad sila sa paligid ng hotel room. Nakahawak pa rin ang kamay nila, at bawat titig ay puno ng lambing. “Ang saya naman dito,” sabi ni Samantha, habang tinitingnan ang malinis at maliwanag na kuwarto. “Oo,” sagot ni Bren, at ngumiti. “Parang para lang sa atin.”dagdag pa niya. Umupo sila sa maliit na sofa malapit sa bintana. Pinanood nila ang lungsod sa ibaba, ang mga ilaw na kumikislap, at ramdam ang katahimikan. Hindi kailangan ng maraming salita ang bawat sandali ay sapat na para maramdaman nilang ligtas at masaya sila. “Alam mo,” simula ni Samantha, “parang gusto kong manatili dito ng matagal… kasama ka lang.” Ngumiti si Bren. “Gusto ko rin iyon. Basta tayo lang.” sagot nito. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga simpleng pangarap kung saan nila gustong magbakasyon, kung paano nila gusto palakihin ang anak nila, at kung ano ang mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa kanila. Wala nang selos, wala nang drama, puro tawanan at lambing. P
Huling Na-update: 2026-03-01
Chapter: Chapter 12
Maaaliwalas na paligid. Mabango ang hangin. Malamig ang simoy mula sa aircon. Magkahawak pa rin ang kamay nila. Lumapit si Bren sa front desk at inayos ang check in nila. Habang naghihintay, pasimple niyang tinitingnan si Samantha. Parang natatakot pa rin siyang baka bigla itong magbago ang isip. Napansin iyon ni Samantha. “Hindi ako tatakas,” mahina niyang sabi. Ngumiti si Bren. “Sigurado ka?” tanong nito sa asawa. “Oo naman siguradong sigurado ikaw ang asawa ko eh.” sagot niya. Nang makuha nila ang susi, sabay silang sumakay sa elevator. Sa loob, sila lang dalawa. Tahimik. Pero hindi awkward. “Mahal…” tawag ni Bren. “Hmm?” sagot ni Samantha. “Salamat sa second chance.” saad niya. “Salamat din sa pag amin,” sagot ni Samantha. Pagdating sa kuwarto, dahan dahang binuksan ni Bren ang pinto. Pagpasok nila, natigilan si Samantha. May mga kandilang nakaayos sa mesa. May maliit na cake. May mga petals ng rosas sa kama. Napanganga siya. “Bren… ano ‘to?” takang tanong
Huling Na-update: 2026-02-24
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status