Compartir

Chapter 01

Autor: AltheaLim
last update Fecha de publicación: 2026-01-20 00:38:07

‘The first born son and the heir of Conrad Enterprise: Van Sebastian Conrad, will be married this year to the only daughter and heiress of the Perez Company: Celine Perez. Mr. Conrad and Mr. Perez are expecting that their first child will be a boy.’

Basa ko sa isang magazine na nilapag ni Aj sa bar counter habang umiinom ako ng tubig.

Si Van na naka suit at ang babaeng hawak nya sa baywang ang naka feature sa magazine.

“Old magazine?” tanong ko nang kinuha nya ulit ‘yon at nilagay sa trashbin.

Nilingon nya ako, saka tumango. “Oo, eto yung bago.” usal nya at pinakita sakin ang isa pa nitong hawak na magazine. Unang basa ko palang sa Conrad na nasa feature ay umiling agad ako at nilapag sa lamesa yung baso nang ibibigay nya sana sakin yung magazine.

Bumaling nalang ako ng tingin sa tatlong cute na mga dalaginding kong anak, tumakbo sila palapit sakin. Nauntog si Larissa sa may binti ko nang sya ang unang nakalapit sakin na ikinaatras nya at lumapit ulit sabay yakap sa binti ko. Sumunod naman yung dalawa.

“Mommy! Look oh.”

Tinaas ni Larissa ang kamay nyang may hawak na band paper kaya kinuha ko ‘yon at tinignan.

A woman with long wavy brown hair and with a flower in her right ear drawing.

“Mommy, look mo po rin ‘to!” rinig kong sabi ni Melissa na may band paper rin at si Sharmaine.

I smiled, pinantayan ko sila at kinuha ang band paper ng dalawa na ganon rin ang drawing pero ang kulay ng bulaklak sa tainga ay mag kakaiba.

“Who is this beautiful girl?” nakangiti kong tanong, nag taka ako nang tinuro nila ako.

“You po, mommy!” mahina akong natawa nang sabay nilang sinabi ‘yon.

“Really? How sweet.” I said and hugged them.

“No way, we drew that so we should have a hug too.”

Nilingon ko ang dalawang binata kong panganay na lumapit agad sakin at niyakap ako, I chuckled and hugged them back.

“You two drew this?” tanong ko nang kumawala na sila sa yakap. Tumango ang dalawa saka ngumiti kaya mangha kong tinignan ulit yung drawing.

“Mommy! We colored it!” my girls said.

“Yes, honey, Thank you I appreciate it.”

Malapad na ngumiti ang lima at isa-isa nila akong hinalikan sa pisngi.

“May mga laway na si Mommy sa cheeks.” nguso kong sabi. Mahina akong natawa nang pinunasan nila ng palad ang kanilang labi at umalis, habang ang dalawa naman ay lumapit sakin at hinawakan ang pisngi ko.

“Here po, Mommy!” rinig ko at nakitang bumalik na may mga dalang tissue.

Pumikit ako nang sabay nilang pinupunasan ang pisngi ko at tumigil nang mag salita si Steve.

“Mommy is joking.”

Nakanguso na ang tatlo nang tignan ko sila, “Pft, Sorry.” I said and peace.

“They have been married for five years and yet wala pa silang anak?”

Nag taka ako nang marinig ang sinabi ni Aj kaya nilingon ko ito, kunot ang noong nakatingin sa magazine.

“Who?” I asked.

Bumaling ako sa mga anak ko nang sabihin nilang babalik na sila sa sala para mag drawing ulit kaya tumango ako’t ngumiti, mag sasalita na sana ako pero inunahan ako ni Aj.

“Van Sebastian Conrad at asawa nyang si Celine Perez.”

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ‘yon.

“Mommy?”

Pilit na ngumiti ako, “Okay, basta iligpit nyo after dahil aalis na tayo mamaya.” I said and they nodded.

Sinundan ko ng tingin ang pag punta ng lima sa sala, Nawala na ulit ang ngiti sa labi ko at tumayo na nang nandon na sila.

_________

“Limang taon na silang kasal tapos akalain mo ‘yon? Wala pa silang anak ni isa.” She said.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng selecta fresh milk, nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya habang nag lalagay ng gatas sa baso.

Pagkatapos ay binalik ko sa ref yung selecta at naupo sa harap nya saka ininom ang basong may laman na gatas.

“Ano say mo dito?” baling nya sakin.

Binaba ko ang baso at kumibit balikat, “Siguro meron na talaga sila tapos tinatago lang o hindi pinapaalam sa media.” I said.

“Hmm oo nga no? Pero bakit naman nila tinatago?”

Kumibit balikat nalang ako sa sunod nyang tanong dahil hindi ko rin alam kung bakit at hindi rin sigurado kung meron nga pero meron naman siguro?

I stopped drinking when I remembered our last talk.

Five years, limang taon na ang nakalipas. Sa limang taon na ‘yon, sinunod ko ang sinabi nya na kahit buntis ako ay hindi ko pinaalam sa kanya at hindi nya na kailangan pang malaman, now that he's married. I will never tell him. At sa binigay nyang malaking pera ay naging malaking tulong sakin non, ‘yon ang ipinambayad ko sa hospital at pag papalibing kay nanay at sa panganganak ko.

Kahit si Aj (April joy Hernandez) ay hindi alam kung sino ang totoong ama ng lima kong anak. Sinabi ko lang na matagal na patay at hindi na sya namilit mag tanong. Wala rin akong naririnig sa mga anak ko tungkol sa ama nila kaya hindi ko na sinabi o pinakita man lang ang itsura nito.

Kinagabihan, inayos ko na ang mga gamit ko’t nilagay sa bag at maleta. Sunod ko namang inayos ay ang mga damit at gamit ng apat, nang tignan ko ang nga gamit ni Steve ay maayos at nasa maleta na kaya yung gamit nalang ng apat ang inasikaso ko.

Nang matapos, pumasok ako ng banyo at nag half bath. Hindi ako nag tagal sa banyo at lumabas rin na naka suot ng skinny jeans, white silk chiffon long sleeve blouse that I half tucked and white classy high heels.

Humarap ako sa salamin, I wear my minimalist water drop necklace. Inayos ko rin ang mahabang wavy kong buhok na brown, half ponytail ang ginawa ko. I put red lipstick on my lips and powder on my face.

Pagkatapos ay tinignan ko ang hikaw kong maliit na pearl tassel and my small infinite anklet bracelet.

Nang nakontento, kinuha ko ang relo ko at sinuot saka lumabas ng kwarto na dala ang tatlong maleta at isang bag.

Nakita ko ang lima na nakaupo sa sala, maaga ko silang inayosan kanina.

Pinapunta ko na muna sila sa bar counter at doon ko sila pinaupo. Habang hinihintay si Aj na nag bibihis pa, nag timpla ako ng gatas sa lima at pina inom ‘yon sa kanila.

“Tara na.” usal ni Aj pagkalabas at dala na rin ang maleta nya.

Tumango ako at pinababa na sila nang maubos ang gatas na pinainom ko.

Bago kami umalis, chineck ko yung passport na nasa bag ko at nang wala namang naiwan, tumulak na kami papuntang airport.

Pinanood ko ang pag taas ng eroplanong sinasakyan namin at nilingon si Steve na seryosong naka tingin rin doon.

Hindi man sabihin ngunit nakuha nila ang kulay ng mga mata ng kanilang ama at si Steve ay kahawig mismo sya.

Terrence Steve; ang panganay kong anak na sumunod sa kanya si Alvin Laurence; Larissa Quentin; Melissa Monique and Sharmaine Sultana.

Goodbye San Francisco, California and see you soon Philippines. I'm Charmaine Susana Salvatore, A pure Filipino.

Van Sebastian Conrad; A half german and half Italian with half Filipino blood. The CEO of a famous company; Conrad Enterprise and the man who got me pregnant and now, I am hiding his quintuplets as his punishment and for our peace of life.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   65

    "I'm sorry, Calia." Mas bumuhos pa ang luha ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Para bang nalusaw ako sandali, para bang iyon na nga ang gusto kong marinig pagkatapos ng lahat lahat. Puno na ang aking mukha ng mga luha ko, siguro pag may salamin pa sa tabi ko masasabi kong sobrang hagard ko na. Nakakahiya dahil feel ko nasama pa sipon ko habang magkayakap kami. Nakatingin pa rin ako sa kaniya habang pinupunasan niya ang luha ko, wala pa ring nagsasalita sa amin. Ako nama'y nag iisip pa rin kung ano ang sasabihin pagkatapos ng ilang minutong drama na 'yon. "You've cried a lot," nakangising sambit niya. "Kasalanan mo 'to." Pagsisisi ko sa kaniya. Habang kasama ko siya ay parang bumalik ulit sa ala-ala ko ang nakalipas. Para kaming bumalik sa pagka teenager na nagdadrama sa labas ng bahay. "Did you make my mom cry?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang matinis na tinig ang sumulpot sa may gate.Napalingon agad ako, nakita ko si Zachary na naka pajama habang may haw

  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   64

    Naiilang na ako dahil naka tingin pa rin silang dalawa sa akin habang hinihintay ang sagot ko. "I'll drive you home, Calia." Papikit pikit pa na saad ni Ash at tinap pa ang sasakyan niya.Napalingon ulit ako kay Zach na kalmado lang ding nakasandal sa kotse niya."No, you're drunk Ash," angal niya sa kaniya at bumaling ng tingin sa akin."I'll drive you home, Calia." seryosong sambit niya. "Alam ko ang daan patungo sa kanila, kaya ako nalang," anas namin ni Ash. "Pwede niya namang sabihin sa akin ang daan. I'm not that drunk and I can handle the liquor, I assure that she'll be safe with me," sagot naman agad ni Zach habang nakatingin sa kaniya."No, hindi ako lasing Ca---" hindi natapos ang sasabihin ni Ash nang mabilis itong naglakad sa gilid at sumuka.Dali-dali naman akong pumunta sa kaniya at hinilot ang kaniyang likod. Patuloy pa rin siya sa pagsuka."Nasobraan ka ata sa pag inom Ash.." may halong pag alalang sabi ko, nakapikit pa rin siya at nalalanghap ko na rin ang amoy ng

  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   63

    "Bakit siya nandito?" bulong na tanong ko kay Ash habang tinutukoy ko si Zach. Nang matauhan ako sa sinabi ko ay para bang gusto ko na rin sapuhin ang noo ko. Anong klaseng tanong ba 'yon? Syempre magkaibigan sila. Tinawag na si Ash ng mga kasama niya kaya nagsimula na siyang maglakad papuntang hagdanan. "Hey Calia, saan ka?" tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Susunod lang ako Ash, iinom muna ako ng tubig." Tumango siya sa sinabi ko at nagpatuloy ulit siyang naglakad paitaas.Nanginginig pa rin ang kamay kong nagsalin ng tubig sa baso. Uminom ako ng tubig para naman kumalma ako kahit papaano. Maya-maya'y sumunod na rin ako papuntang rooftop.Nakaawang lang ang labi ko nang makita ang kabuoan, ngayon lang din kasi ako nakapunta rito sa rooftop nila. Ang ganda ng mga lights perpektong perpekto dahil gabi na rin. Maganda rin ang set up sa dulo na table. Kinawayan pa ako ni Lucas at inaya akong sumali sa kanila dahilan nang napalingon din si Zach sa kinaroroonan ko, sina

  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   62

    Sa hindi inaasahan, naging kaibigan ko na rin sina Lucas at West, palagi ba naman akong imbitado sa loob ng limang taon na 'yon. Sila 'yong nakita ko noong nagtatawanan sa sala noong panahong nagtatrabaho pa sa bahay ni Zach. Umuuwi kasi minsan sa Pilipinas si Ash kahit busy siya, nag le-leave talaga siya sa trabaho niya para maka-celebrate papano dito sa bahay niya kasama kami. Napatigil ako nang makarinig kami ng busina sa labas. Mukhang nandito na sila. Sana talaga wala si Zach ngayon."Happy birthday Pre! Lolo ka na HAHAHAHAHAHA!!" Biglang bungad ni Lucas papasok.Bigla namang sumimangot si Ash sa sinabi ni Lucas pero binawi niya rin 'yon agad."Kahit maging gurang na ako, gwapo pa rin naman.""Happy birthday Tanda!" bati naman ni West na may dalang karton, alam kong karton na naman iyon ng alak. Hindi mawawala sa kaarawan nila ang mga alak e."Kaibigan ko ba kayo? 28 palang ako, isang taon lang tanda ko sa iyon, sus!" Tumawa naman ang dalawa.Nakatingin pa rin ako sa pintuan at

  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   61

    Inilagay ko sa aking desk ang bouquet, sakto na papalabas si Angel—kasama ko sa trabaho, bibili raw muna siya sa coffee shop ng cappuccino kaya tinanong ko kung pwede ba siya dumaan sa flower shop dahil mag papabili ako ng flower vase, may malapit ma flower shop lang din naman kasi rito. Hindi naman ito umayaw at tumango agad. Ibinigay ko na sa kaniya ang pera, sinabi ko na doon na niya nalang din kunin ang pang kape niya ngunit umayaw siya, alam niya rin daw kasi na iniiwasan ko ang elevator, okay na rin sa kaniya na siya ang bibili para mas mapadali. Hindi na rin ako umangal sa kaniya at nagpasalamat nalang ulit. Ilang minuto lang ay bumalik na siya dala ang binili niyang kape at vase. "Salamat Angel ha." "Nako, wala 'yon. Ano ka ba." sambit niya at bumalik na ulit sa desk niya.Isa isa ko nang tinanggal ang mga rosas sa bouquet nang may biglang kumalabit sa akin. Lumingon ako sa katabi ko na mukhang kakarating lang dahil kakalapag niya lang ng mga papers na mukhang utos galing

  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   60

    Pumikit na lamang ako patuloy pa rin sa pagpalakpak. Maya-maya'y may kumalabit sa akin kaya napahinto ako. Napansin kong ako nalang pala isa ang pumalakpak dito dahil biglang tumahimik ang paligid. Halos matumba ako nang pag mulat ko ng mata ay nasa harapan ko na siya. Nakatingin na rin ang lahat sa aming dalawa kaya bigla akong napalunok ng sunod-sunod. Namamawis na rin ang kamay ko at paa habang nakatingin sa kaniya."P-po?" utal ko. Sa loob ng ilang taon, ito ang unang salitang lumabas sa aking bibig na kaharap siya. "Bring this to my office." Nanibago ako sa tono ng pananalita niya dahil mas naging baritono na ito. Napatingin ako sa isang bouquet na bulaklak na inilahad niya sa akin. Nag dadalawang isip pa akong kunin iyon pero kinalabit na naman ako ng katabi ko at sinabing kunin ko na kaagad iyon at sundin ang utos ni Sir Zach. Kinuha ko iyon sa mga kamay niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang biglang mag tama ang mga kamay namin. "Thank you everyone for we

  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   Chapter 12

    Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa at kinontak ang numero ni Aj.Hindi naman tumagal ang pag hihintay ko dahil sinagot nya ito agad.“Yes? Who's this?”Rinig ko sa kabilang linya.“Aj! Ako ‘to!” usal ko.“Charmaine?”“Oo!”Sandaling natahimik sa kabilang linya at narinig ko na ulit ang boses nya ngu

    last updateÚltima actualización : 2026-03-18
  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   Chapter 11

    Bumuntong hininga sya at kinuha nalang yung tray at nilapag sa harap ko. Napataas ako ng kilay nang balak nya akong subuan.“May kamay ako.” sabi ko sabay agaw ng kutsara sa kanya ngunit nabitawan ko ‘yon nang kumirot ang kamao kong may bagong bandage.Nang kukunin nya ang kutsara, inunahan ko na,

    last updateÚltima actualización : 2026-03-18
  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   Chapter 07

    “Dahil mahal ka nya, kayo.”Umiling-iling ako at mahinang natawa.“Wala kang tiwala sa kanya?” tanong nya kaya tinignan ko sya sa mga mata.“Wala.” sagot ko.“Edi sabihin mo nalang sa mga anak mo ang totoo.”Sandali akong natigilan at bumuntong hininga, “Hindi pa ako handa.”“Paano kung nalaman nil

    last updateÚltima actualización : 2026-03-17
  • Hiding The Billionaire CEO'S Quintuplets   Chapter 08

    Ngumisi rin agad ako nang makitang pumutok ang ibaba nyang labi.Mabilis akong umiwas nang hahawakan nya sana ang kamay ko at tatakbo na sana nang may yumakap sa likod ko.“T*ng!— Bitawan nyo ako!” inis kong sabi at sinubukang kumalas. Wala na akong nagawa nang pinosasan ang kamay ko sa harap.Nais

    last updateÚltima actualización : 2026-03-17
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status