Share

Chapter 2: Unexpected

It's been a month since I started working in Montebello Group of Companies under Trisha's brother.

In that one month, I can say that my life became better. I mean, hindi ako gaanong nag-iisip ng kung anu-ano, ang tanging iniisip ko lang ay ang trabaho ko at sarili ko.

Dahil na rin sa pagtatrabaho bilang secretary ni Sir Tanner Montebello, kaya wala na akong time para mag feeling broken o masaktan. Ibinuhos ko lahat ng oras ko sa pagtatrabaho, though I can't deny the fact na minsan naiisip ko pa rin si Zach. Oo na, may karupukan na ako. Sorry naman, tao lang!

Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon pero pinilit kong bumangon dahil may pasok pa ako. Ngayon ang unang beses na isasama ako ni Sir Tanner sa meeting niya kaya naman hindi maalis sa akin ang hindi kabahan.

"Good morning!" Trisha greeted me happily. Kakalabas niya lang din sa kuwarto niya habang kinukusot pa ang kanyang mga mata, halata na kaka-gising niya lang.

"Good morning, Trish!" Bati ko rin sa kanya pabalik.

"You look pale, Eury. Hindi ka ba nakatulog?" She asked after noticing me. Kaagad na napailing ako. Maaga naman kasi akong natulog kagabi, so, hindi ito dahil sa wala akong tulog.

"I had a great sleep last night. Dala lang siguro 'to sa sama ng pakiramdam ko, to be honest, I am not feeling well." Pagtatapat ko sa kanya. Bigla niya akong nilapitan at kinapa ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat, Eury. Ano bang nararamdaman mo?" She asked.

"Parang ang bigat ng katawan ko, medyo nahihilo rin ako at parang masusuka. I don't know, I can't understand myself." Pag-amin ko sa kanya. Biglang gumuhit ang labis na pag-aalala sa mukha ni Trisha dahil sa mga sinabi ko.

"Siguro 'wag ka na lang muna pumasok, Eury. Ako na ang bahalang magpaalam sa 'yo sa kuya ko. Samahan na rin kitang magpatingin sa hospital." Pagmamagandang-loob niya sa akin. Bigla naman akong tinubuan ng hiya.

Halos isang buwan na akong nakikitira dito sa kanya, parang lahat ng problema ko ay pino-problema niya na din. Parang pabigat na ako sa kanya, nakakahiya naman na masyado kung pati ba naman ngayon ay magpapa-alaga pa ako kay Trisha, I heard na may important meeting rin siya ngayon.

"No, Trish. Kaya ko naman, siguro dala lang 'to ng malamig na panahon, alam mo naman tag-ulan na. Isa pa, may importantanteng meeting kaming pupuntahan ngayon ng kuya mo. Nakakahiya naman kung um-absent ako." Pagtanggi ko sa alok niyang samahan ako sa hospital.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Eury, sinabi ko naman sa 'yo 'di ba na pamilya tayo rito? Kung hindi mo kaya, don't push yourself, okay?"

I smiled at her. She's the best, ever! Kung hindi dahil sa kaibigan kong ito, siguro nakatunganga pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip ang Zach na 'yon.

Oo nga pala, simula no'ng araw na nakita ko siya pagkatapos ng divorce namin ay hindi ko na ulit siya nakita pa. Wala na rin akong naging balita pa sa kanya. Bagay na nakatulong sa akin para hindi gaanong masaktan sa hiwalayan naming iyon.

Kung alam ko lang na biglaan niya akong hihiwalayan, eh 'di sana nasabi ko man lang sa kanya 'yong nararamdaman ko—na mahal ko siya. But sad to say, I didn't. So, better to keep it myself.

"I'm okay, Trish. Thank you!" Bigla ko na lang siyang niyakap. Ito 'yong madalas kong gawin sa kanya kapag may naaalala akong makakapagpasakit ng puso ko.

"Hey, what's wrong? Naiisip mo na naman ba 'yong stupid mong ex-husband?" Inis niyang tanong sa akin. She hated Zach so much, ever since. Kahit hindi pa kami ikinakasal noon ni Zach, sinabi niya na sa akin na hindi niya gusto si Zach para sa akin. For her, Zach is a heartless who don't deserve me.

"Can't help—aray!" Bigla niya akong binatukan. Ang babaeng ito talaga!

"Gaga ka talaga! Iniwan ka na nga at lahat-lahat tapos iniisip mo pa rin? Alam mo, bagay talaga kayong dalawa! You're both stupid! Ikaw stupid sa pagmamahal sa kanya, habang siya naman stupid sa pagbalewala sa 'yo!" Inis niyang sabi bago ako iniwang nagkakamot ng noo ko na binatukan niya. Nauna na siyang naglakad patungong kitchen para mag handa ng almusal.

After eating our breakfast, nauna na sa aking umalis si Trisha, tumawag kasi ang assistant niya sa boutique na pag-aari niya na dumating na raw 'yong VIP costumer nila at hinahanap siya. Mabilis na nagpaalam sa akin si Trisha at nagmamadaling umalis.

Pagkatapos kong magbihis, gano'n pa rin ang pakiramdam ko. Parang tinatamad akong kumilos na hindi ko maintindihan. I've been feeling this unusual feelings since last week, pero ngayon ko lang siya tuluyang naramdaman ng husto. Kung may choice lang ako, parang gusto kong matulog na lang nang matulog sa kuwarto ko. But since I don't have a choice, so, here I am preparing myself for work.

Nakasimangot akong lumabas ng kuwarto ko para pumasok na sa office. Nagulat pa ako pag labas ko ng condo ni Trisha ay naka abang sa akin si Sir Tanner sa labas, with his very expensive car, as always!

"Good morning, Sir!" I greeted him. He just smiled at me bago niya ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan niya.

"Good morning, Eury." He greeted me back after we both enter to his car.

"Dinaanan na kita rito dahil sabi ni Trisha ay hindi ka na raw niya maisasabay, that's why I'm here." Paliwanag niya habang ini-start ang engine ng sasakyan niya. Tumango-tango na lang ako. Kahit kailan talaga si Trisha ay hindi ako nakakalimutan. Kahit na napaka busy niyang tao, palagi pa rin siyang may oras para alalahanin ako.

I felt loved and being cared because of her. Without her, I don't know where I am and who I am now. I can't help myself, bigla na lang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang iniisip ko kung gaano ako pinapahalagahan at inaalala ni Trisha. Parang mas pamilya pa nga ako sa kanya, kaysa sa totoong pamilya ko.

"Hey, what's wrong?" Bigla akong napatingin kay Sir Tanner, nakatingin din pala siya sa akin kaya nagkatinginan kami. Dali-dali kong pinahid ang mga luha ko at ngumiti sa kanya ng pilit.

"O–okay lang po ako." Nakangiting sabi ko sa kanya sabay nag iwas na rin ako ng tingin sa kanya.

"Are you sure? You also look pale, I should bring you to the nearest hospital—"

"Sir, I'm okay." Kaagad ko nang pinutol ang sasabihin niya. Pareho lang talaga sila ni Trisha, sobra 'yong ipinapakita nilang pag aalala sa akin.

"Okay."

Mabuti na lang at hindi na nag pumilit pa si Sir Tanner na dalhin ako sa hospital. Wala naman kasi talagang mali sa akin, I mean, wala naman akong sakit maliban sa katamaran na nararamdaman ko ngayon.

Tahimik lang ang naging byahe namin ni Sir Tanner patungong meeting place na pagdadausan ng importanteng meeting na pupuntahan namin ngayon. Huminto kami sa tapat ng malaking building, itsura pa lang nito sa labas ay agaw pansin na, I wonder how it looks like pag dating sa loob.

"We're here." Sabi ni Sir Tanner. Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Amoy na amoy ko na 'yong hininga at mamahaling perfume niya. Parang may kung anong mga bagay ang nagkakagulo ngayon sa dibdib ko, sobrang ingay no'n na naging dahilan ng sobrang bilis na pag tibok ng puso ko.

Bigla akong nakahinga ng maluwag nang bahagya na siyang lumayo sa akin. Tinanggal niya lang naman pala 'yong seatbelt ko, pero  bakit gano'n? Bakit gano'n yung impact no'n sa akin? Hays!

"Thank you." Mahinang sabi ko. Nginitian niya lang ako bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan niya.

I didn't wait for him to open the car's door for me, kaagad na akong bumaba bitbit ang  handbook at ballpen na gagamitin ko mamaya sa paglilista ng mga mahahalagang impormasyon sa meeting.

Nakasuot ako ngayon ng white long sleeve na pina-ibabawan ng black coat  at above the knee na black skirt, pinarisan ko rin ito ng blach sandals na may almost two inches ang taas. In short, I am wearing a very formal office suit. Parang mga secretary lang sa Kdrama 'yong dating ko.

Habang si Sir Tanner naman, he's wearing his everyday uniform lang, pero grabe 'yong dating sa kanya. He looks so hot and handsome with his office suit. He looks like Hwang In-Yeop  o Han Seo-Jeon ng True Beauty.

Nauna na siya sa aking maglakad papasok, habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Habang naglalakad kami papasok sa magarang building, hindi ko maiwasan ang hindi mapatigil at pag masdan ang kabuuan ng building. Grabe, sobrang ganda! Hindi ako nagkamali kanina na mas maganda ang sa loob ng building compared sa labas.

Pagpasok namin, maraming tao sa loob. Hindi ko alam kung kasali din ba sila doon sa meeting na pinunta namin ngayon o baka naman may ibang sadya sila.

Halos lahat ng narito ay mukhang mamahalin at mababango, sa itsura at kasuotan pa lang nila kitang-kita na iyon.

Diretso lang kaming naglakad ni Sir Tanner, hindi siya umiimik, seryoso lang siyang naglalakad ngayon. Hanggang sa nakarating kami sa may elevator, pinindot niya 'yong open at nang nakapasok na kami sa loob ay 24th floor naman 'yong pinindot niya.

Ting!

Pag bukas ng elevator, nginitian lang ako ni Sir Tanner bago siya lumabas kaya sumunod na lang ulit ako.

Bago kami tuluyang pumasok sa isang pintuan ay tumigil muna siya at humarap sa akin.

"Pasensiya na nga pala kung hindi ko nasabi sa 'yo na kasama sa meeting na ito si Zachary Lewis Grayson. Nakalimutan ko na may nakaraan nga pala kayo." He sounds serious saying those to me.

Saglit akong natigilan at nakiramdam sa sarili ko. Parang lalong bumigat 'yong pakiramdam ko ngayon dahil sa nalaman ko. Oo nga pala, pareho silang nasa larangan ng Business, bakit nga ba hindi ko naisip na posibleng makita kong muli si Zach? It's been a month, isang buwan na akong walang balita sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sakaling mag kita kami mamaya sa loob ng conference room.

"It's okay, Sir. We're separated for a month already. I'm okay." I told him trying to hide the pain that I am feeling. Hindi pa naman kasi gano'n ka-tagal ang isang buwan para agad makalimot.

"Okay. That's good to hear. Let's go?" Tumango na lang ako at muling sumunod sa kanya.

Nang mabuksan niya na ang pintuan ay bumungad sa amin ang malaking espasyo sa loob. Kung hindi ako nagkakamali ay kasya sa loob nito ang isang daang tao o mahigit. May malaking parang lamesa sa loob at nakahilira ang maraming upuan doon.

Kakaunti pa lang ang mga taong narito. Napaaga lang kami ni Sir Tanner ng dating medyo malapit lang kasi ang Lugar na ito sa  tinutuluyan namin ni Trisha, kalahating-oras lang naman 'yong byahe.

"Dito na lang po siguro ako tatayo." Sabi ko kay  sir Tanner. Bigla niya akong kinunutan ng noo dahil sa sinabi ko.

"No, you will set next to me." Maikling sabi niya bago naglakad palapit sa mga nakahilirang upuan. Kagaya ng sinabi niya, umupo ako sa tabi niya.

"No, I won't allow them!"

BOGSH!

Dahil sa lakas ng boses at pagkaka bukas ng pintuan ng conference room kaya kaming mga nasa loob na ay sabay-sabay na napatingin sa taong iniluwa ng pintuan.

His voice sounds familiar, but I still wanted to confirm it if it's him. Hindi ako nagkamali, siya nga 'yon, ang lalaking ipinaglihi sa sama ng loob.

Kaagad na nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Kung iiwasan ko ba siya ng tingin o makikipagtitigan na lang ako sa kanya.

Nakataas at nakakunot ang kanyang noo nang makita niya ako. Sa huli, ako na lang ang nag iwas ng tingin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya kaya minabuti ko na lang na mag iwas ng tingin at umaktong hindi ko siya kilala.

"What are you doing here, B*tch?" Mahina lang ang pagkakasabi niya no'n pero sobrang linaw no'n sa pandinig ko. Parang maiiyak ako sa narinig ko. He still calls me b*tch na kahit kailan ay hindi ko natanong sa kanya kung bakit gano'n ang tingin niya sa akin.

I acted like I didn't heard him. I stayed focus on the handbook I am holding, I even started writing something into it para lang mawala ang focus ko kay Zach.

Labis-labis ang pasasalamat ko dahil hindi na ulit nag salita pa si Zach, siguro dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya, which is good.

Habang nagf-focus ako sa ginagawa kong paglibang ng aking sarili, bigla akong nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo. Nang subukan kong tumayo ay bigla akong nawalan ng balanse sa katawan ko.

"Eury!" I heard my Boss voice calling my name. Biglang nagkagulo sa loob ng conference room, kasabay ng nakakabinging ingay sa loob ay ang unti-unting panlalabo ng paningin ko. Parang inaantok ako at may kung anong pumipilit sa akin na ipikit ko ang mga mata ko, so I did. The moment I closed my eyes, was the moment I lose my consciousness.

White ceiling.

White walls.

and white curtains.

Plus, the dazzling light.

Ang mga iyon ang bumungad sa akin pagka mulat ko ng mga mata ko.

"Patay na ba ako?—aray!" Napahiyaw ako matapos akong makaramdam ng bagay na dumapo sa ulo ko. Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Trisha. Napatingin din ako sa bagay na dumapo sa ulo ko, ballpen lang naman 'yon, hindi naman gaanong masakit, sobrang sakit lang! Si Trisha na yata 'yong pinaka caring at napaka brutal na kaibigan na nakilala ko.

"You're not dead, Gaga!" Bigla siyang lumapit sa akin at ginawaran ako ng napakahigpit na yakap.

"I told you not come to the office already, right? Bakit ba kasi ang tigas-tigas ng ulo mo? Nakakainis ka!" She's crying like a kid now. Ito 'yong soft side ng pagkatao niya. She cares too much, 'yong feeling na ramdam mo talaga 'yong pagmamahal niya sa 'yo. Unlike sa iba d'yan, hindi ko sinasabing sa mga ex/jowa n'yo, ha? Pero parang gano'n na nga.

"I'm okay—" bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Hindi man lang ako pinagsalita.

"Alam mo na ba?" Naguguluhan akong tumingin sa kanya dahil sa biglaang tanong niya.

"Huh, ang alin?" I asked her.

"Gaga ka, talaga! You're two months pregnant, Eury!"

Parang nanlamig at namanhid ang buong katawan ko. Hindi ako sure kung tama ba 'yong narinig ko kay Trisha na buntis ako pero grabe 'yong dating sa akin no'n. Namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak na.

"Bu–buntis, ako?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango-tango lang din si Trisha, umiiyak pa rin siya. Muli niya rin akong niyakap ng mahigpit.

"You're a mom now, Eury! Congrats!" Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Trisha, hindi siya makapaniwala, kahit ako din naman. Tuwang-tuwa rin siya habang niyayakap ako. Dahil sa tuwang nararamdaman ni Trisha para sa akin, parang nabuhayan ako ng loob. Lalo lang akong nagkaroon ng rason para magpatuloy.

"So, what's your plan? Uuwi ka na ba sa parents mo?" Biglang pag-iiba niya ng usapan.

"I don't know, I'm not sure." Alanganing tugon ko.

"Si Zach, may balak ka bang sabihin sa kanya? I heard he's engaged." Biglang napa-angat ang tingin ko kay Trisha. Isang buwan pa lang kaming hiwalay, tapos engaged na siya? Ang galing ng h*******k!

"With whom?"

"With Cindy Abegail Montes." Pagak akong tumawa sa narinig ko. Sa lahat ng puwede niyang maging babae, bakit naman sa step-sister ko pa?

"Trisha, will you help me?" I asked her.

"Of course, I'll help you. Tutulungan kitang palakihin ang batang 'yan. Don't worry." She said and hugged me tighter.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status