Share

Chapter 2

Hindi tilaok ng manok ang nakapagpagising sa'kin kundi ang mga bisig na nakapulupot sa bewang ko. 

Minulat ko ang mga mata ko at isang tila prinsipe ang sumalubong sa akin. 

His face seems to be so perfectly crafted by God and can magnetize every woman's eyes to it but staring at his face is not the first thing that I should do. I need to leave this place right now before he can even wake up or else I have no idea how I can escape him. 

Pilit kong inalis ang mabibigat niyang braso na nakapulupot saakin nang hindi siya magigising at nang sa wakas ay nagawa ko iyo ay tsaka ko lamang napagtanto na wala akong suot na kahit ano na siya ring dahilan kung bakit ako nanlalamig. 

Sinubukan kong tumayo at kahit na masakit pa ang gitnang bahagi ng katawan ko ay tiniis ko ito para lamang makakuha ng matinong damit at makaalis dito sa lalong madaling panahon. 

Lakad takbo ako hanggang sa makarating sa elevator. May ilan pa akong nakasabay na pasulyap-sulyap sa akin pero wala na akong pakialam kung mukha akong bruha ngayon na hindi man lang muna nakapagsuklay bago lumabas. Pakialam naman nila?

Chineck ko muna ang cellphone ko at nang makitang nasa bank account ko na nga ang labindalawang milyon ay napahinga ako ng maluwag. Mabuti na rin ito dahil hindi ko na kailangang bumalik pa para kunin ang pera kay Damon.

Sa laki ng perang ito ay bukod sa mapapa-opera ko ang lola ko ay mabibigyan ko pa sila nang maayos na buhay. 

Siguro paminsan-minsan ay kailangang magsakripisyo ng isang tao para matapos na ang paghihirap nila at iyon nga ang ginawa ko.

"Manong, Sa Romero's Hospital po tayo," utos ko sa driver ng taxi na pinara ko. Malamang sa malamang ay hinahanap na ako nina Lola kaya kailangan ko muna silang puntahan bago ang lahat. 

"Oh, apo! Saan ka ba nanggaling at buong magdamag kang wala? Nag-alala kami sa'yo ng Lola mo at akala namin ay kung napano ka na!" Salubong saakin ni Lolo. Nasa labas kami ng kwarto ni Lola ngayon dahil nang akmang papasok na ako ay siya namang paglabas niya. 

"Ah... Nag-overtime po kasi ako ngayon sa trabaho, Lolo, may raket din na binigay sa'kin si Jessica na magbantay muna sa karinderya ng buong magdamag pagkatapos kong magtrabaho sa resto," paliwanag ko. Ayaw ko mang magsinungaling sa kaniya ay wala na akong choice. Alam kong hindi sila papayag na gamitin ang perang nakuha ko kapag nalaman nila ang totoo. 

"Gano'n ba? Pero wag mong masyadong papagurin ang sarili mo, ha? Hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay maoospital rin, apo ko. Tingnan mo nga at kahit pagsuklay ay nakalimutan mo na!" May pag-aalalang sambit niya habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko. 

"Opo, lo. Siya nga pala, Lolo, may kakilala ang kaibigan ko na willing tayong pautangin ng pampaospital ni Lola kapalit ng pagtatrabaho ko sa kanila!" Masayang balita ko sa kaniya kahit na hindi naman talaga iyon ang totoo. 

"Talaga? Naku! Maraming salamat, apo! Mapapaopera na natin ang Lola mo sa wakas! Salamat sa Diyos!" Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ako habang may luhang pumapatak sa mga mata niya. The tears of joy that wouldn't have showed if I didn't do it. 

Hindi ko na rin namalayan na umiiyak na rin ako habang magkayakap kami pero pinunasan ko kaagad ito nang humiwalay siya. 

"O siya, pumasok na muna tayo at nang maibalita ito sa Lola mo. Tiyak ay magiging masaya iyon. Alam mo naman kung gaano niya kagustong mabuhay pa para lamang makita kang nagkaroon ng sarili mong pamilya," sambit niya at inaya na ako papasok kung saan nakahiga si lola at maraming nakakabit na kung ano-ano sa katawan. 

"Lola! Kamusta ka na po?" 

"Maayos na ako, apo. Ikaw ang kumusta na? Sobrang payat mo na, Marie! Hindi ba sabi ko alagaan mo ang sarili mo at wag mo muna akong intindihin?" Pangaral niya sa akin pero tumawa lang ako bago siya niyakap. 

"Magiging maayos na rin sa wakas ang lahat, Lola. Magiging maayos ka na at magiging maayos na rin ako," I assured her. Alam ko kasi na pagkatapos nito ay matutuldukan na ang mga inaalala namin. May tiwala ako sa Diyos. 

"Narinig ko ang usapan niyo ng Lolo mo sa labas. Kung makapag-usap kayo halos dinig na sa buong restaurant," biro niya. 

"Si lola naman, hinang-hina na nga nakukuha pang magbiro," tawa ko na siya namang sinabayan rin nila. They really are worth it. They are worth it of my every sacrifices and I don't think I'll ever regret it. 

Iyon na lang kasi ang pinakamabilis na paraan na makakuha ako ng dalawang milyon at kung magtatiyaga ako sa sahod na nasa minimum wage lang, tiyak hindi na makaka-abot ang Lola ko na siyang naging ina sa akin simula nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente sa probinsiya namin. 

Kinausuap ko na rin ang doctor pagkatapos kong kausapin si Lola at nakaschedule nga siyang operahan pagkatapos ng dalawang araw. 

Plano kong dito na lang sa maynila tumira kasama sina Lolo at Lola dahil mas madali kong maipapagamot si Lola kung sakali man na may mangyaring masama dahil walang ospital na kayang gamutin si Lola sa probinsiya namin sa Catanduanes at pumayag naman sila doon. 

Wala pa akong ibang plano bukod do'n. Gusto kong magkaroon ng sarili kong coffee shop pero magfofocus na muna ako kay Lola sa ngayon hanggang sa gumaling siya. Wala kasing ibang mag-aalaa sa kaniya dahil mahina na rin ang tuhod ni Lolo. 

Sa pera na mayroon ako ngayon ay maaari along makabili ng bahay lupa para sa Lola at Lolo ko. Alam ko rin na mas gusto nila ng mas simpleng bahay na may mga puno at maaaring pagtaniman ng mga halaman at alam kong madali lang akong makakahanap non. 

Sana lang ay hindi na magtagpo ang landas namin ni Damon. I have no other reasons to see him and I don't think he even knows me. Alam ko na sex lang ang habol niya sa'kin and I hope that I gave him the satisfaction that he needed that night. 

Makalipas ang dalawang araw ay siya ngang naging successful ang operasyon ni Lola at wala naman na siyang mga komplikasyon pa. Kailangan na lang naming manatili rito sa hospital ng ilang araw bago makauwi. Nakahanap na rin ako nga bahay at lupa natitirhan namin at sa ngayon ay inaayos ko na ito. 

Ayoko munang sabihin sa kanila dahil gusto ko silang sorpresahin pero sana ay magustuhan nila iyon. 

Naglalakad na ako ngayon palabas ng ospital, bibili lang sana ako ng makakain namin ni Lolo nang may nakabangga akong isang lalaki na tila nagmamadali kaya hindi ako nakita. 

"Watch it, miss!" Halos pasigaw na sambit niya sa'kin pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang nakabunggo ko. 

Fuck it! Of all people, bakit siya pa? Damon... I don't even know his last name ang here he is, right in front of me. Our path have crossed again. 

"S-sorry," paghingi ko ng paumanhin kahit kaming dalawa naman ang may kasalanan pero imbes na magsorry rin sa akin ay nilagpasan niya lang ako at dire-diretsong pumasok sa hospital na parang hindi man lang ako narinig. 

I'm right, aren't I? He's just up for one night stand and after that he won't even be able to remember my face when his was already tattooed inside my mind and I'm glad with that. Erase me in your memory for life, Damon and I will do that too.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status