LOGINDahil sa hirap ng buhay, walang ibang pagpilian na ibinigay ang mundo kay Maria kung hindi ang ibenta ang sarili niyang katawan sa isang kilalang auction nang malaman niya na ang kaniyang Lola na siyang nagpalaki sa kaniya ay kailangan nang operahan sa lalong madaling panahon. Dito ay naging pagmamay-ari siya ni Damon, isang kilalang businessman ng isang gabi na siyang nagkaroon ng bunga. Ngunit kahit gaano pa siya kadesperada ay hinding-hindi niya gugustuhin na sabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila sapagkat bilang ina ay ayaw niyang masaktan ang kaniyang anak. Ngunit paano kung pagkatapos ng ilang taon ng pagtatago ay magtagpo sila sa kumpanya kung saan sekretarya siya nito?
View MoreHalos hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyaring 'yon. Paano kung maalala niya ako? Paano kung nakita niya sa mga mata ni Cayden ang sarili niya? At paano kung dahil sa nakita niya, maghinala siya? Hindi ko na alam kung ano ang mas nakakakaba: ang posibilidad na makilala ni Damon ang anak niya… o ang matinding galit niya sa'kin kapag nalaman niyang tinago ko ang bata sa kaniya ng limang taon.Hindi pwede... Hindi niya pwedeng malaman na may anak siya. He already paid me millions... Millions that saved my grandmother's life pero wala na ang lahat ng 'yon. Naubos na lahat at wala na rin si lola. All I have left is my son and I can't let him take Cayden away from me. Hindi ko kakayanin kapag nilayo niya sa akin ang anak ko. Hindi ko hahayaang gawin niya 'yon. Mas pipiliin kong umalis na lang at magtago sa ibang bansa. Kaya kong maghirap at magsakripisyo, wag lang mawalay sa'kin ang anak ko. And what hurts even more is if Cayden will find out and if Damon won't accept him. Mas matat
"Cayden, anak. Come here," tawag ko sa anak ko na ngayon ay maglilimang taong gulang na. We just arrived at the airport in Manila where we plan to live for good. Limang taon na ang nakalipas, ang plano ko noon ay manirahan na lamang sa probinsiya ngunit nang mamatay ang Lolo at Lola ko nang magkasunod na taon ay naubos lahat nang perang mayroon ako kaya kinailangan naming lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho ako. Maging ang bahay na pagmamay-ari ko rito ay nabenta ko dahil walang-wala na talaga kami. Ang mayroon na lamang ako ngayon ay isang maliit na condominium na sapat lamang para sa aming mag-ina at kakaunting pera na sapat lang para may makain ang anak ko nang isang buwan. Nang makarating sa harap ko si Cayden ay agad siyang yumakap sa binti ko habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya. He got Damon's electric blue eyes- no, he got everything from Damon. He's like his father's carbon copy and I'm afraid he'll know it in just one glance. If I just just have any other choic
Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ulit ako ng hilo habang nasa harapan ng lababo dahil kanina pa ako nagduduwal sa hindi ko malamang dahilan. Basta ko na lamang naramdaman na tila binabaliktad ang sikmura ko. Ilang araw ko na rin itong nararamdaman. Tatlong linggo na mula nang maoperahan si Lola at nandito na kami ngayon sa nabili kong bahay malapit lamang sa ospital na pinagdalhan ko kay Lola. Mabuti na lang at tulog pa sila kung hindi ay mag-aalala lang sila sa kung ano ang nangyayari sa'kin na kahit ako rin ay di maipaliwanag kung ano ito. Wala naman akong sakit, ngunit basta na lamang akong naduduwal at nahihilo tuwing umaga at sa tuwing nakaka-amoy ako ng cheese. Nagtoothbrush muna ako at inayos ang sarili ko nang maramdamang maayos na ang pakiramdam ko. Siguro ay epekto lamang ito ng kulang sa tulog at pagod. Ilang araw na rin kasi akong nakikipag-usap sa mga kakilala ko na maaaring makatulong sa'kin upang makapagpatayo ng coffee shop na siyang pangarap ko. I need to
Hindi tilaok ng manok ang nakapagpagising sa'kin kundi ang mga bisig na nakapulupot sa bewang ko. Minulat ko ang mga mata ko at isang tila prinsipe ang sumalubong sa akin. His face seems to be so perfectly crafted by God and can magnetize every woman's eyes to it but staring at his face is not the first thing that I should do. I need to leave this place right now before he can even wake up or else I have no idea how I can escape him. Pilit kong inalis ang mabibigat niyang braso na nakapulupot saakin nang hindi siya magigising at nang sa wakas ay nagawa ko iyo ay tsaka ko lamang napagtanto na wala akong suot na kahit ano na siya ring dahilan kung bakit ako nanlalamig. Sinubukan kong tumayo at kahit na masakit pa ang gitnang bahagi ng katawan ko ay tiniis ko ito para lamang makakuha ng matinong damit at makaalis dito sa lalong madaling panahon. Lakad takbo ako hanggang sa makarating sa elevator. May ilan pa akong nakasabay na pasulyap-sulyap sa akin pero wala na akong pakialam kung












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.