Mag-log in"Do you want to amend the contract? From being my cook to being my wife," aniya.
I rolled my eyes and pushed him. Napaatras siya at umayos naman ako ng tayo bago binalingan ang pagkain. "Patawa ka rin eh, no? Ayaw mo nga akong maging prostitute, asawa pa kaya? Mema ka," ani ko. Iminuwestra ko ang mga pagkaing nakalapag sa lamesa niya. "Kain ka na. Mukhang nalipasan ka na ng gutom." Walang imik siyang pumunta sa mesa at saka pinulot ang sandwich na hinanda ko. Napabuntong-hininga na lang ako nang kinain niya ang hindi naman naka-schedule. Sasabihan ko sana siya, kaso nauna pa siyang magtaas ng kilay. Itinuro niya ang upuan sa gilid ng mesa niya kaya umupo ako. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. "How was your shopping? Binili mo ba lahat ng kailangan mo?" tanong niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. "Yep. I already included the groceries as well. By the way, thank you, ha, sa palibre mo," nakangiting sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya. "Anong libre? Kaltas 'yon," seryoso niyang aniya. Napatayo ako sa kinauupuan ko at mariin siyang tiningnan. Pinagmasdan naman niya ako habang papalapit ako sa kanya. "Akala ko ba bonus 'yon?!" sabi ko. Napatawa pa siya kaya mas lalo akong nainis. "Huwag mo akong dinadaan diyan sa pagiging businessman mo, ha! Madaya ka! Akala ko allowance 'yon!" giit ko. "Sinabi ko ba na libre? Sa pagkakaalala ko, babayaran mo pa rin 'yon kada buwan." Napahawak ako sa noo ko at pilit inaalala ang sinabi niya noong araw na 'yon. Ang naaalala ko talaga ay hindi ko babayaran dahil allowance ko 'yon. Eh kung alam kong babayaran ko pala 'yon, sana sa ukay na lang ako bumili, 'di ba? Naloko na, hindi pa nga ako nakakabayad kay Owen, may utang na rin ako sa kanya?! "Che! Kuripot! Naturingan kang mayaman, kuripot ka!" sigaw ko. Napangiwi na lang siya at uminom muli ng tubig. Hindi ko malaman kung nang-aasar lang ba siya o seryoso talaga. Kahit kailan, napakahirap basahin ng ekspresyon niya. Para siyang batong nanggaling sa pumutok na bulkan. Kung hindi ko lang talaga amo 'to, kanina ko pa 'to binara, eh. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho, na-post ko na 'to sa social media sa inis ko. Naging tahimik kami nang ilang minuto. Hindi na niya ako pinatulan at patuloy lang siya sa pagkain niya. Napatingin ako sa sandwich na hawak niya. Wala talaga iyon sa meal plan niya ngayon; dinala ko lang dahil sayang. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na hindi iyon ang schedule niya dahil may sarili naman siyang kopya. "Akala ko ba strict ka? Bakit kinain mo ang sandwich?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "I didn't have breakfast. And you prepared it for me," he just shrugged. Hindi ko pinahalata na nagulat ako. "Eh, 'yang bang menudo, ano sa tingin mo? In-order ko?" Hindi na niya nasagot nang biglang may kumatok sa pintuan at iniluwa no'n si Fin. Tumikhim ako at umayos ng upo. Napatingin naman siya sa gawi ko kaya nginitian ko na lang. "Sir, the board members are waiting. Attorney Reyes is already in the conference room," si Fin. Tumango si Caden sa kanya saka nagpunas ng tissue sa bibig. "I'll be there in five," malamig na aniya. Tumango na lang si Fin bago bumaling sa akin. Napatayo na rin ako sa tingin niya. "You also need to leave," aniya. Sungit naman nito! Tumango ako at hinawakan ang bag. Tumingin ako kay Caden at iminuwestra ang mga pagkain sa lamesa. "Ikaw na po ang magligpit. Dalhin mo na lang po pabalik para mahugasan ko," magalang na sabi ko. Nakatingin kasi si Fin. "Ayla," tawag ni Caden kaya napatingin ako. "From now on, don't come here unless I ask you to." Napakunot-noo ako. Ano na naman kaya ang trip nito? Akala ko ba civil lang kami? Nandoon kasi sa kontrata na kailangan hindi ako pumalya sa pagpapakain sa kanya. Kulang na lang tratuhin ko siyang sanggol, ma-protektahan lang siya. "Bakit? Dahil ba sa nangyari kanina sa baba? Ang sensitive naman ng tauhan mo. Ginagawa ko lang din naman ang trabaho ko," pagmamaktol ko. Baka ano pang masabi nila sa akin. Laganap pa naman ang mga chismosa na ang chismis, hindi na fina-fact-check. "Partly," sagot niya. Nakakunot pa rin ang noo ko sa kanya. "Eh ano pa?" Napabuntong-hininga siya bago sumulyap kay Fin. "Close the door." Tahimik namang sinunod ni Fin ang utos niya bago nanatili sa gilid ng opisina. Ibinaba ni Caden ang tingin sa cellphone niyang nakapatong sa mesa. Ilang segundo lang ang lumipas ay iniabot niya iyon sa akin. "Read it." Naguguluhan kong kinuha ang cellphone. Halos lumuwa na ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng screen. Tang'na, instant sikat? Mga litrato iyon ng pagpasok ko sa building kasama si Manong Dan. Kasunod naman ang kuha noong lumabas si Caden sa conference hallway at nakatingin sa direksiyon ko. Hindi man kami magkatabi sa larawan, sapat na iyon para gumawa ng kung anu-anong kuwento ang mga empleyado. Pati ba naman ang gano'ng mga engkuwentro, gagawan ng meaning? Paano na ang image ko diyan? Kay Caden kung mag-viral? Paano kung kumalat 'yan sa internet at makita ng mga kasamahan ko sa dati kong pinapasukan? I'm suspended. Kaya mas lalo silang magtataka kung bakit pumasok ako sa loob ng opisina. I read all the comments on the post. Kung hindi pangungutya ang nababasa ko, puro naman katanungan kung ano ako sa piling ni Caden. 'Who's the woman with Mr. Valensar? Girlfriend? Hindi sila bagay! Sa hitsura pa lang ng babae, pera lang ang habol sa kanya! Kaya pala pinapasok sa executive floor.' Sunod-sunod ang mga komentong nakabalandra sa internal employee forum. Instant sikat, real quick. Wala pa ngang ginagawa, pinag-uusapan na. Unti-unti kong ibinaba ang cellphone at ibinalik sa kanya. "...Ang bilis naman," bulong ko nang makitang marami na ang reacts sa post. "Rumors spread faster than facts," malamig niyang sagot bago may tinawagan. Napakagat ako sa ibabang labi. Napaisip ako bigla sa sitwasyon ko lalo na't palagi talaga kaming magkasama. We stayed in the same house. I'm his cook. Kaya kung ma-issue kami, hindi lang ang image niya ang masisira, pati na rin ang akin. "Sorry... Hindi ko naman sinasadya," seryoso kong saad. Parang kanina, ang bubbly ko pa at may gana pang asarin siya. Pero nang malaman ko ang consequences ng pagdikit sa kanya, parang pinagsisihan ko na. Hindi na sumagot si Caden sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatayo. Alam kong bothered din siya; mahalaga rin sa kanya ang image niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin bago muling nagsalita. "My career doesn't only involve this company." Napatingin ako sa mga tropeong nakahanay sa likod niya. Of course, who wouldn't know? Alam kong maselan siya sa publicity nito. "My sponsors. The federation. The board. Every move I make is being watched." Doon ko lang tuluyang naintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya kanina. Hindi lang pala basta CEO si Caden. Isa rin siyang public figure. "Kaya..." huminga siya nang malalim, "...hangga't maaari, mananatiling sikreto ang arrangement natin." Napakurap ako. "Walang dapat makaalam na nakatira ka sa bahay ko." "Walang dapat makaalam na ikaw ang personal cook ko." "At lalong walang dapat makaalam tungkol sa kontrata." "At mas lalong walang makaalam kung ano ka talaga." Sabi niya iyon na mahinang ikinatango ko. Aba'y dapat lang! Hindi dapat nila malaman na hindi bilang chef ang in-apply-an ko rito, kundi ang pagiging prosti. At isa pa, kapag nalaman ni Owen ang trabaho ko, papaldo na naman 'yon. Papalakihin niya ang balance ko. Gagamitan pa ng compound interest! Hindi naman iyon mahirap gawin. Tutal, wala rin naman akong balak ipagsabi sa iba ang sitwasyon ko. "Good. Because the moment my public image is stained by merely being associated with you, I will not hesitate to end our contract," malamig niyang tugon bago tuluyang lumakad palabas."Do you want to amend the contract? From being my cook to being my wife," aniya.I rolled my eyes and pushed him. Napaatras siya at umayos naman ako ng tayo bago binalingan ang pagkain."Patawa ka rin eh, no? Ayaw mo nga akong maging prostitute, asawa pa kaya? Mema ka," ani ko.Iminuwestra ko ang mga pagkaing nakalapag sa lamesa niya. "Kain ka na. Mukhang nalipasan ka na ng gutom."Walang imik siyang pumunta sa mesa at saka pinulot ang sandwich na hinanda ko. Napabuntong-hininga na lang ako nang kinain niya ang hindi naman naka-schedule. Sasabihan ko sana siya, kaso nauna pa siyang magtaas ng kilay.Itinuro niya ang upuan sa gilid ng mesa niya kaya umupo ako. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita."How was your shopping? Binili mo ba lahat ng kailangan mo?" tanong niya.Napatango naman ako sa sinabi niya. "Yep. I already included the groceries as well. By the way, thank you, ha, sa palibre mo," nakangiting sabi ko.Tumaas naman ang kilay niya. "Anong libre? Kaltas 'yon," seryoso ni
"The contract is currently on process by an attorney. It means it is prohibited not to follow what's written on it. You signed and agreed to it; I hope it's clear for you," ani Caden habang kumakain kami ng hapunan.Kasalukuyan kaming sabay kumain dito sa malaking hapag niya. I prepared baked fish and salad for his side, samantalang ang akin naman ay steak. We didn't bother ourselves to cook rice because rice is not present on his schedule today according to his meal plan. Ang sa akin din ay hindi na ako nag-abala pa dahil heavy dinner na naman ang steak."Kailan ko nga pala makukuha ang unang sweldo ko? Kailangan ko kasing mamili ng mga necessities ko. Nakita mo naman, kulang ang mga damit na dala ko."Napatawa siya nang mahina. "Wala ka pa ngang isang buwan, sweldo kaagad ang hinahanap mo?""Let's be practical," seryosong ani ko. "Alam mo na naman kung ano ang pinunta ko dito."Bumuntong-hininga lang siya at ibinaba ang mga kubyertos. "I'll give you an allowance for your necessitie
"Ano pong gusto niyong lutuin ko?"Pinagmasdan ko siya habang prenteng nakaupo sa countertop sa kitchen. I stood firmly in front of him, waiting for his command. He sipped his coffee and was currently busy with his phone."Ikaw na ang bahala, basta for breakfast. Mamaya ay darating ang personal assistant ko at ibibigay niya mismo sa'yo ang meal plan na kailangan mong sundin."I simply nodded at him and went back to the kitchen to get what I would cook. I decided to cook a light meal for him to begin his day. Kumuha ako ng itlog sa ref at balak itong gawing sunny side up. I also fried some strips of bacon and toasted some bread. Tinanong ko rin siya kung ano ang gusto niyang inumin sa umaga. He just said he would likely have juice since he was already done with coffee.Medyo nahiya pa nga ako ng slight dahil mas nauna pa siyang magising kumpara sa akin. Pag gising ko, wala na siya sa kwarto niya at nagulat na lang ako na nag-jogging na pala siya.I did not know that he was an early per
“Then base your judgment on my performance. Hire me, and I will give you an authentic performance that is meaningful,” sabi ko.Hindi siya umimik at wala man lang ginawang tugon sa sinabi ko. Ni emosyon ng pagkagulat man lang ay hindi ko nakita sa kanya. Nang bumukas ang elevator ay agad siyang lumabas nang hindi man lang ako tinitingnan. Hindi rin naman ako nagpakabog; sinundan ko rin siya kahit hindi naman niya sinasabi.Ganito naman talaga, ’di ba, kapag may kailangan ka? Dapat desperado kang makitaan at masubukan ang potential mo.Patuloy pa rin akong nakasunod sa kanya. Alam naman niyang nakabuntot ako pero wala naman siyang sinasabi na huwag akong sumunod. Based on the way that we’re taking, I think we’re heading to the parking lot. Ito rin naman ang dinaanan namin ni Owen kanina bago kami pumasok sa bar.On our way to the parking lot, his phone made a sound. Hindi na rin ako nag-abalang usisain kung kaninong cellphone iyon dahil wala rin naman akong cellphone at kaming dalawa l
"You didn't come to this bar looking for love, Ayla. You came because survival comes at a price."Mariing sabi ni Owen—ang handler namin. Ito na ang pinakahuling bar na may koneksyon siya at may magagandang offer sa mga kagaya kong prostitute. Sa lahat ng girls na na-handle niya, ako na lang ang natitira at wala pang kontrata. Kaya ganoon na lang ang inis niya nang halos hindi ko tanggapin ang papel na inilahad niya.Andito kaming dalawa sa two-seater na table sa loob ng bar ng kakilala niya. He helped me find someone who is willing to avail me. Someone like me who is wrecked. Someone who would be willing to buy someone like me who is on sale.A sale meant for survival, not because I ever wanted to be part of it."Ito na ang huling beses na tutulungan kita, Anya. I have so much on my plate because of you. Anlaki ng ginastos ko para sa breaching of contract na ginawa mo sa pinagtatrabahuhan mo noon; I hope you never forget what our deal was back then," aniya at mariin akong tinitigan.







