Share

Chapter 2

Author: yklareyy
last update publish date: 2026-06-19 23:07:05

"Ano pong gusto niyong lutuin ko?"

Pinagmasdan ko siya habang prenteng nakaupo sa countertop sa kitchen. I stood firmly in front of him, waiting for his command. He sipped his coffee and was currently busy with his phone.

"Ikaw na ang bahala, basta for breakfast. Mamaya ay darating ang personal assistant ko at ibibigay niya mismo sa'yo ang meal plan na kailangan mong sundin."

I simply nodded at him and went back to the kitchen to get what I would cook. I decided to cook a light meal for him to begin his day. Kumuha ako ng itlog sa ref at balak itong gawing sunny side up. I also fried some strips of bacon and toasted some bread. Tinanong ko rin siya kung ano ang gusto niyang inumin sa umaga. He just said he would likely have juice since he was already done with coffee.

Medyo nahiya pa nga ako ng slight dahil mas nauna pa siyang magising kumpara sa akin. Pag gising ko, wala na siya sa kwarto niya at nagulat na lang ako na nag-jogging na pala siya.

I did not know that he was an early person, and I didn't realize it. And yes, separate kami ng kwarto, of course.

"Dito ba magbe-breakfast ang PA mo?" tanong ko.

He just shrugged, and I nodded. Tama lang pala na para sa aming dalawa lang ang niluto ko. Nangangamba kasi ako na baka bigla na lang pumunta ang PA niya dito para mag-breakfast.

Pagkatapos naming kumain, ako na rin ang nagligpit at naghugas ng pinggan. Wala rin naman siyang sinabi tungkol sa ginawa ko. I asked him how my cooking was, and he said it was okay.

I know how to cook, but not in a way that I am confident about it. Hindi rin ako maalam sa mga mabibigat na putahe. Ang alam ko lang ay ang iluluto para lang makaraos sa araw-araw.

I am not an excellent type of person. I am just a simple person who has skills enough to live each day. Minsan, pumapalpak pa.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan at magligpit, nagwalis-walis na rin ako sa bahay. Nagpunas ng kailangan punasan, nag-mop, at nag-check ng mga labahin. Kumbaga, I did the general household work. Wala rin naman akong naramdaman na pagod o pagdadabog dahil sanay naman ako sa ganitong gawain. Besides, this is just a simple task as a favor he did for me.

Time passed by, at malapit nang mag-lunch. Naguluhan pa ako sa kung ano ang lulutuin ko dahil hindi ko siya natanong kanina kung ano ang gusto niyang ulam. I also forgot to ask if he would be going home for lunch. Nagtingin-tingin na lang ako sa imbakan ng pagkain kung may mga available na maihahanda ko.

Nang wala akong makita, nagdesisyon na lang ako na magluto ng sardinas na may itlog. This is just a basic viand for someone who is trying to save money. Madalas inuulam ko ito noong college days dahil ito ang pinaka-mura at madaling lutuin. The taste isn't that bad either; pwede na rin.

Pang-isahan lang ang niluto ko since I assumed that he would not go home for lunch. Base sa postura niya kanina, maybe sa restaurant siya kakain. Hindi ko na lang inintindi dahil at first place, wala rin namang masyadong pwedeng lutuin dito sa bahay niya.

Kaya nang pumatak ang quarter to 11, laking gulat ko nang bigla siyang pumasok sa pintuan, kasama pa ang personal assistant niya. He looked at me strangely. Halata siguro sa mukha ko ang pagkagulat.

"U-Uuwi ka pala? Dito ka ba magla-lunch?" sunod-sunod na tanong ko habang sinasara ang pintuan.

Nakasunod sa kanya ang PA niya habang ako naman ay humabol sa tabi niya.

"Of course. This is my house," aniya, saka hinubad ang coat niya. Dali-dali ko naman itong kinuha at tinupi.

"Nag-lunch na ba kayo?" tanong ko sabay tingin sa PA na nakamasid din sa akin. Mas lalo akong naaligaga sa tingin ng PA niya.

"Ano bang niluto mo?" tanong ni Caden.

I smiled awkwardly. "Ah, itlog lang at sardinas. Akala ko kasi hindi ka uuwi," nahihiyang sabi ko.

Napahinto siya sa ginagawa niya. "I thought you were a great cook? I expected a healthy home-cooked dish," sabi niya at tumungo patungo sa dining area. Agad din naman akong sumunod sa kanya.

Napalunok na lang ako nang tignan niya ang niluto ko. Pinagmasdan niya iyon at saka nakataas ang kilay na tumingin sa akin. Natahimik na lang ako sa isang tabi.

"What is this?" mas lalo akong natahimik nang tignan din ito ng PA niya.

Kumuha ng kutsara ang PA niya at tinikman ang luto ko.

"Bakit matamis?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Nagtataka ko siyang tiningnan at tinikman din ang luto ko. Napaubo ako nang malasahan ko ang tamis at agad kong inilayo ang ulam.

I awkwardly smiled at both of them. "I think asukal ang nalagay ko instead of salt."

Napailing na lang ang PA niya at pumunta sa sala. Napatingin na rin ako kay Caden na nakatingin pala sa akin.

"Should I be grateful that I hired you as my cook? Based on your performance, I think I should reconsider my decision about you."

Natahimik ako sa sinabi niya. Para bang nalunok ko ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

"This is just a mistake, Mr. Valensar. First-time mistake," giit ko pa.

Hindi na siya sumagot at dire-diretso siyang pumunta sa sala. Narinig ko siyang inuutusan ang PA niya na umorder ng pagkain para sa amin. Pagkatapos niyang utusan iyon ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto. Napaupo na lang ako sa couch at nakinig sa usapan ng PA niya.

After the call ended, his PA sat on the couch in front of me. Ilang segundo niya akong pinagmasdan bago siya nagsalita.

"I heard from Caden that he hired you as his cook. To be honest, I am not that dumb to buy his reasons. In the past years that we’ve been together, he's picky with what he eats. If he’s tired of cooking for himself, he can easily hire someone from a prestigious culinary background. Not someone like you who clearly doesn’t seem to know much about the kitchen."

Mas lalo akong walang nasagot sa sinabi niya. I know, I get it. Sobrang halata na hindi ako pang-chef. Lalo pa dahil sa performance ko kanina.

"But anyway, I don’t mind you being around him. It’s his decision to keep you beside him, whatever reason he has. Ang akin lang, sana hindi ka maging pasanin sa hinaharap. He is busy with his company and career. I hope you know where you truly belong," aniya at tumayo.

Pinagmasdan ko siyang pumunta sa cabinet malapit sa TV. She opened one of the drawers and took out a brown envelope. May kinuha siyang mga papel at inilagay sa coffee table sa harapan ko.

"By the way, my name is Fin. I am Mr. Valensar’s personal assistant. Secretary din ako ng company niya since he built it. It has been a decade since we’ve been together, so I am not new to him."

Tumango ako at akmang magpapakilala sana nang itinaas niya ang kamay niya para pigilan ako.

"I already know you. I did a background check for Mr. Valensar’s safety. Anyway, here is the contract that he asked me to prepare. Please take your time to read and understand it," sabi niya at iniabot sa akin ang contract.

Agad ko naman iyong tinanggap at nagpasalamat. I immediately read the header of the contract. May logo ito ng kumpanya niya at may seal sa ibaba.

Binasa ko ang contract at nakasaad dito ang do's and don'ts bilang personal cook. May mga rules din tungkol sa privacy, na unang hiningi ni Caden Valensar. Sa second page naman ay nakalagay ang meal plan—isang buwang plano na aprobado ng nutritionist.

Wala naman akong naging komento. Pinirmahan ko ito at agad ibinalik sa kanyang PA na si Fin.

Pagkatapos niyang i-check, ibinalik niya sa akin ang dalawang kopya na pinirmahan ko. My personal copy of the contract.

"I hope you will never breach the contract, just like what you did in your past works," sabi ni Fin.

Nawalan ako ng imik at halos mabulunan sa sinabi niya. Wala akong lakas ng loob na sumagot; pakiramdam ko ay na-corner ako. Alam kong narinig din iyon ni Caden, pero wala siyang sinabi. Mas mabuti na rin iyon, baka mas lalo lang akong mapahiya.

Dapat nga hindi na ako nagulat na alam na nila iyon, dahil gaya ng sinabi ni Fin, nagpa-background check sila sa akin. Hindi ko lang maiwasan na masaktan. Anong magagawa ko? Tapos na iyon pero nakaka-apekto pa rin sa akin. That's how graveful it is that I sometimes regret digging it.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding the Billionaire's Heir   Chapter 3

    "The contract is currently on process by an attorney. It means it is prohibited not to follow what's written on it. You signed and agreed to it; I hope it's clear for you," ani Caden habang kumakain kami ng hapunan.Kasalukuyan kaming sabay kumain dito sa malaking hapag niya. I prepared baked fish and salad for his side, samantalang ang akin naman ay steak. We didn't bother ourselves to cook rice because rice is not present on his schedule today according to his meal plan. Ang sa akin din ay hindi na ako nag-abala pa dahil heavy dinner na naman ang steak."Kailan ko nga pala makukuha ang unang sweldo ko? Kailangan ko kasing mamili ng mga necessities ko. Nakita mo naman, kulang ang mga damit na dala ko."Napatawa siya nang mahina. "Wala ka pa ngang isang buwan, sweldo kaagad ang hinahanap mo?""Let's be practical," seryosong ani ko. "Alam mo na naman kung ano ang pinunta ko dito."Bumuntong-hininga lang siya at ibinaba ang mga kubyertos. "I'll give you an allowance for your necessitie

  • Hiding the Billionaire's Heir   Chapter 2

    "Ano pong gusto niyong lutuin ko?"Pinagmasdan ko siya habang prenteng nakaupo sa countertop sa kitchen. I stood firmly in front of him, waiting for his command. He sipped his coffee and was currently busy with his phone."Ikaw na ang bahala, basta for breakfast. Mamaya ay darating ang personal assistant ko at ibibigay niya mismo sa'yo ang meal plan na kailangan mong sundin."I simply nodded at him and went back to the kitchen to get what I would cook. I decided to cook a light meal for him to begin his day. Kumuha ako ng itlog sa ref at balak itong gawing sunny side up. I also fried some strips of bacon and toasted some bread. Tinanong ko rin siya kung ano ang gusto niyang inumin sa umaga. He just said he would likely have juice since he was already done with coffee.Medyo nahiya pa nga ako ng slight dahil mas nauna pa siyang magising kumpara sa akin. Pag gising ko, wala na siya sa kwarto niya at nagulat na lang ako na nag-jogging na pala siya.I did not know that he was an early per

  • Hiding the Billionaire's Heir   Chapter 1

    “Then base your judgment on my performance. Hire me, and I will give you an authentic performance that is meaningful,” sabi ko.Hindi siya umimik at wala man lang ginawang tugon sa sinabi ko. Ni emosyon ng pagkagulat man lang ay hindi ko nakita sa kanya. Nang bumukas ang elevator ay agad siyang lumabas nang hindi man lang ako tinitingnan. Hindi rin naman ako nagpakabog; sinundan ko rin siya kahit hindi naman niya sinasabi.Ganito naman talaga, ’di ba, kapag may kailangan ka? Dapat desperado kang makitaan at masubukan ang potential mo.Patuloy pa rin akong nakasunod sa kanya. Alam naman niyang nakabuntot ako pero wala naman siyang sinasabi na huwag akong sumunod. Based on the way that we’re taking, I think we’re heading to the parking lot. Ito rin naman ang dinaanan namin ni Owen kanina bago kami pumasok sa bar.On our way to the parking lot, his phone made a sound. Hindi na rin ako nag-abalang usisain kung kaninong cellphone iyon dahil wala rin naman akong cellphone at kaming dalawa l

  • Hiding the Billionaire's Heir   Prologue

    "You didn't come to this bar looking for love, Ayla. You came because survival comes at a price."Mariing sabi ni Owen—ang handler namin. Ito na ang pinakahuling bar na may koneksyon siya at may magagandang offer sa mga kagaya kong prostitute. Sa lahat ng girls na na-handle niya, ako na lang ang natitira at wala pang kontrata. Kaya ganoon na lang ang inis niya nang halos hindi ko tanggapin ang papel na inilahad niya.Andito kaming dalawa sa two-seater na table sa loob ng bar ng kakilala niya. He helped me find someone who is willing to avail me. Someone like me who is wrecked. Someone who would be willing to buy someone like me who is on sale.A sale meant for survival, not because I ever wanted to be part of it."Ito na ang huling beses na tutulungan kita, Anya. I have so much on my plate because of you. Anlaki ng ginastos ko para sa breaching of contract na ginawa mo sa pinagtatrabahuhan mo noon; I hope you never forget what our deal was back then," aniya at mariin akong tinitigan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status