Share

Kabanata 5

Hindi maalis sa isipan ni Ria ang naging usapan nila ng kanyang head. She wanted to decline the offer ngunit naunahan na niya itong sabihin na “looking forward to work with them” kaya naman nakakahiya ng bawiin ‘yon.

Kahit nang makarating siya sa kanyang desk ay tulala pa rin siya. Kung hindi pa siya kinalabit ng kanyang kasamahang arkitekto ay hindi siya magigising sa reyalidad.

“Are you alright? You looked like you’re spacing out. Did that witch fire you?” takang tanong ni Elsa, isa ring architect tulad niya.

Tipid na ngumiti ang dalaga at umiling. “Oh, no. She didn’t.”

“Then why is your expression like that?” kunot-noong tanong nito.

“Nothing,” tipid na sagot ni Ria.

Sinilip ni Ria ang kanyang pambisig na relo, oras na para umuwi. Agaran niyang niligpit ang kanyang laptop at inayos ang kanyang mga sketchpad at nilagay ito sa loob ng kanyang backpack. Nagpaalam na siya sa kanyang mga kaibigan doon saka siya naglakad palabas ng firm.

Ang pinaka-main branch ng firm na pinagtatrabahuan niya ay na sa Los Angeles kaya naman dalawang palapag lang ang meron dito sa Greece. Last year, their head offered her to transfer in Los Angeles but she politely declined. Maraming kakilala ang mga magulang niya sa Los Angeles. Takot siyang makita siya ng mga ito at makilala ng mga ito.

Pagkasakay niya sa kanyang sasakyan ay nilapag niya ang backpack sa passenger’s seat. She pulled out her phone and dialed her cousin’s number. Bahagya siyang humikab at kinamot ang kanyang kilay. Kung tulog ang mga bata ngayon, matutulog muna siya ng ilang minuto.

“Hello?” pagsagot ni Eris pagkatapos ng limang ring. “Pauwi ka na?”

She hummed. “Yeah, pauwi na ako. How’s Leil and Eros?”

“Leil is asleep. Si Eros naman, naglalaro sa kanyang mga toys.”

Napatango si Ria na para bang kaharap niya ang pinsan at bumuntong hininga. “Alright. Pauwi na ako. I’ll hang up na.”

Nang um-oo si Eris ay agad na tinapos ng dalaga ang tawag saka ini-start ang sasakyan. Binaba niya muna ang visor para matingnan ang sarili sa sarili saka ito muling inangat at pinaandar na ang sasakyan.

She opened the window beside her as she drove off the car just to witness the sunset on her way home. Ganito lagi ang ginagawa niya. Bahay at trabaho lang ang inaatupag niya. Halos hindi na niya maalala kung kailan siya nakalabas at nakapag-mall na walang dalawang trabaho. Well, she’s a mother now. Focus na siya sa pagiging matinp. Focus na siya sa trabaho.

For her two years of stay here, masasabi niyang sariwa pa rin ang lahat sa kanya. Palagi siyang kinukulit ni Solene sa kanyang email or even in her social media accounts. Ngunit wala ni isa sa mga chat ni Solene sa kanya ang sinagot niya. She just left those messages and emails unopened. She doesn’t care.

Surviving the two years with two mouths to feed was hard for someone like her who grew up with a silver spoon on her mouth. Maraming realization ang naranasan niya nang mamuhay siya nang mag-isa rito. May pagkakataon pa ngang kailangan niyang dalhin ang dalawa niyang anak sa trabaho lalo na’t sa tuwing wala si Eris dahil na sa Pinas ito o busy sa buhay nito. Eris has a life too and she’s happy that at least, hindi siya pinabayaan ng pinsan niya.

Pasulyap-sulyap si Ria sa papalubog na araw habang binabaybay ang kalsada na malapit lang sa gilid ng kalsada. Hindi niya maiwasang mapangiti sa ganda ng tanawin. Greece is indeed a beautiful place to take a break from life. Pansamantala mong makakalimutan ang mga problema mong gustong-gusto mong kalimutan.

This has become a safe place to many, so as to her and to her babies.

Pagdating niya sa kanyang condo na nirerentahan ay agad siyang pumasok sa loob. Doon niya natagpuan si Eris na nanonood ng tv habang ang anak niyang si Eros. Matalas ang pandama ni Luke dahil agad itong lumingon sa kanyang pwesto.

“Mama!” he exclaimed and put down his toys.

Nilagay ni Ria ang kanyang dalang backpack at lumuhod para salubungin ang anak kong natututo nang maglakad. Unlike his twin, Leil, Eros learns everything way faster. Katulad ngayon. He started learning to walk right after their very first birthday.

“Hey, baby!” she greeted her baby.

Nakakalawang hakbang pa lang ito ngunit agad na niya itong sinalo dahil sa kaba na baka ay matumba ito sa lapag. Mabilis namang yumakap sa kanya ang anak kaya agad siyang tumayo habang karga ito.

“Nakauwi ka na pala. Kumusta trabaho mo?” tanong ni Eris na nakatingin sa kanya.

She kissed her son’s forehead first before she sat beside Eris. Kinandong niya si Eros sa kanyang hita at agad namang nilaro ng bata ang kanyang suot na necklace.

“Bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari ba?” muling tanong ng pinsan nang mapansing parang wala siya sa mood.

Ria let out a very deep breath and turned to her cousin. “I’m scheduled for another client outside of the country.”

“Really? Oh, e bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa sa hitsura mo ngayon? Anong nangyari? Hindi mo ba gusto ang kliyente? Kung nag-aalangan ka, pwede naman siguro kitang samahan, ‘di ba? I’ll take care of the kids,” presenta ni Eris.

She looked at her cousin in the eyes and said, “Sa Pinas ang punta ko, Eris. Sa Pilipinas.”

“COME IN,” HE said using his very authoritative voice.

Otomatikong bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang sekretarya na may dalang folder. Lumapit ito sa kanyang table at nilapag ang folder sa mesa.

“Ito na po ang hiningi niyong information tungkol sa arkitektong ipapadala ng Melan Architecture Firms. Nandiyan din po ang information sa ibang architect at engineer sa ibang firms,” she said.

“Bakit isa lang ipapadala ng Melan?” kunot-noo at malamig na tanong niya sa sekretarya.

“According to Chief Executive Officer of Melan Architecture Firms, most of their architects are full of schedule. Miss Montellena is the best of the best architect they can send us,” the secretary politely responded.

Tumango na lang si Leon at pinalabas na ang kanyang sekretarya. Hindi na rin naman nakakapagtaka sa Melan Firms ‘yon. Dumarami ang mga buildings at infrastructures sa buong mundo. Kilala ang Melan Firms sa kanilang outstanding employees. Sa pagkakaalam niya ay marami itong branch.

Binuksan na ni Leon ang folder at unang bumungad sa kanya ang personal information ng nag-iisang architect na mula sa Melan Firms. His brows automatically raised after seeing the photo of the woman named Chandria.

“Chandria Montellana,” pagsambit ni Leon sa pangalan ng dalaga.

Bakit ganoon? Bakit parang pamilyar sa kanya ang mukha ng babaeng ‘to? At isa pa, her surname rings a bell for a moment.

He lifted his gaze when the door suddenly burst open. Pumasok sa loob si Marco, ang kanyang pinsan at karga ang anak niyang malapit nang magdalawang taon.

“What are you doing here?” masungit niyang tanong.

Humalakhak si Marco at bumaling sa anak nito. “Go on and greet Tito.”

Nangunot ang noo ni Leon. “Are you seriously telling that kid to walk?”

“She can walk, Leon. She’s turning two this month.”

Maingat na binaba ni Marco ang bata at hinayaan itong maglakad palapit sa kanya. Nairita naman ang binata dahil parang hindi nababahala si Marco na matumba ang bata kaya naman tumayo si Leon at sinalubong na lang ang bata at kinarga ito.

Humalik ang bata sa kanyang pisngi at yumakap sa kanyang leeg.

“What are you doing here, Singh?” masungit na tanong niya sa pinsan.

“Relax. Hindi ba kami pwedeng dumalaw rito?” Umupo si Marco sa upuan at tumingin sa kanya. “Why are you so busy with work? Wala ka na bang planong mag-asawa?”

“My plans are none of your business,” he coldly replied. Lumapit siya sa pinsan at binigay rito ang bata. “Spit what you wanted to say and leave.”

Mahinang napailing ang kanyang pinsan sa kasungitan ng kanyang ugali. Sanay na sila sa ugali niya ang pinsan kaya naman hindi na siya nag-aabala pang makipagplastikan dito. Hindi rin niya alam kung paano maging plastik.

“Can I borrow your intel? Or investigator? Or anything to help me find someone?” tanong nito.

He knew it. This man needs something. Imposible namang magpunta lang ito rito dahil bored siya, ‘di ba?

“Who?” tanong niya.

“Her old friend, Ria.” Marco let out a deep breath. “It’s been two years. After our wedding, hindi na namin siya nakita. We tried asking her parents but they’re always busy with their works and sometimes, they’re out of town.”

Bumalik si Leon sa kanyang kinauupuan saka bumaling  sa pinsan.

“Or maybe she wants to cut connections with you,” sambit niya at muling tinignan ang folder. “Or maybe she likes you and after you married your wife now, she decided to move away. She’s doing you a favor.”

Mahinang natawa. “That’s impossible. Chandria will never like a guy like me. She has her standards so high that the man she adores only exists in books.”

Bahagyang natigilan si Leon nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng na sa folder na hawak niya ngayon. He looked at his cousin and asked, “What’s her name again?”

“Chandria,” pag-uulit ng pinsan sa sinabi nito kanina na nakakunot ang noo. “Why?”

Muling tumingin si Leon sa hawak niyang papel at nangunot ang noo. The architect is also named Chandria. Pero imposible naman sigurong siya ‘to, ‘di ba? Maraming Chandria sa buong mundo.

“Okay,” sagot ni Leon. “My secretary will give you his contact number. Get lost now.”

Tumango naman si Marco at nagpaalam na. Muling binaba ni Leon ang tingin sa papel kung saan nakasaad ang impormasyon tungkol kay Chandria Montellana. Hindi niya maintindihan kung bakit interesado siya rito.

“Twenty six and single,” sambit ni Leon habang binabasa ang information.

Hmm, interesting.

INILIBOT NI RIA ang paningin sa buong paligid at humugot ng malalim na hininga sa huling pagkakataon bago hinilot ang sintido. Tulog na tulog ngayon ang kanyang dalawang anak habang siya ay busy kakaimpake ng mga gamit na dadalhin niya patungong Pinas.

Ang pinangako niya sa sariling babalik ng Pinas kapag handa na siya ay na-jinx. Hindi naman pwedeng iwanan niya rito ang kanyang mga anak na hindi pa nga halos natutuong maglakad, lalo na si Leil. And she’s worried and will probably can’t concentrate if she’ll leave her babies here.

“Tapos ka na mag-impake?” tanong ni Eris.

Umupo si Ria sa couch at tumango. “I think it’s time to find a good nanny, Eris. I don’t think kaya kong alagaan pa ang mga anak ko while I’m working. I want to be a hands-on mom to them but I have to work hard too for them.”

“Don’t worry.” Ngumiti sa kanya si Eris. “Ako na ang hahanap ng yaya nila. And sa pasahod naman ng yaya, ako na ang magbabayad sa isang yaya para hindi ka masyadong mabigatan sa bayarin.”

She turned to her cousin and held her hand. “Thank you so much for everything, Eris. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka.”

Ngumiti ito sa kanya at hinawakan din siay sa kamay. “Ano ka ba? It’s fine. Minsan ko ng nasabi sa ‘yo na nandito ako palagi kahit pa hindi mo ako kailangan. I am always here, Ria. You’re like the sister I never had.”

Hindi mapigilan ng dalaga ang maging emosyonal at niyakap ang pinsan. Niyakap din siya pabalik nito kaya naman naipikit na lang niya ang kanyang mga mata. After a few moments, nauna siyang kumalas sa yakapan nilang dalawa.

“Nakausap ko ang isang friend ko sa Manila at binebenta niya sa ‘kin ang isa niyang condo in Loyola Heights. Do you want to buy it? Or gusto mong sa bahay ka ng mga magulang mo uuwi?”

Ria took a very deep breath and sighed. “As much as I want to, but I don’t want them to know I’m heading home. Kapag nalaman nila mommy na nakauwi na ako ng Pinas, they’ll surely force me to live with them. I’ve been hiding my babies, Eris. Hindi ko pwedeng basta-basta na lang na ipakita sa kanila at ipaalam sa kanilang may anak na ako.”

“So, you’re telling me that you don’t want Tita and Tito to know you’re going home? I mean, you’re going back to the Philippines? Paano kapag bibisita sila rito? What are you gonna do?”

“I’ll lie,” simpleng sagot ng dalaga. “I’ll tell them I have a big project somewhere outside New Greece. Hindi naman siguro obvious kung ganoong rason ang sasabihin ko, ‘di ba?”

Napatango si Eris. “Okay, I get it. Don’t worry. I got your back, Ria. Doon na lang muna kayo sa condo. Bibilhin ko na lang ‘yon para sa inyo.”

“No need, Eris. Ako na ang bahala sa titirhan ko, namin ng mga anak ko. Maraming salamat sa lahat, Eris.”

“Anything, Ria. No worries. I got you.”

SenyoritaAnji

oh, to have a cousin like Eris. huhu. anyways, thank you po sa gems! grabe ang bilis ng reads at gems. maraming salamat sa mga top fans ng story na si Miss Zen Yang, Ianiee, at Garry! sobrang na-appreciate ko po huhu

| 2
Comments (13)
goodnovel comment avatar
Lhene Serrano Lasala
paunlock nmn Po pretty please ...
goodnovel comment avatar
Ruby Garong
bakit po bumalik lahat sa umpisa sana sa chapter na aking magbasa chapter 70
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana all may pinsang eris.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status