Share

Kabanata 50

Author: periwinkleee
last update Last Updated: 2026-01-30 21:58:43

Napaiwas ng tingin si Damon at hindi na nagsalita pa. Nang makita naman ni Mara na wala na itong balak magtanong pa ay napabuntong hininga siya.

Habang sumusubo ay nakamasid siya sa kilos ni Damon gamit ang kanyang peripheral vision. Kahit na kumakain lamang ay elegante pa rin ang kilos nito, mabagal pero masinop. Kakaiba ang tensyon sa paligid, bukod sa tahimik na si Damon at madaldal na si Winter ay hindi na nakakain pa nang maayos sina Mara at Amie.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ring kumain si Damon at kumuha siya ng tubig bago sumimsim dito. Napatingin naman si Mara sa kanya para tignan kung tapos na ba itong kumain.

Habang umiinom ay naramdaman niya na nakatingin sa kanya si Mara kaya tumitig din siya dito pabalik. "Anim na beses kang tumingin saakin the whole time. Do you need something, Mara?"

Malinaw nga naman na may kailangan talaga siya kay Damon ngunit nagtataka siya kung paano nito nabilang kung ilang beses siyang tumingin sa kanya gayong kumakain lang naman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 52

    Matuwid at may paninindigan ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni MaraNabigla naman si Diane sa biglaang pagtanong ni Mara at hindi kaagad ito nakapagsalita.Ilang sandali siyang napatigil at bago sapilitang na sumagot, “Ang sinasabi ko ay ang tungkol sa pagpapalaglag mo ng anak niyo. Anong mga kababalaghan ang pinagsasabi mo, Mara?”"Oo, alam ko naman ang sinasabi ko. Pero sa tingin mo, ipapalaglag ko ba ang bata kung hindi iyon ginawa saakin ni Damon?”“Kahit na, Mara. Kasalanan pa rin ang ipalaglag ang bata.” Dahil para kay Diane, isang napakalaking kasalanan ang pagpapalaglag ng bata. Bahagyang tumawa si Mara at mahihimigan ang pangungutya sa tono nito at marahan niyang pinisil ang kanyang labi. Yumuko siya at nag-isip isip. May mga tao talaga na kahit nariyan na ang katotohanan ay magbubulagbulagan pa rin siya o magtatanga-tangahan at hindi na mapipigilan ang bagay na iyon. Sa huli ay gusto lamang ng mga Gallagher na kunin ang anak niya tapos ay aabandunahin na siya.Doon

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 51

    Nanlamig ang mukha ni Mara nang makita niyang magkasama sina Lean at Rica. Nakakalokong ngumisi sa kanya ang pinsan. "Mara, what a coincidence." Nagkataon lang? Alam ni Mara na hindi iyon nagkataon lang. Siguro ay nalaman na nila ito kay Damon pa"Mara, mabuti na lang ay mabilis kang nakaiwas." Sita sa kanya ni Lean at nakataas pa ang kilay nito habang nakatayo pa rin sa gilid. Silang tatlo lamang ang nasa lugar na iyon kaya inilabas niya na ang kanyang tunay na sungay, kasama ng totoong intensyon niya sa pagbundol kay Mara. Mariin naman siyang tinignan ni Mara. "Gust mo akong sagasaan?""Shut it! Huwag mo akong pagbintangan. Hindi lang talaga sumunod ang kamay ko na nakahawak sa manibela kaya sa maling direksyon ko naitama ang sasakyan."Humakbang naman papalapit si Mara sa kanila at nagtaas siya ng kilay. "Talaga ba?"Napakislot naman ng labi si Lean at ngumisi siya. "Oo naman."Hindi na siya pinatapos pa ni Mara sa kanyang sasabihin at buong pwersa niya itong sinampal dahilan kun

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 50

    Napaiwas ng tingin si Damon at hindi na nagsalita pa. Nang makita naman ni Mara na wala na itong balak magtanong pa ay napabuntong hininga siya. Habang sumusubo ay nakamasid siya sa kilos ni Damon gamit ang kanyang peripheral vision. Kahit na kumakain lamang ay elegante pa rin ang kilos nito, mabagal pero masinop. Kakaiba ang tensyon sa paligid, bukod sa tahimik na si Damon at madaldal na si Winter ay hindi na nakakain pa nang maayos sina Mara at Amie. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ring kumain si Damon at kumuha siya ng tubig bago sumimsim dito. Napatingin naman si Mara sa kanya para tignan kung tapos na ba itong kumain.Habang umiinom ay naramdaman niya na nakatingin sa kanya si Mara kaya tumitig din siya dito pabalik. "Anim na beses kang tumingin saakin the whole time. Do you need something, Mara?"Malinaw nga naman na may kailangan talaga siya kay Damon ngunit nagtataka siya kung paano nito nabilang kung ilang beses siyang tumingin sa kanya gayong kumakain lang naman

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 49

    May alam na nga ba si Damon tungkol sa mga bata kaya siya nagpakita sa kanilang dinner? Na para bang sa tuwing makakarinig ng balita si Mara mula rito pakiramdam niya ay may nalaman na ito sa kanyang sekreto. Para niya nang nakikita na isang araw, susulpot si Damon sa kanyang harapan na may kasamang police at kukunin sa kanya ang mga bata. Dahil sa laging pag-iisip niya ng ganong bagay ay iba na ang nagiging epekto nito sa mental health niya. Humilig naman si Mara sa cellphone na hawak ni Amie upang pakinggan ang sasabihin ni Damon. "Hindi ba ay ininvite mo ako sa isang dinner ngayong bilang treat mo saakin? Hindi mo ba ako iwi-welcome?"Pilit namang ngumiti si Amie. "Nako sir. Saan po ba kayo banda para ma-welcome kita?"Pakitang tao lamang ang pag-aanyaya niya bilang pagbigay na rin ng paggalang sa kanya ngunit hindi inaasahan ni Amie na papatusin talaga ni Damon ang dinner, dahil sinabi na nito na hindi siya makakapunta.Nang matapos ang tawag ay mabilis na napatayo si Amie at ali

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 48

    "Kung ganon, hijo bakit hindi mo sabihin sa kanya? Hindi ka nagkaroon ng bibig Damon para manahimik lang." Pag-aalala ng matanda. Kung ayaw man ni Damon na makipag-divorce ay dapat sabihin niya ito at linawin ang lahat. Dapat din siyang gumawa ng paraan para mapatawad na siya nang tuluyan ni Mara. Ngunit mabigat din ang pakiramdam ni Damon sa tuwing titingin siya sa mga mata ni Mara na may distansya, pagkamuhi, at walang pagkakakilanlan.Napabuntong hininga ang mantanda. "Noon, nang sinabi ko sayo na si Mara ang papakasalan mo ay hindi dahil sa utang na loob natin sa kanyang papa. Nakita ko na matino siyang babae at hindi ko akalain na ganyan ka sa kanya. Hindi ka man lang gumawa ng paraan para manatili siya sa piling mo." Mahinang hinampas hampas ng matanda ang kanyang hita dahil naiinis siya sa kanyang apo. Aminado siya na magaling si Damon sa lahat ng bagay ngunit kahinaan niya ang pakikipagrelasyon sa babae. Gusto niyang hilain ang tenga nito gaya noong bata pa siya at tanungin

  • Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband   Kabanata 47

    Napakunot noo naman si Lean at napatanong sa sarili kung kinakampihan na nga ba ito ni Damon. Nanikip ang kanyang dibdib sa naisip, dahil kung tunay nga talaga siyang mahal ni Damon ay kaagad niyang kukunin ang kwintas kay Mara. Kung gusto niya talaga ay kaya niya naman talagang gawin iyon, ngunit mas pinili niyang pagbigyan ito. Ang dating Damon ay hindi niya hahayaan na mangyari ang ganoong bagay sa pagitan nilang dalawa ni Mara. Lagi niyang pinipili si Lean at kinakampihan sa lahat ng oras. Ngunit iba na ang nangyari sa gabing iyon, may nagbago na hindi niya maipaliwanag.Nakaramdam ng pagkabahala si Lean. Naisip niya na baka may gusto pa si Damon kay Mara. Ipinilig niya ang kanyang ulo at iwinaksi ang ideyang iyon. Kahit kailanman ay hindi ito magkakagusto kay Mara dahil limang taon ang nakalipas, wala itong nararamdaman sa babaeng iyon kaya mas lalo naman na sa kasalukuyan. Napangitngit si Lean. Hindi siya papayag na agawin ni Mara si Damon at ang kwintas na iyon. Mabilis siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status