“Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo, Mara. Hindi pa rin ba dumating si Damon?” Nakatayo lamang si Mara sa harap ng kabaong ni Mirasol, ang yumaong nitong ina, suot nito ang isang puting bestida pahiwatig na siya ay nagluluksa sa mga oras na iyon. Ang mga kandila na nasa kanyang harapan ay nagbibigay liwanag sa maputla niyang mukha.Napayuko siya at napatingin sa cellphone niyang paubos na ang battery, hindi niya nasagot ang mga tawag ni Damon sa kanya. Nang namatay ang kanyang ina ni-minsan ay hindi siya umalis sa burol nito sa loob ng pitong araw kahit na siya ay pitong buwan nang buntis. Tatlong taon na silang kasal ni Damon ngunit kahit isang beses ay hindi ito nagpakita sa burol. Laging iniintindi ni Mara ang asawa na abala lamang ito sa trabaho at iyon ang lagi niyang paalala sa sarili.“Marami po siyang inaasikaso kaya hindi siya makakapunta.” Mamasa masa pa ang kanyang pisngi dahil sa luhang hindi pa natuyo ay nanghihina niyang hinaplos sa huling pagkakataon ang salamin
Last Updated : 2025-12-10 Read more