Share

Chapter 4

“KAPAG sinabi ko na umire ka umire Irene, okay?!”

Parang nag-eeco sa pandinig ni Irene ang boses ng kaniyang doktora.

Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito lalo na ramdam na ramdam niya ang sakit sa kaniyang balakang na parang mahihiwalay ito sa dalawa.

Ngunit sa panahon na iyon ay wala siyang lakas ng loob para manganak, nanghihina siya.

“Irene!”

Muling tawag sa kaniya na ikinailing niya ng marahan.

“H-hindi ko kaya doktora,”

Hindi nagustuhan ng kaniyang doktora ang narinig na iyon kung kaya tinapik tapik nito ang kaniyang pisnge.

“Kapag hindi mo ginawa ay mawawala sa’yo ang anak mo! Ang tagal mong inalagaan ang bata sa loob ng tiyan mo ngayon ka pa ba susuko?”

Pagpapalakas ng loob nito habang hinihimas ang kaniyang tiyan.

Dahil sa narinig ay sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha.

“P-pero si Kayla…”

Natigilan sandali ang doktora niya at napatingin sa mga nurses na kasama niya. Hindi lingid sa kanila ang nangyari kay Kayla dahil nakita nila ito ng dinala sa ospital bago pa siya dumating.

“Gagaling si Kayla, okay? Irene lalabas na ang bata umire ka na!”

Kahit na nahihirapan ay sinubukang umire ni Irene ngunit hindi sapat iyon upang ilabas ang bata.

Na-alarma ang mga nagpapa-anak kay Irene dahil kapag hindi niya nailabas agad ang bata ay siguradong hindi ito mabubuhay.

“Magsasagawa tayo ng cesarian ngayon ‘din!”

Deklara ng doktora ni Irene na ikinatango naman ng mga ito at agad na kumilos.

Walang magawa si Irene kundi ang humingi ng tawad sa kanila habang umiiyak at tinuturukan ng anesthesia.

“Shh… sige na Irene, kami ng bahala sa anak mo,” sabi nito sa kaniya at maya-maya ay naging tahimik na ang paligid habang ginagawa ang cesarian sa kaniya.

Ngunit ang ikinagulat ng mga ito ay ng makitang dalawa ang bata na sinapupunan niya.

Napangiti ang mga ito dahil doon ngunit hindi muna sinabihan si Irene dahil siguradong matutuwa ito.

Si Irene naman ay tulala nalang na nakatingin sa kisame. Mayroong nakatabing na kurtina sa bandang tiyan niya upang hindi niya makita ang nagaganap. Wala naman siyang nararamdaman hindi katulad kanina.

Bigala niyang naalala ang laging sinasabi sa kaniya ni Kayla na madadalian siyang manganak kapag naglakad sila palagi sa umaga ngunit ngayon sa tigas ng kaniyang ulo ay naging cesarian siya.

Maya-maya ay nakarinig siya ng isang iyak ng bata.

“D-doktora? Lumabas na ang anak ko?”

Nakaramdam siya ng kakaibang saya sa kaniyang puso ng marinig ang iyak ng kaniyang anak. Feeling niya ay lumabas na ang kalahati ng kaniyang buhay.

Ngunit ang mas ikinagulat niya ay ang isa pang iyak ng sanggol na ikinalaki ng mata niya.

“D-dalawa?!”

Sumilip sa kaniya ang isang nurse habang may ngiti sa labi nito.

“Kambal ang anak mo ma’am Irene!”

Hindi makapaniwala si Irene sa kaniyang narinig at muling napatulo ang kaniyang luha.

Kaya naman pala ang bigat ng kaniyang tiyan dahil dalawang bata ang kaniyang nasa tiyan.

‘Mommy, daddy, nakikita niyo po ba ako? Dalawa ang anak ko,’

Mahinang bulong niya sa sarili habang umiiyak.

‘S-salamat, mommy, daddy!’

***

IRENE

NAGISING ako na mga anak ko agad ang aking hinanap. Tandang-tanda ko pa ang nangyari ng manganak ako at kambal sila!

“Ma’am Irene, sakto at gising ka na,”

Napatingin ako sa pinto at doon ay pumasok ang dalawang nurse na may dalang infant crib kung saan andoon ang dalawang maliit na sanggol.

“S-sila na ba ang mga anak ko?”

Nakangiting tumango ang mga ito sa tanong ko.

“Ito po ang unang lumabas, si baby boy then sunod si baby girl,”

Nang maramdaman ko ang init ng katawan nila nang ibinibigay sila saakin ay hindi ko maiwasan na maiyak.

Ipapabuhat sana nila ito saakin kanina pero nawalan ako ng malay, ngayon tulog na tulog silang dalawa habang nasa bisig ko.

“Mababait sila ma’am, hindi sila madalas kung umiyak. Kapag nagugutom lang tyaka sila iiyak,”

Napatingin ako sa nurse ng sabihin niya iyon kaya hindi ko na naiwasan na magapasalamat.

“Naku ma’am walang ano man! Hihingin na nga po pala ang names nila,”

Sabi nito saakin at inilabas nila ang kanilang clip board upang isulat doon ang pangalan ng kambal.

Ako naman ay napatingin muli sa dalawang anghel na dumating sa buhay ko.

Actually, marami kaming pinagpilian ni Kayla, syempre katulong ko siya sa pag-iisip ng pangalan.

Dahil hindi namin alam kung babae o lalaki ba ang anak ko ay tig-isang boy and girl name ang inisip namin.

“Ivan and Kylie Legazpi, ‘yan ang pangalan nilang dalawa,”

Nakangiti kong sabi at lumingon sa nurses na may ngiti sa kanilang mga labi.

Tama, hinango namin ang pangalan saaming dalawa lalo na at kaming dalawa ang nag-alaga sa kanila. Ang nakakatuwa lang ay hindi ko akalain na magagamit namin ang dalawang pangalan na iyon, siguradong matutuwa si Kayla kapag nalaman niya.

Dahil doon ay naalala ko si Kayla.

“N-nurse, kumusta na si Kayla? Nandito siya diba? Anong lagay niya?”

Natigilan sila sa tanong ko habang ang kambal ay biglang umiyak na tila alam nila ang sinasabi ko kaya agad ko naman silang pinatahan.

“Ma’am tingin ko kailangan na munang dumede ng kambal, recommended ho namin na until six months breastfeed muna bago lumipat sa bottle,”

Tumango naman ako sa sinabi nila at pinadede na muna ang mga ito. Gutom na pala sila kaya umiyak.

Muli akong tumingin sa dalawang nurse at kita ko na hindi sila makatingin saakin. Nalungkot ang puso ko dahil doon.

Anong nangyayari kay Kayla?

---

LUMIPAS ang isang linggo tyaka ko lang nagawang bisitahin si Kayla.

Sa pintuan palang ng kwarto nito ay hindi na ako makagalaw ng makita ko siyang nakahiga sa hospital bed at natutulog.

Maputla na ang katawan nito at malaki na ang pinayat niya, malalim na ‘rin ang kaniyang mga mata na tila puyat palagi.

Iniwan ko muna ang mga bata sa nursery room at pinayagan na nila akong bisitahin siya.

Wala kaming komunikasyon ni Kayla sa nakalipas na mga araw, tanging si ate Che lang ang bumibista saakin at binabalitaan ako tungkol sa kalagayan ng kaibigan ko. Tuwang-tuwa pa nga ito sa kambal.

Nang makalapit ako sa kaniya ay kusang bumukas ang mata niya dahil mukang naramdaman niya ako na naroroon.

Nagulat siya ng makita ako habang ako naman ay agad na napaiyak.

“K-kayla, bakit? Bakit hindi ka nagsabi saakin?”

Tumulo na ‘rin ang luha niya dahil sa tanong ko at paulit-ulit na humingi ng tawad saakin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng sobrang higpit.

Pangako, hindi kita iiwanan Kayla, kahit ano pang mangyari gagawin natin ang lahat para gumaling ka.

Matapos naming umiyak ay ipinaliwanag niya saakin ang lahat. Iyon pala ay alam iyon ng mga magulang niya at tumatanggap na siya ng basic treatment na nahinto ng mawala ang mga ito.

Simula ‘daw noon ay hindi na niya pinansin ang sakit niya tutal ay ayos naman siya ngunit bigla nalang ‘daw itong lumitaw at unti-unting tinatalo ang katawan niya.

Pinagalitan ko siya, ako naman ang nag sermon sa kaniya dahil hindi manlang niya sinabi saakin. Kung hindi pa siya madadala sa ospital ay hindi ko nalaman.

Nagkapatawaran ‘din naman kaming dalawa at ako agad ang pinagalitan niya dahil nalaman niya pala na mahina ang loob ko nu’ng manganak ako.

Natawa nalang ako dahil doon at nagkwento ako tungkol sa kambal.

Tulad ng sabi ko sa kaniya ay dinala ko ang kambal sa kaniya at masaya niyang binuhat ang mga ito. Kita ko ang saya sa muka niya, alam ko na matagal na niyang iniintay na mabuhat ang kambal.

“Grabe, hindi ako makapaniwala na dalawa sila! Tiganan mo, kamukang kamuka mo si Kylie! Siguro kamuka ng daddy niya si Ivan ano?”

Napangiti ako sa sinabi niya at nagkibit balikat. Ano nga bang malay ko sa totoong ama nila? Pero dahil na ‘rin nabanggit ni Kayla ang tungkol sa ama ng mga ito ay sinabi ko sa kaniya ang balak ko.

“Kayla, balak kong hanapin ang daddy nila,”

Natigilan siya sa sinabi ko at hindi makapaniwalang napatingin saakin.

“Akala ko ba wala kang balak na hanapin pa ito?” Napatango ako sa sinabi niya dahil totoo iyon.

Sinabi ko talaga na hindi ko na hahanapin ang daddy ng anak ko dahil bukod sa hindi ko siya naaalala ay hindi ko sigurado kung tatanggapin niya ang mga bata.

Sigurado naman ako na hindi niya ‘rin ginusto ang nangyari saamin, baka nga magulat pa ‘yun na bigla akong lilitaw tapos malalaman niya na may anak na siya hindi ba?

“Ayoko sana talaga, kaso naaawa ako sa mga anak ko kung hindi nila makikilala ang daddy nila,” napatingin si Kayla sa kambal na dilat na ang mga mata at nakatingin sa kaniya na tila ba nakikita siya.

“Tama ka, hindi ko ‘rin gusto na lumaki sila ng walang ama. Paano mo siya hahanapin?”

“Babalik ako sa bar, siguradong may list sila doon,”

***

NAPATIGIL si Roger at Eugene sa pag-aasikaso sa isang file ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng office nito at parang masisira iyon sa lakas ng pagbukas nito.

“Tumawag saakin ‘yung staff sa bar, Eugene! Sabi nila may naghahanap ‘daw na babae sa unit na tinuluyan mo noon!”

Agad na napatayo si Eugene dahil sa narinig na sinabi ng kaibigan at dali-daling kinuha ang kaniyang white cane.

“Bring me there, Mason.”

Seryosong sabi niya na ikinatango naman ni Mason.

Nagkatinginan sila ni Roger at nag thumbs up pa ito sa kaniya kaya napangiti silang dalawa.

---

“ARE you trying to say that you don’t have a CCTV?!”

Agad na pinigilan ni Mason at Roger si Eugene ng muntik na nitong sugudin ang staff na kausap nila tungkol sa babaeng naghahanap dito.

“Eugene, calm down! Kung hindi nag fa-function ang CCTV nila sa paligid! Maraming CCTV sa paligid!”

Pagpapakalma ni Mason sa kaibigan na ikinatayo ng maayos ni Eugene at binitawan na nila ito.

Natakot naman ang lalaking kausap nila dahil muntik na siyang sugudin ni Eugene, kilala niya ito at sa pagkaka-alam niya ay masungit ‘daw ito. Mukang hindi nagkakamali ang mga chismis na iyon.

Humarap si Mason sa lalaki at nginitian ito.

“Thank you sa information, but please fix your CCTV. Malaking tulong sana kung nakuhaan niyo siya,”

Ngumiti ng alanganin ang lalaki sa kaniya at humingi ng tawad pagkatapos ay dali-daling umalis doon.

“Do whatever you can Mason! Nanggaling na siya dito! Hindi na ako papayag na hindi natin siya makita!”

Seryosong sabi ni Eugene na ikinatango naman nito.

Buong akala niya talaga ay makikita na nila ang babae, ngunit pagkarating nila doon wala na pala ito. Tapos nang tanungin nila ang CCTV ay hindi ‘raw iyon gumagana at inaayos pa.

Kung minamalas ka nga naman, napakaraming araw para masira ang CCTV at talagang sumakto pa kung kailangan pumunta ang babaeng kinababaliwan ni Eugene.

Napatingin si Mason kay Roger at tinanguan siya nito kaya napabuntong hininga nalang at naiiling na sumunod sa mga ito sa kotse.

Laptop nalamang niya ang gagamitin para ma-hack ang ibang CCTV sa paligid ngunit napahinto siya sa pagkalikot sa laptop ng makitang kahit isa ay hindi gumagana.

Mayroong ibang gumagana ngunit hindi na kita doon ang babae na sinasabi ng lalaki.

Ayon dito ay nakasuot ito ng isa polo na kulay puti at itim na slacks, ngunit wala siyang makita na babaeng ganoon ang suot.

Nag-aalala siyang napatingin kay Roger na nasa likuran nila. Siya kasi ang driver tapos nasa tabi niya si Eugene at sa likuran si Roger.

Pinanlakihan siya ng mata nito ngunit napailing lang siya.

“What is it, Mason? Did you find her?”

Nagulat sila pareho ng magsalita si Eugene, ang lakas talaga ng pakiramdam nito.

“E-eugene ano kasi—”

“Go straight to the point,” putol na sabi nito na ikinalunok nanaman niya.

“W-wala akong makita. ‘Yung CCTV sana na nakatutok dito sa kabilang kalsada pero sira. Doon naman sa iba walang nahagip na kuha nu’ng babae. Tingin ko nag taxi lang siya,”

Nakita ni Mason ang pagkuyom ng kamao ni Eugene na ikinalunok niya.

“Eugene, siguro may paraan pa. Kumalma ka muna, tutulungan ko si Mason,”

Agad na nagpasalamat si Mason kay Roger ng iligtas siya nito sa galit ng kaibigan.

“Sh*t!”

Akala niya’y hindi na ito magagalit ngunit nagulat siya ng biglang hampasin ni Eugene ang nasa harapan nito.

“Bakit hindi gumagana ang mga putang*na na CCTV dito?! I want you to handle that, Mason! Kapag hindi pa naayos ang mga CCTV dito ipapasara ko lahat ng business nila!”

“O-oo sige,”

Hindi kailangan magtaka ni Mason kung paano iyon magagawa ng kaibigan dahil kahit anong negosyo pa ‘yan kaya niyang pabagsakin, sa yaman ba naman ng mga Alvarez sisiw lang iyon sa kaibigan.

***

IRENE

“IRENE hija? Pwede ba kitang makausap sandali?”

Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag saakin, paglingon ko ay nakita ko ang doctor ni Kayla kaya pakiramdam ko mas lalong bumigat ang aking loob.

Pumayag naman ako sa gusto niya at sinama ako nito sa office niya. Kinakabahan ako, sa itsura palang nito ay alam ko na hindi na maganda ang ibabalita nito saakin.

Galing pa naman ako sa labas at mabigat ‘din ang loob ko dahil hindi ko nakilala ang ama ng mga anak ko.

Sabi sa bar noon pa ‘daw nabura ang listahan nila ng gabing iyon sa bar. Wala naman na akong magagawa kaya hindi na ako nagtagal doon at umalis na.

“Doc? May probelma ba sa kaibigan ko?”

Mayroon siyang ibinigay saakin na mga X-ray at CT-scans kung kaya kinuha ko naman iyon.

“Tatapatin na kita Irene, si Kayla ay mayroong brain cancer which is called anaplastic ganglioglioma. Unfortunately, in rare cases the glial cells within a ganglioglioma can transform to a higher grade. When this happens, they are reclassified as a grade 3 glioma because they have become more aggressive and more difficult to treat.

At this stage they would be considered cancerous. This type of tumor tends to recur after surgery, so radiotherapy and chemotherapy would be used to help control the progression,”

Napatahimik ako sandali dahil sa sinabi ng doctor. Prinoproseso pa ng utak ko ang lahat ng sinabi niya, it means require ng surgery hindi ba?

“K-kung ganon o-operahan po ba si Kayla? Gagaling po ba siya kapag na-operahan na?”

“Tatapatin na kita Irene, maliit ang chance na makaligtas siya dahil sa grade ng kaniyang cancer kahit na ma-operahan siya. Kaya i-re-recommend ko sa’yo na dalhin siya sa ibang bansa. Na-irecommend na namin siya sa pinakang magaling na hospital sa states, malaki nga lang ang gagastusin niyo. Pero hindi mo masisigurado sa’yo kung makakaligtas siya,”

Mas lalo akong nanghina dahil sa sinabi nito saakin.

Bigla kong naalala na nitong nakaraang mga araw lang bago mangyari ang lahat ng ito ang saya pa namin.

Bakit bigla nalang nangyari ito?

Bakit dumating ang ganitong kabigat na probelma?

Hindi ko kaya na mawala si Kayla, siya nalang ang natitira kong pamilya bukod sa mga anak ko.

Kapag nawala siya hindi ko kakayanin. Paano ko mapapalaki ang kambal ng ako lang?

“P-pero may chance pa naman po na mabuhay siya diba?” tumango siya sa tanong ko kaya nabuhayan naman ako dahil doon.

“Pero malaki ang gagastusin niyo—” hindi ko pinatapos ang sasabihin niya saakin dahil inunahan ko na siya.

“Wala po akong pakialam sa gastos doc, basta gumaling si Kayla. Kailan po ba kami lilipat sa ibang bansa?”

---

“IRENE? Nakita mo ba ang daddy ng kambal?”

Ngiting tanong ni Kayla saakin ng pumasok ako sa loob ng silid niya.

Pagkatapos akong kausapin ng doctor ay kinausap ko ang mga nagbabantay sa kambal dahil aalis na kami bukas. Alam ko na masyadong mabilis ang lahat pero sabi ng doctor ni Kayla ay kailangan niyang ma-operahan agad lalo na hindi sigurado kung gagaling siya after ng operation.

Kapag na-operahan siya kailangan pa niyang magtagal sa ospital para mamonitor kung tuluyan bang nawala ang cancer niya sa utak.

“Irene?”

Napakurap ako ng tawagin akong muli ni Kayla. Ngumiti ako sa kaniya at naupo sa tabi niya.

“Hindi ko nakita e, sabi sa bar nawala ‘daw ang list nila kaya bumalik nalang ako dito,”

“Ganoon ba? Sayang naman. Pero bakit parag problemado ka jan? Pwede naman tayong tumayo na mommy at daddy ni Ivan at Kylie! ‘Wag kang panghinaan ng loob jan!”

Ito ang nagustuhan ko kay Kayla, palagi siyang positive kung mag-isip. Kahit na alam kong alam niya sa sarili niya na unti-unti ng lumalala ang sakit niya.

Naalala ko sabi ng nurses saakin na sumasakit na ang ulo ni Kayla gabi-gabi at nagsisimula na siyang sumuka ng dugo.

Mas malaki na ang pinayat niya ngayon at ayon sa nurses malaki ang posibilidad na ipakalbo na si Kayla. Kapag naiisip ko ‘yun naiiyak nalang ako.

“Kayla may sasabihin ako sa’yo,” ngumiti siya saakin habang nakatingin at tila inaabangan ang susunod na sasabihin ko.

Humugot muna ako ng maraming lakas ng loob bago nagsalita.

“Nakausap ko ang doctor mo, ang sabi niya kailangan ka nang ilipat sa states bukas for your operation. Sabi niya maliit ang chance na malampasan mo ang sakit mo pero hindi tayo pwedeng sumuko. Kahit na mahal ang operation ay kailangan mo pa ‘ring magpagamot okay? Hindi ka namin iiwan ng kambal,”

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya pero agad naman niya iyong pinunasan.

Ngumiti siya ng malaki saakin at umiling, nakikita ko ang pagkislap ng mga mata niya pero mas halata ko na ang pagod sa tingin na iyon.

Hindi na niya magagawa pang itago saakin ang nararamdaman niya dahil unti-unti nang nanghihina ang katawan niya.

“T-thank you, Irene. Nararamdaman ko naman ang kakaiba saakin kaya expected ko na ito. Mabuti nalang at naibenta na natin ang properties namin at ang kumapanya, magagawa nating bayaran ang bayarin at makakalipat tayo sa ibang bansa,”

Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil sa sinabi niya.

Alam kong mahirap sa kaniya ang sitawasyon niya pero positive pa ‘rin siya at hindi manlang siya tumutol tungkol sa pagpapagamot niya.

Gusto pa niyang mabuhay, gusto pa niyang malampasan ang sakit na ito kaya sasamahan ko siya hanggang gumaling siya.

“’Wag kang mag-alala Irene, dadalawin ka lagi namin ng kambal. Kailangan mong gumaling okay? Gagawin natin ang lahat para gumaling ka,”

---

(SIX YEARS LATER)

“I do not care! You maniac!—argh! Let go of me! I can walk!”

Binitawan nga ako ng dalawang guard na humila saakin palabas opisina na pinapasukan ko.

Inis na nilisan ko ang kumapanya na iyon dahil bastos ang may ari. Nakakainis lang, sana pala naniwala na ako sa pakiramdam ko na maniac ang boss!

Mapa-matanda o bata ang may ari ng kumpanya na pinapasukan ko lahat sila manyak!

Pang ilang kumpanya ko na ba itong napasukan bilang secretary? Ganito ba talaga sa states?

Nakakainis!

Gusto ko lang namang magtrabaho ng maayos ayoko ng with benefits! Anong tingin nila saakin bayarang babae?! Tsk!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status