Share

Chapter 3

IRENE

TEKA, nasaan ako? Bakit madilim dito? Bulag na ba ako at wala na akong makita?

Sinubukan kong tumingin kahit saan at nagawa ko pang kapain ang mata ko kung bukas ba o hindi ngunit bukas naman ito. Wala talaga akong makita kahit isa. Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa takot sa dilim.

Simula ng mawala si mommy at daddy ay naging matatakutin na ako sa dilim lalo na’t alalang-alala ko pa na sobrang dilim ng paligid ng magpunta kami sa ospital dahil madaling araw iyon. Napatingin ako sa isang parte ng may makita akong Liwanag, hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papunta doon.

Ngunit sa dulo ng Liwanag na iyon ay nakita ko ang scene na ayaw na ayaw ko ng balikan.

“M-mommy! Daddy! Please fight for me! Hindi ko alam ang gagawin ko mag-isa!”

Umiiyak ang batang ako sa isang tabi kasama si Eva at ang ilang katulong namin at driver. Naalala ko ang gabing iyon na nagising ako sa kalampag ni Eva sa kwarto ko at binalitang naaksidente sila mommy at daddy. Takot na takot ako ng panahon na iyan, bakit nakikita ko ito muli? Nasa panaginip ako hindi ba?

Maya-maya ay nag fast forward ang scene at lumabas ang doctor na idineklarang wala na ang dalawa. Kahit dalawang taon na ang nakakalipas ay andoon pa ‘rin ang sakit at kagaya ng 17 year old na ako ng panahon na iyon ay umiiyak na ako. Muli nagbago ang scene ay nandito naman kami sa morgue kung saan muli ko silang nakita after ng tatlong araw nilang business trip.

“M-mommy! Sabi mo saakin babalik kayo ng ligtas! Bakit nandito kayo?!” lumipat ang batang ako sa kabilang parte. “D-dad! Dad wake up! Don't leave me! Please I cannot live without you both!” hagulgol na dagdag niya at pilit siyang inilalayo ni Eva doon.

Hindi ko alam kung bakit nakikita ko ito ngayon ngunit hindi ko na kaya ang sakit kung kaya tumakbo ako palayo doon. Tumakbo lang ako ng tumakbo ngunit parang walang katapusan ang tinatakbo ko hanggang sa maging purong puti ang paligid. Napahinto ako at napatingin sa paligid, parang huminto tuloy ang luha kong kanina pa pumapatak dahil sa pagtataka.

“Irene my daughter,”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang-kilala ko ang boses na iyon—si mommy! Agad akong lumingon sa likod ko at doon na ako napaiyak muli ng makita ko silang magkasama ni daddy at pawang nakasuot ng parehong puting damit.

“M-mommy! Daddy!”

Agad ko silang niyakap ng napakahigpit. Iyon ang unang pagkakataon na nagpakita sila saakin sa panaginip. Noon ko pa pinagdarasal na sana makita ko sila kahit sandali lang at makausap manlang.

“Anak, sandali lang kami ng mommy mo dito kaya sasabihin na namin sa’yo ang dapat naming sabihin,” napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila dahil sa sinabi ni daddy.

Pinunasan ni daddy ang luha sa mga mata ko na aking ikinapikit. Ngunit hindi tulad ng huling kita ko sa kanila na malamig ang kamay nila at katawan ngayon ay mainit iyon, tila ba buhay silang dalawa.

“Anak, sorry kung naiwan ka namin agad. Pero alam namin na kaya mong mabuhay mag-isa sa kabila ng pagpapahirap ng kapatid ko sa’yo,” napadilat ako sa sinabi ni daddy. “Oo anak, nakikita namin ang ginagawa nila sa’yo at ako na ang humihingi ng tawad. Pero pakiusap ‘wag kang sumuko, ‘wag mong sukuan ang anak mo,”

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni daddy at mas napahagulgol na.

“D-daddy natatakot ako! Paano ko palalakihin mag-isa ang anak ko! Daddy isama niyo nalang po ako!”

Niyakap ako ng mahigpit ni mommy habang umiiling saakin. “Hindi pwede anak, marami ka pang magagawa hindi tulad namin. Tapos na ang buhay namin kaya ito nalang ang maitutulong namin,” inihiwalay niya ako sa pagkakayakap niya at tinitigan ako sa muka ko.

“Magpakatatag ka at alagaang mabuti ang mga anak mo. Sila ang magiging bagong pamilya mo anak, kapag dumating ang tamang panahon marerealize mo ‘rin ang ibig kong sabihin. Hindi mo kailangang matakot kung paano sila palalakihin basta mahalin mo sila ng buong-buo at magiging masaya kayo,”

“Tama ang mommy mo, Irene. Kinaya mo nga ang pagpapahirap nila ito pa kaya?”

Napatahimik ako sandali dahil sa sinabi nila ngunit kasabay niyon ang pagbalik ng ala-ala ko. Nabangga ako ng isang kotse, mayroong tumulak saakin!

“P-pero nabangga ako mommy! Siguradong hindi na ako mabubuhay o kahit ang anak ko,” umiling siya saakin at hinawakan nilang dalawa ang magkabila kong kamay.

“Hindi kayo mawawala, ito ang huling regalo namin sa’yo anak. Happy 18th birthday, Irene Legazpi,” napapikit ako ng sabay nila akong halikan sa aking noo kasabay ng biglang pagdilat ko ng aking mata.

Hindi katulad kanina na wala akong nararamdaman ngayon ay parang kay bigat ng katawan ko. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko sina tito at tita, ang magulang ni Kayla na nag-uusap sa isang tabi. Kusang tumulo ang luha ko dahil doon lalo na ng makita ko si Kayla na nakatulog na sa aking tabi na mukang binabantayan ako.

“Irene? Irene anak, gising ka na!”

Dahil sa salita ni tita ay nagising si Kayla at nagsimula na ‘ring umiyak katulad ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Maging sila tito at tita ay nagsimula na ‘ring umiyak. Naaalala ko pa ‘rin ang lahat, hindi ‘yon basta panaginip lang. Isa iyong magandang panaginip lalo na at kinausap ako nila mommy at daddy.

“A-ano bang ginagawa mong bruha ka! Natakot kami sa nangyari! Mabuti nalang at ligtas ka pati ang bata na nasa tiyan mo!”

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Kayla saakin. Totoo ang sinabi ni mommy, hindi kami mawawala ng anak ko.Ito ang regalo nila saakin.

Salamat mommy, daddy! Pangako ko na aalagaan kong mabuti ang anak ko! Pangakong lalayo na kami at palalakihin ko sila ng mabuting bata.

DALAWANG linggo ang lumipas at maayos na ang lagay ko.

Hindi na ‘rin ako bumalik pa sa bahay namin dahil nagmaka-awa na ako sa magulang ni Kayla na kupkupin ako. Ayoko nang may mangyaring masama sa anak ko kaya mas mabuti na ako nalang ang lumayo sa kanila.

Ang buong akala ko ay magiging masaya na kami dahil wala na sila Hannah iyon pala ay hindi. Nang dahil saakin nadamay ang pamilya ni Kayla.

“M-mommy! Daddy!”

Hindi makapaniwala kaming nakatingin ni Kayla sa katawan ng magulang niya na nakahiga na sa sahig at puno ng dugo ang katawan.

Kabababa lang namin para kumain ng dinner ngunit iyon ang nadatnan namin.

Napatingin saamin ang tatlong lalaki na familiar saakin, sila ‘yung tatlong lalaki na kasama ni tita at tito noon sa hotel! Sila ‘yung nagtutok ng baril sa mga attorney namin!

“T-tumakbo na tayo Irene!” kung hindi pa siguro ako hinila ni Kayla paakyat sa taas ay hindi ako gagalaw sa kinatatayuan ko.

Dumaan kami sa isang secret exit na naroroon at tumakbo sa madilim na bakanteng lote sa may likuran nila.

Natigilan ako dahil sa dilim na pumalibot sa paligid at kusang napabitaw sa kamay ni Kayla. Napaupo ako sa damuhan at napatakip sa aking tenga at umiyak.

Nang dahil saakin nadamay ang pamilya ni Kayla, nang dahil saakin nawala sila tito Donald at tita Gemma!

“I-irene kailangan nating humingi ng tulong! Please lang kailangan nating makalayo dahil baka tayo ang isunod nila! ‘Wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan!”

“P-pero tauhan sila ni tita, Kayla! Sila ‘yung sinasabi kong tatlong lalaki sa hotel! N-nang dahil saakin nabaril ang magulang mo!”

Natigilan siya sa sinabi ko at kita ko ang luha sa mga mata niya. Pero nagulat ako ng bigla niya akong lihahin patayo kaya maging ako ay napatayo ‘rin.

“Wala kang kasalanan Irene, kung may dapat mang sisihin dito ang tito at tita mo ‘yun! Gusto mo bang may mapahamak pa at may mabaril saating dalawa?! Kailangan nating humingi ng tulong!”

Hinila niya ako paalis doon kaya wala akong nagawa. Kahit na natatakot ako sa madilim na paligid ay isinawalang bahala ko nalang ito hanggang sa may makita kaming liwanag kung saan andoon na ang guard house.

Nakita namin na mayroon na ‘ring mga pulis doon kung kaya’t lalo akong napaiyak na siyang ikinahina ko.

“I-irene! Irene!”

‘Yan ang narinig ko bago pa ako tuluyang mawalan ng malay.

---

“NAGAWA niyo ba ng maayos ang utos ko?”

“Ang magulang at kasama sa bahay lamang ni Kayla Tan ang natugis namin dahil nakatakas sila—”

“Mga inutil! Ang sabi ko lahat sila at wala kayong ititira!”

Galit na sabi ni Fabia Legazpi sa kanilang mga tauhan.

Nasa tabi nito ang kaniyang asawa na si Oleander na masama ang tingin sa tatlong lalaking kanilang inutusan.

“Honey, calm down. Okay na ‘rin ang nangyari dahil siguradong wala na silang maaasahan ngayon,” biglang awat ni Oleander sa kaniyang asawa na ikinabuntong hininga ng asawa at tumango dito.

Ibinigay na nila ang bayad sa mga ito ngunit may bawas iyon dahil hindi nila nagawa ng maayos ang trabaho.

Pagkaalis ng mga ito ay siya namang pagdating ni Hannah.

“Mommy! Daddy! Ano, napatay ba nila si Irene?!”

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil doon.

Si Hannah mismo ang nag request sa kanila na gawin iyon at dahil lahat gagawin nila para sa kanilang kaisa-isang anak ay sinunod nila ito.

Isa pa para hindi na ‘rin mabawi ni Irene ang bagay na kinuha nila dito kaya nila iyon ginawa.

“Oo anak, wala na ‘rin sa landas natin si Irene Legazpi,” ngising sabi ng mommy nito na nagpasya na ilihim sa anak ang katotohanan para makampante na ito.

Binigyan nalang niya ng kakaibang tingin ang asawa na mukang na gets naman nito. Sa sobrang tuwa ni Hannah ay niyakap niya ng mahigpit ang mommy at daddy niya’t nagpasalamat dito.

Ang hindi nila alam ay narinig ni Eva ang kanilang pinag-uusapan at umiiyak na bumalik ito sa kanilang quarter at dali-daling nag empake.

“Hoy Eva! Saan ka pupunta?!” sabi sa kaniya ng isa niyang kasamahan.

“Aalis na ako! Ayoko na dito! Mamamatay tao ang mga amo natin kaya kung ayaw niyong mamatay ay umalis na kayo!”

Nagulat ito sa sinabi niya at agad na tinawag ang iba nilang kasamahan na nagtataka dahil sa binalita niyang iyon.

“P-pinatay nila si Irene! Kaya naman pala hindi na siya umiiwi! Wala na si Irene!”

Napasinghap ang mga ito dahil sa kanilang nalaman at agad ‘ding umiyak ngunit kasabay niyon ay ang desisyon nila na umalis na sa bahay na iyon.

---

(EIGHT MONTHS LATER)

IRENE

NANDITO ako ngayon sa mall at namili ako ng damit ng aking anak. Mag-isa lang ako dahil hindi sumama si Kayla at mayroon pa ‘daw siyang gagawin.

Ayaw pa nga niya akong payagan noong una dahil malapit na akong manganak pero nagpumilit ako lalo na’t alam kong sale ngayon sa mall.

Ilang buwan na ‘rin ang nakakalipas simula ng mawala ang magulang ni Kayla ng dahil sa masasama kong kamag-anak. Naalala ko na hindi namin kinayang dalawa ang nangyari pero nabigyan namin ng maayos na libing ang magulang ni Kayla.

Iyak siya ng iyak noon at ganoon ‘din ako. Sabi ko nga ay malaking kamalasan ang dala ko sa kanila ngunit itinanggi iyon ni Kayla, kung mayroon man ‘daw na malas ay iyon ang tito at tita ko.

Simula noon ay lumayo kami ni Kayla.

Ang bahay nila ay ibinenta niya pati ang negosyo nila. Sabi niya ay hindi niya ‘daw kayang pamahalaan iyon kaya wala na akong nagawa kundi ang sang-ayunan siya.

Tumira kami ng tahimik sa isang squatter area. Hindi naman siya ganon kagulo, mababait pa nga ang mga tao doon kahit na hindi nila alam na ubod ng yaman ng kasama ko. Natakot na kaming tumira mag-isa kaya pinili namin sa mataong lugar.

Sa nakalipas na buwan ay nagtulungan kami ni Kayla para matanggap namin ang masamang nangyari na iyon. Sa paglipas ng mga buwan ay kahit papaano nabawasan ang sakit at kasabay niyon ang paglaki ng tiyan ko. Kapag sinabi kong malaki, malaki talaga!

Minsan nga nahihirapan ako dahil sa bigat ng aking tiyan. Si Kayla palagi ang nanghihila saakin sa umaga na maglakad kahit na ayaw ko. Ang sabi niya ay mahihirapan akong manganak kapag hindi ko ‘yun ginawa.

Kaya ayun wala akong magawa kundi ang maglakad.

Maraming nakakakilala saamin at ang tawag pa nga saamin ay ganda 1 at ganda 2, ako si 1 at si Kayla naman ang 2.

Natawa pa nga kami dahil doon pero hinayaan nalang namin sila. Kahit papaano ay sumasaya si Kayla dahil sa mga kapitbahay namin na ikinasaya ko para sa kaniya.

Ayoko na maalala niya palagi ang masamang nangyari saamin kaya nga pinapangako ko na kapag nakapanganak ako ay ipapagpatuloy ko ang pangarap ko noon pa ‘man.

Kapag naging matagumpay ako gagawin ko ang lahat para maka-ahon kami at lalayo ng ilang taon dito sa Pilipinas pagkatapos ay babalik at sisingilin sila tito at tita.

Habang naglalakad bitbit ang mga paper bags ay nakatanggap ako ng isang tawag kung kaya agad ko naman iyong sinagot.

“Hello, Kayla pauwi na ako—”

“Ganda 1 si ate Che mo ito! Nandito kami ngayon sa ospital dahil bigla nalang bumagsak si ganda 2 kanina! Inintay muna namin ang pag-labas ng doctor bago ka tawagan at nalaman namin na may cancer pala siya Ganda! B-bakit hindi niyo sinabi saamin?”

***

“EUGENE where are you?!”

Narinig ni Eugene ang boses ni Roger sa earpiece na kaniyang suot.

“Wait me at the restaurant Roger, I will be quick. I think I heard her voice somewhere,”

Sagot niya dito na ikinabuntong hininga naman ni Roger at pumayag sa gusto nito.

Mag-iisang taon na nilang hinahanap ang babaeng nakasama ni Eugene sa bar pero hanggang ngayon wala pa ‘rin silang balita dito.

Sa lumipas na mga buwan ay mas lalong nagiging desperado si Eugene na mahanap ang babae kaya hindi alam ni Mason at Roger kung nakakabuti pa ba sa lalaki ang paghahanap dito. Hindi naman nila ito pwedeng pigilan dahil kita nila na buo ang desisyon ni Eugene na hanapin ang babae.

Sa gitna ng paglalakad ni Eugene ay mayroon siyang nakabunggo na ikinabaling niya sa kabilang parte.

Napakunot ang noo niya at nakaramdaman ng inis dahil doon, nakikita naman ng mga tao na bulag siya dahil sa white cane na hawak niya yet binunggo pa ‘rin siya.

Ah hindi, alam na niya ang ganitong motibo. Marami ng gumawa niyon sa kaniya at ginagawa nila iyon para mapansin niya.

Pwes hindi iyon gagana sa kaniya.

“Sorry.”

Malamig na sabi niya at agad ng umalis doon.

Ang hindi alam ni Eugene ay si Irene ang nabangga nito, ang babaeng matagal na niyang hinahanap at pinagbubuntis nito ang kaniyang anak.

Dahil sa pagkagulat ni Irene sa kaniyang nalaman ay nawala na ang atensyon niya sa paligid at bumangga kay Eugene na hindi ‘rin naman siya nakikita.

“Oh my god! ‘Yung buntis mukang makakanganak na!”

Gulat na sabi ng isang ginang na nakakita sa pagkakabunggo ng dalawa.

Nakasalampak na si Irene ngayon sa sahig at kagat labing tinitiis ang sakit na pumapalibot sa kaniyang tiyan.

Nagsimula ng magsilapitan ang mga tao sa kaniya at tumawag ng tulong.

Si Irene naman ay hindi na napigilan ang mapaiyak dahil doon.

Nasa ospital ang kaniyang kaibigan at nalaman na may cancer ito habang siya naman ay manganganak na.

Paano nagawang ilihim iyon ni Kayla? ‘Yan ang katanungan sa isipan ni Irene na nagiging sanhi sandali na makalimutan niya ang sakit na nararamdaman.

Ang lahat ng iyon ay nakita ni Roger.

Napailing siya dahil sa ginawa ng kaniyang alaga at dali-daling tumawag ng ambulance pagkatapos ay nilapitan niya ang babaeng buntis na si Irene.

Sinundan niya kasi si Eugene lalo na’t baka kung anong gawin nito at basta may hilahin nalang na babaeng sabihin na kaboses nito ang nakasama niya sa bar.

“T-tulongan mo ako…” iyak na sabi sa kaniya ni Irene at hinawakan ang kaniyang braso.

Natigilan siya sandali dahil doon dahil pakiramdam niya may kakaiba sa babae.

Napailing naman siya dahil sa isiping iyon.

“Oo miss! Parating na ang tulong!”

Nasabi nalang niya dito at siya pa ang nagbuhat kay Irene pasakay sa ambulance.

Iiling-iling nalang si Roger na bumalik sa loob ng mall.

Hindi na niya alam ang gagawin sa alaga, wala talaga itong puso pagdating sa mga nakapaligid sa kaniya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
thank you ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status