Chapter 37
Kung babanggain man ako ngayon ng isang truck ay satingin ko hindi na ako iilag. Sa mga oras na ito ay gusto ko ng mag-rest in peace.“Ano, wala kang balak na umuwi?” tanong ni Jesusa bago inilapag ang isang cake sa maliit na lamesa.Dadampot na sana ako ng tinidor nang tapikin niya ang kamay ko.“Akala ko ba akin ’to?” pagmamaktol ko sa kaniya, pero inirapan niya lang ako. Sinenyasan niya akong itikom ang bibig ko na kaagad ko namang sinunod.“Anong problema?” I mouthed.Inilagay niya ang hintuturo sa labi at saka ako pinatahimik. Inusod niya ang upuan, tumayo, at saka naglakad palapit sa pinto.“You’re here!” ani Jesusa.Pilit kong sinisilip kung sino iyong kausap niya pero sinasadya niya iyong takpan kaya naman hindi ko makita. Maingat niya muling isinarado ang pinto at ibinaling ang atensyon sa akin.“Sino ’yon?” takang tanong ko. Imbis na sagutin ay ipinagtulakan niya ako sa kusinChapter 38Nakita ko ang papalapit na postura ni Rivaill. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at isinubo lahat ng natitira sa plato sa bibig ko. Ilang mabibilis na nguya, nilagok ko ang isang baso ng juice at saka nagmamadaling lumihis ng daan palabas ng dining room. Mariin akong napapikit nang sadyain niyang dumaan sa harapan ko. I was about to get passed to him but he hold my arm making me stopped. Tiningala ko siya at binigyan ng nagtatanong na tingin. For the first time I saw how hesitant and uneasy he was, pero hindi roon na-focus ang atensyon kung hindi sa kamay niyang unti unting sumisikip ang pagkakahawak sa braso ko. “Let’s talk,” aniya sa mababang tono. Hinila ko ang braso mula sa pagkakahawak niya. I even saw it turn red. “I’m sorry Mr. Fontero, mahuhuli na kasi ako sa trabaho,” I reasoned out. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya at malalaki ang mga hakbang na umalis. Nadaanan ko pa ang nanahimik na si Lyka at Kimmy
Chapter 39Nanatiling nakatulala ang mga mata ko sa salaming ibinigay sa akin ni Lyka. Kitang kita mula roon ang namumugto kong mga mata at namumulang ilong. My cheeks was even puffier than before, dahil sa ilang beses kong pagsampal sa sarili. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. Anxiety started to struck my being, kung saan saan na rin umabot ang pag-o-over think ko. Paano ko ito ipaliliwanag kay Tita Pat? Paniguradong hindi ako noon papansinin ng ilang buwan sa oras na gumising siya. Isa pa, we're seperating soon, isang taon na lamang at mapapawalang bisa na ang kontrata. “Stop biting your lips, it might hurt my child.” Naguumusok ang ilong na hinarap ko si Rivaill. Sinamaan ko siya ng tingin, pero parang balewala lamang iyon sa kaniya dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa labing kong pinanggigilan ko kanina. Mahina niya pang pinisil iyon ng muli kong kagatin. “One more bite and I will kiss those lips,” pagbabanta niya. Kik
Chapter 40 Nagsalubong ang dalawang noo ko nang marinig ko ang malakas na sigawan sa loob ng guest room. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang mapagtantong hindi naman sigawan ang nangyayari roon. Inayos ko na lamang ang pagkakabuhat sa mga damit na hawak ko at mabilis na dumiretso sa maid’s quarters. “Oh, Lin? Anong ginagawa mo ritong bata ka?” Nagising ang diwa ko nang magsalita si Manang Teresita. Mabilis ako nitong dinulugan at kinuha ang mga damit sa kamay ko. Ngunit hindi roon natuon ang atensyon ko, nagtaka ako ng makitang dalawa na lamang ang kama roon at nawawala ang sa akin.“Hala, nasa’n ’yong kama ko?” tanong ko sa kanila, kasi kahapon lang ay nakita ko pa ‘yon rito sa loob, maging ang mga gamit kong naiwan ay wala na rin. “I threw it away.” Napalingon ako sa pinto, roon ay nakasandal si Rivaill. Kaagad naginit ang ulo ko. Ang bilis niyo naman yatang matapos? Gusto ko sanang itanong pero nanatiling tikom ang bibig ko.Hinila ko siya palabas ng maid's quarters, sinili
Chapter 41Pinanood kong si Mama Elle na ang magligpit ng mga gamit ko. Ni hindi niya nga ako pinatulong sa pagaayos kanina, at sa totoo lang ay nagiinit na pwet ko sa upuan. This is my last day in here, huling shoot na rin naman kaya hindi ako mahihirapang umalis. Kahit pa ayaw ko pang umalis ay wala naman akong magagawa. Still, I was thankful because I helped Stella in some ways. “Tara na anak?” pagaaya sa akin ni Mama Elle. Akmang kukuhanin ko pa ang isang bag sa kaniya nang tapikin niya ang kamay ko. “Hindi ka p’wedeng mapagod, baka mapano si baby,” aniya dahilan ng pagngiti ko. Hindi umabot sa mata at pagod ang ngiting iyon kaya naman kaagad lumamlam ang mga mata niya. “Salamat, Ma,”“Sabihin mo lang anak, itatakas kita roon kung gusto mo,” saad niya determinadong maitatakas niya ako mula kay RivaillKumawala ang isang tawa sa bibig ko. Para namang magagawa niya ‘yon. Siguro bago pa man ako makalabas ng gate ay may humarang na sa akin. “Lin!” Sabay na naagaw ang atensyon nam
Chapter 42 Sinuot ko ang jacket at saka kinaskas ang dalawang kamay sa magkabilang braso. It’s September now, ramdam na rin ang lamig ng pagpasok ng ‘ber’ months ngayon. “Isang buwan na lang. . .” bulong ko sa sarili bago napagpasiyahang pumasok na sa loob ng mansiyon. Nakita ko pa si Aki na natutulog sa sofa habang yakap yakap ang isang unan. Hindi ko na siya binuhat pa at tumabi na lamang. May kalakihan na ang tiyan ko at medyo halata na rin kahit pa magsuot ako ng malalaking damit. “Aki,” pagtawag ko sa pangalan niya. Walang pang isang minuto ay bumangon siya pero yumakap lang sa akin at natulog muli. “H’wag ka na rito matulog akyat na tayo sa taas," pagaaya ko pero tila wala siya naririnig dahil mas isiniksik lamang niya ang mukha sa dibdib ko. Matapos bumuntong hininga ay hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lang siya tutal ay hindi naman niya naiipit iyong tiyan ko. Ginulo ko ang buhok at mahinang napatawa, kapag umalis ako ay paniguradong hindi ko na siya makikita pa
Chapter 43 Well, he’s never mine to begin with.Ilang oras akong naghintay pero hindi na siya bumalik, hanggang sa magising ako at makita na lamang siyang pumapasok sa loob ng kwarto niya. Huminto siya at tumingin sa akin. Gamit ang pagod niyang mga mata ay nginitian niya ako. Doon ko lang din napansin ang sugat sa labi niya maging ang noo ulo niya na may tumutulo pang dugo. Nanlaki ang mga mata ko at natatarantang lumapit sa kaniya. “Anong nangyari sa ’yo? Bakit hindi ka pa dumiretso sa ospital?” hiyaw ko bago siya itinulak papasok ng kwarto at paupuin sa kama.Hindi siya nagsalita kaya naman tumakbo na ako palabas para humingi kay Manang Teresita ng first aid kit. Nang makabalik sa kwarto niya ay naabutan ko siyang nakahiga sa kama habang nakapatong ang isang braso sa mukha at tinatakpan ang mga mata niya. Naupo ako sa gilid ng kama bago ipinatong din doon ang first aid kit. Tinapik tapik ko siya. “Bumangon ka muna riyan, kailangan malinisan yang sugat sa ulo mo pagkatapos pumun
Chapter 44 That day passed by quickly than I expected. Kahit nagpumilit ako ay hindi niya ako hinayaang lumabas ng kwarto. Maging ang naging umagahan, tanghalian, hapunan, ay nagpapadala lamang siya ng pagkain mula kay Lyka o kaya naman kay Manang Teresita.Ang dahilan niya nahihirapan siyang kumilos at kailangan ko siyang alagaan. Even though it was awkward, wala naman akong pagpipilian. “Can you move faster?” Umikot ang dalawang eye balls ko nang pagmadaliin niya ako. Nagtitimpi kong inayos ang sapatos bago sumunod sa kaniya palabas. “Hindi ba p’wedeng ikaw na lang ang pumunta? Hindi naman ako kailangan do’n,” pagpapalusot ko nagbabakasakaling papayag siya. Huminto siya bago humarap sa akin. “No, you have to be there,” pinal niyang ani at saka hinila ako sa baywang. We’re going to a doctor. At hindi ko alam kung bakit kailangan pang kasama ako. Wala naman akong magagawa ro’n bukod sa moral support. Isa pa, hindi ko rin naman kailangan magpa-check up dahil nagawa ko na iyon noon
Chapter 45 “What are you two doing here?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Nilingon ko si Rivaill pero tila ba wala itong balak na magpaliwanag. Nakuha pa nito ng maghikab at taasan ako ng kilay. Tiningnan muna ako ni Annika bago siya lumapit at umangkla sa braso ni Rivaill. Hinila niya ito at huminto sa tapat ko, isinandal ang ulo sa balikat ni Rivaill at saka ngumiti sa akin. “Babe na-miss mo ba ‘ko?” tanong niya kay Rivaill bago sila naglakad dalawa paalis. Hinintay kong lingunin manlang ako ng lalaking iyon pero nagdire-diretso lamang sila hanggang sa makarating sa dulo ng pasilyo. Nakakainis siya.“Tangina ka! Hindi mo na ‘ko maloloko sa susunod!” hiyaw ko nang masigurong tuluyan na silang nakaalis. Iniling iling ko ang ulo, wala naman na akong magagawa pa sa lalaking iyon. Patuloy lang naman siya sa pang-p-prank sa akin, ako namang si tanga marupok, palaging nagpapaloko. Maybe, that's just the way it is. Imbis na sumunod sa kanila ay ibang daan ang tinahak ko, huminto a