Share

006

Author: CellaRocella
last update Last Updated: 2025-01-08 15:28:34

Pinagmasdan ni Quincy ang binatang si Hiro na abala sa pagtatanim ng mga gulay sa malawak nilang bakuran. Naging maalam na tuloy sa mga pagtatanim si Hiro dahil ilang buwan na rin silang nakatira doon. Hinawakan ni Quincy ang kaniyang tiyan. Limang buwan na siyang buntis. Ilang buwan na lang, masisilayan na niya ang kaniyang anak. Hindi niya alam ngunit sa loob-loob niya, tila nasasabik na siyang masilayan ang kanilang anak. Kahit na noong una, aminado siyang ayaw niya pang makita ang kanilang anak.

"Mabait talaga na bata si Hiro. Alam mo ba noong mga bata pa sila, noong nandito sila nagbabakasyon, mabait talaga si Hiro. Hindi sa kinakampihan ko siya, nasilayan ko sila kahit sandali lang. At si Hiro talaga ang mabait sa kanilang dalawa. Si Fern kasi may ugali iyong minsan hindi nakakatuwa. At saka mas siya pa ang pasaway sa kanilang mga magulang. Mas pilyo si Fern. At madalas na walang pakialam. Hindi katulad ni Hiro na iniisip ang iba. May pakialam siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya."

Natahimik si Quincy bago muling pinukol ang tingin kay Hiro. Totoo naman iyon. Nararamdaman niya minsan ang pagiging walang pakialam ni Fern sa paligid. At kung tutuusin, mas focus si Fern sa kompanya nila. Kaya madalas, inuunawa na lang niya ang kaniyang fiàncee. Madalas na bigla na lang itong aalis sa araw ng date nila dahil may kailangan itong asikasuhin. O 'di naman kaya... hindi na natutuloy ang date nila dahil may biglang emergency si Fern.

"Kung ako sa iyo, Quincy.... opinyon ko lamang ito. Nasa sa iyo kung susundin mo o hindi, hayaan mo na lamang si Hiro na mahalin ka. Hayaan mo na lamang si Hiro na ipakita sa iyo ang totoo niyang pagmamahal. Nakokita ko kasi sa mga mata ni Hiro na mahal ka niya. Dahil kung hindi ka niya mahal, wala siyang pakialam sa magiging anak ninyo. Wala siyang pakialam sa iyo. Pero hindi naman ganoon 'di ba? Talagang nagawa ka niyang dalhin dito at itago dahil ayaw niyang maikasal kayong dalawa ng kambal niya. At alam kong handa siya sa puwedeng maging mangyari," mahinahon ang tinig ni aling Susan kaya naman napangiti ng tipid si Quincy.

"Susubukan ko pong gawin para sa anak namin. Pero syempre, hindi ko po masasabi kung kailan dahil mahal ko po ang kambal niya. Mahal ko si Fern at hindi naman siya basta na lang maaalis sa puso't isipan ko. Lalo na't ikakasal na sana kami at nangyari pa ang hindi inaasahan."

Mahinang tumawa si aling Susan. "Mapaglaro talaga ang tadhana. Hindi mo kaagad aasahan kung paano kayo magkakatagpo ng lalaking nararapat sa iyo. Magaling talaga. Kaya walang makakapigil sa tadhana kung sino ang gusto niyang pagtagpuin."

Ilang sandali pa, nagpaalam saglit si aling Susan. Tumikhim naman si Quincy at saka naglakad patungo sa kinaroroonan ng binatang si Hiro. Pawisan na ang mukha nito at naglalagkit na rin ang katawan dahil sa pagbubungkal ng lupa. Napansin niya si Quincy sa kaniyang tabi kaya nahinto siya sa pagbubungkal.

"Bakit ka nandito? May... may kailangan ka ba? May iuutos ka ba sa akin? Magsabi ka," kalmado ang kaniyang tinig bago ngumiti ng alanganin.

Walang emosyong tumingin sa kaniya si Quincy. "Wala naman akong kailangan. Gusto ko lang pagmasdan kung ano ang ginagawa mo. Bawal ba?"

Mabilis na umiling si Hiro. "Hindi bawal. Ang sa akin lang baka kasi may kailangan ka o gustong iutos sa akin. Baka nagugutom ka. Puwede kitang ipaghanda ng pagkain."

Tinitigan ni Quincy ang binata. Sa isip niya, masuwerte na siya kung maasikasong lalaki ang mapapangasawa niya. Dahil wala na siyang masyadong iintindihin pa. Hindi na sasakit ang ulo niya sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay kung masipag at maasikaso ang lalaking makakasama niya sa buhay.

"Bakit nagtatanim ka pa ng mga gulay dito? Wala ka na bang pera pambili? Nasaan iyong mga negosyo mo? Ang alam ko mayroon kang sariling negosyo 'di ba? At doon ka kumukuha ng malaking pera?"

Tumango si Hiro bago tipid na ngumiti. "Mayroon nga akong mga negosyo pero kaya ko ito ginagawa, para sariwang gulay ang kakainin mo. Iyong talagang pinitas ko mismo mo. Mas masustansya kaya iyon kaysa sa matagal ng pinitas."

Humalukipkip si Quincy. "Anong plano mo kapag nanganak ako? Ibabalik mo na ba ako sa kapatid mo?"

Bumuntong hininga si Hiro bago napayuko. Wala sa plano niya na ibalik pa si Quincy sa kaniyang kakambal. Ang gusto niya nga, magsama na sila ng tuluyan. Tutal, may anak na rin naman sila. Iyon ang nais ni Hiro dahil hindi naman nagbago ang pagmamahal niya kay Quincy.

"Hindi ko gagawin iyon. Aalagaan ko kayo ng anak natin. At isa pa, hindi ko alam kung matatanggap ka pa ni Fern gayong may anak na tayo. Malabong mangyari iyon. Alam ko ang ugali ni Fern. At isa pa, naniniwala akong tayo ang itinadhana sa isa't isa kaya nga isang hindi inaasahang pangyayari ang nagpabago sa buhay natin ngayon. Tanggapin mo na lang sana iyon, Quincy. Tanggapin mo na lang na ako ang lalaking nararapat sa iyo at hindi ang kakambal ko."

Naningkit ang mga mata ni Quincy. "At talagang feel na feel mo rin na tayo ang itinadhana sa isa't isa, ha? Ibang klase ka rin. Talagang sinadya mo akong buntisin 'no? Para hindi ko na magawang bumalik sa kapatid mo. Tandaan mo ito, Hiro... sinira mo ang kung anong mayroon kami ng kapatid mo. Ikaw ang sumira nito dahil hindi ka man lang nagsabi sa akin nang gabing iyon na hindi ikaw si Fern. Hindi ka man lang umiwas. Puwede mo naman akong itulak o sampalin para matanggal sana ang tama

ng alak sa akin pero hindi mo ginawa."

Bumuga ng hangin si Hiro kasabay ng pagtiim ng kaniyang bagang bago ngumiti ng kaunti. "Tama ka. Sinadya ko ngang mabuntis ka para sa akin ka na. At sobrang saya ko nang malaman kong nabuntis kita, Quincy. Matagal kitang minamahal ng palihim at kahit alam kong masama at hindi tama, talagang napapadasal ako na sana... dumating ang araw na magkagulo kayo ni Fern at maghiwalay kayo."

Nanlaki ang mata ni Quincy dahil sa labis na pagkabigla.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hinahanap Ng Puso   018

    "Hi, Quincy!" Laking gulat ni Quincy nang makita si Samantha. May mga dala itong paper bag. Dire-diretsong pumasok sa loob ang dalaga bago naupo sa malaking sofa doon. Inilagay niya sa table ang dala niyang paper bag. "Quincy, para sa inyo iyan ni baby boy mo. Laruan iyan and damit for you! Masanay ka na sa akin, ha? Ganito kasi talaga ako kapag happy and magaan ang pakiramdam ko sa isang tao. I'm very grateful na tinanggap mo ako as your friend. At the same time, very sad din kasi nawalang bigla ang dati kong friends," wika ni Samantha sabay kagat labi. Naupo si Quincy sa tabi ni Samantha. Isip niya, hindi naman niya kailangan ng kahit anong regalo mula sa isang tao. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya si Samantha o ma-offend kung hindi niya tatanggapin ang bigay nito. "Salamat dito pero hindi mo na kailangang mag-abala pa. Hindi mo ma ako kailangang bigyan ng kung anu-ano para maging kaibigan mo ako," mahinahong wika niya sabay ngiti kay Samantha. "Well.... thank you, ha. Ka

  • Hinahanap Ng Puso   017

    "Bakit, love? May problema ba?" takang tanong ni Hiro. Napakurap si Quincy sabay ngiti ng alanganin. "Ha? W-Wala naman. Hindi mo lang kasi nabanggit na babae pala ang kaibigan mo. Akala ko lalaki." "I'm sorry, love. Gusto ka nga rin niyang maging kaibigan. Galing kasi siyang ibang bansa. Model siya doon tapos umuwi dito. Nagkwento siya at ang sabi niya, hindi na raw siya kilala ng mga dati niyang kaibigan kaya nalulungkot siya. Kaya nagpaalam siya sa akin kung pwede ka rin ba niyang maging kaibigan." Saglit na tumahimik si Quincy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kung tama lang ba na maging kaibigan niya ang kaibigan ni Hiro. Pero naiisip niyang mas mainam para mabantayan niya ito. "S-Sige, love. Ayos lang sa akin. Kailngan ko ba siya puwedeng i-meet?" "Kahit kailan. Sasabihan ko siya. Ikaw ang mag-decide kung kailan mo gustong makipagkita sa kanya. Para makapag-bonding kayo. Para makilala mo rin siya," nakangiting wika ni Hiro sabay yakap sa kanya. Bumun

  • Hinahanap Ng Puso   016

    "Sa tingin mo magandang dining table ito sa bahay?" tanong ni Samantha kay Hiro. "Oo para sa akin maganda ito. Pero ikaw? Ano ba ang gusto mo? Syempre bahay mo iyon. Ikaw ang dapat mamili ng gusto mo," sabi ni Hiro bago nilibot ang tingin sa mga dining table doon. Ngumuso si Samantha. Pasimple niyang pinagmasdan ang binata kasabay ng pagtatago ng kilig na kanyang nadarama. Hindi maaaring mahalata ni Hiro na sobra siyang kinikilig. "I know naman pero gusto ko pa ring humingi ng suggestions sa iyo. Kasi baka maganda nga para sa akin iyong isang gamit pero hindi na pala bagay sa design o kulay ng bahay ko, 'di ba? I mean, hindi siyang tugma sa gusto kong kalabasan ganoon?" Tumango-tango si Hiro. "Okay I understand. Sige. Patingin nga ulit ako ng itsura ng bahay mo?" Kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone at saka hinanap ang video doon ng bahay niya. Nang iabot niya ang kanyang cellphone kay Hiro, nagkadikit ang daliri nila. Tila kinuryente siya at labis na kinilig. Todo pigil

  • Hinahanap Ng Puso   015

    "Paano ngayon iyan? Baka guluhin ni Samantha ang buhay niyong mag-asawa?" tanong ni Leo. Bumuntong hininga si Hiro. "Hindi puwedeng mangyari iyon. Ako ang makakalaban niya kung sakali. Hindi puwedeng guluhin niya ang buhay naming mag-asawa. Masaya ako sa piling ni Quincy at mahal na mahal namin ang isa't isa. Nangako akong hindi siya ipagpapalit sa iba at siya lang ang mamahalin ko. At isa pa, imposibleng magkagusto ako kay Samantha dahil simula pa noon, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lang siya para makalimot kay Quincy." Tumango-tango si Leo. "Sana nga mapanindigan mo ang sinasabi mong iyan. Wala sa ating bokabularyo ang magloko. Baka naman kapag naghubad sa harapan mo si Samantha, sunggaban mo agad." Natatawang umiling si Hiro bago hinawakan ang kaniyang baba. "Hindi ako hayok sa laman. May asawa ako. Kontento ako sa asawa ko. At isa pa, maganda at sexy ang asawa ko. Kaya bakit ako hahanap pa ng iba o titikim pa ng iba? Pare-parehas lang naman silang may p_uki."Humagalp

  • Hinahanap Ng Puso   014

    Tatlong buwan matapos ang kasal nina Hiro at Quincy, naging abala na si Hiro sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya si Hiro. Habang si Quincy naman ay nasa kanilang bahay, nag-aalaga ng kanilang anak. Ayaw siyang pagtrabuhin mg kanyang asawa. Gusto ni Hiro na magbabantay lamang siya ng kanilang anak. "Ang guwapo ng anak ninyo. Solid ang pagkakagawa! Mukhang ginalingan talaga ng modtakels ng asawa mo! Sana ganiyan din ang magiging baby ko!" wika ni Maris nang dumalaw siya sa bahay nina Quincy. "Magiging ganiyan kaguwapo rin ang anak mo kung guwapo rin ang magiging tatay. Maganda ka naman kasi kapag pangit ang tatay, hindi natin sigurado kung sa iyo magmamana ang anak ninyo. Kaya piliin mo iyong guwapong lalaki pero matino. Dahil may mga pangit na cheater ngayon. Ang kakapal ng mukha!" saad ni Quincy sabay tawa. Tumawa rin ang kaniyang kaibiga. "Trueness ka diyan! Kapalmuks ang mga burikat! Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang ganoong bagay! Isipin

  • Hinahanap Ng Puso   013

    ISANG TAON ang lumipas, wala na talagang naging balita pa silang dalawa kay Fern. Sinubukan nila itong kontakin ngunit hindi nila magawa. Naisip nilang dalawa na siguro dapat nilang bigyan ng oras si Fern lalo pa't nasaktan nila ito. Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang anak nilang lumalaki na. Ang pamilya nila. Kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan sina Hiro at Quincy. Niayaya kasing magdagat ni Hiro si Quincy. Walang kaalam-alam si Quincy na mayroon pa lang surpresa sa kaniya si Hiro. "So ang ibig mong sabihin, talaga pa lang nagustuhan mo ako noon?" nakangising wika ni Quincy. "Oo. Totoo iyon pero nahihiya lang ako. At saka, focus kasi ako sa pag-aaral no'n. Wala akong time masyado para sa sarili ko. Lalo na't ako pa ang inilalaban sa iba't ibang school. Tapos ayon na nga, nagulat talaga ako nang bigla ka na lang hindi na nagpapansin sa akin. Bigla kang umiwas. Iyon pala. Si Fern na ang gusto mo." Tumawa si Quincy. "Syempre, masakit kayang hindi ka pinapansin ng taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status