"Good morning. Mag-almusal ka na. Nagluto ako ng pritong isda at gulay. Kailangan mong kumain ng mga ganiyan para maging healthy ang pinagbubuntis mo," mahinahon ang tinig ni Hiro.
Nauna na siyang mag-almusal dahil naisip niyang baka magalit pa sa kaniya si Quincy kung sasabayan niya itong kumain. Lumabas siya ng bahay at saka tiningnan ang mga tanim na gulay sa paligid. Mabuti na lang, masipag magtanim ng mga gulay ang caretaker nila doon. Kaya naman mamimitas na lang siya ng gulay. Pinagmasdan niya mula sa labas si Quincy habang kumakain. Nakasimangot ang mukha nito. Bumuntong hininga si Hiro. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahang palambutin ang puso ni Quincy at pabalik ang naglahong pagmamahal sa kaniya ng dalaga noon. "Magandang araw po sir, Hiro. Kumusta naman po ang unang araw niyo sa bahay? May nga dapat po bang ayusin? May mga insekto po bang dapat alisin? Magsabi lang po kayo para malinis ko po agad," wika ni Susan na siyang caretaker doon. "Wala naman po, manang. Maayos naman po ang bahay. Napakahusay niyo po talagang maglinis. Tapos ang dami niyo pang tanim na gulay at prutas. Tamang-tama dahil iyon ang kailangang niyang kainin para maging healthy ang baby naming dalawa," nakangiting wika ni Hiro. "Kumuha lang po kayo nang kumuha diyan, sir. Talagang nagtanim po ako nang nagtanim para kung sakaling magbakasyon kayo dito, may makukuha po kayo. Siya nga po pala, nag-asawa na pala kayo? Iyong kambal niyong si Fern, nag-asawa na rin po siya? Pupunta rin po ba sila dito?" sunod-sunod na tanong ni Susan. Tumikhim si Hiro bago saglit na sinulyapan si Quincy. "Huwag po sana kayong mabibigla at naiintindihan ko po kung mahuhusgahan niyo ako. Pero hindi ko po siya asawa. Sa katunayan, kasal nila kahapon ni Fern. Kaya lang, dalawang buwan ang nakakaraan, may nangyari sa amin ni Quincy. Inakala niya na ako si Fern. Hindi ko rin po napigilan ang sarili ko dahil matagal ko na siyang minamahal ng palihim. Sa katunayan, ako naman ang unang lalaking minahal niya. Nabaling lang ang atensyon niya sa kambal ko. At dahil nagbunga ang gabing iyon, tinakas ko po siya at dinala dito para hindi matuloy ang kasal nila." Napanganga si aling Susan sa ibinahagi ni Hiro. Napahawak siya sa kaniyang sintido at saka natawa ng mahina. "Naku, sir! Ang gulo po pala ng nangyari sa inyo pero wala po akong karapatang husgahan po kayo. Wala naman po akong ambag sa buhay ninyo. Siguro, kapag may kailangan po kayo, maaari niyo akong sabihan." Ngumiti ng tipid si Hiro. "Sige po, salamat. Mamayang hapon aalis po ako. Pupunta ako sa bayan. May bibilhin lang po akong mga pagkain dito sa bahay. Dadamihan ko na para may stocks kami. Pakitingnan na lang po si Quincy." "Walang problema. Babalik ako dito mamayang alas tres ng hapon. Sige, mauna na muna ako. Para matapos ko ang mga gagawin ko sa bahay," sambit ni Susan bago tuluyang umalis. Huminga ng malalim si Hiro bago namitas ng mga gulay. Katamtaman lang ang kaniyang pinitas. Nagtungo siya sa kusina upang hugasan iyon at ilagay sa ref. At pagkatapos, pinagmasdan niya si Quincy. Matalim ang tingin nitong bumaling sa kaniya. "Ano? Bakit wagas ka kung makatitig diyan? Puwede bang huwag mo akong titigan? Naiirita ako sa pagmumukha mo! Ibalik mo na ako kay Fern!" singhal ni Quincy. "Hindi kita ibabalik sa kaniya. Sa akin ka na, Quincy. Ako na ang lalaking pakakasalan mo dahil magkakaroon na tayo ng anak," kalmado niyang sabi. Asar na tumawa si Quincy. "Paladesisyon ka rin pala! Anong karapatan mong angkin ako? Hindi mo ako pagmamay ari! Si Fern lang ang nagmamay ari sa akin at hindi ikaw! Pashneya ka! Ibalik mo na ako sa tunay kong mapapangasawa! Kung anak lang naman ang anak mo sa akin, puwede ko naman siyang ipahiram sa iyo!" Bumuntong hininga si Hiro. Nanlilisik ang mga mata ni Quincy na nakatingin sa kaniya habang nakakuyom pa ang kamao. Bahala na, iyon ang nasa isipan niya. Wala siyang planong ibalik si Quincy sa kakambal niya. "Wala ka ng magagawa pa, Quincy. Tanggapin mo na lang na tayo ang para sa isa't isa at hindi kayong dalawa ng kambal ko. Sa akin ka nakatadhana kaya nga nagbunga ang gabing iyon. Hindi kita ibabalik. Sa akin ka hanggang sa manumbalik ang pagmamahal mo sa akin noon," matigas na sabi ni Hiro bago pumasok sa kaniyang kuwarto. Napanganga na lang si Quincy sabay hawak sa kaniyang batok. Wala siyang cellphone kaya hindi niya ma-contact si Fern. Sumilip siya sa labas ng bahay na iyon. Napairap na lamang siya sa hangin. Kahit na tumakas siya, wala rin siyang mapupuntahan at baka mapahamak pa siya. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan. Hinimas-himas niya iyon sabay hingang malalim. Hindi niya alam ang mga susunod na mangyayari ngunit hiling niya na sana maging maayos na ang lahat. Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa kaniya si Hiro na magtutungo ito sa bayan para mamili ng mga pangangailangan nila sa bahay. Pinakiusapan ni Hiro ang matalik nyang kaibigan na siya na mismo ang bahala sa negosyo niya. Kaya kahit hindi na muna siya umalis sa lugar na iyon, walang problema. "Eh 'di umalis ka. Pakialam ko sa iyo," mataray na sabi ni Quincy. "May ipapabili ka ba? May gusto ka bang kainin?" Inis na bumuga ng hangin si Quincy. "Puwede bang huwag mo akong kausapin? Naiinis ako sa iyo! Ay mali. Galit ako sa iyo! Kung may mapupuntahan lang talaga ako, kanina pa kita iniwan sa lugar na ito. Ang galing mo rin, 'no? Talagang dito mo ako dinala para hindi ako makatakas. Para wala akong mapuntahan. Kapal ng mukha mo!" Tumikhim si Hiro. "Aalis na ako. Nandiyan na rin si manang Susan. Siya ang makakasama mo dito para bantayan ka," aniya nang makita si Susan sa labas. "Letse! Kahit huwag ka ng bumalik mas mabuti pa! Kung hindi lang kasalanan pumatay, baka napatay na kitang hayop ka!" sigaw ni Quincy sa binata. Gustong-gusto na talaga niyang tumakas. Pero kung gagawin niya iyon, baka kung ano pang mangyari sa kaniya. At isa pa, walang nakakaalam na buntis siya. Malamang, sasabihan siya ng malandi at kung anu-anong masasakit na salita dahil hindi ang fiancé niyang si Fern ang nakabuntis sa kaniya. "Kumusta naman ang pakiramdam mo, ineng? Ako pala si Susan. Tawagin mo na lang akong manang Susan. Ako ang nagbabantay sa bahay na ito na pagmamay ari ng pamilya nila. Naikuwento sa akin ni Hiro ang nangyari. Gusto ko lang sabihin sa iyo na wala akong karapatang husgahan kayo. At hindi naman sa... ano. Sa nakikialam, siguro hayaan mo na lang si Hiro na alagaan ka. Isipin mo na lang din na iniligtas ka niya sa kahihiyan. Kung sakali kasing natuloy ang kasal ninyong dalawa ni Fern, baka kamuhian ka pa nya. At baka hindi mo kayanin ang mga gagawin niya," mahinahong paliwanag ni Susan. Tila natauhan naman si Quincy sabay kagat labi. "Naiintindihan ko naman po. Syempre, sana maintindihan niyo rin po ang side ko. Hindi rin naman po tama ang ginawa ni Hiro." "Oo tama ka. Parehas lang kayong may mali pero nandiyan na iyan. Kaya ang dapat niyo na lang gawin, kung sakaling magkaalaman na, harapin niyo si Fern. Ipaliwanag niyo sa kaniya ang lahat. Pero sa ngayon, alagaan mo muna ang sarili mo. Para sa anak ninyong dalawa. Walang kasalanan ang bata. Kaya sana, huwag siyang madadamay sa galit mo." Mabagal na tumango si Quincy. "Opo. Hindi ko naman po naisip na idamay ang baby ko sa galit ko sa ama niya. Huwag po kayong mag-alala dahil aalagaan ko po ang sarili ko. Kakain po ako ng masustansyang pagkain para maging healthy po siya.""Hi, Quincy!" Laking gulat ni Quincy nang makita si Samantha. May mga dala itong paper bag. Dire-diretsong pumasok sa loob ang dalaga bago naupo sa malaking sofa doon. Inilagay niya sa table ang dala niyang paper bag. "Quincy, para sa inyo iyan ni baby boy mo. Laruan iyan and damit for you! Masanay ka na sa akin, ha? Ganito kasi talaga ako kapag happy and magaan ang pakiramdam ko sa isang tao. I'm very grateful na tinanggap mo ako as your friend. At the same time, very sad din kasi nawalang bigla ang dati kong friends," wika ni Samantha sabay kagat labi. Naupo si Quincy sa tabi ni Samantha. Isip niya, hindi naman niya kailangan ng kahit anong regalo mula sa isang tao. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya si Samantha o ma-offend kung hindi niya tatanggapin ang bigay nito. "Salamat dito pero hindi mo na kailangang mag-abala pa. Hindi mo ma ako kailangang bigyan ng kung anu-ano para maging kaibigan mo ako," mahinahong wika niya sabay ngiti kay Samantha. "Well.... thank you, ha. Ka
"Bakit, love? May problema ba?" takang tanong ni Hiro. Napakurap si Quincy sabay ngiti ng alanganin. "Ha? W-Wala naman. Hindi mo lang kasi nabanggit na babae pala ang kaibigan mo. Akala ko lalaki." "I'm sorry, love. Gusto ka nga rin niyang maging kaibigan. Galing kasi siyang ibang bansa. Model siya doon tapos umuwi dito. Nagkwento siya at ang sabi niya, hindi na raw siya kilala ng mga dati niyang kaibigan kaya nalulungkot siya. Kaya nagpaalam siya sa akin kung pwede ka rin ba niyang maging kaibigan." Saglit na tumahimik si Quincy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kung tama lang ba na maging kaibigan niya ang kaibigan ni Hiro. Pero naiisip niyang mas mainam para mabantayan niya ito. "S-Sige, love. Ayos lang sa akin. Kailngan ko ba siya puwedeng i-meet?" "Kahit kailan. Sasabihan ko siya. Ikaw ang mag-decide kung kailan mo gustong makipagkita sa kanya. Para makapag-bonding kayo. Para makilala mo rin siya," nakangiting wika ni Hiro sabay yakap sa kanya. Bumun
"Sa tingin mo magandang dining table ito sa bahay?" tanong ni Samantha kay Hiro. "Oo para sa akin maganda ito. Pero ikaw? Ano ba ang gusto mo? Syempre bahay mo iyon. Ikaw ang dapat mamili ng gusto mo," sabi ni Hiro bago nilibot ang tingin sa mga dining table doon. Ngumuso si Samantha. Pasimple niyang pinagmasdan ang binata kasabay ng pagtatago ng kilig na kanyang nadarama. Hindi maaaring mahalata ni Hiro na sobra siyang kinikilig. "I know naman pero gusto ko pa ring humingi ng suggestions sa iyo. Kasi baka maganda nga para sa akin iyong isang gamit pero hindi na pala bagay sa design o kulay ng bahay ko, 'di ba? I mean, hindi siyang tugma sa gusto kong kalabasan ganoon?" Tumango-tango si Hiro. "Okay I understand. Sige. Patingin nga ulit ako ng itsura ng bahay mo?" Kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone at saka hinanap ang video doon ng bahay niya. Nang iabot niya ang kanyang cellphone kay Hiro, nagkadikit ang daliri nila. Tila kinuryente siya at labis na kinilig. Todo pigil
"Paano ngayon iyan? Baka guluhin ni Samantha ang buhay niyong mag-asawa?" tanong ni Leo. Bumuntong hininga si Hiro. "Hindi puwedeng mangyari iyon. Ako ang makakalaban niya kung sakali. Hindi puwedeng guluhin niya ang buhay naming mag-asawa. Masaya ako sa piling ni Quincy at mahal na mahal namin ang isa't isa. Nangako akong hindi siya ipagpapalit sa iba at siya lang ang mamahalin ko. At isa pa, imposibleng magkagusto ako kay Samantha dahil simula pa noon, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lang siya para makalimot kay Quincy." Tumango-tango si Leo. "Sana nga mapanindigan mo ang sinasabi mong iyan. Wala sa ating bokabularyo ang magloko. Baka naman kapag naghubad sa harapan mo si Samantha, sunggaban mo agad." Natatawang umiling si Hiro bago hinawakan ang kaniyang baba. "Hindi ako hayok sa laman. May asawa ako. Kontento ako sa asawa ko. At isa pa, maganda at sexy ang asawa ko. Kaya bakit ako hahanap pa ng iba o titikim pa ng iba? Pare-parehas lang naman silang may p_uki."Humagalp
Tatlong buwan matapos ang kasal nina Hiro at Quincy, naging abala na si Hiro sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya si Hiro. Habang si Quincy naman ay nasa kanilang bahay, nag-aalaga ng kanilang anak. Ayaw siyang pagtrabuhin mg kanyang asawa. Gusto ni Hiro na magbabantay lamang siya ng kanilang anak. "Ang guwapo ng anak ninyo. Solid ang pagkakagawa! Mukhang ginalingan talaga ng modtakels ng asawa mo! Sana ganiyan din ang magiging baby ko!" wika ni Maris nang dumalaw siya sa bahay nina Quincy. "Magiging ganiyan kaguwapo rin ang anak mo kung guwapo rin ang magiging tatay. Maganda ka naman kasi kapag pangit ang tatay, hindi natin sigurado kung sa iyo magmamana ang anak ninyo. Kaya piliin mo iyong guwapong lalaki pero matino. Dahil may mga pangit na cheater ngayon. Ang kakapal ng mukha!" saad ni Quincy sabay tawa. Tumawa rin ang kaniyang kaibiga. "Trueness ka diyan! Kapalmuks ang mga burikat! Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang ganoong bagay! Isipin
ISANG TAON ang lumipas, wala na talagang naging balita pa silang dalawa kay Fern. Sinubukan nila itong kontakin ngunit hindi nila magawa. Naisip nilang dalawa na siguro dapat nilang bigyan ng oras si Fern lalo pa't nasaktan nila ito. Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang anak nilang lumalaki na. Ang pamilya nila. Kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan sina Hiro at Quincy. Niayaya kasing magdagat ni Hiro si Quincy. Walang kaalam-alam si Quincy na mayroon pa lang surpresa sa kaniya si Hiro. "So ang ibig mong sabihin, talaga pa lang nagustuhan mo ako noon?" nakangising wika ni Quincy. "Oo. Totoo iyon pero nahihiya lang ako. At saka, focus kasi ako sa pag-aaral no'n. Wala akong time masyado para sa sarili ko. Lalo na't ako pa ang inilalaban sa iba't ibang school. Tapos ayon na nga, nagulat talaga ako nang bigla ka na lang hindi na nagpapansin sa akin. Bigla kang umiwas. Iyon pala. Si Fern na ang gusto mo." Tumawa si Quincy. "Syempre, masakit kayang hindi ka pinapansin ng taong