Share

Hindi Ordinaryong Mataba Story (Tagalog)
Hindi Ordinaryong Mataba Story (Tagalog)
Author: Miss Vainj

KABANATA 1.1

KABANATA 1.1

I was planning to grab a quickie eating earlier and have some window shopping after. But unfortunately...I am still eating here now at Bee Fast-food. Kasalanan talaga 'to nang kainan na ito dahil pinasarap pa nila lalo ang kanilang mga pagkain.

Kaya ito ako ngayon pang tatlong served na ng spaghetti, tatlong large burger, dalawang large coke float at apat na served na sweet and spicy chicken and rice of fully meal.

Malakas na pagdighay naman ang nagawa ko, unexpected iyon. Kaya bahagya akong nahiya. Pero dahil wala akong kahihiyan kaya bahagya lang talaga. Kahit na artista ako, nakakalabas pa rin naman akong mag-isa.

Bakit? Tss.

Natawag naman ng mga katabing estudyante ang atensiyon ko kaya bahagya akong napatingin sa kanila. At dahil malakas ang pandinig ko. Naririnig ko ang mga bulungan nila.

"Hindi ba si Ate Triah iyon?"

"Nasaan? Oo nga, Oh my. Oh my. Tara Janna! Papicture tayo,"

"Naku, nakakahiya naman, mukhang hindi pa tapos si Ate Triah kumain oh, sabi kasi niya sa interview. Na ang pinakaiinisan niyang gawain ng mga fans niya ay ang maabala ang pagkain niya.”

“Para kasi kay Ate Triah, food is life kaya ganoon. Kaya huwag na, baka matulad tayo sa isang grupo ng kabataan noong isang linggo na nasaway ni Ate Triah dahil mga wala raw respeto…”

“…nakikitang kumakain siya pero hindi man lang nag-iisip at ginulo lang talaga siya para lang unahin silang daluhan at magpapicture." mahabang paliwanag ng nagngangalang Janna.

May point siya, talagang ayaw ko sa ganoon. Naiimbyerna ako. Nawawala ang poised ko.

"Oo naalala ko nga 'yon, nabalita pa nga iyon sa TV 'di ba? At marami na tuloy nang-bash kay Ate Triah. Eh, witness naman tayo noong araw na iyon na ang mga grupong iyon ang mga walang respeto." pagsang-ayon naman ng kasama niya.

Patuloy pa rin ako sa pagkain, habang kumakain ay patuloy pa rin akong palihim na nakikinig sa kanilang usapan.

Oo na. Ako na tsismosa. Eh ano ngayon? Ako naman ang pinag-uusapan nila. Kaya, okay lang siguro 'yon.

"Baka sa susunod na araw na lang siguro, marami namang pagkakataong makapagpicture tayo kay Ate Triah. At gusto ko rin talaga mayakap siya, kasi feel ko ang lambot-lambot niya. Waaaah."

"I'm sure rin na malambot ang pisngi ni Ate Triah." galak nilang usal.

"Tara na, may pasok pa tayo mamaya, baka mahuli na naman tayo nit-"

"Waiter. Paki-take out rin ng tig-iisang served sa inorder ko. Thanks," sigaw ko naman sa waiter, at saka bahagya akong lumingon sa gawi ng mga babae na sa tantya ko ay mga highschool students pa. Napansin ko naman sa mukha nila ang pagkawala sa sarili.

Nginitian ko naman sila ng matamis at ipinakitang pwede na silang lumapit sa akin. Pero nang napansin kong papaalis sila ay pinigilan ko sila.

"Wait." napahinto naman sila. Kaya imbes na sila ang palalapitin ko ay mas pinili kong ako ang lalapit sa kanila. Sinabihan ko na lang ang waiter na siya na ang bahala sa pinatake out ko, at saka kukunin ko na lang mamaya. Matapos makausap ang waiter ay lumapit na ako sa dalawang batang babae na pinag-uusapan ako kanina.

"Hello," I slightly waved my right hand to them while giving them my smile.

Nahiya sila sa pambungad na pagbati ko sa kanila. Na sa amin naman ang mga mata ng mga tao sa loob nitong fastfood.

"H-Hi A-Ate T-Triah, pasen-sya na po k-kung narinig nin-"

"Hey, sweetie calm down," I chuckled. "I don't bite. Promise." I said jokingly.

"P-Pero po, baka naabala po namin kayo sa iyong pagkain Ate Triah, sorry po talaga," nababakas naman sa mukha nila ngayon ang pag-aalala.

"Lalapit ba ako rito kung hindi pa ako tapos kumain? At isa pa, h'wag kayong mag-aalala kanina pa ako nakikinig sa usapan ninyong dalawa." I smiled again.

"Naku po. Nakakahiya naman po."

"Oh? Baka ma-late pa kayo. Ilabas niyo na ang camera ninyo at magpicture-picture na tayo," masigla kong pahayag. Pero syempre hininaan ko boses ko at baka may makarinig na ibang fans.

Ayaw ko kasi ma-exposed publicly. Lalo na I have fear in narrow places. I know hindi naman masikip ang buong fastfood pero kasi, kapag I'm too easy sa mga fans ko, baka dumugin ako at hindi ko sila makontrol. Kaya ganito ang tingin nila sa akin. Choosey raw ako sa mga fans.

Ang hindi nila alam. I am setting a wall from me to them para hindi ako dumugin at baka mahimatay ako sa sobrang sikip ng isang lugar.

"Ate Triah, last na po talaga pwede po ba maka-"

"Yakap?" I chuckled. "Just like what I've said kanina, narinig ko lahat. Kaya go, hug me now. At baka mag-iba pa ang isip ko."

Walang pagdadalawang isip naman nila akong niyakap. May sinasabi rin silang ang lambot lambot ko raw, kapag gabi raw masarap gawing unan at yakap-yakapin.

"Thank you talaga Ate Triah, hindi po matutumbasan ang labis na kagalakan namin sa pagpapaunlak ninyo sa aming nais. Kaya po idol ko po kayo,"

"Anong 'ko'? Tayo Jerra." saway sa kaniya ng kaibigan niya.

"Oo na."

"Oh sige na mahuli na talaga kayo niyan, salamat ulit. Ay teka nga pala, ito oh, Waiter. Pakibigay nga sa kanila ang tig-iisang served ng inorder kong set meal. Ito pala ang bayad at saka pakilagay na lang rin sa sasakyan ko ang ibang meals. Thank you. Keep the change," mahaba kong pakiusap sa waiter.

"Naku, nakakahiya naman po ate, h’wag na po, sakto na po ‘yong binigyan niyo kami ng pagkakataong makalapit sa inyo. Salamat po talaga, ate Triah." tumango lang ako pero syempre iniabot ko pa rin sa kanila ang paper bags na may lamang pagkain.

“Take this also, as my gift. Kung hindi niyo tatanggapin, sige kayo ‘di na kayo makakaulit.” I threaten them, pero syempre joke lang ‘yon.

“Ay, we change our minds po pala ate, sige ate salamat po ulit. Bye po.” agaran naman silang lumakad matapos tanggapin ang binigay ko sa kanila. Napangisi na lamang ako dahil sa kanilang mga inaakto.

Matapos magpaalam ng dalawang estudyanteng babae na nakipagpicture sa akin kanina ay nagpasya na rin akong lumabas dito sa fastfood at bumalik na sa bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status