Share

KABANATA 1.2

KABANATA 1.2

Nagsimula na akong maglakad papalabas nang kainan nang biglang may bumangga sa akin.

"Ang laking tao naman." narinig kong usal ng nakabangga sa akin.

Lihim naman akong napasabi ng 'wow' dahil naiinis ako. At dahil nga mataas naman ang pasensya ko ay hindi ko na inaksaya ang oras na tapunan ng tingin ang walang kwentang taong bumangga.

As if I will waste my time for some stranger. Tsk.

Nang na sa loob na ako ng aking sasakyan ay kaagad kong ini-on ang aircon ng sasakyan at saka nilock muna ang sasakyan. At bahagya munang sinandal ang likurang bahagi ko sa upuan.

"Woah. What a tiring day." naiusal ko naman.

Bigla namang tumunog ang phone ko at tinignan ko lang kung sino ang tumatawag.

Ang assistant ko pa lang si Jen.

"Hello Jen? Ha? Oo, bakit naman? Dah. Mawawala rin ang inis niyang si Direk. I don't care, oh sige na, basta sabihin mo kay Direk na dapat bukas naiba na ang script, bye."

Ganiyan talaga ako ka VIP. At isa pa. Kapag sinabi ko namang ibahin nila, dapat ibahin talaga nila at ayusin ang script na bibigyang buhay ko. Dapat pang-extraordinary ang drama. Hindi 'yong palagi na lang ganoon ang plot. Nakakasawa na kasi. Ewan ko na lang sa iba, basta ako, iyon ang pananaw ko.

At hindi rin naman ito ang unang beses na nagsuggest ako kay Direk na ipaiba ang eskrip dahil noon, ang naghit na pelikulang ginawa ko na at pinaiba ko ang flow ng kwento ay nag-sold out pa sa iba't ibang takilya. Kaya dapat lang na magpasalamat pa sila sa akin sa ginawa ko.

Dahil sa marami akong naiisip ay hindi ko na namalayang nandito na pala ako sa labas ng aking tinutuluyang condominium.

'Marco Polo Residences'

Na sa ikalabing limang palapag ako nakatira. Kaya sa pagpasok ko pa lang sa mismong entrada ng building ay binati na ako ng mga gwardiya.

"Magandang hapon po Miss Mondejaro,"

Sinuklian ko lang rin ng matamis na ngiti ang pagbati ng trabahador.

Hanggang sa nandito na ako sa loob ng elevator. Ako lang mag-isa ang na sa loob ng elevator. Nang malapit na sana mag-fifteenth floor ay biglang nagstop ang elevator. Akala ko ay na stuck na ako. Pero may papasok lang pala.

Hindi ko naman inasahang may katawagan pala sa telepono ang sumakay, kaya narinig ko ang awayan nila sa phone. Puro mura lang ang pinagsasabi nitong lalaki. Kaya na sa kaniya lang ang mga mata ko.

Napansin yata niya akong nakatingin sa kaniya kaya nasinghalan niya ako. Hindi na siya nag-abala pang ilayo ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga.

"Ano?" nilingon niya ako sabay sigaw na patanong.

Inisnab ko lang siya.

"Tsk. Ikaw pa 'tong tinatanong dahil kung makatingin ka parang may kung ano. Tapos iismiran mo 'ko? Sagot? Ha? Alam ko na. Sabagay sino ba ang hindi matutulala sa taglay kung kagwapuhan." mayabang pa niyang usal.

Umaakto naman akong nasusuka. At sakto namang bumukas na ang elevator sa floor ko. Kaya walang lingon-lingon akong nagmartsa palabas. Tsk, mayabang. Sayang sa laway.

"Hoy taba! Akala mo naman maganda ka. Che. Tumatagas na nga 'yang mga mantika mo sa katawan oh. Arte." nanggagalaiti pa niyang sigaw.

Just like what I've said. Common plots are boring. Kaya hindi na ako natitinag sa mga ganiyang linyahan sa pang-araw araw kong lumalabas ng bahay.

Tinaasan ko lang siya ng panggitnang daliri habang nakatalikod. Sabay pagsara ng elevator.

Nang na sa pinto na ako ng aking condo ay kinuha ko na ang card ko sa loob ng aking shoulder bag. At saka inis-swipe na sa key card section para mabuksan ang silid.

Tumunog naman ito na hudyat na nabuksan na ang silid kaya kaagad akong pumasok at saka ni lock ulit ang pintuan.

Kaagad kong ibinagsak ang sarili sa aking malambot na sofa bed. Ang sarap talaga nitong malambot kung sofa. Ang sarap na matulog.

Hindi ko na natanggal ang aking steleto kong kulay brown na na sa higit limang pulgada ang taas. Mahilig talaga ako sa ganitong kataas na steleto heels. Kaya kahit na mataba ako ay may poise pa rin at saka maganda ako.

Huwag kayo maniwala sa lalaki kanina sa elevator. Palibhasa pandak.

Dahil sa laki at taas ko ay nagmumukhang pandak ang lalaki kanina.

May tumatawag na naman pero pagod na talaga akong mag-effort na sagutin ang tawag. Kaya imbes na kunin iyon at sagutin. Mas minabuting steleto na lang ang pagtuunan ko ng pansin na tanggalin at mahiga na muna rito saglit.

Pagod na pagod ang araw ko ngayon. Nabubwiset rin ako sa ibang bagay.  Kaya I will rest muna para mabawi ang lakas mamayang paggising ko.

....

Mga ilang oras lang siguro ang tulog ko, ganito kasi talaga ako. Ewan ko, kahit na mataba ako pero hindi ako 'yong tipong halos tulog lagi ang naiisip. Pwera na lang sa foods, hindi ko itatanggi iyon.

Hindi na muna ako kaagad na bumangon. Kinusot kusot ko na lang muna ang aking mga mata at nag-unat sa higaang sofa. Nang biglang bumukas ang pinto ng aking condo.

Hindi na ako nabigla dahil ang mga pumasok ay ang mga personal assistants ko lang naman. Binigyan ko kasi sila ng access card sa mismong condo ko para hindi na ako lalakad pa para pagbuksan sila. Ano sila? Espesyal? Dah…

"Sorry po Miss Mondejaro, nag-aalala lang talaga po kami sa'yo dahil kanina pa kami tawag nang tawag nitong si Karmi." kaagad na pinag-aayos ni Jen ang mga gamit na kaninang dala ko. Pati ang pagkaing galing sa fastfood nilagay na rin nila sa table. Grabe tinamad pala talaga ako kanina.

"Hala ka Jen. Hanggang ngayon ba naman Miss Mondejaro pa rin ang tawag mo sa 'kin, 'di ba nga- ahhh." tatayo sana ako pero hindi ko na kayang tumayo agad, okay fine. Oo na ako na mataba. Happy?

Si Karmi naman ang tumulong sa aking makabangon at makaupo ng maayos sa sofa. "Thanks Karmi,"

"Walang anuman Miss-"

"Oh ayan na naman ang miss-miss ninyo. Haays, sinabi ko na sa inyo, kung na sa private place tayo, tulad nito sa condo ko. Kindly drop out the formality. Hello, para naman tayong hindi magkakilala niyan. Eh kung tutuosin nga, kayo ang pinakamasasabi kong kaibigang tunay. Chaar."

"Hala nagdrama ang lola."

"Ganiyan. Loosen up girls, at isa pa. What are we?"

"We are the…" sigaw ni Karmi.

Tumayo na rin ako at saka hinanda ang sariling makipag-apiran sa kanila. "Wonder Girls." sabay naming sigaw'ng tatlo.

Nagtawanan naman kami sa mga kalokohan namin.

"Eh kasi naman Triah, simula nang maging artista ka, kinuha mo kaming assistant mo, nahihiya na kami sa'yo minsan dahil ang bait bait mo. Tapos noon pa nga isa kami sa bumubully sa'yo, pero ngayon nandito kami kasama ka, at ito ang ginanti mo sa'min." madramang talumpati ni Jen.

"Oo nga Triah, naalala mo noong highschool tayo? Lagi ka naming binubully ni Jen, kaya ganito pa rin kami mailang sa'yo at gusto naming “Miss Mondejaro” ang itawag sa'yo dahil iyon ang tama." sang-ayon naman ni Karmi.

"Alam niyo kayong dalawa, ang OA ninyo? Kapag talaga hindi kayo tumigil sa dramang n'yong 'yan. Isisante ko talaga kayo. Gusto ninyo ‘yon?" pananakot ko naman sa kanila.

At ayon nga ang dalawa makapag-ayos sa mga gamit ko parang walang nangyari. Si Jen, naglilinis pa nang buong salas. Haynaku talagang dalawang ito.

Naghanda naman si Karmi sa hapunan namin. Ugali ko na ring makipagsabay sa kanilang kakain. Hindi ako katulad ng iba na kahit sa pribadong lugar ay nag-iinarte pa. Nang na sa hapag na kami ay ako naman ngayon ang nagsenti.

"Both of you listen, to be honest. I forgot the days you bullied me. All I remembered is...'yong panahon na niligtas ninyo ako sa pagkalugmok, niligtas ninyo ako sa hinanakit ang labis na hinagpis." hindi ko namalayang may nagsimulang tumulo sa aking mga mata. Bumabalik ang kirot ng kahapon.

Hindi tungkol sa pagbully ng mga tao sa akin. Kung hindi ang pagtakwil sa akin ng aking mga magulang. Ang sakit isiping. Ikaw pa ang nasasaktan, pero ako pa ang minasama at itinakwil.

"Kung wala kayo, kung…kung wala kayo sa tabi ko, paano na ako? Paano ko mahahanap muli ang sarili ko. Kung ang pinakamasakit na sasapitin mo'y nangyari na sa'yo...Jen at Karmi, k-kayo na lang ang mayro’n ako. Kayo na lang," inaalo naman ako nilang dalawa. Dahil labis-labis na ang sakit na aking nadarama, na para bang ilang saglit lang ay sasabog na ang puso ko sa sobrang kirot nito.

Isang taon na ang nagdaan, isang taon na pilit kong nilalabanan. Pilit kong pinapatatag ang aking puso't isipan. Pilit tinatanggap na wala pala akong importansya sa aking mga magulang.

"Triah, tahan na, please. Baka mahirapan ka na namang huminga. Please," inaalo pa rin ako nilang dalawa.

"Naalala ko na naman kasi, ang sakit pa rin pa lang isipin na, ako lang ang bumubuhay sa sarili ko. At hindi ako tinangkang hanapin ng mga magulang ko. Ang sakit lang kasi talaga." sabay hagod ko sa puso kong hindi pa rin maitago ang kirot at sugat ng nakaraan.

"Nandito lang kami parati sa tabi mo Triah,"

"Oo salamat sa inyo, dahil kung wala kayo? Baka wala na rin talaga ako rito sa mundo." ngisi ko pa habang lumalabas pa rin ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi maitago ng mga ngiti ang labis na hinanakit. Naalala ko ang mga panahong tinangka kong kitilin ang buhay ko. Sa pamamagitan ng pag-inom ng isang garapong gamot. Handa na sana ako noong tumalon matapos uminom ng mga gamot. Pero may mga kamay pa ring handang humawak sa akin.

Kaya masasabi ko na lang, baka hindi pa ito ang tamang panahon para lisanin ko ang mundo. Baka may magagawa pa akong mas higit pa kaysa sa sayangin ang buhay ko.

Marami ang nakasaksi sa madamdaming pagtayo ko sa mismong rooftop ng eskwelahan. Dahil sa eskandalong hindi naman talaga ako ang gumawa. Pero ako ang itinuturo nilang may sala.

Dahil sa labis na pag-iyak ay biglang nagbalik ang mga alaalang nag-uunahan sa pagtakbo sa aking isipan.

"Triah? Oh my God. Triah! Karmi. Tawagin mo si Dr. V! Ngayon na, Triah!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Agustinangelica Daniva
ang ganda Po Ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status