共有

Chapter Five

作者: Margaux Wilde
last update 公開日: 2026-09-02 10:16:50

“I’M so sorry about all these, Zach. Hindi ko ine-expect na may pa-surprise party sila for me.”

“No problem. Nakakatuwa nga sila, obvious kung gaano ka nila kamahal.”

Totoo naman iyon, walang duda. “Pasensiya na kay Papa, he’s just too eager.”

“I like him. I like everyone, actually. Very accommodating sila at very friendly.”

“That’s San Quentin. Kilala kami as the little town with big smiles.” Inubos na niya ang champagne sa isang lagok at ibinaba ang baso sa katabing coffee table. “Anyway, thank you again, Zach. Mas mabuti siguro kung ihatid na kita sa sasakyan mo para hindi ka na masyadong gabihin sa biyahe.”

“Ah, actually, nag-alok ang Papa mo na dito na ako matulog ngayong gabi.”

“A-ano?” Nilingon niya ang ama sa dining area na masayang nakikipag-usap kay Gus, ang bartender ng kanilang resort, na halos ituring na rin nitong anak.

“May event daw kasi kayo bukas sa covered court sa bayan. Inimbita niya akong pumunta so...”

“Pumayag ka?”

“Parang gano’n na nga. Ang ganda kasi ng ngiti ng Papa mo kanina, parang wala akong karapatan para tumanggi,” natatawa nitong sabi sabay hagod sa buhok nito. “Ngayon alam ko na kung kanino mo namana ‘yon.”

“Ang alin?”

“’Yung ngiti na mapapa-oo ako sa lahat.”

“Zach, tama na,” pigil niya rito. “Hindi mo na ako kailangang bolahin nang ganyan.”

“Hindi naman kita binobola. Totoo namang nakakawala sa sarili ‘yang ngiti mo, eh.”

Napahawak si Savannah sa pisngi niya nang di oras dahil sigurado siyang namumula iyon. At dahil sa liwanag ng ilaw sa loob ng bahay, sigurado rin siya na kitang-kita iyon ng iba.

“So, saan ako matutulog?”

“Sa kuwarto ni Savannah, saan pa ba?” 

Napalingon ang dalawa sa matanda na kanina pa pala nakatayo sa likuran nila. Inakbayan nito si Zach at hinawakan naman ang kamay niya.

“Yes, I’m a cool Papa like that, hindi ba, Savannah?”

“Pa-“

“You two can go upstairs and get your much needed rest, sige na. Bahala na sina Gus dito. Nariyan naman si Mikee for the entertainment.”

Napangiti si Zach. “Sigurado po kayo na okay lang na sa kuwarto ni Savannah ako matulog ngayon?”

“Siguradong-sigurado.” Muli, abot-tainga ang ngiti nito. “Nasa tamang edad na naman kayong dalawa at alam n’yo na kung ano ang tama at mali. And truth is, I don’t really care. Mas matutuwa pa nga ako kung makakabuo na kayo agad para magka-apo na ako!”

“Papa!”

“Hay naku, hija, I’m not getting any younger and so are you. Inggit na inggit na ako sa mga kaibigan ko na may mga apo na. Ako ba kailan? Gustung-gusto ko nang mang-spoil ng mga apo!”

“Pa, hindi naman gano’ng kadali ang gusto n’yong mangyari.”

“Ano’ng hindi madali? Iyong iba nga riyan, taun-taon, nag-aanak, hindi ba?” biro nito. “Eh mukhang malakas naman itong si Zach at mukha naman kayang-kaya niyang araw-arawin ang-“

“Pa!” 

Natawa naman si Zach sa kakulitan ng ama ng dalaga. “Hindi lang po araw-araw, sir.”

“Iyon naman pala, Savannah!” Malakas na tawa ang itinugon ni Mr. Castello. 

“Oh, may blessing na pala tayo ng Papa mo,” mahinang sabi ni Zach sabay akbay sa kanya. 

“You have all my blessings, Zach. Kaya sige na, umakyat na kayo at maaga pa ang event natin bukas.”

~~

“SO, since may blessing na tayo from your father, sisimulan na ba nating makabuo ngayon?”

Tinawanan lang iyon ni Savannah at pahagis na inilagay ang tuwalya sa ibabaw ng kama. Mabuti na lamang at may dala itong sariling mga gamit  na iniwan nito sa sasakyan. Sabi ni Zach, kasama raw iyon sa natutunan niya sa trabaho, na kailangan ay parating handa sa kahit na anong sitwasyon.

“Thank you,” nakangiti nitong sabi matapos kunin ang tuwalya at isampay iyon sa balikat. “Dito sa tuwalya at sa pagpayag na dito ako matulog sa kuwarto mo.”

“As if may choice ako, diba?” Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng malambot na kama. 

“Meron naman. Kung ayaw mo talaga, p’wede naman tayong mag-imbento ng dahilan.”

“Tulad ng?”

Saglit na nag-isip si Zach. “Kailangan ako sa trabaho bukas nang maagang-maaga? O kaya, kailangan kong dalawin ang lola ko sa ospital na nag-aagaw-buhay.”

“Oh my. Nag-aagaw-buhay ang lola mo sa ospital?” nag-aalala niyang tanong.

“Hindi. Halimbawa lang.”

Napabuntung-hininga siya at natawa. “Sana kanina mo pa naisip ‘yan, diba?”

“Sorry, masyado akong nadala sa mga pangyayari.”

Kahit siya naman, ganoon din. Parang nawala na ang kakayahan niyang mag-isip dahil sa mga kaganapan. Kaya kahit noong isuhestiyon ng ama ang pagtulog ni Zach sa kuwarto niya ay hindi na siya nakatanggi. Oh yeah, who was she kidding? Just like what Zach said, she had a choice to say no but she didn’t. At alam niya sa sarili niya kung bakit.

“So, sisimulan na ba nating makabuo?” biro nitong ulit sa tanong nito kanina na tinawanan na lang niyang muli.

“Look, I’m so sorry about Papa. Matagal na talaga niya gustong magka-apo.”  

“Bakit nga ba hindi mo pa ibigay?”

“Paano?” Kinunutan niya ito ng noo.

“Gusto mo ba talagang sagutin ko ‘yan?” Humakbang ito palapit sa kanya pero huminto rin ito nang maharangan ito ng malaking kama. “Kidding. I mean, bakit nga ba wala ka pang boyfriend?” nakangiti nitong tanong, ‘yung ngiti na nagpapalambot ng tuhod.

“Oh, yeah, dahil kay...Kristoffer?”

“Actually, hindi na ngayon,” tugon niya. Umiwas siya ng tingin dito dahil baka mabasa nito kung ano man ang nasa utak niya. “This job I have. It’s too demanding that I don’t have much time to date and such.”

“You know what, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na mayor ka. I mean, wow. Ngayon lang ako naka-encounter ng mayor na kasingganda mo at kasing-bata mo.”

“Bata? I’m twenty-nine!”

“Are you sure you’re twenty-nine? Hindi ba nineteen?” natatawa nitong tanong.

“Masyadong bata ang nineteen to be a mayor, Zach.”

Nagkibit-balikat ito. “Oh yeah, oo nga. But still, you are one hot Mayor, Savannah.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Come on. Sabi ko sa ‘yo, enough with your compliments, Mister.”

“It’s the truth. You just don’t realize how hot you are and that fact actually makes you even hotter.”

Tinalikuran na lang niya ang binata dahil mas lalo lang nitong pinabibilis ang tibok ng kanyang puso. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa pagkuha ng gagamit sa pangligo at ang isusuot na pantulog. At nang muli siyang humarap ay nakatayo na ito sa likuran niya, nakatingin.

“So, are we gonna shower together, Mayor?”

“You wish.” Umiling siya. “Mauna ka na,” alanganin nitong tugon.

“No, lady’s first.”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-four

    NAPALUNOK siya. And when he leaned forward to kiss her knee, her breath hitched. Tinapunan siya nito ng tingin habang hinahalikan nito ang kanyang hita, na para bang naghihintay ng grasya mula sa langit.“Zach, please…” Sav’s hands went to his shoulders, nails digging in she opened her legs just a little bit more.“Hmm.” He smiled against her skin, lips trailing slow, burning kisses to her inner thigh. He then slowly rose from his knees, hands dragging up the sides of her legs until he was standing between her knees, caging her in the office chair. And then he kissed her. It was not sweet, it was not slow. It was starved.Gusto nilang iparamdam sa mga halik na iyon na hindi na nila kayang magkunwari. Naglakbay ang mga kamay ni Zach sa likod ni Sav at inilapit siya nito sa dulo ng upuan, dahilan para malilis ang suot niyang palda hanggang sa baywang. Halos matanggal na rin ang pagkakabutones ng kanyang blouse dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata.“Zach, baka may makakita sa -”“

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-three

    MEDYO basa si Zach nang dumating na para bang wala itong oras na magpayong at basta na lamang tumakbo papunta sa kanya. Binuksan ni Sav ang pinto na tanging lumang T-shirt lamang ang suot. Neither of them spoke. She stepped aside so that he could enter. Ilang segundo rin silang nanatili lang na nakatayo sa gitna ng living room habang nakatingin sa isa’t-isa.“Bakit mo nga uli ako tinawagan?” mapanuksong tanong ni Zach.Tumingala siya para diretso itong matingnan sa mata. “Bakit ka nga uli pumunta dito?” balik niyang tanong nang nakangiti.“Hindi na dapat ako nagpunta, ‘no? Dis-oras na ng gabi.”Tumango si Sav at pagkatapos ay muling natahimik.Without a word, Zach stepped toward her. Hindi siya umiwas nang lumapit ito at hawakan ang magkabila niyang kamay. The moment their hands met, it was like the world around them disappeared.Marahan siya nitong hinatak palapit at inangkin ang naghihintay niyang mga labi. The kiss was hungry, desperate, as if releasing everything they’d been holdi

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-two

    FOR someone used to control, this kind of silence was slowly killing her. Na-master na yata ni Savannah an art of compartmentalization – duty niya sa public bilang alkalde, sakit ng ulo dahil sa mga problema sa politika, mga personal na problema at kung anu-ano pa. Kayang-kaya niyang i-manage ang buong bayan pero bakit parang hirap na hirap siyang i-manage ang tulad ni Zach?It has been five days since she last saw him. Walang text, walang tawag. Kahit missed call, wala. At ang pinakamalala? Alam niya kung bakit.Dahil iyon ang utos niya.“Hindi tayo p’wedeng laging makitang magkasama,” marahan niyang sabi. “Basta I’ll be the one to contact you. I’ll set the pace.”At ito namang si Zach, being the respectful, maddeningly obedient boyfriend that he was, did exactly just that. Sinunod siya nito. To the letter.At ngayon, gusto niyang itapon sa dingding ang hawak na telepono.Sinubukan niyang mag-focus sa community budget revision na kanina pa naroon sa kanyang mesa pero kahit ilang bese

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-one

    WALANG nagawa si Savannah. She’s too stunned to do anything. Nanatili lang siyang nakaupo sa harap ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili habang kinakain ng konsensiya. Tinitigan lang niya ang mga pinggang halos wala nang laman at ang naiwang baso ng wine ni Zach.She hated this and she hated that she hurt him. Galit siya sa sarili niya dahil pilit pa rin niyang pinoprotektahan ang sariling imahe bilang mayor, kahit pa nga ang gusto lang naman niyang protektahan ay si Zach, na ngayon ay wala na. But she also hated how he made it sound so simple. Na para bang gano’n kadali na iwan niya ang buhay niya bilang mayor para lamang dito. Kaya nga ba niyang iwan ang lahat? Kung puso niya ang tatanungin, walang kaabug-abog na oo ang sagot. She loves Zach, she’s certain of that now at kaya niyang gawin ang lahat para lang makasama niya ito kahit habang-buhay pa. Pero kung tatanungin ang kanyang utak, malinaw ang isasagot nito. “Zach, wait!” Bago pa tuluyang makalayo si Zach ay pilit niya i

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty

    SAVANNAH never thought silence could be deafening that night. Walang ibang ingay kundi ang tunog ng mga kubyertos sa pinggan sa mesa at ang mahinang ugong mula sa ceiling fan.Sinigurado niyang maganda ang pagkakaayos ng mesa para sa gabing iyon. Iniluto niya ang specialty niyang Creamy Truffle Pasta with garlic bread at nagsindi pa ng kandila para maging romantic ang ambiance. Romantic ambiance. Iyon naman talaga ang dapat sa gabing iyon pero habang nakaupo sa harap niya si Zach, hindi niya alam kung magiging romantic pa nga ba ang gabi. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito pero halata sa mga mata ng binata ang pagkalito.Huminga siya nang malalim. “Kinausap uli ako ni Mikee kanina.”“Tungkol saan?” Ito na. “Tungkol sa...atin.”Saglit itong natigilan. Mula sa nilalaru-laro nitong napkin ay nag-angat ito ng tingin. She cleared her throat. “May mga lumabas na photos...videos...no’ng party last week. And no’ng nag-mall tayo last time.”“Hulaan ko. Masyadong silang naeskandalo

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Thirty-nine

    HINDI mapigilang mapangiti ni Sav nang kunin ni Zach ang kanyang kamay paglabas na paglabas nila ng kanyang bahay. Saglit itong tumigil para bumulong, “Kalimutan mo muna ang pagiging mayor mo ngayon, ha. Let’s just have fun. I’m gonna make you forget about all that stuff for a while.”Kahit pa gusto niyang tumanggi dahil sa dami ng kailangan niyang gawin at dahil na rin sa mga responsibilidad niya bilang alkalde, hindi niya magawa. Dahil tama si Zach. She had spent so many days carrying the weight of her title, ‘yung constant pressure, ‘yung expectations ng lahat sa kanya, pero ngayong kasama niya ito, parang walang balewala ang lahat. Sa tuwing kasama niya ito, pakiramdam niya ay isang normal na babae lang na walang inaalalang problema ng iba.Una, nagpunta sila sa mall. Sa matagal na panahon, ngayon na lang uli niya naranasang makapaglakad sa pampublikong lugar na walang ibang kasama – walang bodyguard, walang assistant. While walking, she found herself laughing like a giddy schoolg

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status