
Call Me Daddy One More Time
Hindi maintindihan ni Issa kung bakit sa dinamirami ng p’wedeng mapansin ng boss niyang si Santiago ay siya pa talaga ang napagdiskitahan nito. Si Issa, na isang hamak ng intern. Average girl, certified overthinker at professional delulu.
Ang problema? Hindi niya ito gusto. Kasi, gustung-gusto niya ito! Pero oy, hindi naman ibig sabihin no’n na paniniwalaan na agad niya na seryoso si Santi sa kanya. Kasi diba, bakit nga siya?
At nagtanong pa raw siya, eh siya nga ‘tong sumakay sa mga pa-cute ng boss at sinabayan ang kalandian nito. Pero malay ba naman ni Issa na more than landian pala ang gustong mangyari ni Daddy Santi?
Si Santiago Cortez kasi ang klase ng lalaking dapat ay pang-boss lang. Arogante, topakin, pero sobrang guwapo. Also, kayang-kayang bumili ng isang building o higit pa - at siguro pati kaluluwa ko, afford niya kung trip niya. Oo nga pala, babaero itong numero uno, at allergic sa commitment. At si Issa? Tipikal na intern na dapat nagta-trabaho lang at hindi nagpapantasya sa boss.
Away. Bati. Flirt. Takbo. Habol. Repeat.
Pero hindi naniniwala si Issa sa forever, lalo na sa lalaking gaya ni Santiago. Kaya ang tanong - kapag isang guwapo at possessive na bilyonaryong tulad ni Santiago ang na-in love sa isang intern na delulu pero may commitment issues tulad ni Issa, aasa ba sila sa happy ending o mas kailangan nilang magpa-book ng couple’s therapy?
อ่าน
Chapter: Chapter FiveSOBRANG tahimik sa office. As in sobrang tahimik na kahit heartbeat mo, maririnig mo na. Limang voicemails na ang natanggap ko from Sachi at bawat isa ay mas dramatic sa nauna."Girl, bakit nandiyan ka pa?" "Nag-o-overtime ka ba talaga o nag-o-over-daddy?" "Kapag talaga nalaman kong nag-iisa ka riyan kasama siya, naku Issa, sinasabi ko sa 'yo!"Nag-iisa lang naman talaga ako. Katatapos ko lang mag-print ng monthly report na hindi ko naman talaga ginagawa dahil...basta mahabang kuwento na puno ng internalized capitalism – nang ma-realize ko na parang ghost town pala ang 25th floor kapag ganoong oras.Except - click. Footsteps. Lalaki. Mabigat ang mga yabag. Oh no. Please lang, universe. Si manong janitor lang sana. O si manong guard. Kahit sino, huwag lang siya, please.Dahan-dahan akong lumingon. At iyon na nga. Si Boss. White shirt na naka-roll ang sleeves, dark slacks. Parang K-drama feels lang. Tie undone, medyo magulo ang buhok pero ang guwapo-guwapo pa rin! Mukha itong pagod. Muk
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-16
Chapter: Chapter FourMAGKAHARAP kaming nakaupo ni Sachi sa pantry, sa harap ng plastic containers na halos wala nang laman."Kung may nagtatanong pa kung bakit ako single, sabihin mo na lang I'm committed... to suffering," sabi ni Sachi sabay tusok ng natitirang lettuce sa pinggan nito."Same, pero sa kaso ko, I'm committed to thirsting over my boss na malamang, hindi alam ang buo kong pangalan," sagot ko habang ngumunguya ng malabsang crouton.Naningkit ang mga mata ni Sachi. "Girl, Issa. Araw-araw kang nagte-train sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pa niya alam ang buo mong pangalan? For sure, alam niya ang birthday mo, blood type mo, pati kung ilan ang naging ex mo."Nabulunan ako ng tubig. "Hala?""Okay, joke lang 'yung last part. Pero come on. Si Daddy Santi 'yan. If James Bond and a cinnamon roll had a baby, siya 'yon. Sa tingin mo ba, hahayaan niyang kung sino-sino lang ang makakapasok sa orbit niya nang gano’n-gano’n lang? Siyempre, pina-background check ka no’n, besh.” Bago pa ako magreklamo, bigl
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-16
Chapter: Chapter ThreeOKAY, so pagkatapos ng coffee incident na iyon, which, by the way, was seriously H-O-T - hindi naging madali ang mga bagay-bagay. I mean, masisisi mo ba ako?Si Cortéz kasi…well, ay si Cortéz pa rin. Kalmado. Controlled. Professional. Pero nakakainis ang sobrang karisma niya na laging nagpapakaba sa akin, na para akong nakasakay sa rollercoaster 24/7. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa excitement o sa takot. Or both. Kaya pagkatapos ng munting coffee disaster, desperado akong mabawi kahit man lang kaunting control sa sitwasyon. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako isang starry-eyed intern na madaling matunaw sa ngiti ng isang gwapo at malanding boss, 'di ba?Kaya naman sinubukan kong magseryoso. O at least, iyon ang akala ko.Naupo na ako sa desk ko, trying to concentrate on the pile of papers sa harap ko. Pero siyempre, ramdam ko 'yung mata niya sa akin. It was like he had this magnet kaya hindi ako maka-focus sa kahit ano, kundi sa kanya lang. Parang irresistible force o
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-16
Chapter: Chapter TwoMAAGA akong pumasok today.Like, "Ako-pa-lang-ang-tao-sa-buong-building" early. Kasi nga, first official day ko ito as temp assistant ni Mr. Jose Santiago Cortéz! At sa sobrang kaba ko, nag-make up ako na parang magsho-shoot ng music video. Blown-out hair, light blue na blouse na parang nagsasabing, “Harmless ako, please huwag mo ‘kong pansinin dahil malapit na ‘kong ma-panic attack” kind of shade.Pumasok ako nang poised, kahit punung-puno ang tiyan ko ng butterflies na parang mga lasing. The office was glass-walled, all sharp corners and minimalist furniture. Ang tahimik. Ang sosyal. Ang intimidating. Kahit nga ‘yung mga upuan, parang mas mahal pa sa laptop ko.Then, click. Bumukas ang elevator. Then, footsteps. Leather shoes, confident ang tunog. At gano’n lang, biglang uminit na naman ang temperature sa opisina. Nang lumingon ako, nando’n na si Boss, ang survivor ng coffee disaster kahapon. At sa kasamaang-palad para sa mahina kong puso, nag-dugs-dugs-dugs na naman siya dahil sa
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-16
Chapter: Chapter OnePUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-08-16