LOGINTAHIMIK silang nagbihis, kapwa naghahabol pa ng hininga. Dahan-dahang ibinutones ni Sav ang blouse at inaayos ni Zach ang pagkaka-tuck in ng polo nito sa pantalon, habang nakatingin at nakangiti sa kanya.“Back to business?” nakangiti nitong tanong.Napangiti siya habang inaayos ang palda. “Depende.”“Saan?”“Kung available ka Friday night for another…municipal briefing.”He grinned. “Madam Mayor, I am always at your service.”Tiningnan ni Savannah ang sariling repleksyon sa salamin. Magulo ang buhok niya, namumula ang mga labi, nakabukas ang ilang butones ng kanyang blouse. At ang kanyang moral compass? Parang nalaglag yata niya kanina sa ilalim ng kanyang mesa. “Oh my God,” bulong niya habang kinakapa ang buhok gamit ang mga daliri. “Mayor ako, hindi bold star!” Taranta niyang hinanap ang compact mirror sa bag at nang makita ang repleksyon doon ay halos mapasigaw siya. Ang lipstick niya? Parang dinaanan ng tren papuntang Bicol! At ang eyeliner? Sabihin na lang nating ang peg niya
NAPALUNOK siya. And when he leaned forward to kiss her knee, her breath hitched. Tinapunan siya nito ng tingin habang hinahalikan nito ang kanyang hita, na para bang naghihintay ng grasya mula sa langit.“Zach, please…” Sav’s hands went to his shoulders, nails digging in she opened her legs just a little bit more.“Hmm.” He smiled against her skin, lips trailing slow, burning kisses to her inner thigh. He then slowly rose from his knees, hands dragging up the sides of her legs until he was standing between her knees, caging her in the office chair. And then he kissed her. It was not sweet, it was not slow. It was starved.Gusto nilang iparamdam sa mga halik na iyon na hindi na nila kayang magkunwari. Naglakbay ang mga kamay ni Zach sa likod ni Sav at inilapit siya nito sa dulo ng upuan, dahilan para malilis ang suot niyang palda hanggang sa baywang. Halos matanggal na rin ang pagkakabutones ng kanyang blouse dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata.“Zach, baka may makakita sa -”“
MEDYO basa si Zach nang dumating na para bang wala itong oras na magpayong at basta na lamang tumakbo papunta sa kanya. Binuksan ni Sav ang pinto na tanging lumang T-shirt lamang ang suot. Neither of them spoke. She stepped aside so that he could enter. Ilang segundo rin silang nanatili lang na nakatayo sa gitna ng living room habang nakatingin sa isa’t-isa.“Bakit mo nga uli ako tinawagan?” mapanuksong tanong ni Zach.Tumingala siya para diretso itong matingnan sa mata. “Bakit ka nga uli pumunta dito?” balik niyang tanong nang nakangiti.“Hindi na dapat ako nagpunta, ‘no? Dis-oras na ng gabi.”Tumango si Sav at pagkatapos ay muling natahimik.Without a word, Zach stepped toward her. Hindi siya umiwas nang lumapit ito at hawakan ang magkabila niyang kamay. The moment their hands met, it was like the world around them disappeared.Marahan siya nitong hinatak palapit at inangkin ang naghihintay niyang mga labi. The kiss was hungry, desperate, as if releasing everything they’d been holdi
FOR someone used to control, this kind of silence was slowly killing her. Na-master na yata ni Savannah an art of compartmentalization – duty niya sa public bilang alkalde, sakit ng ulo dahil sa mga problema sa politika, mga personal na problema at kung anu-ano pa. Kayang-kaya niyang i-manage ang buong bayan pero bakit parang hirap na hirap siyang i-manage ang tulad ni Zach?It has been five days since she last saw him. Walang text, walang tawag. Kahit missed call, wala. At ang pinakamalala? Alam niya kung bakit.Dahil iyon ang utos niya.“Hindi tayo p’wedeng laging makitang magkasama,” marahan niyang sabi. “Basta I’ll be the one to contact you. I’ll set the pace.”At ito namang si Zach, being the respectful, maddeningly obedient boyfriend that he was, did exactly just that. Sinunod siya nito. To the letter.At ngayon, gusto niyang itapon sa dingding ang hawak na telepono.Sinubukan niyang mag-focus sa community budget revision na kanina pa naroon sa kanyang mesa pero kahit ilang bese
WALANG nagawa si Savannah. She’s too stunned to do anything. Nanatili lang siyang nakaupo sa harap ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili habang kinakain ng konsensiya. Tinitigan lang niya ang mga pinggang halos wala nang laman at ang naiwang baso ng wine ni Zach.She hated this and she hated that she hurt him. Galit siya sa sarili niya dahil pilit pa rin niyang pinoprotektahan ang sariling imahe bilang mayor, kahit pa nga ang gusto lang naman niyang protektahan ay si Zach, na ngayon ay wala na. But she also hated how he made it sound so simple. Na para bang gano’n kadali na iwan niya ang buhay niya bilang mayor para lamang dito. Kaya nga ba niyang iwan ang lahat? Kung puso niya ang tatanungin, walang kaabug-abog na oo ang sagot. She loves Zach, she’s certain of that now at kaya niyang gawin ang lahat para lang makasama niya ito kahit habang-buhay pa. Pero kung tatanungin ang kanyang utak, malinaw ang isasagot nito. “Zach, wait!” Bago pa tuluyang makalayo si Zach ay pilit niya i
SAVANNAH never thought silence could be deafening that night. Walang ibang ingay kundi ang tunog ng mga kubyertos sa pinggan sa mesa at ang mahinang ugong mula sa ceiling fan.Sinigurado niyang maganda ang pagkakaayos ng mesa para sa gabing iyon. Iniluto niya ang specialty niyang Creamy Truffle Pasta with garlic bread at nagsindi pa ng kandila para maging romantic ang ambiance. Romantic ambiance. Iyon naman talaga ang dapat sa gabing iyon pero habang nakaupo sa harap niya si Zach, hindi niya alam kung magiging romantic pa nga ba ang gabi. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito pero halata sa mga mata ng binata ang pagkalito.Huminga siya nang malalim. “Kinausap uli ako ni Mikee kanina.”“Tungkol saan?” Ito na. “Tungkol sa...atin.”Saglit itong natigilan. Mula sa nilalaru-laro nitong napkin ay nag-angat ito ng tingin. She cleared her throat. “May mga lumabas na photos...videos...no’ng party last week. And no’ng nag-mall tayo last time.”“Hulaan ko. Masyadong silang naeskandalo







