LOGIN“HAPPY birthday, Savannah, hija!”
Malaki ang pagkakangiti ni Mr. Castello nang lumapit sa kanila. Wala na ring nagawa si Savannah kundi ang ngumiti at yumakap at humalik sa ama. Pasimple niyang inayos ang nagulong buhok, maging ang nagusot na damit bago kumaway sa mga tao na kanina pa marahil naghihintay sa kanya.
“Hindi lang pala kami ang may sorpresa sa iyo, anak! Ikaw rin, mayroong sorpresa para sa amin!” abot-tainga nitong bati. “Ipakilala mo naman kami sa magandang-lalaking kasama mo!” Halos hanggang tainga lamang niya ito, maputi na ang buhok pero maganda pa rin ang tindig dahil na rin sa araw-araw nitong pagja-jogging sa tabing-dagat tuwing umaga.
“O-of course,” mahina niyang tugon. “Papa, si...Zach. Zach, meet everyone...Papa ko, at ang staff namin sa resort...at sa munisipyo.”
Alanganing kumaway si Zach sa mga panauhin na sinagot naman ng masayang ‘hello’ kabagay ng kaway ng mga iyon.
“Hi, Zach!” narinig pa niyang bati ng iba na halata ring masayang-masaya sa pangyayari.
Nang medyo mahimasmasan, noon lamang niya napansin ang mga dekorasyon sa dingding - gold shredded foil na may ‘Happy 29th, Mayor Savannah’ na gawa sa silver foil balloons at silver at pink na mga lobo na maayos na nakadikit sa kisame. Marami ring pagkain ang nakahanda sa pahabang mesa na pinalamutian din ng ribbons at string lights.
Napailing siya at napangiti. Ilang beses na niyang sinabi sa kanyang staff na huwag nang mag-abalang maghanda para ngayong gabi at gagawin na lamang nila ang selebrasyon sa mga batang biktima ng sunog noong nakaraang linggo.
Sigurado siya, si Mikee ang may pakana ng lahat ng iyon, tulad na lamang ng ‘blind date’ niya ngayon. And speaking of Mikee, she saw her at the corner, silently cheering for her with two metallic gold balloons in her both hands. Halatang pinaghandaan nito ang gabing iyon dahil naka-todo-make up ito at ipinakulot pa ang tuwid na itim na buhok. Between them, Mikee is the fashionista type at ito na rin ang tumayong stylist niya simula nang maupo siya bilang mayor ng bayan. Kakaiba ang kinang ng mga mata nito at alam na niya ang ibig no’ng sabihin.
“Maraming salamat sa pagdating, Zach, hijo. You made this night even more special for all of us.”
Alanganing ngumiti si Zach at iaabot na sana ang kamay para makipagkamay pero agad itong niyakap ni Mr. Castello. Napailing na lang si Savannah hindi lang dahil sa kahihiyan kundi dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa ama ang totoo na hindi niya nobyo si Zach at ka-blind date lamang niya ito.
Bago pa siya magkaroon ng pagkakataon na makausap ang binata ay hinila na ito ng Papa niya para ipakilala sa lahat, na para bang ito ang may kaarawan. Wiling-wili naman ang lahat, lalo na ang mga kababaihan na halatang nabighani sa kakisigan ni Zach.
At hindi niya napigilang mapangiti. Kanina lang ay nahalikan niya ang lalaking kinahuhumalingan ng lahat. Kanina lang ay niyakap siya nito at pinatikim ang pinakamainit na halik na natikman niya sa buong buhay niya at kanina lang, muntik na niyang maisuko rito ang lahat-lahat.
“Happy birthday, Mayor! Talaga namang happy na happy, diba?”
Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Kiniliti pa siya nito sa tagiliran, dahilan para mapatili siya.
“Diyos mio, Savannah! Hindi ko expected na ganyan pala ka-guwapo ‘yan! Oo, nakita ko siya sa picture pero Diyos mio!”
“Shh!” awat niya sa kaibigan dahil baka may makarinig sa pinag-uusapan nila. “Kasalanan mo ‘to, Mikee!”
“At bakit parang galit ka pa?” natatawa nitong tanong. “Nag-enjoy ka na nga’t lahat, galit ka pa?”
“Blind date lang dapat ‘to, diba?”
Tumangu-tango si Mikee na nakasunod pa rin ang tingin kay Zach. Abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa mga tao sa tungkol saan ay hindi niya alam. Lalo lang tumataas ang anxiety level niya sa tuwing nakikita itong may kausap na iba.
“Alam mo ba kung ano siya, ha?” bulong niya. “He’s a male escort, for Christ’s sake!”
Muli, tumangu-tango ito. “And he’s one delicious male escort, bff.”
“Hindi ako nagbibiro, Mikee. Hindi mo lang ba naisip ang magiging epekto nito sa reputasyon ko bilang Mayor ng San Quentin?”
“Ano’ng epekto sa reputasyon mo bilang mayor?” Sa wakas ay hinarap siya nito. “Ang sabihin mo, mas takot ka sa possibility na ma-in love ka sa kanya, na isang male escort kaysa d’yan sa reputasyon mo as mayor.”
“Ma-in love? Mikee naman, ano ako, teenager?”
Natawa ang kaibigan. “Aminin mo na, Mayor. Natatakot ka na malaman ng lahat na ang isang Mayor Savannah Marie Castello ay hindi naman pala talaga isang strong and independent woman at ang true ay marupok talaga siya lalo na pagdating sa love.”
“Hay naku, ewan ko sa ‘yo.” Napailing na lang siya sa pang-iinis ng kaibigan. “Ano ngayon ang gagawin ko? Tingnan mo si Papa, ipinakilala na si Zach sa lahat bilang boyfriend ko! I’m sure, malalaman na ng buong bayan ng San Quentin ang tungkol dito bukas na bukas.”
“Ano ang problema ro’n?”
“Hindi mo pa rin naiintindihan kung gaano kaseryoso ang sitwasyon?”
“Hindi,” tugon nito. “Dahil simple lang naman, eh. Malalaman ng lahat na may boyfriend na ang Mayor ng San Quentin, so ano’ng big deal do’n? Single ka naman, single naman siya-“
“Sigurado ba tayo na single siya?” hindi niya napigilang tanong, na nagpangiti sa kaibigan.
“Nag-background check naman ako sa kanya, Mayor. Siyempre, sinigurado ko naman na hindi ka mapapahamak sa ipapa-blind date ko sa ‘yo.”
“So, single nga?” ulit niya.
“Single at very much available si lover boy. College dropout pero drop-dead gorgeous naman!”
“Mikee!”
“Oh hindi ba, totoo naman? Diyos mio, tingnan mo ang braso! Namumutok sa polo at mukhang pagkatigas-tigas!” Lumapit ito nang bahagya sa kanya at bumulong. “Matigas ba, mayor?”
“Ang alin?” nanlaki ang mga mata niya at naramdaman niyang uminit ang pisngi niya dahil sa tanong nito.
“Ang braso, ito naman! Ha, ha!”
Bahagyang tango lang ang nakayanan niya. “Pati ang dibdib niya, matigas,” pabulong niyang pahabol.
“Eh ang abs, Mayor?”
“Well, hindi ko pa na-experience kaya hindi ako sure!”
“Ay, alamin mo ‘yan, Mayor ha, next time!” Pigil na pigil ang tili ni Mikee dahil nagsisimula nang magtinginan sa kanila ang mga tao roon. “Grabe girl, parang titig pa lang, madadala ka na niya sa langit!”
“Mikee!” awat niya rito pero hindi na rin niya napigilang matawa.
“Sorry naman! Alam mo namang ang tagal ko na ring walang dilig!”
“My God, Mikee, watch your words!”
“Sorry na! Napakaguwapo naman kasi talaga, tingnan mo! Kahit nakatalikod, ulam na!”
“Mikee, behave!”
Hinawakan niya ang braso ng kaibigan nang makitang palapit si Zach na may hawak na dalawang baso ng champagne para sa kanilang dalawa ng kaibigan.
“Hi, girls. You must be Mikee,” inilahad nito ang kamay.
“Paano mo nalaman na ako si Mikee?” takang tanong ng kaibigan na halos mamilipit na sa kilig lalo na nang makipagkamay ito.
“’Naalala ko ‘yong tawa mo no’ng nagkausap tayo sa phone. Masarap sa tainga.”
“Really? Well, mas masarap sa tainga ang number ko, gusto mo bang marinig?”
Mahinang hampas ang ginawa ni Savannah sa balikat ni Mikee na nagpatawa kay Zach.
“Sige na, iwan ko na kayong love birds at marami pang aasikasuhin ang punong abala.” Bumaling ito kay Zach at may pa-haplos pa sa braso nito. “Nice to meet you in person, Zach. Kapag ayaw mo na kay Mayor Savvy, nandito lang ako, ha?”
Tumango na lang si Zach at pagkatapos ay umiling. Nang bumaling itong muli sa kanya ay napakaganda ng ngiti nito na muntik nang magpalimot sa kanya sa tunay na sitwasyon.
NAPALUNOK siya. And when he leaned forward to kiss her knee, her breath hitched. Tinapunan siya nito ng tingin habang hinahalikan nito ang kanyang hita, na para bang naghihintay ng grasya mula sa langit.“Zach, please…” Sav’s hands went to his shoulders, nails digging in she opened her legs just a little bit more.“Hmm.” He smiled against her skin, lips trailing slow, burning kisses to her inner thigh. He then slowly rose from his knees, hands dragging up the sides of her legs until he was standing between her knees, caging her in the office chair. And then he kissed her. It was not sweet, it was not slow. It was starved.Gusto nilang iparamdam sa mga halik na iyon na hindi na nila kayang magkunwari. Naglakbay ang mga kamay ni Zach sa likod ni Sav at inilapit siya nito sa dulo ng upuan, dahilan para malilis ang suot niyang palda hanggang sa baywang. Halos matanggal na rin ang pagkakabutones ng kanyang blouse dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata.“Zach, baka may makakita sa -”“
MEDYO basa si Zach nang dumating na para bang wala itong oras na magpayong at basta na lamang tumakbo papunta sa kanya. Binuksan ni Sav ang pinto na tanging lumang T-shirt lamang ang suot. Neither of them spoke. She stepped aside so that he could enter. Ilang segundo rin silang nanatili lang na nakatayo sa gitna ng living room habang nakatingin sa isa’t-isa.“Bakit mo nga uli ako tinawagan?” mapanuksong tanong ni Zach.Tumingala siya para diretso itong matingnan sa mata. “Bakit ka nga uli pumunta dito?” balik niyang tanong nang nakangiti.“Hindi na dapat ako nagpunta, ‘no? Dis-oras na ng gabi.”Tumango si Sav at pagkatapos ay muling natahimik.Without a word, Zach stepped toward her. Hindi siya umiwas nang lumapit ito at hawakan ang magkabila niyang kamay. The moment their hands met, it was like the world around them disappeared.Marahan siya nitong hinatak palapit at inangkin ang naghihintay niyang mga labi. The kiss was hungry, desperate, as if releasing everything they’d been holdi
FOR someone used to control, this kind of silence was slowly killing her. Na-master na yata ni Savannah an art of compartmentalization – duty niya sa public bilang alkalde, sakit ng ulo dahil sa mga problema sa politika, mga personal na problema at kung anu-ano pa. Kayang-kaya niyang i-manage ang buong bayan pero bakit parang hirap na hirap siyang i-manage ang tulad ni Zach?It has been five days since she last saw him. Walang text, walang tawag. Kahit missed call, wala. At ang pinakamalala? Alam niya kung bakit.Dahil iyon ang utos niya.“Hindi tayo p’wedeng laging makitang magkasama,” marahan niyang sabi. “Basta I’ll be the one to contact you. I’ll set the pace.”At ito namang si Zach, being the respectful, maddeningly obedient boyfriend that he was, did exactly just that. Sinunod siya nito. To the letter.At ngayon, gusto niyang itapon sa dingding ang hawak na telepono.Sinubukan niyang mag-focus sa community budget revision na kanina pa naroon sa kanyang mesa pero kahit ilang bese
WALANG nagawa si Savannah. She’s too stunned to do anything. Nanatili lang siyang nakaupo sa harap ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili habang kinakain ng konsensiya. Tinitigan lang niya ang mga pinggang halos wala nang laman at ang naiwang baso ng wine ni Zach.She hated this and she hated that she hurt him. Galit siya sa sarili niya dahil pilit pa rin niyang pinoprotektahan ang sariling imahe bilang mayor, kahit pa nga ang gusto lang naman niyang protektahan ay si Zach, na ngayon ay wala na. But she also hated how he made it sound so simple. Na para bang gano’n kadali na iwan niya ang buhay niya bilang mayor para lamang dito. Kaya nga ba niyang iwan ang lahat? Kung puso niya ang tatanungin, walang kaabug-abog na oo ang sagot. She loves Zach, she’s certain of that now at kaya niyang gawin ang lahat para lang makasama niya ito kahit habang-buhay pa. Pero kung tatanungin ang kanyang utak, malinaw ang isasagot nito. “Zach, wait!” Bago pa tuluyang makalayo si Zach ay pilit niya i
SAVANNAH never thought silence could be deafening that night. Walang ibang ingay kundi ang tunog ng mga kubyertos sa pinggan sa mesa at ang mahinang ugong mula sa ceiling fan.Sinigurado niyang maganda ang pagkakaayos ng mesa para sa gabing iyon. Iniluto niya ang specialty niyang Creamy Truffle Pasta with garlic bread at nagsindi pa ng kandila para maging romantic ang ambiance. Romantic ambiance. Iyon naman talaga ang dapat sa gabing iyon pero habang nakaupo sa harap niya si Zach, hindi niya alam kung magiging romantic pa nga ba ang gabi. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito pero halata sa mga mata ng binata ang pagkalito.Huminga siya nang malalim. “Kinausap uli ako ni Mikee kanina.”“Tungkol saan?” Ito na. “Tungkol sa...atin.”Saglit itong natigilan. Mula sa nilalaru-laro nitong napkin ay nag-angat ito ng tingin. She cleared her throat. “May mga lumabas na photos...videos...no’ng party last week. And no’ng nag-mall tayo last time.”“Hulaan ko. Masyadong silang naeskandalo
HINDI mapigilang mapangiti ni Sav nang kunin ni Zach ang kanyang kamay paglabas na paglabas nila ng kanyang bahay. Saglit itong tumigil para bumulong, “Kalimutan mo muna ang pagiging mayor mo ngayon, ha. Let’s just have fun. I’m gonna make you forget about all that stuff for a while.”Kahit pa gusto niyang tumanggi dahil sa dami ng kailangan niyang gawin at dahil na rin sa mga responsibilidad niya bilang alkalde, hindi niya magawa. Dahil tama si Zach. She had spent so many days carrying the weight of her title, ‘yung constant pressure, ‘yung expectations ng lahat sa kanya, pero ngayong kasama niya ito, parang walang balewala ang lahat. Sa tuwing kasama niya ito, pakiramdam niya ay isang normal na babae lang na walang inaalalang problema ng iba.Una, nagpunta sila sa mall. Sa matagal na panahon, ngayon na lang uli niya naranasang makapaglakad sa pampublikong lugar na walang ibang kasama – walang bodyguard, walang assistant. While walking, she found herself laughing like a giddy schoolg







