LOGIN“HINDI mo ba nami-miss ang ganito, Savannah? ‘Yung may tumititig sa ‘yo, ‘yung may humahawak ng kamay mo nang ganito...”
Dahan-dahan nitong hinuli ang isa niyang kamay at nakiramdam kung iiwas siya. Nang hinayaan lang niya ito na hawakan ang kamay niya ay lumakas ang loob nito na hawakan ang isa pa. Lumingun-lingon siya sa paligid, sinisiguro na walang sinuman ang nakakakita sa kanilang dalawa roon sa harap ng p***o ng kanilang bahay. Ilang minuto lamang ang layo nito mula sa resort at kahit pa ilang ulit niyang pakiusapan si Zach na hindi na nito kailangang ihatid siya roon ay nagpumilit pa rin ang binata. Wala naman sigurong mawawala, sabi niya sa sarili. Isa pa, ayaw pa niyang matapos ang gabing iyon na kasama ito. Dahil aminin man niya o hindi, nagugustuhan na niya si Zach. Hindi. Hindi lang basta pagkagusto. She’s drawn to him. Gusto niya itong kasama. Ah, hindi - gusto niya ito, period. Gusto niya ang lahat tungkol dito, lalo na ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na para bang gusto siya nitong paligayahin.
“Hindi mo ba hinahanap-hanap ‘yong may nangungumusta sa ‘yo kung kumain ka na o kung ano ang pakiramdam mo, ‘yong may nag-gu-good night...’yong may kayakap sa gabi, ‘yong may katabi ka pagtulog...’yong may humahalik...”
”H-hindi. Sanayan lang din siguro talaga.” Pabulong iyon at kung hindi pa ito mas lumapit ay malamang ay hindi nito iyon narinig.
“Baka kailangan mong maranasan uli para ma-realize mo kung gaano mo nami-miss?”
She sighed. “Ayoko nang mag-risk.”
“Bakit?”
“Masyado na ‘kong maraming iniintindi. Hindi ko kailangan ang ganyan ngayon.”
“Sa tingin ko, kailangan mo.” Pinisil-pisil nito ang magkabila nitong kamay habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. “This is exactly what you need.” Naglakas ito ng loob na hawakan ang kanyang pisngi at marahan iyong haplusin. Napapikit siya sa init niyon sa malamig niyang balat.
“Zach, please...huwag.”
“Dahil ba sa male escort lang ako?”
Yumuko ito at umiling. “Dahil ngayon lang tayo nagkakilala. Wala tayong alam sa isa’t-isa.”
“Well, may point ka. Pero bakit natin gagawing complicated ang sitwasyon? Bakit hindi mo na lang ako hayaang paligayahin ka sa paraang gusto mo, no strings attached?”
Napaurong si Savannah. Kaya ba niyang gawin iyon? Hindi. Dahil hindi p’wede sa kanya ang no strings attached. Dahil sa oras na maging intimate siya sa isang lalaki, kailangang may attachment, one way or another. Dahil hindi niya kayang paghiwalayin ang utak at puso.
At ngayong beinte-nuebe na siya, iisa lang ang wish niya para sa sarili - iyon ay ang mas i-enjoy ang buhay, at buksan ang sarili para sa iba. Hindi madali dahil nasanay na siyang mag-isa pero sabi nga ni Mikee, hindi na sila bumabata. At kailangan niya ‘yon para sa sarili. Halos buong buhay na siyang nagtatrabaho at ngayong masyado nang mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat, hindi niya maiwasang tanungin sa sarili kung bakit nga ba siya napunta sa gano’ng sitwasyon.
Siyempre, alam niya kung bakit. Tatlo lang naman ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang isang tao - para sa pera, sa responsibilidad at para makalimot. At aminin man niya o hindi, doon siya sa pangatlo. Sometimes, it gets real lonely but she got used to it. Being alone can be quite addicting.
Bahagya siyang lumayo para sana buksan na ang p***o pero hindi nito binitwan ang mga kamay niya.
“Kung iba kaya ang sitwasyon...kung hindi ako hi-nire lang para maging date mo ngayon, kung hindi ako male escort...kung sa ibang paraan tayo nagkakilala. Sa tingin mo, may chance ako sa ‘yo?”
“Chance?”
“Chance na mas makilala ka pa. Chance para magkakilala pa tayo. Chance na magustuhan mo ako?”
“Well-“
“On second thought, huwag mo nang sagutin. Hypothetical question lang naman. Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar.”
“No, Zach, hindi gano’n. Wala naman sa akin kung ‘yan ang trabaho mo,” paliwanag nito. “Siguro, hindi pa lang ako ready na pumasok sa gano’ng klaseng commitment.”
“Sa tingin mo, kailan ka magiging handa, Savannah?”
~~
SA loob lang ng ilang oras, napatunayan ni Zach na iba ito sa lahat ng lalaking nakilala at nakasalamuha ni Savannah. Sa totoo lang, nahigitan nito ang expectations niya. Pero hindi maialis ni Savannah sa isip na ginagawa lang ni Zach ang trabaho nito. After all, he’s been paid to please women. Dito na rin mismo nanggaling na kaya nitong gawin ang lahat para lamang maibigay sa kliyente ang anumang hilingin nito.
Ano kayang klaseng lalaki si Zach sa labas ng trabaho? Ganoon din kaya ito ka-sweet? Kaalaga? Ka-simpatiko? Ganoon pa rin kaya ang magiging paraan ng pagtitig nito sa kanya na para bang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo?
Si Mikee naman kasi. Kung hindi ito nagbayad ng male escort para maging date niya nang gabing iyon, tahimik sana ang buhay niya. Sana wala siyang aalalahanin at sana mahimbing ang tulog niya ngayong gabi. Napaisip tuloy siya sa tanong ni Zach, na kung iba nga kaya ang sitwasyon at nagkakilala sila sa ibang paraan, may pag-asa nga kaya na magkagustuhan sila? Siguro, sabi niya - iyon ay kung totoo ang lahat ng ipinakita ni Zach nang gabing iyon at hindi palabas lang.
Nawala na ang interes ni Savannah sa mga lalaki, matagal na. Ilang taon na rin siyang single at wala siyang balak na baguhin pa iyon. Nakaya naman niyang mag-isa nang ilang taon at sigurado siyang kakayanin niya na walang lalaki sa buhay sa mga susunod na taon pa.
“I’m sorry, Zach. Hindi ikaw ang problema,” hingi niya ng tawad. “Ako ‘to lahat. I mean, any woman would be more than willing to kiss you and even sleep with you in an instant but that’s just not me. Not on the first date, at least.”
“Naiintindihan ko.” Ngumiti ito. “Pero okay ba sa second date?”
Namula siya at hindi tumugon. “Anyway, this has been interesting. Actually, this is the most interesting dinner I’ve had in a long time.” Tumalikod na siya at binuksan ang p***o ng bahay. Paglingon niya ay hindi niya inaasahang mas lumapit sa kanyang kinatatayuan si Zach na halos magkadikit na ang kanilang katawan.
“Interesting indeed,” he agreed, staring straight into her eyes.
“Bye, Zach. Thank you for tonight.”
“My pleasure, Savannah.”
At pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng marahang halik sa pisngi, na hindi niya naiwasan. Inaasahan niya na lalayo na ito pagkatapos pero hindi iyon nangyari. Sa halip, nanatili lang itong nakatayo sa harap niya, halos isang pulgada lang ang layo mula sa kanya at nanatiling nakatingin sa kanyang mga labi.
“Wait, bago ako umalis, gusto ko lang malaman kung...” At bigla siya nitong hinalikan. Hindi sa pisngi, kundi sa labi. Ramdam niya ang init at lambot ng labi nito sa sulok ng kanyang bibig, at ang marahan nitong paggalaw. Napapikit na lamang siya at napahigit ng hininga habang ninanamnam ang mainit na halik ng binata.
“W-wow…kasama ba sa training n’yo ang ganyang klaseng halik?” bulong niya.
Umiling si Zach. Nakangiti na ito pagdilat niya. “Pero marami pa akong alam na p’wede kong gawin sa ‘yo kung papayagan mo lang ako, Savannah...kung hahayaan mo lang gawin ko ang trabaho ko, ipapangako ko sa ‘yo na hinding-hindi mo makakalimutan ang gabing ‘to.”
At nang halikan siya nitong muli ay awtomatiko ang isa niyang kamay na napunta sa dibdib nito - para sana itulak ito palayo pero parang may sariling isip ang kanyang kamay dahil hindi na niya namalayan napunta na iyon sa batok nito para mas mapalapit sa binata. Mas humigpit naman ang mga braso ni Zach sa pagkakayakap sa kanya habang patuloy pa rin ito sa paghalik. Halos mapaungol na siya nang buksan niya ang bibig para makahinga at sinamantala naman iyon ni Zach at ipinasok ang dila nito sa loob niyon.
Hindi na namalayan ni Savannah na naitulak na pala ni Zach ang malaking p***o at nakapasok na sila sa loob. Habang magkahinang ang mga labi ay kinapa niya ang switch ng ilaw sa dingding at ilang beses pa itong nagpatay-sindi bago tuluyang bigyang liwanag ang buong kabahayan.
“SURPRISE! Happy birthday, Miss Mayor!”
Halos sabay ang pagdilat ng kanilang mga mata nang marinig ang malakas na bati ng mga tao sa loob na hindi bababa sa beinte ang bilang. Dahan-dahan nilang pinaghiwalay ang mga labi pero nanatili silang magkayakap sa isa’t-isa.
“M-mayor?” bulong ni Zach. “M-mayor ka, Savannah? I mean...Miss Savannah...I mean...M-mayor Savannah?”
“H-hindi ko ba nabanggit?” nakayuko niyang tanong, hindi pa rin magawang lingunin ang mga tao roon na siguradong gulat na gulat sa nasaksihan.
“Wala kang nabanggit.”
Napapikit siya at huminga nang malalim. P’wede na ba siyang lamunin ng lupa ngayon?
NAPALUNOK siya. And when he leaned forward to kiss her knee, her breath hitched. Tinapunan siya nito ng tingin habang hinahalikan nito ang kanyang hita, na para bang naghihintay ng grasya mula sa langit.“Zach, please…” Sav’s hands went to his shoulders, nails digging in she opened her legs just a little bit more.“Hmm.” He smiled against her skin, lips trailing slow, burning kisses to her inner thigh. He then slowly rose from his knees, hands dragging up the sides of her legs until he was standing between her knees, caging her in the office chair. And then he kissed her. It was not sweet, it was not slow. It was starved.Gusto nilang iparamdam sa mga halik na iyon na hindi na nila kayang magkunwari. Naglakbay ang mga kamay ni Zach sa likod ni Sav at inilapit siya nito sa dulo ng upuan, dahilan para malilis ang suot niyang palda hanggang sa baywang. Halos matanggal na rin ang pagkakabutones ng kanyang blouse dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata.“Zach, baka may makakita sa -”“
MEDYO basa si Zach nang dumating na para bang wala itong oras na magpayong at basta na lamang tumakbo papunta sa kanya. Binuksan ni Sav ang pinto na tanging lumang T-shirt lamang ang suot. Neither of them spoke. She stepped aside so that he could enter. Ilang segundo rin silang nanatili lang na nakatayo sa gitna ng living room habang nakatingin sa isa’t-isa.“Bakit mo nga uli ako tinawagan?” mapanuksong tanong ni Zach.Tumingala siya para diretso itong matingnan sa mata. “Bakit ka nga uli pumunta dito?” balik niyang tanong nang nakangiti.“Hindi na dapat ako nagpunta, ‘no? Dis-oras na ng gabi.”Tumango si Sav at pagkatapos ay muling natahimik.Without a word, Zach stepped toward her. Hindi siya umiwas nang lumapit ito at hawakan ang magkabila niyang kamay. The moment their hands met, it was like the world around them disappeared.Marahan siya nitong hinatak palapit at inangkin ang naghihintay niyang mga labi. The kiss was hungry, desperate, as if releasing everything they’d been holdi
FOR someone used to control, this kind of silence was slowly killing her. Na-master na yata ni Savannah an art of compartmentalization – duty niya sa public bilang alkalde, sakit ng ulo dahil sa mga problema sa politika, mga personal na problema at kung anu-ano pa. Kayang-kaya niyang i-manage ang buong bayan pero bakit parang hirap na hirap siyang i-manage ang tulad ni Zach?It has been five days since she last saw him. Walang text, walang tawag. Kahit missed call, wala. At ang pinakamalala? Alam niya kung bakit.Dahil iyon ang utos niya.“Hindi tayo p’wedeng laging makitang magkasama,” marahan niyang sabi. “Basta I’ll be the one to contact you. I’ll set the pace.”At ito namang si Zach, being the respectful, maddeningly obedient boyfriend that he was, did exactly just that. Sinunod siya nito. To the letter.At ngayon, gusto niyang itapon sa dingding ang hawak na telepono.Sinubukan niyang mag-focus sa community budget revision na kanina pa naroon sa kanyang mesa pero kahit ilang bese
WALANG nagawa si Savannah. She’s too stunned to do anything. Nanatili lang siyang nakaupo sa harap ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili habang kinakain ng konsensiya. Tinitigan lang niya ang mga pinggang halos wala nang laman at ang naiwang baso ng wine ni Zach.She hated this and she hated that she hurt him. Galit siya sa sarili niya dahil pilit pa rin niyang pinoprotektahan ang sariling imahe bilang mayor, kahit pa nga ang gusto lang naman niyang protektahan ay si Zach, na ngayon ay wala na. But she also hated how he made it sound so simple. Na para bang gano’n kadali na iwan niya ang buhay niya bilang mayor para lamang dito. Kaya nga ba niyang iwan ang lahat? Kung puso niya ang tatanungin, walang kaabug-abog na oo ang sagot. She loves Zach, she’s certain of that now at kaya niyang gawin ang lahat para lang makasama niya ito kahit habang-buhay pa. Pero kung tatanungin ang kanyang utak, malinaw ang isasagot nito. “Zach, wait!” Bago pa tuluyang makalayo si Zach ay pilit niya i
SAVANNAH never thought silence could be deafening that night. Walang ibang ingay kundi ang tunog ng mga kubyertos sa pinggan sa mesa at ang mahinang ugong mula sa ceiling fan.Sinigurado niyang maganda ang pagkakaayos ng mesa para sa gabing iyon. Iniluto niya ang specialty niyang Creamy Truffle Pasta with garlic bread at nagsindi pa ng kandila para maging romantic ang ambiance. Romantic ambiance. Iyon naman talaga ang dapat sa gabing iyon pero habang nakaupo sa harap niya si Zach, hindi niya alam kung magiging romantic pa nga ba ang gabi. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito pero halata sa mga mata ng binata ang pagkalito.Huminga siya nang malalim. “Kinausap uli ako ni Mikee kanina.”“Tungkol saan?” Ito na. “Tungkol sa...atin.”Saglit itong natigilan. Mula sa nilalaru-laro nitong napkin ay nag-angat ito ng tingin. She cleared her throat. “May mga lumabas na photos...videos...no’ng party last week. And no’ng nag-mall tayo last time.”“Hulaan ko. Masyadong silang naeskandalo
HINDI mapigilang mapangiti ni Sav nang kunin ni Zach ang kanyang kamay paglabas na paglabas nila ng kanyang bahay. Saglit itong tumigil para bumulong, “Kalimutan mo muna ang pagiging mayor mo ngayon, ha. Let’s just have fun. I’m gonna make you forget about all that stuff for a while.”Kahit pa gusto niyang tumanggi dahil sa dami ng kailangan niyang gawin at dahil na rin sa mga responsibilidad niya bilang alkalde, hindi niya magawa. Dahil tama si Zach. She had spent so many days carrying the weight of her title, ‘yung constant pressure, ‘yung expectations ng lahat sa kanya, pero ngayong kasama niya ito, parang walang balewala ang lahat. Sa tuwing kasama niya ito, pakiramdam niya ay isang normal na babae lang na walang inaalalang problema ng iba.Una, nagpunta sila sa mall. Sa matagal na panahon, ngayon na lang uli niya naranasang makapaglakad sa pampublikong lugar na walang ibang kasama – walang bodyguard, walang assistant. While walking, she found herself laughing like a giddy schoolg







