Share

Chapter Two

Author: Margaux Wilde
last update publish date: 2026-09-02 10:11:51

NARAMDAMAN na lang ni Savannah ang pagbigat ng kanyang balikat nang ilagay ni Zach ng blazer nito. Malamig na ang simoy ng hangin sa dalampasigan at hindi niya namalayan na nahubad na pala ng binata ang suot na itim na blazer para ibigay sa kanya.

“Salamat.”

Ngumiti ito at nagpatuloy sa pagsabay sa kanya sa paglalakad. “Maganda pala dito sa inyo. Nakakawala ng stress.”

“Kaya nga hindi ko maiwan. Ilang beses ko nang sinubukan pero bumabalik pa rin ako.”

“Kahit ako siguro, babalik-balikan ko ‘to. Sariwa ang hangin, tahimik. Parang ibang mundo.”

“Kung mabibigyan ka ba ng chance na dito tumira, papayag ka?”

“Bakit hindi?” Napatingin ito sa kanyang direksiyon. 

“May bakanteng posisyon sa resort, assistant general manager. Baka gusto mo.”

“Seryoso?”

Napangiti siya. “Kung seryoso ba, mag-a-apply ka?”

“Kung urgent, I’m sorry but I have to decline the offer. Maybe someday?”

Itatanong pa sana ni Savannah ang dahilan pero nagkibit-balikat na lang siya.

“Pasensiya ka na nga pala, ha. Hindi man lang ako nakapagdala ng birthday cake. Hindi ka tuloy nakapag-blow ng candle at nakapag-wish.”

Natawa siya. “Ano ako, bata?”

“Bata lang ba ang may karapatang magkaroon ng birthday cake?”

“Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagse-celebrate ng birthday. Itong si Mikee lang talaga ang makulit. Alam naman niya na ayoko ng hassle - no offense meant, Zach. Hindi itong dinner, hindi ikaw ang tinutukoy kong hassle. It’s just that-”

“Don’t worry, gets ko naman.”

“Feeling ko lang kasi…I’m too old for this kind of stuff.”

“Nobody’s too old to enjoy this kind of stuff.” Huminto si Zach sa paglalakad at kinailangan pa niya itong lingunin. 

“Well.” Nang lumakas ang hampas ng hangin ay napahalukipkip siya. “Hindi na kasi ako mahilig sa mga ganitong bagay...”

“Ganitong…bagay?”

“Ito. Dating. Romance. O kung ano man ang gusto mong itawag dito.”

Ito na ang lumapit sa kanya nang nanatili lang siyang nakatayo roon. “Tama nga si Miss Mikee. Masyado kang naging abala sa trabaho na hindi mo na alam kung paano mag-enjoy.”

Napaangat siya ng tingin. 

“Hindi ko alam kung ano ang istorya ng buhay mo pero gusto ko lang malaman mo na lahat - at walang exception - lahat ng tao, dapat marunong mag-enjoy sa buhay. Ma-in love, ma-experience ang pleasure. Hindi mo alam kung ano ang nami-miss mo, Savannah. At nakakalungkot lang malaman na isang napakagandang babae na tulad mo ang walang desire for pleasure…” 

Hindi inaasahan ni Savannah na tatagos sa kanya ang sinabi ng binata. “Male escort ka ba talaga o therapist, huh, Zach?”

“P’wedeng pareho.”

~~ 

TILA kumikinang ang balat ng dalaga sa tama ng liwanag ng buwan. Kanina pa kating-kati si Zach na hawakan ang mahaba nitong buhok na sumasabay sa ihip ng hangin. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito sa suot na puting summer dress at hindi niya alam kung pansin nito ang mga titig niya.

Nang alukin siyang muli ng trabaho ni Mrs. Legaspi, nagdalawang-isip siya kung tatanggapin iyon. Isang taon na mula nang iwan niya ang pagiging male escort at sinabi niya sa sarili na hangga’t maaari ay hindi na siya babalik sa ganoong trabaho pero wala naman siyang ibang pagpipilian. 

Gusto niyang magalit sa ama at sisihin ito sa lahat ng nangyayari sa kanilang magkapatid. How dare him make a deal with someone without consulting them in the first place? Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung paano nito nagawang ipagkatiwala ang kapatid na si Tanja sa taong hindi nito kilala na para bang pambayad-utang? May rason ang tatay nila, iyon ang laging sinasabi ni Tanja pero hindi niya iyon pinaniniwalaan. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang isakripisyo ang kanyang kapatid dahil lang mga kasalanan ng kanilang ama? Ngayon, kailangang bumalik ni Zach sa dating gawi, at lunukin ang kanyang dignidad para lang mailigtas ang kapatid sa kung sino mang lalaking iyon. At ang masahol pa roon ay kailangan din niyang isakripisyo ang sarili at ibigay ang lahat ng kagustuhan ng kanyang kliyente sa ayaw man niya o sa gusto.

Pero hindi napigilan ni Zach na mapangiti muli niyang lingunin si Savannah. Mas maganda ito sa inaasahan niya, mas maganda ang hubog ng katawan, at kailangan niyang aminin na si Savannah ang magiging kliyente niya ay wala siyang pagsasakripisyong kailangang gawin. Kailangan pa nga yata niyang ipagpasalamat sa Diyos na kinailangan niyang bumalik sa pagme-male escort dahil kung hindi ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na makilala ang isang Savannah Marie Castello.

Nawala ang lahat ng agam-agam niya nang sandaling makita niya ang dalaga na nakatayo sa entrance ng resort. Hindi niya maipaliwanag pero para siyang na-hipnotismo sa kagandahan nito. Alam niyang hindi niya kailangang mag-effort sa trabaho ngayong gabi dahil sa tulad ni Savannah, willing siyang gawin ang kahit na ano para lamang magustuhan siya nito.

“Medyo mahirap kunin ang kiliti n’yan,” babala pa ni Miss Mikee sa kanya noong tawagan siya nito kahapon. “Basta, hindi siya mabilis ma-turn on. Parang may wall ‘yang babaeng ‘yan sa paligid niya para hindi lumapit ang mga lalaki. Let’s just say na bukod sa masyadong busy ang kaibigan ko na ‘yan, nawalan na siya ng ganang makipag-date. She has become...dull and I want to change that. Sa tulong mo sana, Mr. Zachary. Iparamdam mo sa kanya na kailangan pa rin niya ng lalaki sa buhay. Introduce romance to her again. Let her feel passion. Tease her if you must, do whatever it takes to make her give in to her desire.”

Oh, iyon lang pala. Sisiguraduhin niya na bago matapos ang trabaho niya ay mababago niya ang kung ano mang paniniwala ni Savannah tungkol sa romance.

Hindi man iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng ganoong klaseng misyon, ngayon lang yata siya nagkaroon ng kliyente na tulad ni Savannah. Bukod sa responsibilidad na gawin nang tama ang trabaho, he also has to keep himself in check.

Ang tanong, kaya ba niyang maisakatuparan ang tungkulin sa loob lamang ng isang gabi?

Muli, tinapunan niya ito ng tingin. Kung pagbabasehan ang itsura nito at paraan ng pagdala nito sa sarili, walang makapagsasabi na may galit ito sa lalaki. She looks too lovely to indicate such. Sayang, naisip niya. Sayang ang ganda at karisma nito kung itatago lang nito iyon sa baul. She doesn’t know what she’s missing if she keeps on staying away from men.

“B-bakit mo ako tinititigan nang ganyan?” tanong nito nang mahuli siya nitong nakatitig. 

“I’m sorry. Nai-imagine ko lang na marami siguro ang lalaki na baliw na baliw sa ‘yo.”

Hindi napigilan ni Savannah na matawa. “Well, I don’t think so.”

“Oh believe me. Kung may ibang tao lang siguro dito ngayon, sigurado na mapapatitig silang lahat sa iyo, Savannah. At hindi ko lang maiwasang ma-proud kasi, ako ang kasama mo ngayong gabi.”

Yumuko ito at ngumiti pero ilang saglit lang ay nag-angat rin ito ng tingin. “Alam na alam mo talaga ang mga gustong marinig ng mga babae, ano?” 

“Nagsasabi lang ako ng totoo.” Lumapit siya rito para makita nang husto ang maganda nitong mga mata. Kanina pa niya gustong haplusin ang pisngi nito para malaman kung gaano iyon kakinis pero pinigil niya ang sarili kaya ipinamulsa na lamang niya  ang dalawang kamay para pigilan ang sarili.

“Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan, please.”

“Bakit, hindi ka ba komportable?”

Tumango ito.

“Matagal ka na bang hindi nakikipagtitigan nang ganito kaya hindi na komportable sa’yo?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-five

    TAHIMIK silang nagbihis, kapwa naghahabol pa ng hininga. Dahan-dahang ibinutones ni Sav ang blouse at inaayos ni Zach ang pagkaka-tuck in ng polo nito sa pantalon, habang nakatingin at nakangiti sa kanya.“Back to business?” nakangiti nitong tanong.Napangiti siya habang inaayos ang palda. “Depende.”“Saan?”“Kung available ka Friday night for another…municipal briefing.”He grinned. “Madam Mayor, I am always at your service.”Tiningnan ni Savannah ang sariling repleksyon sa salamin. Magulo ang buhok niya, namumula ang mga labi, nakabukas ang ilang butones ng kanyang blouse. At ang kanyang moral compass? Parang nalaglag yata niya kanina sa ilalim ng kanyang mesa. “Oh my God,” bulong niya habang kinakapa ang buhok gamit ang mga daliri. “Mayor ako, hindi bold star!” Taranta niyang hinanap ang compact mirror sa bag at nang makita ang repleksyon doon ay halos mapasigaw siya. Ang lipstick niya? Parang dinaanan ng tren papuntang Bicol! At ang eyeliner? Sabihin na lang nating ang peg niya

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-four

    NAPALUNOK siya. And when he leaned forward to kiss her knee, her breath hitched. Tinapunan siya nito ng tingin habang hinahalikan nito ang kanyang hita, na para bang naghihintay ng grasya mula sa langit.“Zach, please…” Sav’s hands went to his shoulders, nails digging in she opened her legs just a little bit more.“Hmm.” He smiled against her skin, lips trailing slow, burning kisses to her inner thigh. He then slowly rose from his knees, hands dragging up the sides of her legs until he was standing between her knees, caging her in the office chair. And then he kissed her. It was not sweet, it was not slow. It was starved.Gusto nilang iparamdam sa mga halik na iyon na hindi na nila kayang magkunwari. Naglakbay ang mga kamay ni Zach sa likod ni Sav at inilapit siya nito sa dulo ng upuan, dahilan para malilis ang suot niyang palda hanggang sa baywang. Halos matanggal na rin ang pagkakabutones ng kanyang blouse dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata.“Zach, baka may makakita sa -”“

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-three

    MEDYO basa si Zach nang dumating na para bang wala itong oras na magpayong at basta na lamang tumakbo papunta sa kanya. Binuksan ni Sav ang pinto na tanging lumang T-shirt lamang ang suot. Neither of them spoke. She stepped aside so that he could enter. Ilang segundo rin silang nanatili lang na nakatayo sa gitna ng living room habang nakatingin sa isa’t-isa.“Bakit mo nga uli ako tinawagan?” mapanuksong tanong ni Zach.Tumingala siya para diretso itong matingnan sa mata. “Bakit ka nga uli pumunta dito?” balik niyang tanong nang nakangiti.“Hindi na dapat ako nagpunta, ‘no? Dis-oras na ng gabi.”Tumango si Sav at pagkatapos ay muling natahimik.Without a word, Zach stepped toward her. Hindi siya umiwas nang lumapit ito at hawakan ang magkabila niyang kamay. The moment their hands met, it was like the world around them disappeared.Marahan siya nitong hinatak palapit at inangkin ang naghihintay niyang mga labi. The kiss was hungry, desperate, as if releasing everything they’d been holdi

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-two

    FOR someone used to control, this kind of silence was slowly killing her. Na-master na yata ni Savannah an art of compartmentalization – duty niya sa public bilang alkalde, sakit ng ulo dahil sa mga problema sa politika, mga personal na problema at kung anu-ano pa. Kayang-kaya niyang i-manage ang buong bayan pero bakit parang hirap na hirap siyang i-manage ang tulad ni Zach?It has been five days since she last saw him. Walang text, walang tawag. Kahit missed call, wala. At ang pinakamalala? Alam niya kung bakit.Dahil iyon ang utos niya.“Hindi tayo p’wedeng laging makitang magkasama,” marahan niyang sabi. “Basta I’ll be the one to contact you. I’ll set the pace.”At ito namang si Zach, being the respectful, maddeningly obedient boyfriend that he was, did exactly just that. Sinunod siya nito. To the letter.At ngayon, gusto niyang itapon sa dingding ang hawak na telepono.Sinubukan niyang mag-focus sa community budget revision na kanina pa naroon sa kanyang mesa pero kahit ilang bese

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty-one

    WALANG nagawa si Savannah. She’s too stunned to do anything. Nanatili lang siyang nakaupo sa harap ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili habang kinakain ng konsensiya. Tinitigan lang niya ang mga pinggang halos wala nang laman at ang naiwang baso ng wine ni Zach.She hated this and she hated that she hurt him. Galit siya sa sarili niya dahil pilit pa rin niyang pinoprotektahan ang sariling imahe bilang mayor, kahit pa nga ang gusto lang naman niyang protektahan ay si Zach, na ngayon ay wala na. But she also hated how he made it sound so simple. Na para bang gano’n kadali na iwan niya ang buhay niya bilang mayor para lamang dito. Kaya nga ba niyang iwan ang lahat? Kung puso niya ang tatanungin, walang kaabug-abog na oo ang sagot. She loves Zach, she’s certain of that now at kaya niyang gawin ang lahat para lang makasama niya ito kahit habang-buhay pa. Pero kung tatanungin ang kanyang utak, malinaw ang isasagot nito. “Zach, wait!” Bago pa tuluyang makalayo si Zach ay pilit niya i

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Forty

    SAVANNAH never thought silence could be deafening that night. Walang ibang ingay kundi ang tunog ng mga kubyertos sa pinggan sa mesa at ang mahinang ugong mula sa ceiling fan.Sinigurado niyang maganda ang pagkakaayos ng mesa para sa gabing iyon. Iniluto niya ang specialty niyang Creamy Truffle Pasta with garlic bread at nagsindi pa ng kandila para maging romantic ang ambiance. Romantic ambiance. Iyon naman talaga ang dapat sa gabing iyon pero habang nakaupo sa harap niya si Zach, hindi niya alam kung magiging romantic pa nga ba ang gabi. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito pero halata sa mga mata ng binata ang pagkalito.Huminga siya nang malalim. “Kinausap uli ako ni Mikee kanina.”“Tungkol saan?” Ito na. “Tungkol sa...atin.”Saglit itong natigilan. Mula sa nilalaru-laro nitong napkin ay nag-angat ito ng tingin. She cleared her throat. “May mga lumabas na photos...videos...no’ng party last week. And no’ng nag-mall tayo last time.”“Hulaan ko. Masyadong silang naeskandalo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status