LOGIN
“PAPUNTA na siya, Sav. Be ready! Happy birthday, bff! Enjoy your night!”
Iyon ang natanggap na mensahe ni Savannah galing kay Mikee, ang assistant at matalik niyang kaibigan, habang naglalakad sa mahabang dalampasigan. At wala pa ngang ilang minuto ay namataan na niya ang isang matangkad na lalaking palapit sa kanyang direksyon. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang hawak nitong pumpon ng mga bulaklak. Pero hindi iyon ang nakatawag ng kanyang atensyon kundi ang napakagandang ngiti ng binata.
“Savannah?”
Literal siyang napanganga. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung bakit hindi siya makagalaw o hindi man lamang makapagsalita. Hawak pa rin niya ang kanyang cellphone, nakadikit sa kanyang dibdib na para bang mapipigilan no’n ang malakas na pagpintig ng puso.
“Zach,” marahan nitong pagpapakilala. Inilahad nito ang kamay at ngumiti na nagpalabas sa malalim nitong mga dimples sa pisngi. “Ako ang magiging date mo ngayong gabi.”
Pinili ni Savannah na doon na lang sa bar ng kanilang resort mag-dinner para makaiwas sa mga mata ng tao at hindi sila mapag-usapan. Moderno ang estilo ng bar, na pinaganda ng wood accents sa dingding at kisame. Malalaki ang bintana ng lugar kaya naman ramdam na ramdam ang malamig na hangin mula sa dalampasigan.
Kung siya ang tatanungin, papasa si Zach bilang isa sa mga modelo na nakikita sa mga magazine at billboard. Makapal ang kilay, chiseled jawline, hanggang balikat na buhok na alun-alon. Kayumanggi ang kulay nito na para bang buong buhay itong nakatira sa tabing-dagat. Bagay na bagay rito ang suot na itim na polo na pinatungan ng itim na suit. He’s a head turner and he knew it. Siguradong nag-e-enjoy ito sa atensiyon ng mga kababaihan lalo na sa tuwing nakakakuha ito ng mga nakaw na tingin at matamis na ngiti.
Mataman lang niya itong pinagmasdan habang kinakausap nito si Gus, ang kanilang waiter at bartender sa resort. Masarap sa tainga ang baritono nitong boses at hindi niya mapigilan ang sariling isipin na marahil ay masarap marinig ang ungol nito kapag...
Napailing siya at napayuko. Napahaplos siya sa batok nang wala sa oras.
“Okay ka lang?” narinig niyang tanong nito nang wala na ang waiter.
Tumango siya, pilit pa ring hinahanap ang tamang salita.
“By the way, happy birthday, Savannah.” Iniabot nito sa kanya ang dalang rosas. “Sana magustuhan mo ang mga bulaklak.”
“Thank you,” mahina niyang tugon. “Hindi ka na dapat nag-abala pero salamat.”
Mas lumaki ang ngiti ni Zach na nagpangiti rin sa kanya. Wala itong anupamang sinabi na tila naghihintay na siya ang unang magbukas ng paksa na maaaring pag-usapan.
“So...”
“I’m sorry. Sobrang tagal na since the last time na nakipag-dinner ako tulad nito so I’m a bit lost. Hindi na ako aware sa mga rules.”
“Well, wala namang rules. Wala namang nagbago. Kakain tayo, iinom kung gusto mo, pagkatapos, mag-uusap tungkol sa kahit na ano. Nasa sa ‘yo na kung ano pa ang gusto mong gawin.”
Huminga siya nang malalim. Bakit nga ba siya kinakabahan samantalang halos araw-araw naman siyang nakikipagkita at nakikipag-usap sa mga tao na hindi niya kilala? Pero iba ito, inaamin niya. Hindi dapat siya kinakabahan nang gano’n pero may kung ano talaga sa lalaking iyon, na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.
Siguro dahil nga sa matagal na mula nang huli siyang makaramdam ng ganoong attraction sa isang lalaki. Siguro, dahil matagal na simula noong huli niyang sexual encounter kaya ganoon na lang ang pakiramdam niya. Kaya nga iyon naisip ni Mikee, to force her to loosen up a bit.
“Siguro, p’wede tayong magsimula sa usual introduction?” alanganin niyang tanong. “Tulad ng…ano ang ginagawa mo, ano ang traaho mo…mga gano’ng bagay.”
Marahan itong umiling. “Sorry pero sa trabaho namin, as much as possible, iniiwasan namin na pag-usapan ang tungkol sa personal naming buhay...hindi ba nabanggit ‘yon sa iyo?”
“Trabaho? Bakit, secret agent ka ba or something?” At nakuha pa niyang tumawa.
“Hindi. Male escort ako .”
“Male escort? A-anong ibig mong sabihing male escort?” Napatayo nang di-oras si Savannah sa sobrang gulat. Mabuti na lamang at bukod sa kanilang dalawa ay wala nang tao sa kabuuan ng bar maliban kay Gus na nakaupo sa sulok at abala sa cellphone nito.
“Male escort...” Halata sa itsura ng binata na naguguluhan din ito sa mga nangyayari. “Hi-nire ako ni Miss Mikee para makasama mo ngayong gabi.”
“So, hindi ito blind date lang?”
“Well.” Napakamot ito sa ulo at napailing. “Parang gano’n na rin siguro dahil hindi naman tayo magkakilala, diba? Blind date na rin siguro pero...upgraded?”
Kahit gulung-gulo at gusto niyang magalit kay Mikee ay hindi niya napigilang mapangiti. Kung ganoong ka-guwapo ba naman ang magbibiro nang ganoon, kahit sinong babae ay mapapangiti.
Bago sa kanya ang konsepto ng male escort. Hindi siya ‘yung tipong mahilig sa adventure lalo na pagdating sa pakikipag-date, romance at intimacy. Nakapunta na siya sa iba’t-ibang bansa na may iba’t-ibang kultura at kahit pa nga alam niyang nag-e-exist ang male escorts, hindi niya naisip na darating ang panahon na mararanasan niya at makakakilala siya ng isang tulad nito.
Oo nga’t tanggap na ang male escort services sa panahon ngayon, iba ang usapan sa isang maliit at payak na nayon tulad ng lugar nila.
“Huwag kang mag-alala, hindi ako nangangagat,” pagkadaka’y sabi nito nang mapansin ang kanyang matagal na pananahimik. “Well, kung…gusto mo, game ako at sisiguruhin ko na ma-e-enjoy mo ‘yon.”
“Oh, talaga, ha?” Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi pero hindi niya hahayaan na apektado siya sa pagpapa-cute nito sa kanya.
“Talagang-talaga.”
Nang dumating ang kanilang order, sinigurado ni Zach na asikasuhin siya nang mabuti. Ito ang nagsalin ng wine sa kanyang baso, ito rin ang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato. She must admit that she’s starting to be impressed with the gentleman. Halatang sanay na sanay ito sa ganoon, sa pag-aasikaso sa mga babae at siyempre, sa pagpapa-cute. Pero cute naman na ito, without even trying, sabi niya sa sarili.
“I’m sorry to ask you this pero curious lang ako. Kung hindi p’wedeng pag-usapan, okay lang kung hindi mo sagutin,” alanganin niyang sabi. “How long have you been a...”
“Male escort? Almost two years.” Ngumiti ito na ikinaluwag ng dibdib.
Gusto niyang magtanong pa ng maraming tanong pero pinili na lang niyang manahimik at mag-focus sa kanyang pagkain. Gusto niyang malaman kung bakit ito pumasok sa ganoong trabaho pero ayaw naman niyang isipin nito na mababa ang tingin niya sa pagiging male escort at baka ma-offend ito. Hindi naman sa ganoon dahil wala naman siyang karapatang manghusga at sa tingin niya ay wala naman na siyang pakialam kahit ano pang trabaho ang mayroon ang binata. Curious lang talaga siya sa whole male escort thing at gusto niyang marinig mula rito ang tungkol doon.
“P’wedeng ako naman ang magtanong?”
Tumango lang siya habang nilalaro ang dahon ng dala nitong bulaklak sa ibabaw ng mesa.
“Kung hindi p’wedeng pag-usapan, huwag mo nang sagutin,” biro nito, na nagpangiti sa kanya. “Nabanggit kasi sa akin ni...” saglit itong nag-isip. “Miss Mikee na medyo matagal ka na raw single at kailangan ko raw maging gentle. Gusto ko lang malaman kung gaano ba dapat ka-gentle.”
Muli, ramdam ni Savannah ang pag-iinit ng mga pisngi. “Ano pa ang mga sinabi ni Mikee sa’yo tungkol sa akin?”
Dahan-dahan itong sumandal matapos uminom ng wine. Umiling ito. “Pinaalalahanan niya ako na huwag daw akong matakot kung magtaray ka kasi kahit daw masungit ka at mataray, mabait ka naman daw, lalo na kapag tulog.”
“Naku, lagot talaga sa akin ‘yang babae’ng ‘yan,” matigas pero nakangiti niyang komento.
“Nasabi rin niya na sasabihin mo ‘yan sa akin tungkol sa kanya.”
Natawa siya. “Don’t believe everything that she said about me. Gano’n talaga ‘yon, past time niya ang inisin ako.”
Tumangu-tango si Zach. Hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya at habang tumatagal ay nagugustuhan niya iyon.
“Hindi ko alam kung ano pa ang mga nasabi niya sa ‘yo pero I just want to make this clear. Wala akong alam tungkol dito. Actually, kanina lang sinabi sa akin ni Mikee na may surprise gift siya sa akin at...ikaw pala ‘yon, na supposedly blind date ko. Hay, hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak n’on at naisip niyang gawin ‘to.”
“Gusto lang siguro niyang mag-enjoy ka sa birthday mo.”
“Enjoy na paano?” natatawa niyang tanong kahit pa nga alam na niya ang sagot doon. Knowing Mikee, the word ‘enjoy’ means a lot, lot more.
“You have a good, thoughtful friend, ‘yon lang ang masasabi ko.”
Ah, iyon naman ang totoo. College days pa lang, napatunayan na niya na kung may isang tao na mapagkakatiwalaan niya kahit ng kanyang buhay, si Mikee ‘yon. Pero minsan talaga, gusto niyang itanong sa sarili kung paano niya ito naging kaibigan dahil hilig na hilig nito ang inisin siya. Tulad na lang ngayon.
“So, maaga pa, ano pa ang gusto mong gawin? P’wede tayong makinig sa acoustic live band d’yan sa katabing bar or mag-bar hopping. How about night swimming? Sabi ni Mikee, mahilig ka raw lumangoy.”
Tumango siya pero umiling din. Bukod sa wala siya sa mood lumangoy nang gabing iyon, hindi niya alam kung tama ba na sumama siya sa lalaking iyon na ilang oras pa lang niya nakikilala.
“P’wede rin naman tayong maglakad-lakad lang sa beach habang nagkukwentuhan. P’wede tayong gumawa ng bonfire, uminom kaunti...p’wede rin akong tumugtog ng gitara para sa iyo.”
“Tumutugtog ka ng gitara?”
“Yes, ma’am.”
Isa iyon sa mga hinahangaan niya sa isang lalaki. Hindi alam ni Savannah kung ano ang mararamdaman. Is this guy for real? Oh well, male escort ito at siguro, marami itong napagdaanang training kung paano paibigin ang kahit na sinong babae.
“O gusto mo na bang tapusin na natin ang…date natin?”
Gusto na nga ba niyang tapusin ang gabi? Tiningnan niya ang oras sa suot na wristwatch. Ten in the evening. Kung ordinaryong gabi lang, naghahanda na siyang matulog sa mga oras na iyon pero ngayon, wala siyang nararamdamang kahit kaunting antok.
“Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong gawin natin, gagawin natin.”
“Kahit ano?”
Tumango ito. “Kahit ano. Parte ‘yon ng trabaho ko bilang isang male escort. Ang ibigay ang kahit anong gusto at kailangan ng kliyente. Responsibilidad namin na i-satify ang bawat customer. Sa kahit anong paraan.”
Sa kahit anong paraan. Napalunok siya. “Hindi ba mahirap ‘yon?”
“Lahat naman ng trabaho, mahirap, diba? Sanayan lang siguro talaga.”
Kung sabagay, may punto ito. “Anu-ano ang mga usual requests from your clients, if you don’t mind me asking?”
Tumingala ito sa saglit na natahimik. “Companionship, usually. Kailangan nila ng ka-date on Valentine’s, Christmas or special occasions. ‘Yung iba gusto lang ng may makasama for the entire day. Meron ding may gustong pagselosing ex so they hire my service as a pretend boyfriend.”
“P’wede kang mag-pretend na boyfriend?”
Tumango ito. “At pagselosin ang ex nila hanggang sa bumalik sa kanila.”
Tila may lightbulb na lumitaw sa ibabaw ng ulo ni Savannah na tila napansin ng binata.
“May kailangan ka bang pagselosin? Sabihin mo lang,” biro nito.
“Pag-iisipan ko ‘yan,” natatawa niyang tugon.
“Isa ‘yan sa mga expertise ko, sa totoo lang.”
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung dahil iyon sa marami-raming wine na nainom o sa mga ngiti at titig ni Zach o sa ideyang ibinigay ng binata. Kung may isang bagay na gusto niyang gawin, iyon ay ang makita si Kristoffer at ipakita rito na naka-move on na siya at masaya na sa buhay. Gusto niyang iparamdam dito ang sakit na dulot nito sa kanya noong ipagpalit siya nito sa iba at gusto niyang ipaalam dito na kaya niyang magmahal ng iba, ng lalaki na mas higit pa rito sa lahat ng aspeto.
“Sino ba siya?”
Ilang sandali rin niyang pinag-isipan kung dapat niyang ikuwento kay Zach ang tungkol sa kanyang nakaraan dahil hindi naman niya ito kilala. “Kristoffer. One word - cheater.” sa wakas ay sagot niya.
“Another word - jerk.”
Natawa si Savannah. “And that.”
“Sabihin mo lang kung ano ang plano mo, I’ll be more than willing to help.”
NAPALUNOK siya. And when he leaned forward to kiss her knee, her breath hitched. Tinapunan siya nito ng tingin habang hinahalikan nito ang kanyang hita, na para bang naghihintay ng grasya mula sa langit.“Zach, please…” Sav’s hands went to his shoulders, nails digging in she opened her legs just a little bit more.“Hmm.” He smiled against her skin, lips trailing slow, burning kisses to her inner thigh. He then slowly rose from his knees, hands dragging up the sides of her legs until he was standing between her knees, caging her in the office chair. And then he kissed her. It was not sweet, it was not slow. It was starved.Gusto nilang iparamdam sa mga halik na iyon na hindi na nila kayang magkunwari. Naglakbay ang mga kamay ni Zach sa likod ni Sav at inilapit siya nito sa dulo ng upuan, dahilan para malilis ang suot niyang palda hanggang sa baywang. Halos matanggal na rin ang pagkakabutones ng kanyang blouse dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata.“Zach, baka may makakita sa -”“
MEDYO basa si Zach nang dumating na para bang wala itong oras na magpayong at basta na lamang tumakbo papunta sa kanya. Binuksan ni Sav ang pinto na tanging lumang T-shirt lamang ang suot. Neither of them spoke. She stepped aside so that he could enter. Ilang segundo rin silang nanatili lang na nakatayo sa gitna ng living room habang nakatingin sa isa’t-isa.“Bakit mo nga uli ako tinawagan?” mapanuksong tanong ni Zach.Tumingala siya para diretso itong matingnan sa mata. “Bakit ka nga uli pumunta dito?” balik niyang tanong nang nakangiti.“Hindi na dapat ako nagpunta, ‘no? Dis-oras na ng gabi.”Tumango si Sav at pagkatapos ay muling natahimik.Without a word, Zach stepped toward her. Hindi siya umiwas nang lumapit ito at hawakan ang magkabila niyang kamay. The moment their hands met, it was like the world around them disappeared.Marahan siya nitong hinatak palapit at inangkin ang naghihintay niyang mga labi. The kiss was hungry, desperate, as if releasing everything they’d been holdi
FOR someone used to control, this kind of silence was slowly killing her. Na-master na yata ni Savannah an art of compartmentalization – duty niya sa public bilang alkalde, sakit ng ulo dahil sa mga problema sa politika, mga personal na problema at kung anu-ano pa. Kayang-kaya niyang i-manage ang buong bayan pero bakit parang hirap na hirap siyang i-manage ang tulad ni Zach?It has been five days since she last saw him. Walang text, walang tawag. Kahit missed call, wala. At ang pinakamalala? Alam niya kung bakit.Dahil iyon ang utos niya.“Hindi tayo p’wedeng laging makitang magkasama,” marahan niyang sabi. “Basta I’ll be the one to contact you. I’ll set the pace.”At ito namang si Zach, being the respectful, maddeningly obedient boyfriend that he was, did exactly just that. Sinunod siya nito. To the letter.At ngayon, gusto niyang itapon sa dingding ang hawak na telepono.Sinubukan niyang mag-focus sa community budget revision na kanina pa naroon sa kanyang mesa pero kahit ilang bese
WALANG nagawa si Savannah. She’s too stunned to do anything. Nanatili lang siyang nakaupo sa harap ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili habang kinakain ng konsensiya. Tinitigan lang niya ang mga pinggang halos wala nang laman at ang naiwang baso ng wine ni Zach.She hated this and she hated that she hurt him. Galit siya sa sarili niya dahil pilit pa rin niyang pinoprotektahan ang sariling imahe bilang mayor, kahit pa nga ang gusto lang naman niyang protektahan ay si Zach, na ngayon ay wala na. But she also hated how he made it sound so simple. Na para bang gano’n kadali na iwan niya ang buhay niya bilang mayor para lamang dito. Kaya nga ba niyang iwan ang lahat? Kung puso niya ang tatanungin, walang kaabug-abog na oo ang sagot. She loves Zach, she’s certain of that now at kaya niyang gawin ang lahat para lang makasama niya ito kahit habang-buhay pa. Pero kung tatanungin ang kanyang utak, malinaw ang isasagot nito. “Zach, wait!” Bago pa tuluyang makalayo si Zach ay pilit niya i
SAVANNAH never thought silence could be deafening that night. Walang ibang ingay kundi ang tunog ng mga kubyertos sa pinggan sa mesa at ang mahinang ugong mula sa ceiling fan.Sinigurado niyang maganda ang pagkakaayos ng mesa para sa gabing iyon. Iniluto niya ang specialty niyang Creamy Truffle Pasta with garlic bread at nagsindi pa ng kandila para maging romantic ang ambiance. Romantic ambiance. Iyon naman talaga ang dapat sa gabing iyon pero habang nakaupo sa harap niya si Zach, hindi niya alam kung magiging romantic pa nga ba ang gabi. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito pero halata sa mga mata ng binata ang pagkalito.Huminga siya nang malalim. “Kinausap uli ako ni Mikee kanina.”“Tungkol saan?” Ito na. “Tungkol sa...atin.”Saglit itong natigilan. Mula sa nilalaru-laro nitong napkin ay nag-angat ito ng tingin. She cleared her throat. “May mga lumabas na photos...videos...no’ng party last week. And no’ng nag-mall tayo last time.”“Hulaan ko. Masyadong silang naeskandalo
HINDI mapigilang mapangiti ni Sav nang kunin ni Zach ang kanyang kamay paglabas na paglabas nila ng kanyang bahay. Saglit itong tumigil para bumulong, “Kalimutan mo muna ang pagiging mayor mo ngayon, ha. Let’s just have fun. I’m gonna make you forget about all that stuff for a while.”Kahit pa gusto niyang tumanggi dahil sa dami ng kailangan niyang gawin at dahil na rin sa mga responsibilidad niya bilang alkalde, hindi niya magawa. Dahil tama si Zach. She had spent so many days carrying the weight of her title, ‘yung constant pressure, ‘yung expectations ng lahat sa kanya, pero ngayong kasama niya ito, parang walang balewala ang lahat. Sa tuwing kasama niya ito, pakiramdam niya ay isang normal na babae lang na walang inaalalang problema ng iba.Una, nagpunta sila sa mall. Sa matagal na panahon, ngayon na lang uli niya naranasang makapaglakad sa pampublikong lugar na walang ibang kasama – walang bodyguard, walang assistant. While walking, she found herself laughing like a giddy schoolg







